Share

Kabanata 524

Naramdaman ni Yi Jinli na parang tinutusok ang puso niya.

“Isang kahihiyan yung damit ko. Isang beses ko palang ito nasusuot pero sira na siya.” Sabi ni Ling Yiran na may pagsisisi. Kahit na pwede pa itong maayos, matrabaho ang pagtahi nito dahil magandang klase ang tela nito.

“Bibilhan nalang kita ng bago basta okay ka lang.” sabi ni Jinli.

Umiling si Yiran at nakangiting sinabi, “Okay lang ako, hindi naman ako mahina tulad nang iniisip mo.”

Pero, ang mga ngiti ni Ling Yiran ay mas naparamdam kay Jinli na hindi siya maayos. Oo, kahit na mapayat siya at mahina, matagal na siyang masigasig.

Sa tagal niya itong nakasama, naintindihan ni Yi Jinli ang ugali niya higit pa sa kahit na sino. Ngunit, dahil ‘don, lalo pa niyang naramdaman na may kasalanan siya.

Kinailangan niyang maging malakas dahil sa mga pinagdaanan niya.

“Pasensya na…” biglang sinabi ni Jinli.

Nalito si Yiran, “Bakit ka humihingi nang pasensya?”

“dapat binilisan ko ang pagtulong para malaman ang katotohanan tungkol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status