Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 791 - Chapter 800

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 791 - Chapter 800

848 Chapters

Kabanata 791

Sunod-sunod ang pagmantsa ng dugo sa kaniyang mga palad.Tumitig si Angeline sa dugong nasa kaniyang mga kamay nang may nagtatanong na mga mata.Ano’ng nangyayari sa kaniya?Narinig ni Jay ang malakas na pag-ubo ni Angeline, ang bawat kahol ay pinapasikip ang kaniyang dibdib.Tumalikod siya at tinulak ang kaniyang sarili patungo kay Angeline.Nang makita ang pula sa kamay ni Angeline, nanlaki ang mga mata ni Jay. “Bumalik ka at humiga, Angeline Severe,” utos ni Jay.Nanlabo ang mga mata ni Angeline, at si Jay ay naging dalawa. Alam niyang naging kakaiba ang kaniyang paningin.Siya ay natumba pasulong. Sinubukan niyang iwasan si Jay ngunit sa huli ay nahawakan pa rin niya ang mukha nito gamit ang mga kamay niya na sinusubukang maghanap ng mahahawakan.Agad niyang binawi ang kaniyang kamay. “Sorry.”Nanlaki ang mga mata ni Jay noong mapansin niya ang kinikilos ni Angeline. Inangat niya nang marahan ang kaniyang braso at kinaway ito sa harap ng mga mata ni Angeline.Tila sa iba nakatingin
Read more

Kabanata 792

Sumagot ang doktor, “Pinapalaki ng lahi niya ang tsansa na makuha niya ang sakit na iyon.”Si Jay ay mas nag-alala tungkol sa kalagayan ni Angeline. “Pwede ba ‘yon maiwasan?”“Kailangan mong masiguro na lalayo siya mula sa negatibong mga emosyon, at saka, ‘wag mong hahayaan na pansinin niya ang kaniyang mga mata dahil baka mas lumala lamang ang sitwasyon. Sa ibang salita, iwasan mo ang mabalisa siya.”Tumango si Jay. “Sige.”Nagdala ang katulong ng isang mangkok ng congee para kay Angeline. Gayunpaman, dinala ito palabas ng katulong nang hindi nagagalaw pagkatapos ng isang sandali.Ang pagpapakagutom ni Angeline ay nagsanhi kay Jay na mag-alala.Noong araw na iyon, napagpasyahan niyang magluto para kay Angeline. Ginawan niya ito ng isang mangkok ng chicken soup.Noong pumasok siya sa kwarto nang may isang mangkok ng chicken soup, lumingon si Angeline upang tumitig sa kaniya sa gulat.“Sabi nila, hindi ka pa kumakain simula noong magising ka. Ano’ng sinusubukan mong gawin?” Habang ang t
Read more

Kabanata 793

Napasulyap si Angeline kay Jay, nalilito kung saan kinakabahan ang lalaki. Umuupo sa harap ni Jay, kinuha niya ang kaniyang mga kutsara’t tinidor at kumain na.Pagkatapos kumain, binaba niya ang kaniyang kutsara’t tinidor at lumingon kay Jay nang may seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha. “Kaya ko nang kumain at matulog nang walang tulong, Ginoong Ares. Pakiusap ay hayaan mo na akong bumalik sa amin.”Tumango si Jay, hindi magawang makahanap ng rason upang pilitin si Angeline na manatili kung mukhang mapilit ang babae na iwan siya.Gusto ni Jay na siya mismo ang maghatid kay Angeline pauwi, ngunit ang mga salitang ‘Ayaw ko nang abalahin pa si Ginoong Ares sa maliliit na mga bagay’ ay pumasok sa kaniyang isipan at nagsanhi sa kaniya na ‘wag na iyon gawin. Sa huli, napagpasyahan niyang i-utos na lamang ito kay Finn.Mukhang hindi naman magagawa ni Finn na palungkutin si Angeline dahil naintindihan ni Finn ang kaniyang intensyon, eh.Natapos na ang hapunan, at pinasukan ni Finn ang kotse
Read more

Kabanata 794

“Hindi ko pwedeng tanggapin ang mamahaling mga bagay na ‘to, Finn,” sabi ni Angeline.Ngunit sa katunayan, tinatanggihan lamang niya ang mga box na iyon dahil nanggaling ang mga iyon kay Jay Ares, ang lalaking ayaw nang makita pa ni Angeline.Ngumiti si Finn. “Ito ay kagustuhan ng presidente, Binibining Severe.”Sumimangot si Angeline. “Mas hindi ko ‘to tinatanggap dahil do’n.”Nararamdaman ang pagkabahala ni Finn, nagsalita si Shirley para sa kaniya, “Sumusunod lang sa kautusan si Ginoong Finn, Little Angeline. ‘Wag na natin pang pahirapan ang trabaho niya.”Tinanggap ni Finn ang tulong na binigay ni Shirley. “Alam mo naman ang presidente, Binibining Severe. Mapaparusahan ako kapag hindi ako sumunod sa mga utos. Kung gusto mong ibalik ang mga regalo na ito, Binibining Severe, mas maganda kung ikaw na mismo ang magbalik ng mga ito sa presidente.”Tumigil na si Angeline sa pagrereklamo.Pagkatapos ibaba ni Finn ang lahat ng dala niya mula sa kotse, lumapit si Shirley nang may magalang n
Read more

Kabanata 795

Nalilitong tumitig si Angeline sa galit ng kaniyang ama. “Ano na naman ba’ng nagawa ko, Ama? Ano’ng ginawa ko para magalit ka?”Pagalit na inakusahan ni George si Angeline. “Wala kang ginawa para iligtas ang kapatid mo, Angeline Severe, kahit alam mo na siya ay kinukulong ni Jack Ares sa bahay ng mga Ares.”Sinulyapan ni Angeline si Sera. Si Sera ay mukhang mahina habang ang kaniyang mukha ay tila maputla. Ang kaniyang katawan ay tila sa sobrang hina ay kaya siyang tangayin ng malakas na hangin.Noong una, hindi maintindihan ni Angeline kung bakit walang kahirap-hirap na pinatawad ng kaniyang ama ang pagkakamali ni Sera.Ngayon, gayunpaman, ay napagtanto na niya. Upang protektahan ang kaniyang sarili, binago siguro ni Sera ang kwento at siya ang sinisi.Pinaliwanag ni Angeline ang kaniyang sarili sa inis, “Paano mo nagawang paniwalaan ang mga sinasabi ni Sera, ama? Siya ay inaalagaan na parang isang mayaman na kabit sa Tourmaline Estate. Ang mga katulong ay tinatrato siya na parang siy
Read more

Kabanata 796

Biglang itong napagtanto ni Angeline. Ang pagmamahal at atensyon na binibigay sa kaniya dati ng Pamilya Severe ay dahil lamang gusto siya ni Jay noon.Ngayong hiwalay na sila, ang dangal na dating mayroon siya ay wala na.Ayaw niya itong aminin, ngunit ito ang katotohanan.Minsan siyang ginalang ng kaniyang ama dahil siya ang magiging manugang ng Pamilya Ares at ang kaniyang estado ay magiging maganda para sa Pamilya Severe.Napabuntong-hininga si Angeline. “Naintindihan ko.”Siya ay nalungkot. “Akala ko pa naman ay magiging ligtas na lugar ang pamilya para sa atin. Nagkamali pala ako. Ang buhay ng isang mayaman ay palaging nasa gitna ng isang giyera.”Sumagot ang old master, “Mabuti naman ay naintindihan mo.”Si Angeline ay napuno ng lungkot. “At pinipili kong umatras sa laban na ito.”Umalis si Angeline, malungkot.Tumitig ang old master sa paalis na anyo ni Angeline, ang mga mata niya ay tila malalim sa pag-iisip. “Hindi mo pag-uugali ang tumakas mula sa mga hamon, Angeline.”Bumaba
Read more

Kabanata 797

Kinabukasan, ang yayamaning Rolls-Royce ni Jay ay lumitaw sa harap ng bahay ng Pamilya Severe.Kakatunog lamang ni Finn sa busina noong bumaba nang mabilis ang tatlong mga bata upang buksan ang pinto para kay Jay pagkatapos nilang marinig ang pamilyar na tunog.“Narito na si Daddy!”Sina Lady Severe at Old Master Severe ay marahan na nagtungo sa pintuan upang salubungin din ang kanilang mga bisita.Binuksan ni Finn ang pinto ng kotse at ang wheelchair ni Jay ay bumaba ng rampahan.Tumingin si Jay sa paligid at nagpakita ng bahagyang nabahalang itsura noong hindi niya nakita ang taong gusto na niyang makita.“Nasaan si Angeline?” Tanong ni Jay.Nagpakita si Lady Severe ng malambing na ngiti. “Nakahiga pa rin siya.”Paano nagawa ni Angeline na matulog nang mahimbing? Siguro ay mukha pa rin siyang kalmado pagkatapos siyang awayin ni George kagabi, ngunit siguro ay nagdurugo na siya sa kaniyang puso.Gusto ni George na bumaba siya mula sa kaniyang posisyon bilang executive president ng Sev
Read more

Kabanata 798

Noong oras na iyon, akala ni Old Master Severe ay hindi naman kailangan ni Jay na mag-alala at seryosong nangako sa kaniya, “‘Wag kang mag-alala, Jay. Kahit na may ibang pamilya roon si George, hindi ko sila hahayaang pumasok sa pamilya hangga’t sa ako ay nabubuhay.”Ang kaniyang pangako ay tumutunog pa rin sa kaniyang tainga.Isang nahihiyang itsura ang lumitaw sa mukha ni Old Master Severe.“Jay, ang Severe Enterprises ay walang ibang magagawa kung ‘di ang pagpasyahan na suportahan si Sera. Si Angeline ay baliw sa pag-ibig at walang intensyon na patakbuhin ang kumpanya. Kung ibibigay namin ang Severe Enterprises sa kaniya, kahit ako ay mag-aalala, paano pa kaya ang ama niya,” pinaliwanag ni Old Master Severe ang kasalukuyan niyang sitwasyon.Lumitaw ang panunuya sa matalas na mga mata ni Jay. “Old Master Severe, parehas naman tayong matalino, kaya hindi mo na kailangang ibigay sa akin ang lahat ng mga pangungusap na sinabi mo.”Pagkatapos ng isang sandali, nagpatuloy siya, “Alam ko n
Read more

Kabanata 799

Tumitig si Jay kay George at mahinang sinabi, “Mukhang nagmamadali ka, ano, Ginoong Severe?”Si Jay ay malinaw na isang bisita lamang, ngunit ang mapagmalaki at arogante niyang itsura ay nagsanhi sa kaniya na magmukhang isang emperador na minamaliit ang lahat ng nabubuhay na tao. Minamaliit niya si George na para bang si George ay isa lamang insekto.Ito ay nagsanhi sa mapagmalaking mga miyembro ng Pamilya Severe na hindi matuwa. Akala pa rin ba ni Jay ay siya ang young master ng Imperial Capital na namumuno sa buong mundo? Hindi ba niya nakikita wala na siya sa trono dahil sa pagbagsak ng kaniyang net worth?Wala na siyang kapangyarihan sa Ares Enterprises, kung saan pinahirapan nito ang Grand Asia at na-blacklist ng mga malalaking negosyo. At saka, hindi na niya kayang gamitin ang dalawa niyang mga binti.Ngunit heto siya, ayaw tanggapin ang kasalukuyang sitwasyon na kinalalagyan niya. Siya ay malapit nang mawasak nang walang pag-asang makatakas mula sa imposible niyang sitwasyon...
Read more

Kabanata 800

Ang kaniyang ulo na nakatingala kanina ay nakayuko na rin. Noong siya ay muling nagsalita, ang kaniyang tono ay tila mahabagin na. “Master Ares, alam mo naman, simula noong maaksidente si Angeline, ang ama ko ay hindi na makabangon sa higaan at ang Pamilya Severe ay dahan-dahan nang bumabagsak. Ang mga bagay-bagay ay hindi naging maganda nitong nakalipas na ilang taon, kaya hindi ko magagawang maglabas ng ganoon karaming pera sa loob lamang ng maikling oras. Pwede bang bigyan mo muna ako ng oras at panahon, Master Ares?”Mukhang may tinatagong motibo si George sa pagbanggit ng pangalan ni Angeline.Sinusubukan niyang magpahiwatig kay Jay, hinihiling kay Jay na ‘wag kalimutan ang relasyon na pinagsamahan nila ni Angeline.Gayunpaman, siya ay isang karaniwang lalaki lang naman. Paano niya maiintindihan ang pighati sa puso ni Jay?Kaswal na sinabi ni Jay, “Narinig ko na may pagmamay-ari si Ginoong Severe na villa sa Apple Street na nasa isang tagong lokasyon. Dahil maraming taon na tayong
Read more
PREV
1
...
7879808182
...
85
DMCA.com Protection Status