Noong nakita ni Angeline ang pangalan ni Jay sa phone, ang itsura niya ay tila mayroon siyang hawak na bomba. Agad niyang nilagay ang kaniyang phone sa kamay ni Robbie.Noong napansin ni Robbie na tumatawag ang kaniyang Daddy, nag-swipe siya upang sagutin ang tawag nang may matinding saya. “Daddy!” Ang kaniyang boses ay tila natutuwa at lubos na malambing.Si Jay ay bahagyang natuliro. Sigurado siya na numero ni Angeline ang natawagan niya, ngunit bakit si Robbie ang sumagot ng tawag?Sinasadya bang iwasan ni Angeline ang kaniyang tawag o sadyang wala lang ang phone sa kaniya?“Ano’ng ginagawa mo?” Ang tanging nagawa lamang ni Jay ay ang magtiis at batiin si Robbie sa isang masayang tono.Si Robbie ay madaldal. Tatanungin siya ni Daddy ng isang tanong at sasagot siya gamit ang sampung sagot. “Nagluluto kami ng hapunan ni Mommy. Gagawa kami ng hapunan para sa sampung tao ngayong gabi, kaya magiging mabigat na trabaho ‘to. Hindi kita masyadong makakausap, daddy.”Agad na naging madilim
Inangat naman ni Jenson ang kamay ni Robbie at tinuro ang camera kay Angeline na nakayuko noong paikot-ikutin niya ang dough nang may matinding konsentrasyon.Ang matalas na mga mata ni Jay ay lumaki noong makita niya ang malaking dough sa harap ni Angeline.Galit, tinawag siya ni Jay sa isang malalim na boses, “Angeline.”Hindi inaasahan ni Angeline na tatawagin ni Jay ang kaniyang pangalan at napatingala sa gulat. Agad niyang nakita ang mga mata ni Jay.“Ano’ng maitutulong ko sa ‘yo, Ginoong Ares?” Dahil hindi siya makatakas, sinalubong na lamang niya ang bala at binati si Jay.“Ang bata-bata pa ng mga bata. Pinagsasamantalahan mo ba ang libre nilang pagtatrabaho?” Sinubukan niyang sirain ang katahimikan sa pamamagitan ng pagsasalita.Siya ay umaasa na uutusan ni Angeline ang mga bata na tulungan siya dahil sila ay malalakas at masisigla naman. Kaya niyang gawin ang kahit ano basta’t hindi siya magpapakapagod.Nang hindi sumasagot kay Jay, tumingin si Angeline sa mga bata at sinabing
Pagkatapos patayin ang tawag, ang makinis at gwapong mukha ni Jay ay agad na nabalot ng makapal na ulap.Si Angeline ay nagpapakita ng senyales na siya ay walang lakas na pinapakita ng isang tao kapag naninirahan sa ilalim ng kontrol ng iba sa Pamilya Severe.Sa kabila no’n, hindi niya maalok si Angeline ng anumang tulong.Ano’ng dapat niyang gawin?Pagkatapos ng mahabang katahimikan...“Finn.”Sumagot si Finn at pumasok. “Opo, President Ares?”Sinabi ni Jay, “Nakuha na ba natin ang villa sa Apple Street?”“Sumailalim na tayo sa lahat ng mga dapat gawin. Nagtawag na rin ako ng tauhan para linisin nang todo ang bahay kaninang maliwanag pa. Tinanggal na namin ang lahat ng lumang mga kagamitan at bumili ng bago. Gusto mo bang lumipat na roon sa lalong madaling panahon, President Ares?” Tanong ni Finn.Tiningnan siya ni Jay ng natutuwang tingin. “Mabuti naman. Lilipat na tayo roon ngayong gabi.”Si Finn ay nabigla. Nahulaan niya ang intensyon ni President Ares sa pagkuha ng villa ng Pamily
Naiilang na tumawa si Anne. “Alam mo naman na nagpapagaling pa ang Tita Sera mo, hindi ba? Magiging mahirap para sa kaniya ang kumilos.”Napalakas ang boses ni Zetty sa inis, “Pagkatapos ng lahat ng sinabi mo, gusto niyo lang ni Tita Sera ng libreng pagkain, ano? Binabalaan ko kayo, ang mga pagkain ng mommy ko ay mamahalin. Kinailangang bayaran ni Daddy si Mommy ng 81 pounds ng ginto pagkatapos kumain ng isang dumpling na ginawa ni mommy.”Naalala pa rin ni Zetty ang ‘isang pagkain para sa isang libong ginto’ na istorya ng kaniyang Mommy and Daddy.Sa sobrang gulat ni Anne ay muntik na siyang madulas sa sahig. “81 na pounds ng ginto?”Paano siya papayag na magbayad ng ganoon kamahal na pagkain?Pagkatapos kumalma, sinabi ni Anne, “Kalokohan. Bakit magbabayad ang daddy mo para sa pagkain na ginawa ng mommy mo?”Sasabihin na sana ni Zetty ang kwento ng ‘Biyayang Pagkain’ noong biglang nagsalita si Robbie, “Sabi ni Daddy na si Mommy ang minamahal niyang baby. Ang lahat ng pera na nakukuha
Gayundin ang naisip niya. Pagdating ni Jay sa Mount Villa upang iligtas si Angeline noong araw na iyon, may sinama siyang tao. Pambihirang matapang at matalino. Habang nakaupo sa isang wheelchair, nagawa pa ring talunin ni Jay ang mga tauhan niya sa puntong hindi na sila makatayo at sa huli ay matagumpay pa sila sa pagliligtas kay Angeline.Ang isang talentado at kaakit-akit na lalaking tulad ni Jay ay lubos na kinagugustuhan ng mga babae. Siguro ay natuliro si Angeline sa ginawa ni Jay.Ang nakita ni Angeline noong araw na iyon ay isang ilusyon lamang!Kung gagamitin niya ang buong kapangyarihan niya, Templo na ni Hades ang lugar na papasukin ni Jay at ng kaniyang alagad. Sisiguraduhin niyang hindi sila makakahanap ng pagkakataong makalabas.Pero ayon sa patakaran ng kaniyang pamilya, hindi niya pwedeng ilantad ang kaniyang pagkakakilanlan bago pa sila ikasal ni Angeline.Iyon ang dahilan kung bakit minamaliit siya ni Angeline.“Angeline, ‘wag ka namang maging mababaw. Maliban sa pagi
Ngayong nalaman na ni Anne ang katotohanan, pwede na siyang bumitaw at ipahinga ang kaniyang isipan.“Kung wala kang pera, Ginoong Yorks, hindi mo na kailangan pang magpanggap. Ito na ang ikalawang kasal ng missus ng Pamilya Severe, kaya hindi na kami hihiling ng mataas na pamantayan sa ‘yo. Pwede naman tayong mag-usap at alukin ka ng mas mababang halaga ng regalo mong pangkasal.”Ang kaniyang mga salita ay hindi lamang minaliit si Angeline, ngunit inaatake niya rin si Cole gamit ang kaniyang mga salita. Maaari rin itong matawag na pagpatay ng dalawang ibon gamit ang isang bato. Ngayong nilabas na ni Anne ang kaniyang galit, ang kaniyang dibdib ay gumaan.Sa sobrang galit ni Cole ay umakyat siya sa gate at pumasok sa patyo. “Sino’ng nagsabi na walang pera sa card na ito?”Kinuha ni Cole ang card sa kamay ni Angeline, pagkatapos ay inabot ang kaniyang kamay at nagtanong, “Nasaan ang phone mo?”Lumingon palayo si Angeline, tila ayaw makisama kay Cole.Lumapit si Anne at binigay ang kaniy
“Didiretsuhin na kita, Ginoong Severe. Si Angeline ang babae na ako, si Cole Yorks, ay nagugustuhan. Ilalayo ko siya sa Swallow City kapag tapos na ako sa mga gawain ko. Bago ‘yon, gusto kong siguraduhin mong walang mananakit sa kaniya. Kung may mangyayari sa kaniya, sisiguraduhin kong walang mamamatay sa Pamilya Severe nang dahil sa katandaan.” Nanggigil si Cole, ang kaniyang malinaw at malakas na boses ay may balot ng kalamigan. Ang kaniyang boses ay tila hindi pagalit o seryoso, ngunit nagawa nitong takutin sila na para bang isang demonyo ang naroon upang kumitil ng buhay ng isang tao.“Syempre, kung maganda ang trato mo sa Angeline ko, magiging patas din ako sa Pamilya Severe. Kayamanan o kasikatan, kaya ko ‘yong ibigay sa inyo.”Hindi alam ni George kung sino si Cole, ngunit noong makita niya ang pagmamalaki nito, napagpasyahan niyang ‘wag itong hamunin. “Ginoong Yorks, pumasok ka at magtsaa.”Gusto niyang kilalanin pa si Cole.Tumingin nang masama si Angeline kay Cole at tahimik
“Bakit niya ako karga-karga noong umalis siya?” Pinigilan ni Angeline ang kaniyang pananabik at nagpanggap na magtanong nang kalmado.Kinuwento ni Cole ang insidente noong araw na iyon, at mayroon pa ring natitirang takot sa kaniyang puso. “Nawalan ka ng malay noong araw na ‘yon at may dugo na lumalabas sa bawat butas ng ulo mo. Akala ng lahat ay patay ka na noon. Noong kinarga ka ni Josephine at binaba ka, balot na balot ka na sa dugo. Agad kang kinuha ni Jay. Akala ko ay bibigyan ka niya ng emergency treatment, pero sa huli ay umalis siya nang yakap-yakap ka—“Angeline, takot na takot ako noong araw na ‘yon. Iyon ang dahilan kung bakit hindi man lang ako nagkaroon ng oras para iligtas ka. Pagkatapos ng insidente, lubos akong nagsisisi. Bakit ko binigay ang minamahal kong babae sa ibang lalaki nang gano’n na lang?”Bumulong si Angeline, “Hindi kita sinisisi, tahimik ka—”Hindi sumang-ayon si Cole. Ninais niyang makipaglaban kay Jay sa lahat ng aspeto. “Angeline, hindi lang ako ang nat
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto