Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig : Kabanata 521 - Kabanata 530

908 Kabanata

Kabanata 522

Si Ling Yiran ang nagmamaneho sa aksidente na nangyari kay Hao Meiyu at nagda-date sila ni Yi Jinli ngayon. Sila ang hindi inaasahan na magiging magkarelasyon. Sinong mag-aakala?Bang!Isang malakas na tunog ang tumama sa sahig ang narinig ni Ye Chongwei sa likuran niya. Tumalikod siya at nakita na sobrang hina ng mga binti ni Wang Yuqian na naging dahilan kung bakit natumba siya ulit.Tiningnan ni Ye Chongwei si Wang Yuqian na para bang sinusumpa niya ang pamilya nito. Malapit nang matanggal si Wang Yuqian sa mayayaman sa lipunan.Pagkatapos nang lahat, hindi kailanman naging mabait na tao si Yi Jinli.Sa sandaling ‘yon, sina Lu Zhener at Zhao Yingyi ay natatakot. Ito ay totoo. Kahit na ayaw nila, halata sa mga mata nilang natatakot sila.Ang pinakitang ugali ni Yi Jinli kanina ay alam na niya nakulong na si Ling Yiran dati. Kaya naman, ang ginawa ni Wang Yuqian ang magiging dahilan sa kanyang pagkamatay.Hindi na dapat banggitin, lumuhod pa si Yi Jinli sa harapan ni Ling Yiran
Magbasa pa

Kabanata 523

“Masyado nang magulo rito, Ziqi. Samahan mo ako pabalik sa hardin para makalanghap nang sariwang hangin.” Sabi ni Haao Yimeng.“Sige.” Isang komplikadong ekspresyon ang makikita sa mukha ni Ziqi sakanyang mapapangasawa. “Pinigilan mo akong magsalita kasi gusto mong gawin ‘yon?” tanong niya.“Oo. Wala namang saysay kung babalaan mo ang isang tao na hinihiling mamatay.” Nakangiting sinabi ni Hao Yimeng, “Atsaka bukod satin, marami pang ibang tao ang pwedeng manakit kay Jinli.”Nakita ni Ziqi ang ngiti sa mga labi nang kanyang mapapangasawa at agad siyang nakaramdam nang pagkatalo. Para bang may nawala sakanya na hindi na niya kayang ibalik.Ngayon, ang kaya nalang niyang gawin ay idikit ang sarili niya sa babaeng nasa harapan niya para sakanilang pamilya!Hindi nalalayo, may isang tao na parang nanglalamig matapos ang sitwasyon.Nanonood si Gu Lichen habang ang tatlong babae ay nagtatalo. Lumingon lamang siya at inubos ang wine na iniinom niya.Lumipas ang ilang sandali, sinubukan
Magbasa pa

Kabanata 524

Naramdaman ni Yi Jinli na parang tinutusok ang puso niya.“Isang kahihiyan yung damit ko. Isang beses ko palang ito nasusuot pero sira na siya.” Sabi ni Ling Yiran na may pagsisisi. Kahit na pwede pa itong maayos, matrabaho ang pagtahi nito dahil magandang klase ang tela nito.“Bibilhan nalang kita ng bago basta okay ka lang.” sabi ni Jinli.Umiling si Yiran at nakangiting sinabi, “Okay lang ako, hindi naman ako mahina tulad nang iniisip mo.”Pero, ang mga ngiti ni Ling Yiran ay mas naparamdam kay Jinli na hindi siya maayos. Oo, kahit na mapayat siya at mahina, matagal na siyang masigasig.Sa tagal niya itong nakasama, naintindihan ni Yi Jinli ang ugali niya higit pa sa kahit na sino. Ngunit, dahil ‘don, lalo pa niyang naramdaman na may kasalanan siya.Kinailangan niyang maging malakas dahil sa mga pinagdaanan niya.“Pasensya na…” biglang sinabi ni Jinli.Nalito si Yiran, “Bakit ka humihingi nang pasensya?”“dapat binilisan ko ang pagtulong para malaman ang katotohanan tungkol
Magbasa pa

Kabanata 525

“Sige, hayaan mong hawakan muna kita sandali. Maya-maya ay dadating na rito ang driver.” Bulong ni Jinli. Pinagmasdan niya ang babae na nasa braso niya at lumingon para tingnan si Gu Lichen na nanonood malapit sakanila.Nagkasalubong muli ang mga mata nila.Matapos ang ilang sandali, isang itim na kotse ang dumating sa harapan ni Jinli at inalis niya ang kanyang tingin. Pagkatapos ang ilang segundo, sumakay na si Jinli at Yiran sa loob ng kotse. Nakatalikod si Yiran sa dalawa kaya naman hindi na niya ito nakita.Pinagdikit ni Luoyin ang kanyang mga labi hanggang sa mawala ang itim na sasakyan. Tumingala siya, “Li…”Binuksan niya lang ang kanyang bibig at ang mga sasabihin niya ay hindi na lumabas. Ang gwapong lalaki na nasa tabi niya ay madalas malamig at walang emosyon pero ngayon ay mukhang nasupil at inapi. Para bang pinipigilan niya ang sarili niya. Isa siyang lalaki… desperadong pinipigilan ang kanyang pagseselos!…Nang makabalik na si Ling Yiran sa Yi Residence, tiningna
Magbasa pa

Kabanata 526

Bago sa pandinig ni Ling Yiran na may tinatawagan na kaibigan si Yi Jinli, siguro ay malapit sakanya si Ye Chongwei. “Hello, ako nga pala si Ling Yiran.”Pinakilala ni Ling Yiran ang kanyang sarili.“Hello, gustong gusto kita makilala matagal na, pero hindi lang ako nagkakaroon nang pagkakataon.” Sabi ni Ye Chongwei nang nakangiti. Pagkatapos nang lahat, matagal na siyang nauusisa sa babaeng nagpapatibok ng puso ng best friend niya.Sa gabi ng Lunar New Year, nagulat si Ye Chongwei at naintriga sa katotohanan na ang best friend niya ay nagdala ng isang grupo ng mga pulis sa bayan malapit sa Shen City para sakanya. Iniwanan niya si Old Master Yi para sakanya.Ngayon, pagkatapos niyang makilala si Ling Yiran, akala niya na kahit hindi masyadong maganda si Ling Yiran, ang mga mata naman niya ay nagpapakalma nang pakiramdam. Ito ay nakakarelax.Sa tabi ni Ling Yiran, mas relax pa si Yi Jinli kaysa sa natural niyang pagkatao.Naintindihan agad ni Ye Chongwei kung bakit nahulog ang loo
Magbasa pa

Kabanata 527

Iniiisip ni Ling Yiran kung anong klaseng tao ang nakasama ni Sis Zhuo sa pagkadalaga at nagkaroon siya ng anak.Kung ang isang babae ay handang maging ina kahit na hindi sila kasal ay marahil mahal ni Sis Zhuo ang lalaking ito. Kung hindi ay marahil ipinalaglag na lang niya ang bata.“Paano… paano mo nalaman?” Gulat na tinanong ni Ling Yiran.Ngumiti si Yi Jinli, itinaas ang kanyang kamay at dahan-dahang iniusod ang buhok na nasa pisngi ni Ling Yiran papunta sa likod ng kanyang tenga.”Hindi mo inaasahang hindi ko kakilala ang mga tao sa pinagtatrabahuhan mo, hindi ba? Dahil pinili mong magtrabaho doon, natural, kailangan ko silang makilala.”Nilagok ni Ling Yiran ang kanyang laway na nabuo sa kanyang lalamunan at tinitigan si Yi Jinli. Wala siyang ideya na pati iyon ay gagawin pa niya.Ang katahimikan ni Ling Yiran ay naging udyok upang sumimangot ng konti si Yi Jinli. Dahan-dahang napuna ang kanyang mga mata ng kalungkutan. “Hindi mo gusto? Pakiramdam mo ba ay parang may nanonoo
Magbasa pa

Kabanata 528

Tumango at natahimik si Ling Yiran. Akala niya na sa likod ng babaeng may anak ay konti lamang ang problema nito. Hindi niya inakalang ang mga bagay ay ganito kakumplikado.Ang babaeng itinapon sa bilangguan ay tatay ng kanyang anak. Gaano karaming tao ang makakayanan ang ganitong pangyayari?Hindi madali para kay Zhuo Qianyun na magbukas ng maliit na restawran, at pagsabayin ito sa paglaki ni Lil Yan.“Anong problema? Naaawa ka ba kay Zhuo Qianyun?” Tanong ni Yi Jinli.“Oo, sa tingin ko ay naging mahirap ang buhay ni Sis Zhuo,” bulong ni Ling Yiran.Tiningnan ni Yi Jinli ang nag-aalala na ekspresyon ni Ling Yiran. Nag-aalala siya kay Zhuo Qianyun?Dati ay nag-aalala lamang siya sa kanyang lola at kah Qin Lianyi. Ngunit ngayon ay mas marami na siyang taong inaalala. Ang mapait at maasim na pakiramdam ay dumaloy ulit sa buong katawan ni Yi Jinli.Alam ni Yi Jinli na ang pag-aalala ni Ling Yiran ay hindi tungkol sa romansa. Ngunit hindi mapigilan ni Yi Jinli na magselos.Masyado
Magbasa pa

Kabanata 529

“Tawagin mo ang aking pangalan, Yiran. Sambitin mo…” sabi ni Yi Jinli, ang kanyang namamalat na boses ay parang bang nang-aakit. "Jin..." tinawag niya ito sa kanyang pangalan. Sa susunod na pangyayari, ang mga labi ni Yi Jinli ay nakalapat sa mga labi ni Ling Yiran, at hinalikan niya ito sa hindi maipaliwanag na paraan.Ang boses na bumulong sa kanyang pangalan ay ang pinakamagadang tunog na kanyang narinig sa buong mundo, at gusto niya itong alagaan ng buong buhay niya....Sa mga susunod na araw, ang iskandalo tungkol sa problema sa buwis ng pamilya Wang ay isiniwalat sa buong news media. Kung sinubukan nilang itago ito noon, ngayon ay ang pagtatakip nila ay hindi na mapagkaila. Sa kabilang banda, ang ahensya ng buwis ay nakalikom na ng sapat na ebidensya laban sa pamilya Wang at naghahanda na upang magsampa ng kaso laban rito.Ang pamilya Wang ay napilitang magbayad ng buwis at multa. Kung kaya ang pagdaloy ng pera sa kanilang kumpanya ay nabawasan, at walang bangko ang may
Magbasa pa

Kabanata 530

Parang natamaan ng kidlat si Wang Yuqian nang mapagtanto niya na tila umatte siyang parang payaso noong gabing iyon. Akala niya ay pinagtatawanan niya si Ling Yiran ngunit ang totoo, ang kanyang ginawa ay katawa-tawa sa kanyang sarili at ipinakita niya na siya ay isang malaking biro!...Tinanggihan si Ling Luoyin na patuluyin sa pribadong mansyon ni Gu Lichen at sinabi sa kanya ng alalay ay ganito, “Nakikiusap po kami na umalis na po kayo, Ginang Ling. Sinabi po sa akin na ayaw niya pong makakita ng kung sino man.”“Sinabi mo bang ako ito?” Tanong ni Ling Luoyin. Hindi na niya gaanong nakita si Gu Lichen matapos ang salu-salo. At lagi siyang tumatanggi sa tuwing sinusubukan niyang kausapin si Gu Lichen.Ngayon at diretso na siyang pumunta sa bahay nito ngunit hindi siya pinapasok.“Ayaw pong makakita ni Ginoong Gu ng ‘kahit sino’. Siguro po ay ‘kahit sino’ ay ibig sabihin po ay kasama po kayo, Ginang Ling. O maaari po kayong tumawag kay Ginoong Gu at tanungin kung maaari kayong m
Magbasa pa

Kabanata 531

...Narinig ni Ling Yiran ang tungkol sa mga gawain ng pamilya ng mga Wang sa balita. Kahit na ang tax evasion scandal nila ay patagong na balita noon, sa kakayahan ng pamilya ng mga Wang, hindi agad mapapataob nito ang buong enterprise ng dahil lang dito...Pero na lang kung si Yi Jinli ang nasa likod nito. Malamang, sa mga koneksyon ng pamilya ng mga Wang, kaya nilang humanap ng ilang tutulong at hindi na aabot pa sa puntong sila ay masira.Noong tinanong niya si Yi Jinli tungkol dito, simple lang ang sagot nito, “Trinato ka ng masama ni Wang Yuqian. Syempre, nararapat sa kanila iyon.”“Iyun ang problema niya. Walang kinalaman iyun sa kanyang pamilya...”“Ang business ng pamilya nila ay puno na ng problema. Pasimple ko lang silang naunang nilantad. At tsaka, ang business ay business. Ang mga tao sa mundo ng business ay hindi mga tanga. Marami ang nag aabang na madulas ang pamilya ng mga Wang para makuha nila ang parte ng convenience store chain marker,” sabi ni Yi Jinli.Narin
Magbasa pa
PREV
1
...
5152535455
...
91
DMCA.com Protection Status