Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1971 - Kabanata 1980

2479 Kabanata

Kabanata 1971

Walang iba kundi ang katulong na kasama ni Jeremy bago ang kasal. Pupuntahan na ni Madeline si Jeremy at nagkaroon siya ng kutob na maaaring alam ng katulong na ito kung nasaan si Jeremy, kaya nagmadaling lumapit dito si Madeline. Dahil hindi alam ni Madeline ang pangalan ng katulong, hindi niya ito matawag kaya ang magagawa lang niya ay bilisan ang paglalakad para habulin ang katulong. Ngunit nang malapit na doon si madeline, biglang lumingon ang katulong. Ang jkatulong na mukhang nakita si Madeline ay dumiretso sa isang kwarto, binuksan ang pinto at pumasok. Nagkaroon ng kutob si Madeline na may kakaiba kaya kaagad niya itong hinabol. Sa sandaling sasara na ang pinto, itinaas ni Madeline ang kanyang kamay para hawakan ang pinto, tapos tinulak niya pabukas ang pinto at pumasok siya. Sa sandaling makarating siya sa pintuan, narinig niya ang mahinang boses ng katulong mula sa kwarto. “Binalak kong iwan ka nang ganun na lang, ngunit pagkatapos ko itong pag-isipan, nag-aal
Magbasa pa

Kabanata 1972

Eveline. Tinatawag na nito si Madeline sa pangalan niya ngayon. Nalaman ni Madeline kung gaano kayabang ang katulong na ito. “Atsaka, kakatapos lang naming magtalik ni Mr. Whitman, kaya ako ang pinakakarapat-dapat na mag-alaga sa kanya.” Nang marinig ni Madeline ang sinabi ng katulong, muli siyang nakarinig ng ingay sa kanyang isipan. Pakiramdam niya parang may nakabara sa kanyang lalamunan at pinipigilan siyang magsalita. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na matulala siya nang matagal. Nang lilingon na siya, bigla siyang hinawakan ni Jeremy sa braso. Biglang itinaas ni Madeline ang malinaw at nakakahumaling niyang mata. Kasunod nito, nakasalubong ng tingin niya ang maamo at malambing na titig ni Jeremy. Ngunit ang malambing na titig nito ay saglit lang ang itinagal bago ito nanlisik para tumingin sa katulong na malapit lang sa kama. “Walang mas karapat-dapat kay Linnie na lumapit sa akin. Dahil inaalagaan mo ako nitong nakaraang dalawang araw, binigyan kita ng sapat
Magbasa pa

Kabanata 1973

Natulala ang katulong. Hindi siya makapaniwala dito at ayaw niyang tanggapin ang narinig niya. Nang paulit-ulit na lumitaw ang pangyayari sa isipan niya, isang nasasaktan at naguguluhang ekspresyon ang lumitaw sa kanyang mukha. “Anong ibig-sabihin mo? Anong ibig-sabihin nito?” Nagtatakang tumingin ang katulong kay Madeline at Jeremy. Magkasintahan sila? Kung ganon, bakit pinakasalan ni Madeline si Mr. Carter? Hindi niya ito maintindihan. Ang pinakapinagkatakahan niya ay bakit gusto ni Carter na paglapitin silang dalawa ni Jeremy. “May kailangan akong sabihin sa’yo Linnie.” Puno ng pagsisisi ang mga mata ni Jeremy. Tumango si Madeline. “Alam ko ang gusto mong sabihin sa akin. Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan yun. Umalis na tayo. Nag-book na ako ng flight para bukas nang umaga para sa ating dalawa, kaya uuwi na tayo bukas.” Nagtatakang kumunot ang kilay ni Jeremy. “Di ka ba papahirapan ni Carter?”Ngumiti si Madeline. “Wala na siyang magagawa ngayon.” Pagka
Magbasa pa

Kabanata 1974

Ang katulong, habang hindi kumbinsido, ay tinikom ang kamao nito, nagngitngitan ang ngipin at binaling ang kanyang atensyon kay Madeline. “Eveline, isa kang nakakasukang babae!”Nagsalita siya nang masama habang nilalamon siya ng galit. “Ang lalaking mahal mo ay nakipagtalik sa ibang babae ikanina lang, at nagagawa mo pang ngumiti ng kalmado. Baliw ka na!”Walang-bahalang ngumiti si Madeline nang marinig niya ito. “Wala yan. Natural lang para sa isang lalaki na makisama. Atsaka, diba masaya ka? Dahil may mutual consent, di ka pwedeng manisi ng iba.” “...” Nalaglag ang panga ng katulong at wala siyang masabi. Habang hindi niya alam ang sasabihin para sumagot kay Madeline, ang magagawa lang niya ay tumingin nang masama kay Madeline. Ngunit walang pakialam si Madeline sa kung ano man ang tingin sa kanya ng katulong. Tinago niya ang kanyang phone at hinawakan niya ang braso ni Jeremy at ngumiti pagkatapos. “Jeremy, tara na. Tumawag na ako ng sasakyan. Babalik na muna tayo sa ho
Magbasa pa

Kabanata 1975

Kaagad na inalis ni Shirley ang nasa isip niya. Madilim ang langit at umaabon. Magulo ang isip ni Shirley. Tumingin siya sa driver na lumapit para tulungan siya at pinasalamatan ito. Nakasuot ng sumbrero at face mask ang driver. Hindi ito nagsalita. Basta lang siya nito tinulungan papasok ng kotse at itinabi ang wheelchair. Umupo si Shirley sa loob ng kotse at tumingin sa tanawin sa labas ng binta. Mukhang sobrang walang gana siya. Habang nasa biyahe, paminsan-minsang tumitingin ang driver kay Shirley mula sa rearview mirror. Si Shirley, na kanina pang nakatingin sa labas ng bintana, ay walang alam na pinagmamasdan siya ng driver. Kahit umaambon, naramdaman ni Shirley na umuulan nang malakas sa kanyang puso. Ang tanging kapamilya niya ay patay na, at ang kaibigan niyang nag-alaga sa kanya noon ay patay na rin. Talagang personal niya pang sinira ang kinabukasan ng lalaking pinakamamahal niya. Heh. Tinawanan ni Shirley ang kanyang sarili. Pakiramdam niya palpak ang
Magbasa pa

Kabanata 1976

Tumingin si Shirley sa labas ng bintana at nakita niya na mukhang pamilyar ang bahay na nasa harap niya. Sa sandaling ito, nakababa na ng sasakyan si Carter at nasa gilid siya ng sasakyan sa gitna ng ulan habang binubuksan niya ang pinto ng sasakyan. Yumuko siya at binitbit niya si Shirley palabas ng sasakyan, hindi niya pinansin ang pagpupumiglas ni Shirley. "Carter, balak mo pa rin bang gumawa ng mga pagkakamali ngayon, kahit sa puntong ito?" Nanatiling tahimik si Carter sa kabila ng mga akusasyon ni Shirley na para bang isa siyang pipe. “Carter!’"Manahimik ka."Sa wakas ay nagsalita na si Carter, ngunit hindi siya huminto sa paglalakad. Binitbit niya si Shirley papunta sa sofa sa loob ng bahay, pagkatapos ay pinasok niya ang mga gamit ni Shirley at ang kanyang wheelchair bago niya sinara ang pinto. Bumubugso ang ulqn at hangin sa labas sa ilalim ng malungkot at madilim na kalangitan. Sa loob ng bahay, binuksan ni Carter ang heating lamp at heater, at walang nakakara
Magbasa pa

Kabanata 1977

Test reagent?Nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Nagpaikot-ikot ang mga mata habang nag-iisip siya, ngunit hindi niya maisip kung anong test reagent ang tinutukoy ni Carter.Yun ay dahil gumawa siya ng maraming klase ng mga test reagent noong inutusan siya ni Carter.Kinilabutan si Shirley sa ngiti ni Carter. Gumapang sa kanyang puso ang matinding takot. "Anong ginawa mo kay Eveline at Jeremy?" "Nag-aalala ka ba kay Jeremy o sa kasabwat mo sa panloloko sakin?" “...”Natulala si Shirley kay Carter. Nakikita niya sa ekspresyon ni Carter na may hindi tama. Para bang sinasapian siya, at tanging galit lang ang nasa kanyang mga mata. Galit ba siya kay Eveline at Jeremy? Nanginig ang puso ni Shirley. Hindi pa rin niya malaman kung ano ang test reagent na tinutukoy ni Carter.Gayunpaman, nakita na niya ang pangamba at pangingilabot sa mukha ni Shirley. Ngumiti siya at hindi na siya nagsalita. …Sa kabilang banda, ilang araw na ang lumipas mula noong makabalik sa Glendale si
Magbasa pa

Kabanata 1978

Napahinto si Jeremy dahil sa ginawa ni Madeline. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, ngunit hindi ito dahil sa kasiyahan. "Jeremy, may gumugulo ba sa isipan mo?" Nagtanong na si Madeline. Nararamdaman niya na may gumugulo sa isipan ni Jeremy. Nang marinig niya iyon, tumingin si Jeremy kay Madeline at umiling siya. "Ang tanging nasa isip ko ay ikaw.""Talaga?" Humagikhik si Madeline."Pasensya na, Linnie. May ibang bagay akong iniisip kanina kaya hindi ko nahawakan ng maayos ang tasa. Nasaktan ka dahil sakin." Hinawakan ni Jeremy ang binti ni Madeline na napaso, nasasaktan ang kanyang puso kahit na hindi nanaman malala ang paso ni Madeline. Marahang ngumiti si Madeline. "Alam ko namang hindi mo sinasadya yun. Kaya kong tiisin ang sakit na 'to, pero hindi ko matitiis na makitang may gumugulo sa isipan mo na hindi mo sinasabi sakin."Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, naging seryoso ang ekspresyon ni Jeremy. Pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili at
Magbasa pa

Kabanata 1979

Noong sinabi iyon ni Madeline, biglang nanlumo si Jeremy. Gayunpaman, naiintindihan ni Jeremy kung bakit gustong mapag-isa ni Madeline. "Linnie, dito lang ako sa labas ng study. Tawagin mo ako kung kailangan mo ako." Ang sabi ni Jeremy at lalabas na sana siya. Subalit, hinawakan ni Madeline ang kanyang kamay. "Jeremy, hindi pa magaling ang sugat mo, kaya huwag mo munang pwersahin ang sarili mo. Doon lang muna ako sa kwarto."Pagkatapos niyang sabihin iyon, binitawan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at naglakad siya papunta sa pinto ng study. Biglang naging blanko ang puso ni Jeremy. Kung masakit ang binti niya, ganun din ang napasong binti ni Madeline. Subalit, sa sandaling ito, walang mas sasakit pa kaysa sa puso niya. Naiinis si Jeremy. Talagang naging pabaya siya. Hindi siya naging maingat sa maid, kaya hindi niya naisip na may mali sa cake. Inalala niya ang bawat detalye ng sitwasyon, at mayroon pa ring isang pangyayari sa kanyang isipan na ayaw niyang maalala. Paano
Magbasa pa

Kabanata 1980

'Sobrang dismayado ka ba sakin kaya ayaw mo na lang isipin ang tungkol dito?' Nagkaroon ng di mabilang na mga katanungan sa isipan ni Jeremy. Nasasaktan siya sa tindi ng nararamdaman niyang pagsisisi. Si Madeline, na tila napansin kung ano ang iniisip ni Jeremy, ay ngumiti at hinawakan ang kamay ni Jeremy. "Nagsisinungaling na ako kapag sinabi ko na wala lang sakin yung nangyari, pero hindi mo kasalanan 'to. Si Carter ang may kagagawan nito. Gusto niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan nating dalawa, pero hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto niya."Buo ang loob ni Madeline."Jeremy, marami na tayong pinagdaanang pagsubok. Imposibleng hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo sakin hanggang ngayon. At yun ang dahilan kung bakit ayaw kong impluwensyahan tayo ng ibang tao. Hayaan mo na lang na tangayin ng oras ang mga masalimuot na alaala na yun, okay?"Pagkatapos pakinggan ni Jeremy ang sinabi ni Madeline, nakaramdam siya ng kaunting saya. Naunawaan siya ng kanyang Linnie, a
Magbasa pa
PREV
1
...
196197198199200
...
248
DMCA.com Protection Status