Share

Kabanata 324

Napahiyaw si Jean, “Paano ito nagkataon lang? Isipin mo. Sa lahat ng oras na pwedeng tumakas si Ate, ngayon niya napagdesisyunan na tumakbo. Siguro ay pinagplanuhan niya ito kasama si Sean Bell para masundo siya nito mula rito. Mali ba ako?”

Naiinis na tumingin nang masama sa kaniya si Jay. “Tumahimik ka bago kita mapatay.”

Sumagot lamang si Jean sa isang ‘di natutuwang tono, “Ayos lang ‘yan. Ano naman kung umalis si Ate? Narito pa naman ako, hindi ba? ‘Wag kang mag-alala, wala akong pagsasabihian tungkol sa iskandalo na ‘to. Gano’n, basta’t ibabalik mo si Ange sa ‘kin.”

Nagliyab ang galit sa mga mata ni Jean habang pinapanood niya ang kotse ni Sean Bell na maglaho mula sa kaniyang paningin.

Pagkatapos magpatakbo ng 120 mph sa buong daan, naglakas-loob lamang si Sean an iparke ang kaniyang sportscar sa tabi ng kalsada pagkatapos masiguro na walang nakasunod sa kanila.

“Hindi ugali ni Ginoong Ares na hindi tayo sundan.” Nag-isip si Sean.

Si Rose, gayunpaman, ay hindi sumang-ayon, dahil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status