Tumango at natahimik si Ling Yiran. Akala niya na sa likod ng babaeng may anak ay konti lamang ang problema nito. Hindi niya inakalang ang mga bagay ay ganito kakumplikado.Ang babaeng itinapon sa bilangguan ay tatay ng kanyang anak. Gaano karaming tao ang makakayanan ang ganitong pangyayari?Hindi madali para kay Zhuo Qianyun na magbukas ng maliit na restawran, at pagsabayin ito sa paglaki ni Lil Yan.“Anong problema? Naaawa ka ba kay Zhuo Qianyun?” Tanong ni Yi Jinli.“Oo, sa tingin ko ay naging mahirap ang buhay ni Sis Zhuo,” bulong ni Ling Yiran.Tiningnan ni Yi Jinli ang nag-aalala na ekspresyon ni Ling Yiran. Nag-aalala siya kay Zhuo Qianyun?Dati ay nag-aalala lamang siya sa kanyang lola at kah Qin Lianyi. Ngunit ngayon ay mas marami na siyang taong inaalala. Ang mapait at maasim na pakiramdam ay dumaloy ulit sa buong katawan ni Yi Jinli.Alam ni Yi Jinli na ang pag-aalala ni Ling Yiran ay hindi tungkol sa romansa. Ngunit hindi mapigilan ni Yi Jinli na magselos.Masyado
“Tawagin mo ang aking pangalan, Yiran. Sambitin mo…” sabi ni Yi Jinli, ang kanyang namamalat na boses ay parang bang nang-aakit. "Jin..." tinawag niya ito sa kanyang pangalan. Sa susunod na pangyayari, ang mga labi ni Yi Jinli ay nakalapat sa mga labi ni Ling Yiran, at hinalikan niya ito sa hindi maipaliwanag na paraan.Ang boses na bumulong sa kanyang pangalan ay ang pinakamagadang tunog na kanyang narinig sa buong mundo, at gusto niya itong alagaan ng buong buhay niya....Sa mga susunod na araw, ang iskandalo tungkol sa problema sa buwis ng pamilya Wang ay isiniwalat sa buong news media. Kung sinubukan nilang itago ito noon, ngayon ay ang pagtatakip nila ay hindi na mapagkaila. Sa kabilang banda, ang ahensya ng buwis ay nakalikom na ng sapat na ebidensya laban sa pamilya Wang at naghahanda na upang magsampa ng kaso laban rito.Ang pamilya Wang ay napilitang magbayad ng buwis at multa. Kung kaya ang pagdaloy ng pera sa kanilang kumpanya ay nabawasan, at walang bangko ang may
Parang natamaan ng kidlat si Wang Yuqian nang mapagtanto niya na tila umatte siyang parang payaso noong gabing iyon. Akala niya ay pinagtatawanan niya si Ling Yiran ngunit ang totoo, ang kanyang ginawa ay katawa-tawa sa kanyang sarili at ipinakita niya na siya ay isang malaking biro!...Tinanggihan si Ling Luoyin na patuluyin sa pribadong mansyon ni Gu Lichen at sinabi sa kanya ng alalay ay ganito, “Nakikiusap po kami na umalis na po kayo, Ginang Ling. Sinabi po sa akin na ayaw niya pong makakita ng kung sino man.”“Sinabi mo bang ako ito?” Tanong ni Ling Luoyin. Hindi na niya gaanong nakita si Gu Lichen matapos ang salu-salo. At lagi siyang tumatanggi sa tuwing sinusubukan niyang kausapin si Gu Lichen.Ngayon at diretso na siyang pumunta sa bahay nito ngunit hindi siya pinapasok.“Ayaw pong makakita ni Ginoong Gu ng ‘kahit sino’. Siguro po ay ‘kahit sino’ ay ibig sabihin po ay kasama po kayo, Ginang Ling. O maaari po kayong tumawag kay Ginoong Gu at tanungin kung maaari kayong m
...Narinig ni Ling Yiran ang tungkol sa mga gawain ng pamilya ng mga Wang sa balita. Kahit na ang tax evasion scandal nila ay patagong na balita noon, sa kakayahan ng pamilya ng mga Wang, hindi agad mapapataob nito ang buong enterprise ng dahil lang dito...Pero na lang kung si Yi Jinli ang nasa likod nito. Malamang, sa mga koneksyon ng pamilya ng mga Wang, kaya nilang humanap ng ilang tutulong at hindi na aabot pa sa puntong sila ay masira.Noong tinanong niya si Yi Jinli tungkol dito, simple lang ang sagot nito, “Trinato ka ng masama ni Wang Yuqian. Syempre, nararapat sa kanila iyon.”“Iyun ang problema niya. Walang kinalaman iyun sa kanyang pamilya...”“Ang business ng pamilya nila ay puno na ng problema. Pasimple ko lang silang naunang nilantad. At tsaka, ang business ay business. Ang mga tao sa mundo ng business ay hindi mga tanga. Marami ang nag aabang na madulas ang pamilya ng mga Wang para makuha nila ang parte ng convenience store chain marker,” sabi ni Yi Jinli.Narin
“Huwag… sobra na ito.” Siya ay isang food delivery rider lamang. Kapag tinulungan siya na humanap ng kapalit ni Yi na Young master ng Shen City para sa kanyang day off, ang mga tao ay pagtatawanan ito ng sobra kapag narinig nila ang tungkol dito.Kaya niya lang itong sisihinnsa pagiging attractive nito masyado na pati siya ay nahulog dito.Well, ngayon sa wakas ay naintindihan na ni Ling Yiran na ang ganda ay kayang guluhin ang tao.“Yiran! Yiran?!” tumunog ang boses ni Zhuo Quianyun sa kanyang tenga, at nawala si Ling Yiran sa kanyang iniisip. “Ah. Anong problema, Sis Zhuo?”“Ako dapat ang nagtatanong sayo kung anong problema. Parang wala ka sa sarili mo ngayon. May problema ba?” Tanong ni Zhuo Qianyun.“Ah, wala,” sabi ninLing Yiran, pero namula siya ulit.“Nga pala, kamusta ang binti ni Mrs. Zhuo?” tanong ni Ling Yiran.Kahapom, nalaglag si Mrs. Zhuo at nabali ang kanyang binti, kaya maaga nagsara si Zhuo Qianyun ng kanyang tindahan at agad na dinala si Mrs. Zhuo sa ospital.
“Hmm. Ano, hindi mo gusto ang premieres?” Tanong ni Yi Jinli.“Hindi, hindi. “ iniling niya ang kanyang ulo ng mabilis. Ang problema ay yung premiere. Hindi iyun basta basta napupuntahan ng ordinaryong tao, at mayroon ding mga celebrity doon.Kaya..Ngunit, nakaya naman ni Ling Yiran na pigilan ang kanyang mga pantasya dahil mayroon siyang misyon ngayon.“Kailangan kong dalhin si Lil Yan sa klase, kaya hindi ako makakapunta,” sabi ni Ling Yiran.Napunta ang tingin ng mga mata ni Yi Jinli sa bata na katabi ni Ling Yiran.“Bakit kailangan na ikaw ang magdala sa kanya sa klase?”tanong niya. Mayroon pang kaunting pagseselos sa kanyang tono.“Nabali ang binti ng nanay ni Sis Zhuo at sasailalim ito sa minor na operasyon ngayong hapon. Kailangan pumunta ni Sis Zhuo sa ospital para samahan ang kanyang nanay, kaya nagvolunteer ako na dalhin si Lil Yan sa klase ngayon.”“...” medyo kumunot ang noo niya dito. Mukhang ang batang nakatayo sa tabi ni Ling Yiran ay hindi sanay sa tingin ni Y
Okay lang kung ganon. Ang premiere ay 5 o ‘clock ng hapon. Pwede pa tayong pumunta pagkatapos ng kanyang klase.”“Oh, pwede pa tayong pumunta?” mukhang gulat si Ling Yiran, dahil hindi niya inakala na makakapunta sila sa premiere.“Bakit hindi?” Hindi niya mapigilang tumawa at sinabing,” kung masyado ng late, kaya kong mag ayos ng isa pang premiere kung gusto mo.” Natigilan si Ling Yiran. Ang mag-ayos ng bagong premiere para sa kanya lang ay… ay sobra sobra. Ngunit, kung iisipin mo, kung si Yi Jinli iyun, ay wala lang ito para sa kanya.Bagaman ay ayaw niya itong mag abala pa masyado para lang mag ayos ng bagong premier para sa kanya, ang puso niya ay nag uumapaw sa tamis dahil sa mga salita nito sa kanya.Eto ang uri ng katamisan na mararamdaman mo kapag ikaw ay minamahal ng totoo.Ng dumating na ang kotse sa destinasyon nito, inalalayan ni Ling Yiran ang kamay ni Lil Yan pababa ng kotse. Sinundan ni Yi Jinli si Ling Yiran habang hinahatid nila si Lil Yan sa kanyang classroom
Mukhang naiinggit, sinabi ng magulang, “Nobyo mo siya? Ang bait naman ng boyfriend mo at sinamahan kang dalhin ang bata sa klase. Kapag kinasal kayo at nagkaroon ng anak, magiging mabuti din siyang tatay. Bihira na lang ang lalaking may ganyang pasensya. Tignan mo na lang kung gaano karaming bata dito na ang kasama ay kanilang nanay.Anak.. di mapigilan ni Ling Yiran na mamula ng kaunti. Ng matapos ang pakikipag usap niya sa magulang, yumuko siya at tumingin sa kanyang tiyan. Hanggang ngayon ay umiinom pa din siya ng mga gamot para makondisyon ang kanyang katawan, pero hindi niya alam kung tumatalab ba ito.Ngunit, isa pa din iyong pag-asa. At least, kapag ang usapan na ay mga bata, hindi na siya kasing desperado katulad ng dati.Maya-maya, isang bulong ang lumapit sa kanyang tenga. “Magiging mabuting tatay ako kapag pinanganak na ang anak natin.”Natigilan si Ling Yiran. Lumingon siya at nakita nito ang taas na katawan ni Yi Jinli na lalong lumapit sa kanya. Ang mukha nito ay mala
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at