Tumingin si Shirley sa labas ng bintana at nakita niya na mukhang pamilyar ang bahay na nasa harap niya. Sa sandaling ito, nakababa na ng sasakyan si Carter at nasa gilid siya ng sasakyan sa gitna ng ulan habang binubuksan niya ang pinto ng sasakyan. Yumuko siya at binitbit niya si Shirley palabas ng sasakyan, hindi niya pinansin ang pagpupumiglas ni Shirley. "Carter, balak mo pa rin bang gumawa ng mga pagkakamali ngayon, kahit sa puntong ito?" Nanatiling tahimik si Carter sa kabila ng mga akusasyon ni Shirley na para bang isa siyang pipe. “Carter!’"Manahimik ka."Sa wakas ay nagsalita na si Carter, ngunit hindi siya huminto sa paglalakad. Binitbit niya si Shirley papunta sa sofa sa loob ng bahay, pagkatapos ay pinasok niya ang mga gamit ni Shirley at ang kanyang wheelchair bago niya sinara ang pinto. Bumubugso ang ulqn at hangin sa labas sa ilalim ng malungkot at madilim na kalangitan. Sa loob ng bahay, binuksan ni Carter ang heating lamp at heater, at walang nakakara
Test reagent?Nagbago ang ekspresyon ni Shirley. Nagpaikot-ikot ang mga mata habang nag-iisip siya, ngunit hindi niya maisip kung anong test reagent ang tinutukoy ni Carter.Yun ay dahil gumawa siya ng maraming klase ng mga test reagent noong inutusan siya ni Carter.Kinilabutan si Shirley sa ngiti ni Carter. Gumapang sa kanyang puso ang matinding takot. "Anong ginawa mo kay Eveline at Jeremy?" "Nag-aalala ka ba kay Jeremy o sa kasabwat mo sa panloloko sakin?" “...”Natulala si Shirley kay Carter. Nakikita niya sa ekspresyon ni Carter na may hindi tama. Para bang sinasapian siya, at tanging galit lang ang nasa kanyang mga mata. Galit ba siya kay Eveline at Jeremy? Nanginig ang puso ni Shirley. Hindi pa rin niya malaman kung ano ang test reagent na tinutukoy ni Carter.Gayunpaman, nakita na niya ang pangamba at pangingilabot sa mukha ni Shirley. Ngumiti siya at hindi na siya nagsalita. …Sa kabilang banda, ilang araw na ang lumipas mula noong makabalik sa Glendale si
Napahinto si Jeremy dahil sa ginawa ni Madeline. Pakiramdam niya ay bumilis ang tibok ng kanyang puso, ngunit hindi ito dahil sa kasiyahan. "Jeremy, may gumugulo ba sa isipan mo?" Nagtanong na si Madeline. Nararamdaman niya na may gumugulo sa isipan ni Jeremy. Nang marinig niya iyon, tumingin si Jeremy kay Madeline at umiling siya. "Ang tanging nasa isip ko ay ikaw.""Talaga?" Humagikhik si Madeline."Pasensya na, Linnie. May ibang bagay akong iniisip kanina kaya hindi ko nahawakan ng maayos ang tasa. Nasaktan ka dahil sakin." Hinawakan ni Jeremy ang binti ni Madeline na napaso, nasasaktan ang kanyang puso kahit na hindi nanaman malala ang paso ni Madeline. Marahang ngumiti si Madeline. "Alam ko namang hindi mo sinasadya yun. Kaya kong tiisin ang sakit na 'to, pero hindi ko matitiis na makitang may gumugulo sa isipan mo na hindi mo sinasabi sakin."Pagkatapos itong sabihin ni Madeline, naging seryoso ang ekspresyon ni Jeremy. Pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili at
Noong sinabi iyon ni Madeline, biglang nanlumo si Jeremy. Gayunpaman, naiintindihan ni Jeremy kung bakit gustong mapag-isa ni Madeline. "Linnie, dito lang ako sa labas ng study. Tawagin mo ako kung kailangan mo ako." Ang sabi ni Jeremy at lalabas na sana siya. Subalit, hinawakan ni Madeline ang kanyang kamay. "Jeremy, hindi pa magaling ang sugat mo, kaya huwag mo munang pwersahin ang sarili mo. Doon lang muna ako sa kwarto."Pagkatapos niyang sabihin iyon, binitawan ni Madeline ang kamay ni Jeremy at naglakad siya papunta sa pinto ng study. Biglang naging blanko ang puso ni Jeremy. Kung masakit ang binti niya, ganun din ang napasong binti ni Madeline. Subalit, sa sandaling ito, walang mas sasakit pa kaysa sa puso niya. Naiinis si Jeremy. Talagang naging pabaya siya. Hindi siya naging maingat sa maid, kaya hindi niya naisip na may mali sa cake. Inalala niya ang bawat detalye ng sitwasyon, at mayroon pa ring isang pangyayari sa kanyang isipan na ayaw niyang maalala. Paano
'Sobrang dismayado ka ba sakin kaya ayaw mo na lang isipin ang tungkol dito?' Nagkaroon ng di mabilang na mga katanungan sa isipan ni Jeremy. Nasasaktan siya sa tindi ng nararamdaman niyang pagsisisi. Si Madeline, na tila napansin kung ano ang iniisip ni Jeremy, ay ngumiti at hinawakan ang kamay ni Jeremy. "Nagsisinungaling na ako kapag sinabi ko na wala lang sakin yung nangyari, pero hindi mo kasalanan 'to. Si Carter ang may kagagawan nito. Gusto niyang magkaroon ng hidwaan sa pagitan nating dalawa, pero hindi ko hahayaan na makuha niya ang gusto niya."Buo ang loob ni Madeline."Jeremy, marami na tayong pinagdaanang pagsubok. Imposibleng hindi ko maramdaman ang pagmamahal mo sakin hanggang ngayon. At yun ang dahilan kung bakit ayaw kong impluwensyahan tayo ng ibang tao. Hayaan mo na lang na tangayin ng oras ang mga masalimuot na alaala na yun, okay?"Pagkatapos pakinggan ni Jeremy ang sinabi ni Madeline, nakaramdam siya ng kaunting saya. Naunawaan siya ng kanyang Linnie, a
Biglang pinigilan ng babae si Coco na umalis. Pagkatapos ay tumingin ang babae kay Madeline.“Bakit pinapaalis mo ang babaeng ‘to? Eveline, natatakot ka ba na makipag-usap sakin ng matuwid at marangal?” Tumawa ang babae, ngunit puno ng pagmamataas ang kanyang mga mata.Nang makita ito ni Coco, alam niya na agad na nandito ang babaeng ito para manggulo.Gayunpaman, nanatiling kalmado si Madeline.“Nandito ka ba para makipag-usap sakin o nandito ka para makipag-usap sa sekretarya ko? Matatanda na tayo, at alam ko ang iniisip mo, kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras. Coco, gawin mo na ang dapat mong gawin. Hindi mo na kailangang gumawa ng tsaa o kape.”“...” Natulala ang babae nang marinig niya iyon.Si Coco, na agad na naintindihan ang ibig sabihin ni Madeline, ay tumango, tumalikod, at umalis.Kahit na nagtataka siya kung bakit nandito ang babaeng ito, hindi niya ugali ang mangialam o makiosyoso. Kaya naman sinara na niya ang pinto at umalis na lamang siya.Sa loob ng reception
Habang tinitingnan niya ang maid sa mga sandaling ito, ginagawa na ni Madeline ang lahat ng makakaya niya upang kontrolin ang kanyang emosyon. Subalit, noong marinig niya ang sinabi ng maid, hindi niya namalayan na nagsalubong ang mga kilay niya.“Sinubukan ni Carter na i-set up ka sa asawa ko?” Nagtanong si Madeline. “Kung ganun, sinasabi mo na alam mo na may mangyayari sa inyo ng asawa ko?”Noong nakita ni Hannah na nagulat si Madeline, mas napanatag ang kalooban niya sa di malamang dahilan.Tinupi niya ang kanyang mga braso at mayabang siyang tumawa. “Hindi ko alam kung paano kami paglalapitin ni Mr. Carter. Noong nalaman ko kung paano, walang problema sakin. Nakahanda akong isakripisyo ang lahat para sa taong gusto ko, kasama na dun ang katawan ko!”“...”Nagulat si Madeline sa mga sinabi ng maid. Hindi niya maunawaan ang sinasabi ni Hannah. Sasabihin ba ito ng isang babaeng may respeto sa sarili niya?Malamang hindi.Hindi isang ordinaryong tao si Hannah.Dahan-dahang tuma
"Ms. Bolton, kakasabi mo lang na alam mo na sineset-up ka ni Carter sa asawa ko. Alam mo din na gumamit ng imoral na paraan si Carter para 'i-set-up' ka sa asawa ko, hindi ba?" Pinaalala ni Madeline kay Hannah kung ano ang mga sinabi niya kanina. Natulala si Hannah. Hindi pa rin niya maintindihan kung ano ang gustong iparating ni Madeline. Subalit, agad siyang natauhan sa mga sumunod na sinabi ni Madeline. "Kung ganun, Ms. Bolton, ginawa mo yun kahit alam mo na ang mangyayari. Bukod sa hindi mo tinanggihan ang 'kabutihan' daw ni Carter, inisip mo din na marangal mong binigay ang sarili mo. Tama ba yun?" "..." Makikita ang pagkahiya sa mukha ni Hannah; tila hindi mapakali ang mga mata niya. "Alam mo ang ginawa mo at kusang loob mong ginawa yun kahit na malabo ang isipan ng asawa ko, kaya ang asawa ko lang ang nag-iisang biktima sa pangyayaring ito. Anong karapatan mo na magsampa ng kaso laban sa kanya? Ang asawa ko ang dapat magsampa ng kaso laban sayo."Nanggalaiti si Hann