Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 321 - Chapter 330

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 321 - Chapter 330

848 Chapters

Kabanata 321

Tumingin nang masama si Jay kay Jean, hinihiwa siya nang milyong beses gamit ang kaniyang tingin.Sinuot muli ni Jean ang kaniyang basang damit. “Sige na, sige na. Tinanggal ko lang naman ang damit ko. Hindi naman kita pinagsasamantalahan, bakit ang sama ng tingin mo?”“Bakit ka narito?” Tanong ni Jay bago maglakad patungo sa kusina.Na parang buntot ni Jay, sinundan siya ni Jean saanman siya magpunta. “Alam na alam mo kung bakit ako narito. Kamag-anak mo ako, pero nagpunta ka sa teritoryo ko para nakawin ng lalaki ko?”Pinapanood si Jean na isara ang pinto sa likod niya, bumalik si Jean upang buksan muli ang pinto ng kusina para marinig ng babae ang usapan ng dalawang magpinsan.Nagsimulang magsalita si Jean, “‘Wag kang magpanggap na walang nangyari. Pagkatapos mo akong patulugin kagabi, kinuha mo si Ange. Kahit ang mga tao ilang palapag ang layo ay naririnig ang mga ungol ni Ange. Sabihin mo sa ‘kin. Ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Nakatayo sa harap ng lababo, sumagot si Jay sa isang ka
Read more

Kabanata 322

“Paano mo nagawang maging bastos sa ate mo, Jean Ares?” Naiinis na tanong ni Rose.Nakagugulat na ngumiti si Jean. “Oh? Ang bait mo namang tao, pinaglalaban ang aking kaawa-awang hipag? Hindi ko naman siya sinasadyang insultuhin. Si Jay mismo ang nagsabi sa ‘kin kung gaano kagaspang at ignorante ang aking hipag. Siya ay isang mababaw at walang nalalaman na probinsyana. Hindi ba, Jay?”Ang nag-aasam na tingin ni Rose ay napunta kay Jay noong titigan niya ito nang may malaking mga mata.Tumitig si Jean sa kaniyang pinsan, hinihintay si Jay na tulungan siya.Kaswal na sumagot si Jay, “Ang hipag mo ay mabait, maganda, at masayang kasama mabuhay. Hindi ko kasalanan na masyado kang masama na magsabi ng maganda tungkol sa ibang tao.”Walang masabi si Jean.Wala ring masabi si Rose.Kinalikot ni Jean ang kaniyang mga tainga. “Pasensya na, ano ulit? Hindi ‘yan ang sinabi mo dati, Jay. Sigurado ako na tinawag mo ang ate ko na isang ordinaryong tao at malapit sa linya na ang dahilan kung bakit mo
Read more

Kabanata 323

Nalungkot si Rose.Dahil kay Jean, alam na niya na ang lahat ng nasa Pamilya Ares ay iniisip siya bilang isang tanga.Dahil do’n, ang ‘tanga’ na ito ay nagnais na may gawing napakahusay na pasasabugin ang isipan ng mayayabang na mga taong ‘to.Ang kaniyang mga mata ay nag-aalab sa kahihiyan nang makita ang kadena sa kama.Ayaw na niyang manatili pa sa lugar na ‘tong iniwan na ng Diyos.‘Kung sa tingin ni Ginoong Ares ay kaya niya akong ikulong dito, maaari lang siyang managinip.’Binuksan ni Rose ang bintana at nakita na ang distansya sa pagitan ng ikalawang palapag at ng lupa ay halos limang metro.Tinatali ang isang dulo ng bakal na kadena sa kaniyang sarili at ang kabilang dulo sa bintana, bumaba si Rose sa pader sa labas na para bang siya ay si Spider-man.Sa sala sa unang palapag.Nagulat at walang masabi sa mga salita ni Jay, nakakita si Jean ng isang malaking anino.“Spider-man?” Hiyaw ni Jean habang nakatitig kay Rose sa salamin na bintana.Habang nakatalikod sa salamin na bint
Read more

Kabanata 324

Napahiyaw si Jean, “Paano ito nagkataon lang? Isipin mo. Sa lahat ng oras na pwedeng tumakas si Ate, ngayon niya napagdesisyunan na tumakbo. Siguro ay pinagplanuhan niya ito kasama si Sean Bell para masundo siya nito mula rito. Mali ba ako?”Naiinis na tumingin nang masama sa kaniya si Jay. “Tumahimik ka bago kita mapatay.”Sumagot lamang si Jean sa isang ‘di natutuwang tono, “Ayos lang ‘yan. Ano naman kung umalis si Ate? Narito pa naman ako, hindi ba? ‘Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihian tungkol sa iskandalo na ‘to. Gano’n, basta’t ibabalik mo si Ange sa ‘kin.”Nagliyab ang galit sa mga mata ni Jean habang pinapanood niya ang kotse ni Sean Bell na maglaho mula sa kaniyang paningin.Pagkatapos magpatakbo ng 120 mph sa buong daan, naglakas-loob lamang si Sean an iparke ang kaniyang sportscar sa tabi ng kalsada pagkatapos masiguro na walang nakasunod sa kanila.“Hindi ugali ni Ginoong Ares na hindi tayo sundan.” Nag-isip si Sean.Si Rose, gayunpaman, ay hindi sumang-ayon, dahil
Read more

Kabanata 325

Si Jay Ares at Sean Bell na lamang ang natira sa sala.Sa kabila ng pagiging sarili bahay ni Sean Bell ang kasalukuyan nilang lokasyon, hindi mapigilan ni Sean na maramdaman na siya ay nasa teritoryo ni Jay.Siya ay mayroong isang matinding nangingibabaw na aura, aura na nakakatayo ng balahibo.Nang may isang sigarilyong nakasabit sa kaniyang bibig, kahit ang isang simpleng kilos ng pagkunot ng kilay ay nababalot ng isang magandang aura.Marahas na pinapatay ang liwanag sa kaniyang sigarilyo, ang madilim niyang mga mata ay tumitig kay Sean. “Wala ka bang sasabihin sa ‘kin?”Natuliro si Sean...Bakit siya ang kailangang magsimula kung si Jay naman ang pumasok sa kaniyang bahay?“‘Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa, Master Ares. Narito ka para kay Rose Loyle, hindi ba?”“Hindi ka pala mangmang.”Basa ng pawis, nagtaka si Sean kung bakit nararamdaman niyang isa siyang tanga kapag kausap ang dakilang diyos na ‘to.“Kung gayon, sasabihin ko sa ‘yo ang katotohanan. Si Rose Loyle ay wala na sa
Read more

Kabanata 326

Tumitig sa kaniya si Rose nang mapait. “Hindi ba’t ikaw ang nagsabi sa ‘kin na magsuot nang mas sexy?”“Oo nga, pero ang ibig kong sabihin ay bahagyang mas sexy. Sobra na ang suot mo ngayon. Ang baba ng V-neck mo, at kitang-kita ang likod mo. Pupunta muna ako sa opisina ko para magpatay ng apoy. Nagliliyab ang buong katawan ko ngayon.” Mabilis na naglakad si Sean patungo sa kaniyang opisina.“Pumatay ng apo?” Hindi mapigilan ni Rose na matawa. “Paano mo papatayin ang apoy?”Nang hindi bumabagal, matamlay na sinagot ni Sean si Rose. “Gamit ang kamay ko, syempre. Hindi naman kita pwedeng utusan na tulungan akong patayin ang apoy, hindi ba? May taong sisiguraduhin na babangungutin ako tuwing gabi kapag tumingin ako sa ‘yo nang may kahit kaunting malisyosong balak.”“Sino?”Dali-daling nagtungo sa kaniyang opisina, binagsak ni Sean ang pinto nang malakas sa likod niya, iniiwan si Rose sa labas. Sa pinto, nagsalita si Rose, “Bilisan mo, kung gayon. Ano’ng problema mo? Hindi mo man lang maga
Read more

Kabanata 327

Sa Stellar Cultural Center.Noong dumating si Sean sa Cultural Center kasama si Rose, sila ay sinalubong ng mga tao mula sa Ares Enterprises, tulad ng kanilang inasahan.“Master Jean?” Umayos ng tindig si Sean pagkatapos niyang yumuko kay Jean Ares.Lumapit si Jean at naglagay ng kamay sa balikat ni Sean, ang kaniyang ngiti ay mainit. “Masyado ka nang huli, Sean. Nakuha ko na ang copyright ng nobela ng The Moonlit Sky, kaya sa ‘kin na ang kontrata.”Tumingin si Sean sa tabi niya.Nakukuha ang pahiwatig sa kaniya, humakbang si Rose at ngumiti. “Hindi mo pa napipirmahan ang kontrata sa Stellar, Master Jean. Wala pang naitatakda.”Ang kaniyang tono ay nag-uumapaw ng panghihimok.Ang mga mata ni Jean ay agad na napatingin kay Rose habang bumubuntong-hininga. “Saan ka naman nakakita ng ganito kagandang babae, Sean? Ang talas ng dila niya, ha.”Sinasadyang pagalitan ni Sean si Rose, “Orchid, ito ang ikalawang young master ng Ares Enterprises, kaya ‘wag kang maging bastos.”Umatras si Rose.N
Read more

Kabanata 328

Si Jean ay pinapasa ang screenplay kay Sean para siya ay magkaroon ng tawad.Ngumiti nang mahina si Sean. Sa pamamagitan ng pagbago ng kaniyang mga salita, nagawa ni Rose na gabayan ang taong naatasan na magkamali ng pagkakaintindi sa sitwasyon. Maganda itong taktika.Tulad ng inaasahan, ang taong naatasan ay naloko nila. “Dahil pumayag si Master Jean na ipasa sa inyo ang screenplay at dahil sa inyong katapatan, pipirmahan na namin ang kontrata kasama kayo.”Nilabas ni Rose ang kontrata mula sa kaniyang bag. “Kung gayon, Ginoong Collins, wala nang mas magandang oras kung ‘di ang kasalukuyan. Pakiusap ay tumingin ka sa kontrata. Pwede na natin ito pirmahan ngayong araw kung wala namang problema rito. Sigurado akong alam mo na ang aming chairman, si Ginoong Bell, ay nagbigay na ng utos na simulan na ang mga pelikula bago ang Golden Week. Sana ay maintindihan mo ang pagiging abala namin at tulungan kami na makalibre ng oras.”Ang taong nautusan ay binasa ang kontrata. Ang bawat bagay at b
Read more

Kabanata 329

Ang lahat ng tao sa bahay ay nagulat. ‘Ito ba ang dating Jay Ares na palaging malamig sa kaniyang mga pinsan ngunit ngayon ay kusa nang tumulong kay Jean sa trabaho?”Sa kanluran siguro umakyat ang araw ngayong araw.Nagpapasalamat na sumagot si Jean, “Mabuti naman, Jay. Dahil sa pangangalaga mo, sigurado ako na si Sean Bell at ang bastos niyang secretary ay kakain na lang ng lupa.”Hindi siya pinansin ni Jay, tinutuon ang kaniyang pansin sa pag-aalaga ng kaniyang mahal na anak, si Zetty.Kanina pa tahimik, sa wakas ay nagsalita na si John, ang kaniyang tono ay matalas noong mag-angat siya ng panibagong usapan sa kanila, “Jay, paano mo nagawang dalhin si Zetty sa Tourmaline Estate sa kabila ng kaalaman na hindi natin hinahayaan ang mga taong may ibang lahi dito. Ito ay isang harap-harapang pangbabastos sa patakaran ni Grand Old Master!”Dahil do’n, ang temperatura sa silid ay mukhang lubos na bumagsak.Ang nagninigning ngunit walang liwanag na mga mata ni John ay tumitig kay Jay. Pinaa
Read more

Kabanata 330

Inasahan na ito ni Jay. Ang pagtanda ng kaniyang lolo ay may kasamang pag-aasam, na nagsanhi sa kaniya na maging mas malambot at mas makatao.“Kung nagsisisi ka man, lolo, pwede ko naman sila papasukin.”Nagbabale-walang kumaway ang Grand Old Master. “Ang mga anak sa kabit ay may kakaibang isipan. Natatakot ako na ang pagpapapasok sa kanila sa pamilya ay maaaring magsanhi sa mga tunay na anak na mabaliw.”Ngumiti si Jay. “Sisiguraduhin kong gagawin ko ang papel ko bilang nakatatandang kapatid.”Nagsalita si Grand Old Master Ares, “Lubos na gumagaan ang pakiramdam ko nang malaman ko na mayroon kang ganiyang iniisip. Gayunpaman, ang mga batang ito ay mga kopya ng kanilang mga magulang at hindi titigil upang makipagkompitensya para sa kapangyarihan. Maaaring hindi sila magpasalamat sa kabaitan mo. Ang anak ni Jacob, si Jean, ay maaaring hindi maganda ang nagagawa, pero kahit paano ay isa siyang inosenteng bata. Disiplinahin mo nga siya at ipakita sa kaniya kung paano maging mahusay.”Suma
Read more
PREV
1
...
3132333435
...
85
DMCA.com Protection Status