Bahagyang napasimangot si Madeline. Hindi niya ito inasahan. Mas arogante pa si Hannah kaysa sa inakala ni Madeline. Tila nasa twenties pa lang ang babaeng ito, ngunit napakasahol na ng ugali niya. Gayunpaman, maaaring dala rin ng kabataan niya ang kanyang lakas ng loob. Oras pa rin ng trabaho, at walang gaanong tao sa lobby ng kumpanya, ngunit umiiyak at sumisigaw ng malakas si Hannah. Bumaba sa lobby si Madeline, nagmumula sa kanya ang isang mapagmataas na aura. Nagrerecord ng video gamit ng mga mobile phone nila ang ilang mga nagtatakang empleyado. Noong nakita nila na parating si Madeline, agad nilang binaba ang mga phone nila at nagpanggap sila na abala sila sa kanilang trabaho. Nakita rin ni Hannah na parating si Madeline, ngunit hindi siya tumigil sa panggugulo. Habang may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha, tumingin siya kay Madeline at nagkunwari siya na ngayon lang niya nakita si Madeline, at pagkatapos ay bigla siyang tumakbo palapit kay Madeline. Pagl
Napakahusay ng kakayahan ni Madeline sa pag-obserba sa ibang tao. Alam niya kung ano ang binabalak ng babaeng ito.Subalit, noong maghahanda pa lang sana si Madeline, biglang nilabas ni Hannah ang isang kutsilyo mula sa kanyang bulsa! Biglang tumayo si Hannah, hawak niya ang kutsilyo sa isa niyang kamay, at tinutok niya ito sa pulso niya. Napasigaw sa takot ang isang babaeng empleyado. Pinagmasdan ni Madeline ang reaksyon ni Hannah, at syempre, alam ni Madeline na palabas lamang ito ng babae. Gayunpaman, inutusan ni Madeline si Coco na tumawag ng mga pulis at ambulansya, kung sakali na magkagulo. Unti-unting dumami ang mga taong nanonood sa nangyayari, at pakiramdam ni Hannah ay oras na para ituloy niya ang ikalawang bahagi ng kanyang palabas. Hinawakan niya ang kutsilyo at tumingin siya sa pulso niya na para bang nahihirapan siya.Hindi nataranta si Madeline dahil alam na niya ang balak ni Hannah. "Hannah, please tigilan mo na yang ginagawa mo. Kung gusto mong gamitin 't
Sumunod ang tunog ng isang bagay na bumagsak sa lapag. Si Madeline, na biglang napaisip, ay kaagad na lumingon sa likod, at saka niya nakita ang matingkad na pulang dugo na umaagos mula sa kaliwang pulso ni Hannah at ang duguang fruit knife na nahulog na sa lapag. Sa loob ng halos ilang sandali, namutla ang mukha ni Hannah. Nanggigil ito at tinitigan ng masama si Madeline. “Eveline, kapag namatay ako, ikaw ang may kasalanan.” Pagkatapos niyang manggigil at sabihin ang mga salitang iyon, hindi nagtagal at bumagsak sa lapag ang kanyang katawan. Dahil sa nakataya ang buhay ni Hannah, walang pakialam si Madeline sa hindi makatwiran at mabangis na ugali ni Hannah, at naglakad papunta kay Hannah at inalalayan ito. Pero, kumawala si Hannah kay Madeline. “Hindi ko kailangan ng tulong mo, Evelin. Kaya tigilan mo na ang pagiging hipokrita mo. Gusto mo lang akong mamatay!” Buong lakas na hinila ni Hannah ang mangas ni Madeline.“Lahat kayo, tignan niyo. Ang babaeng ito, na si Eveli
Dahil sa maraming tanong ang nakabuntot sa kanya, kinailangan tuloy ni Madeline na huminto. Gayunpaman, kalmado lang siyang ngumiti at nagsalita sa harap ng kamera. “Sa loob ng maraming taon, marami na kayong nakitang drama at hindi kapanipaniwalang balita tungkol sa akin at sa aking asawa, pero anong nangyari sa bandang huli?” Tanong ni Madeline ng may ngiti. “Malinaw na dapat sa inyong lahat ito, hindi ba?” Nagkatinginan ang mga reporter, at nagtanong ang isa sa kanila, “Mrs. Whitman, sinasabi mo ba na sinadya talaga ng babaeng iyon na pumunta dito para gumawa ng gulo at siraan si Mr. Whitman at ang totoo, walang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Mr. Whitman?” Nang marinig niya ang mga sinabi ng reporter, bahagyang natigilan si Madeline ng dalwang segundo. Hindi siya magaling magsinungaling, at ang alaala ng kung ano ang nangyari sa pagitan ni Jeremy at ng katulong ay nagpaulit-ulit sa kanyang isipan. “Mrs. Whitman, bakit hindi ka sumasagot?” “Hindi kaya totoo na
Pinasalamatan ni Madeline ang doktor at saka naglakad papasok sa loob ng ospital. Ngunit, bago pa man siya makarating doon, nakita ni Madeline, mula sa malayo, na maraming reporter ang nakaabang sa labas ng pintuan ng kwarto ni Hannah. Naunawaan ni Madeline na ang mga tao na ito ay naparito para sa karagdagang impormasyon. May gusto pa silang malaman na ibang bagay mula sa panig ni Hannah. Umaasa din sila na mapatunayan na totoo ang sinasabi ni Hannah nang sa gayon ay maging mahalaga ang kanilang ibabalita. Hindi na siya nag-isip pa masyado at kinuha ni Madeline ang kanyang phone at may tinawagan siya.“Hello, kamag-anak po ito ng pasyente na nasa room 1201. Hindi ko alam kung bakit maingay sa labas ng katabing silid. Sa sobrang ingay ay hindi makatulog ang kamag-anak ko. Pakiusap naman at pakisabihan ang mga iyon sa lalong madaling panahon.” Pagkatapos nilang matanggap ang reklamo ni Madeline, tinawag ng ospital ang kanilang security guards para paalisin ang mga reporter.
Nawalan ng kontrol sa sarili si Hannah na nagmukhang mabangis at lumundag papunta kay Madeline. Mukhang nakapagdesisyon na siya na mamatay kasama ni Madeline. Walang oras is Madeline para alalahanin ang sugat sa kanyang kamay sa mga oras na iyon. Mabilis siyang tumabi at iniwasan ang atake ni Hannah. “Hannah, isipin mo muna ang pamilya mo bago ka gumawa ng anumang bagay na pagsisisihan mo.” Sinabihan siya ni Madeline. At lalong nagdugo ang sugat sa kanyang kamay. Kailangan niyang asikasuhin kaagad ang sugat sa kanyang kamay. Alam ni Madeline na hindi pangkaraniwan ang tipo ng kanyang dugo; magiging problema ito kapag nawalan siya ng maraming dugo.Subalit, nung narinig ni Hannah ang sinabi ni Madeline, nagsimula siyang tumawa ng malakas. “Pamilya? Kung meron akong pamilya, magiging isa ba akong katulong?” Sinigawan ni Hannah si Madeline. Malinaw na kinamumuhian niya ang kanyang pinanggalingan. Nanginginig ang kamay ni Hannah na may hawak ng kutsilyo habang nakatutok ito
Tumango si Madeline. Mula sa kanto ng kanyang mga mata, tinignan niya ang naguguluhan na Hannah bago sinundan si Jeremy papunta sa pintuan. “Mr. Whitman!” Sigaw ni Hannah si Jeremy. “Mr. Whitman! Nanggaling ako mula sa St. Piaf para sayo. Nakikiusap ako sa inyo na huwag niyo naman akong tratuhin ng ganito! Mr. Whitman!” Umalingawngaw ang nakakabinging boses ni Hannah sa buong paligid. Hindi siya pinakinggan ni Jeremy. Ang gusto lang niya ay ang asikasuhin kaagad ang sugat ni Madeline sa lalong madaling panahon. Ngunit, sa mga sandaling iyon, ang mga reporter na pinalayas kanina ay biglang sumulpot sa kung saan at bumalik. Pinaligiran nilang lahat si Jeremy para makuha ang panayam nito. Gusto nilang malaman ang tungkol sa relasyon nito kay Hannah, pero bago pa man sila makalapit, natakot na sila sa masamang tingin ni Jeremy. Sa Glendale, hindi sila nangahas na pasamain ang loob ni Jeremy.Kaagad na dinala ni Jeremy si Madeline sa outpatient services na kung saan isang
Nang marinig niya na biglang nagsalita si Jeremy ng ganito, si Hannah, na sobrang emosyonal ng mga oras na iyon, ay nagulantang. Subalit, ang titig ni Jeremy, na puno ng galit, ay hindi basta basta malalapitan ninoman at lokohin. “Nung una ay isa itong pribadong bagay sa pagitan nating dalawa. Pwede mo akong pagbayarin ng danyos, pero mali ka ng ginamit na paraan” Lalong lumamig ang boses at mga mata ni Jeremy. “Gumawa ka ng gulo sa aking kompanya at tinakot ang aking asawa na magpapakamatay ka. Ginamit mo pa nga ang pagiging biktima at gumawa ng isang malaking akusasyon na ang asawa ko ay umupa ng tao para pahirapan ka at ang bata na nasa sinapupunan mo. Heh.” Malamig na ngumiti si Jeremy. “Bata?” Narinig ni Hannah ang mga sarkastikong salita ni Jeremy at naramdaman niya ang pagdududa ng mga tao sa kanyang paligid. Kahit na medyo nakokonsensya siya, si Hannah, na namumula ang mga mata, ay mabilis na inayos ang nakakaawa niyang itsura at nagpaliwanag, “Sinasabi ko lang ang