Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 801 - Chapter 810

All Chapters of Sir Ares, Goodnight!: Chapter 801 - Chapter 810

848 Chapters

Kabanata 801

Biglang lumamig ang mga mata ni Jay.Hindi niya ito nasaksihan gamit ang sarili niyang mga mata, kaya hindi siya maniniwala na babalewalain lamang ni George si Angeline sa harap ng maraming tao tulad ng lumang sapatos at pagsasalitaan siya nang ganoon,Napahawak nang mahigpit si Jay sa armrest ng kaniyang wheelchair at ilang mga pagbiyak ang maririnig.Napatingin si Old Master Severe sa mga kamay ni Jay. Ang mga ugat ay makikita dahil sa tindi ng pwersa, at isang bakas ng pag-aalala ang makikita sa kaniyang mga mata.Tama nga ang kutob niya. Sa sumunod na sandali, ang malalim na boses ni Jay ay maririnig. “Ano’ng inaasahan mong matutunan ni Binibining Angeline kay Binibining Sera, Ginoong Severe? Matutong akitin ako nang walang hiya tulad niya? Matutong landiin ang ama ko kapag nabigo siyang akitin ako? Si Binibining Sera ay may sapat na kakayahan para maglaban kami ng ama ko, at ngayon ay hinihiling mo kay Binibining Angeline na maging malandi rin, Ginoong Severe? Tsk.”Umiling siya n
Read more

Kabanata 802

Ang nag-iisang dahilan kung bakit ito ginagawa ni Jay ay dahil wala na itong nararamdaman para sa kaniya. Umiling siya, ayaw nang magpatuloy sa pag-asa kay Jay.Napagpasyahan na niyang kalimutan si Jay, eh.Ang mga desisyon na ginagawa ni Jay ay wala nang kinalaman sa kaniya.Ngayong tinawag ni Anne ang pangalan ni Angeline at sinabi ito sa kaniya, mukhang magiging bastos si Angeline kapag hindi siya sumagot.At saka, ang lahat ng tao sa bahay ay nakatitig sa kaniya na para bang siya ay magsisisi kung hindi siya magsasalita.Nagsalita si Angeline, ang kaniyang boses ay kasing hina ng boses ng isang lamok, “Bumaba na ako mula sa posisyon ko bilang executive president ng Severe Enterprise. Mula ngayon, wala na akong kinalaman sa pag-unlad ng Severe Enterprise.”Si George ay bahagyang nabigla.Hindi niya talaga ninanais na patalsikin si Angeline mula sa Severe Enterprise. Kahit na may balak siyang ilagay si Sera bilang executive president, napagplanuhan na niyang magbigay ng mas mababang
Read more

Kabanata 803

Ang wheelchair ni Jay ay nasa pintuan na. Ang mahaba at diretso niyang likod ay tumigil nang sandali, ngunit hindi siya tumalikod. Isang malamig at walang emosyon na boses ang pumasok sa mga tainga ng matanda. “Sigurado akong alam mo kung bakit ako narito ngayong araw, Old Master Severe.”Wala na siyang iba pang sinabi pagkatapos no’n.Tinulak ni Finn si Jay palayo.Pagkatapos umalis ni Jay, nagsimula si Anne sa pag-iyak at pagrereklamo, “Sino ba siya sa tingin niya? Walang kwenta naman siyang lalaki, hindi ba? Ngayong hindi na pabor sa kaniya ang Pamilya Ares at hindi na siya ang namumuno sa pamilya, ang kaniyang net worth ay magiging kasing baba na lang ng kay Jack.”Dahil hindi makuha ni Sera ang puso ni Jay, ang natira na lamang sa kaniya ay pagkamuhi. “Hmph, pinapaboran mo siya kung ipapantay mo siya kay Jack. Ang Ares Enteprises ay nasa isa nang nangungunang sitwasyon kasama ang mga kakampi nitong Bell Enterprise at Titus Enterprise. Malapit na silang mamuno sa kapangyarihan. Si
Read more

Kabanata 804

Pagkatapos magsalita ni Old Master Severe, sa sobrang pagsisisi ni Anne ay yumuko siya sa puntong malapit nang humawak sa lupa ang kaniyang ulo.Sinabi ni Old Master Severe, “Tama si Master Ares. Wala ngang kinakatakutan ang mga ignorante. Paano mo naisip na si Master Ares ay matatalo ng katulad ni Jack? Sino ba si Master Ares para sa ‘yo? Ginawa niya ang Grand Asia sa edad na 15, gumagamit lamang ng limang taon para gawing nangunguna ang Grand Asia sa buong Imperial Capital. Ito ay isang bagay na hindi kayang makamit ng mga katulad ni Jack, ngunit nagawa niya ito sa loob lamang ng limang taon. Paano mo naisip na si Jack ang mananalo ngayon?”Nagdagdag si Old Master Severe, “Ang Ares Enterprises ay tumigil na sa pag-supply ng mga chips sa Grand Asia, pero mayroong pagpapaubaya sa panig ni Jack. Matagal nang nangangasiwa si Jay sa Ares Enterprises, kaya malamang ay may hindi kapansin-pansin na pagbabago sa pagitan ng Grand Asia at Ares Enterprises ngayon. At least, ang patented technolo
Read more

Kabanata 805

Noong makuha ni Jay ang villa sa Apple Street, si Anne ang kaniyang pamilya ay napilitan na manirahan na lamang sa bahay ng Pamilya Severe.Nalinis na ni Lady Severe ang mga kwarto sa ikatlong palapag, ngunit noong tumingin si Anne sa paligid ng ikatlong palapag, nagsimula siyang magreklamo nang nakapamaywang.“George, ang init naman sa taas. Kakapanganak lang ni Sera at mahina pa rin siya. Ano’ng gagawin mo kapag nahimatay siya sa init?”Tumingin si George kay Sera na nakatayo lamang sa gilid. Napansin niyang maputla nga si Sera at nag-alala noong makita niya na ang batang kutis sa mukha ni Sera ay wala na.Kaya, lumapit si George kay Lady Severe at mahinhin na sinabi, “Quinella, si Sera ay kakapanganak lang, at sigurado ako na alam mong nanghihina siya ngayon. Bakit hindi si Angeline ang kausapin mo at hilingin sa kaniya na makipagpalit ng kwarto kay Sera?”Ang mukha ni Lady Severe ay muling dumilim. “Masama rin ang kalusugan ni Angel nitong mga nakaraan. May pakialam ka lang sa pina
Read more

Kabanata 806

Lumapit si Sera kay Angeline sa isang marahan at mahinhin na paraan, nagpapakita ng isang mapagkumbaba at magalang na ngiti. “Salamat, Angeline.”Hindi siya pinansin ni Angeline, tumalikod at umalis na.Ang malaking pagkakaiba sa kanilang ugali ay nagsanhi kay George na mas piliin si Sera.Sina Shirley at Lady Severe ay nagluto ng tanghalian. Si Anne at ang iba pa ay kanina pa nakaupo sa mesa, at nang makita nila ang mukhang-ordinaryong mga pagkain, nagsimula na namang mag-inarte si Anne.“Quinella, iba na ang Pamilya Severe ngayon. Maging matipid ka naman pagdating sa pagkain. Natatakot ako na hindi magagawang bayaran ni George ang pangsustento sa ‘yo sa susunod kung mananatili kang magastos.”Si Angeline, na tinutulungan si Old Master Severe na bumaba ng hagdan, ay nagalit noong narinig niya ang sinabi ni Anne.“Madalas naman na matipid ang ina ko. Naghanda lang siya ng maraming pagkain dahil narito kayo ngayon. ‘Wag kang umarte na parang wala kang utang na loob sa amin.” Sabi ni Ang
Read more

Kabanata 807

Noong ang tatlong mga bata ay umuwi mula sa eskwela, ang unang bagay na ginawa nila ay ang pumunta sa kwarto ng kanilang mommy upang ipaalam na sila ay nakauwi na. Gayunpaman, noong pumunta sila sa kwarto ng kanilang Mommy, hindi nila nakita ang kanilang Mommy at sa halip ay nakita nila si Sera na nag-aayos ng kaniyang mga gamit sa kwarto.Ang mukha ni Jenson ay agad na naging malamig. “Bakit ka nasa kwarto ng mommy ko?” Malamig na tanong ni Jenson.Napatingin si Sera sa tatlong mga batang nakatayo sa pintuan at sinabi, “Ang kwarto na ‘to ay akin na mula ngayon. Ang kwarto ng mommy niyo ay nasa taas.”“Sino’ng nagbigay sa’yo ng karapatan na kuhain ang kwartong ‘to?” Pagalit na tanong ni Robbie.Lumapit si Sera sa pintuan. Noong nakita niya ang mga mukha nina Jens at Robbie na kuhang-kuha nila kay Jay, ang kaniyang mga emosyon ay pansamantalang malabo. Sinabi niya, “Dahil ako na ang tunay na missus ng Pamilya Severe. Hindi karapat-dapat ang mommy niyo na manatili sa kwartong ito.”Dati
Read more

Kabanata 808

“Hindi ko na kayang manatili sa bahay na ‘to, George. Walang gumagalang sa ‘kin na nakakabata rito. Masyado na akong nahihiya.”Sinabihan ni George si Angeline, “Bilisan mo’t humingi ka ng tawad kay Tita Anne mo.”Sumigaw si Zetty, “Bakit hihingi ng tawad si Mommy kung wala naman siyang ginawang masama? May pakialam ka lang kasi kung sino ang mas nakakatanda kaysa sa tama at mali. Kaming mga nakababata ang dapat magsabi na hindi na kami pwedeng manatili sa bahay na ‘to dahil masasampal lang kami ng mga hindi makatwirang mga nakatatanda. Hindi man lang kami makasagot kahit na hindi naman tama ang pagsisi sa ‘min. Huhuhu, ayaw ko na sa bahay na ‘to. Gusto ko nang bumalik sa Imperial Capital. Gusto ko nang bumalik kay Daddy.”Noong magsalita si Zetty, tinakpan niya ang kaniyang mukha at nagsimulang umiyak.Tumingin nang masama si George kay Angeline. “Ganito ba ang mga tinuturo mo sa anak mo?”Sinabi ni Angeline nang may blankong mukha, “Tama si Zetty.”Si George ay nagalit. “Angeline Sev
Read more

Kabanata 809

Si George ay bahagyang emosyonal. “Ama, anak ko si Angeline. Dapat lang na hindi ko siya masyadong hinahayaan na gawin ang gusto niya. Naisip ko lang kasi na masyadong matagal nang nasa labas si Sera at ang kapatid niya, nagsasanhi sa kanila na mapahiya at maliitin ng iba. May utang ako sa magkapatid na ‘yon, kaya ang sinusubukan ko lang gawin ay ang bumawi sa kanila habang buhay pa ako.”Napabuntong-hininga si Old Master Severe. “Natatakot ako na ang konsensya mo ay nagiging pagiging makasarili at bilang resulta ay nabubulag ka na.”Sumagot si George, “Magiging masaya ako kung magkakasundo sina Angeline, Sera, at Seth, pero nakita mo naman, si Angeline ay masyadong maarte at mayabang. Wala siyang galang at hindi makatwiran sa kaniyang madrasta, at iyon ang dahilan kung bakit nakapagsabi ako sa kaniya ng malulupit na salita dahil sa galit. Sineryoso niya ang mga salita ko at may plano talagang lumayas sa bahay.”Tumingin nang masama si Old Master Severe kay George gamit ang matalas niy
Read more

Kabanata 810

Agad na tumahimik si Zetty.Hindi na nakipagtalo pa si Anne sa bata. Nang may madilim na mukha, sinabi niya, “Ano’ng oras na, oh. Bakit wala pa tayong hapunan?”Sina Lady Severe at Shirley ay abala sa pagsubok na hikayatin si Angeline na manatili kaya wala silang oras na magluto. Noong marinig nila si Anne na hinihimok silang magluto, nagmadali silang magtungo sa kusina nang nakayuko.Hinawakan ni Angeline ang kamay ng dalawa at sinabi, “Ama, matanda na ang ina ko at hindi na maganda ang kalusugan. Kapagod-pagod sa kaniya ang magluto ng pagkain tatlong beses sa isang araw. Hindi tayo pwedeng magkaroon ng tamad sa bahay. Dapat ay salit-salit tayo sa paghahanda ng mga pagkain.”Tumingin si Anne sa kaniyang makinis at malambot na mga kamay. Noong maisip niya na hahawak siya ng mantika, agad siyang nag-inarte at sinabi kay George, “Alam mo namang hindi ko alam kung paano magluto sa kusina, George.”Si Angeline ay hindi sumusuko. “Ang lahat ng narito ay ipinanganak nang mayaman. Simula noon
Read more
PREV
1
...
7980818283
...
85
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status