Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 331 - Kabanata 340

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight!: Kabanata 331 - Kabanata 340

848 Kabanata

Kabanata 331

Ang Bell Enterprises ay nagkagulo sa sandaling dalhin ni Jay ang kaniyang Rolls-Royce patungo sa parkihan ng Central Building.“Nakuha pala ni Ginoong Bell ang kontrata sa pelikula na minamataan ng Ares Enterprises. Narito siguro si Ginoong Ares sa Bell Enterprises para harapin sila sa kawalan nila ng galang.”“Nagkaroon ba si Ginoong Bell ng puso ng isang leon? Saan niya nahanap ang lakas ng loob na magnakaw mula sa kulungan ng leon? Yari si Ginoong Bell.”“Kung titingnang mabuti, halos nakikita ko na ang pagkabalot sa Central Building ng paparating na patayan.”...Nakatayo sa bintana, tahimik na nanood si Sean habang nagpaparke ang Rolls-Royce sa baba.“Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit siya narito, Orchid?”Kumukuha ng isang tasa ng kape, sumagot si Rose nang hindi nag-iisip, “Ninakaw natin ang kontrata ng Ares Enterprises. Sigurado akong narito siya para harapin tayo, hindi ba?”Nakangiting tumalikod si Sean. “Sa tingin ko ay hindi.”Inangat ni Rose ang kaniyang mga mata upa
Magbasa pa

Kabanata 332

Buti na lang, ang kaniyang pandidiri ay tagong-tago. Ang payat niyang mga daliri ay eleganteng kinurot ang mga daliri ni Rose. Lumingon si Jay upang titigan ang payat na kamay ni Rose bago niya ito balutin ng kaniyang mas malaking kamay.Naalala niya ang pamilyar na pakiramdam na ito.Ang kaniyang payat at malambot na mga daliri ay nakakulong sa kaniyang mga kamay.Napuno ng saya ang kanyang mga mata.Si Rose, gayunpaman, ay nagreklamo sa isip niya. Bakit hindi pa siya tinutulak palayo ni Jay? Pumunta pa naman siya sa ganitong antas ng kahihiyan.Sumusuko, tinulak niya ang kaniyang sarili sa dibdib ni Jay. Ang ganoong kikos kasama ang kaniyang malamyang damit at ang katotohanan na siya ay walang kardigan ay hindi maaasahan sa isang matinong babae.Agad na nabalot ng lamig ang mga mata ni Jay.Paano nagawa ni Sean na ipaakit kay Rose ang mga kliyente gamit ang kaniyang sexual appeal? Kagag*han.Tumitingin kay Jay, si Rose ay naging mas marahas at niyakap ang leeg ni Jay. Ang malamig na
Magbasa pa

Kabanata 333

Ang kaniyang mga mata ay sumasak nang malamig kay Sean. Kahit na hindi pa nagsasalita si Jay, nararamdaman na ni Sean ang pagnginig ng kaniyang kaluluwa dahil sa papalapit na kamatayan.Bago niya malaman kung ano’ng nasumanib sa kaniya, sinabi ni Sean. “Pwede mo na ‘yon kuhain, Master Ares. Ang screenplay man ng The Moonlit Sky o ang maganda kong secretary… Kuhain mo ang gusto mo.”Tumitig si Jay kay Rose habang may malalim na iniisip. Ang buong ekspresyon ni Rose ay sinisigaw kung gaano siya tumatanggi rito.Mas gugustuhin ni Jay na ilagay si Rose kung saan siya pamilyar kaysa sa patuloy na pagtakbo nito.Kahit gano’n, magagawa pa rin niyang protektahan si Rose sa kalayuan.“Ayos lang ‘yon.”Maaari man niyang sinabi ang kaniyang pagtanggi, ngunit hindi nito pinigilan ang kaniyang isip na tahimik na magplano kung paano mahimok muli si Rose na bumalik sa kaniyang tabi.Gayunpaman, sa sandaling iyon, biglang pumasok si Jean.Sinusuri ang kakaibang hangin sa silid, lumapit si Jean upang b
Magbasa pa

Kabanata 334

Walang magawa, masunuring lumabas si Jean bago pumasok sa upuan ng taga-maneho. Pagkatapos no’n, nagsimula siyang magreklamo, “Jay, isa kang presidente ng isang malaking kumpanya na mayroong net worth ng daan-daang bilyon, hindi ba? Kaya sabihin mo sa ‘kin, bakit ikaw ang sarili mong drayber?”“Pito ang personal kong drayber kung ako sa ‘yo. Isa sa bawat araw ng linggo.”“Kung ang bawat drayber ay magiging kasing-tulad mong nakakairita, mas gugustuhin ko pang magmaneho mag-isa, maraming salamat,” sagot ni Jay.Pinatunog ni Jean ang kaniyang mga labi. “Hindi ko alam kung bakit ko inaaksaya ang oras kong makipag-usap sa mga sociopath na tulad mo.”“Saan tayo?” Tanong ni Jean.“Sa Grand Asia.”Tumalikod si Jean upang umalis pagkatapos ihatid si Jay sa Grand Asia.Gayunpaman, pinigilan siya ni Jay. “Sumama ka sa ‘kin. Ituturo ko sa ‘yo ang mga gawain sa Grand Asia.”Humiyaw si Jean. “‘Wag, pakiusap, Jay. Magpakita ka ng awa at pakawalan ako. Alam mo namang ayaw kong mag-aral noong bata pa
Magbasa pa

Kabanata 335

Pagkatapos ng mahabang araw, sa wakas ay oras na upang umalis.Tinutulak ang mga papeles sa gilid, tumayo si Jean at nag-unat bago maglakad patungo sa pintuan ng opisina.Si Grayson ay nakatayo roon, hinaharangan ang kaniyang daanan. “Master Jean, inutos ng presidente na hindi ka makakaalis ng kumpanya hangga’t hindi mo nasasaling-wika ang lahat ng binigay niya sa ‘yo.”Si Jean ay naglagay ng naglalambing na braso sa balikat ni Grayson at pinakitaan siya ng isang perpektong nagbabalak na ngiti. “Nasaan ang pinsan ko, Grayson?”Sumagot si Grayson, “Patawad, ngunit ang kinaroroonan ng aking presidente ay isang sikretong impormasyon.”Tumitig si Jean sa walang laman na opisina. “Kaya ko namang hulaan kahit hindi mo sabihin sa ‘kin. Wala na si Jay sa Grand Asia, ano?”Nanatiling tahimik si Grayson.Ang ekspresyon ni Jean ay agad na nagbago at naging nakakatakot. “Umalis ka sa harap ko, ha, Grayson?”Si Grayson ay nanatili roon.Nag-angat si Jean ng isang kamao. “Paano kapag sumablay ako at
Magbasa pa

Kabanata 336

“Uwi na tayo, bata-batuta.”Nabalot ng kadiliman ang Garden of A Diary.Tahimik na nakaupo sa kahoy na upuan sa patyo, si Jay ay humahalo sa dilim sa paligid niya.Ang natatanging liwanag niya lamang ay ang diamond set watch sa kaniyang braso, ang pilak na liwanag nito ay nililiwanagan ang kaniyang mga kamay.Ala una na ng madaling-araw.Nang walang kahit kaunting antok, ang pag-asa sa matalas na mga mata ni Jay ay unti-unting naglalaho sa paglipas ng oras.Nang bigla, isang tunog ang maririnig sa gilid.Isang kaaya-ayang anino ang gumapang mula sa lupa. Tumatalikod, siya ay natuliro sa kaniyang kinatatayuan dahil sa isang matalas na sinag ng isang cellphone.Inangat niya ang kaniyang mga braso upang harangan ang liwanag para lamang makuha ang kaniyang mga braso ng isang malaking mga kamay sa sumunod na sandali.“Rose!”Nahuli sa akto, sumuko na si Rose sa panlalaban.“Ginoong Ares, bakit ka gising ng ganitong oras?” Tanong niya, halatang sinusubukang maging mabait.“Tumitingin sa mga
Magbasa pa

Kabanata 337

“Bakit?”“Bakit ano?”“Hindi ba’t sinabi mo na hindi mo na iiwan ulit ang mga bata?” Tumitig nang maigi sa kaniya si Jay.Umiwas ng tingin si Rose, hindi naglalakas-loob na makipagtitigan kay Jay.“Tumingin ka sa ‘kin.” Ang tono ni Jay ay naghihiling ng pagsunod.Walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang sumunod.“Kaya kong bale-walain ang mga pagkakamaling ginagawa mo, pero ‘wag na ‘wag kang maglalakas-loob na iwan ang mga anak mo.” Pumikit si Jay, pinipigilan ang kaniyang mga emosyon.Napasabi si Rose, “Hindi ko sila iiwan.” Sinabi niya ito nang may pagkadesidido.Ang mga mata ni Jay ay bumukas upang magpakita ng isang nagliliyab na tingin. Ang matalas niyang mga mata ay tumitig sa seryosong ekspresyon ni Rose.“Pero iniwan mo na sila, ‘di ba?” Malamig niyang sinabi.Ang mga labi ni Rose ay kumibot upang sumagot, ngunit sa huli ay nanatili siyang tahimik.Sa kaniyang isipan ay lumitaw muli ang alaala ni Zayne. Siya ay naliligaw na ngunit sinakripisyo ang mahalaga niyang estado upang m
Magbasa pa

Kabanata 338

Inangkin na rin niya ito. “Oo. Ano ngayon kung gusto ko siya?”Ang walang paking ekspresyon ni Jay ay agad na nawasak sa pangit na mga piraso.“Masyado ka bang nasarapan sa ‘kin, Rose Loyle? ‘Yon ba ang dahilan kung bakit ka naging walang pigil?” Ang kaniyang kamay ay mabilis na hinila ng likod ng ulo ni Rose, humihila nang malaks upang sabunutan si Rose.Habang si Rose ay napilitang iatras ang kanyang ulo, ang mga labi ni Jay ay nangingibabaw na umatake.Ang ulo ni Rose ay manhid sa sakit habang may luhang bumabagsak mula sa kanyang mga mata.Malamig na mga luha ang pumatak sa likod ng kaniyang kamay na parang mga yelong bumabagsak sa nagwawalang apoy.Nang marahan, pinakawalan siya ni Jay. Tumititig sa galit sa mga mata ni Rose, ang nagwawalang apoy sa loob ni Jay ay naglaho habang piraso ng mga yelo ang nagtatanggal ng init sa kaniyang puso.“Umalis ka,” Tumalikod si Jay at sinabi.Umalis si Rose.Sa pagsara ng pinto, ang pag-aalala ay walang kontrol na umapay sa marahas na mga mata
Magbasa pa

Kabanata 339

Sa baba, si Jay ay nakatitig sa nag-iisang maliwanag na bintana ng Central Building. Dalawang mga anino ang nagkalapit, pagkatapos ay naging isa pagkatapos magsara ng mga kurtina.Pakiramdam ni Jay ay natusok ang kaniyang puso.Tumalikod siya at malungkot na umalis.Pagkatapos no’n, sina Rose at Sean ay umupo at nagsimulang mag-isip ng solusyon para sa isang problema.Bumalik si Jay sa Garden of A Diary. Nababaliw sa mga pangyayari, nagtago siya sa attic sa ikatlong palapag at nilasing ang kaniyang sarili.Sa huli, nawalan siya ng malay sa silid dahil sa alcohol intolerance.Sa sumunod na araw, natuklasan ni Jenson na ang kaniyang daddy ay walang malay sa attic. Agad niyang tinawagan si Josephine.Sa kasamaang palad, si Josephine ay nagpapakasaya pa ring magbakasyon sa ibang bansa at masyadong malayo upang tumulong.Walang ibang magawa si Jenson kung ‘di ang humingi ng tulong kay Grayson.Kalaunan, ang ambulansya ng Grand Asia ay pumasok sa Garden of A Diary at dinala si Jay.Dahil mal
Magbasa pa

Kabanata 340

Si Jay ba ay—Masyado siguro siyang nag-iisip. Paano mag-aalala sa kaniya si Jay? Ang totoo, nag-aalala lang ang lalaking ‘yon na ang kaniyang mga anak ay mawawalan ng kanilang mommy.Pinipindot ang mga mensahe, nakakita siya ng isang mensahe mula kay Josephine Ares. ‘Hipag, si Jay ay napasok sa ICU ng Grand Asia. Pakiusap ay alagaan mo siya para sa ‘kin.’“Paano ‘yon nangyari?” Tumitig si Rose sa araw na napadala ang mensaheng ‘yon. Tatlong araw na ang nakalipas!Nagsimulang mabuo ang pag-aalala sa dibdib ni Rose.Napuno ng takot ang kaniyang puso.Para sa isang lalaki na masyadong mataas ang tingin sa sarili, gaano kalaki ba ang desperasyon na naramdaman niya upang himukin ang sarili niya sa punto na nakahiga na siya sa ICU?Nakaramdam siya ng ‘di inaasahang pagsikip sa kaniyang puso.Nagsimulang bumuhos ang luha sa kaniyang mga pisngi.Nang bigla, siya ay lumuhod. Pinagdidikit ang kaniyang mga kamay, nagdasal si Rose. “Pakiusap, Diyos. Pakiusap ay pakawalan mo siya. Ipagpalit mo ang
Magbasa pa
PREV
1
...
3233343536
...
85
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status