Tumango si Madeline. Mula sa kanto ng kanyang mga mata, tinignan niya ang naguguluhan na Hannah bago sinundan si Jeremy papunta sa pintuan. “Mr. Whitman!” Sigaw ni Hannah si Jeremy. “Mr. Whitman! Nanggaling ako mula sa St. Piaf para sayo. Nakikiusap ako sa inyo na huwag niyo naman akong tratuhin ng ganito! Mr. Whitman!” Umalingawngaw ang nakakabinging boses ni Hannah sa buong paligid. Hindi siya pinakinggan ni Jeremy. Ang gusto lang niya ay ang asikasuhin kaagad ang sugat ni Madeline sa lalong madaling panahon. Ngunit, sa mga sandaling iyon, ang mga reporter na pinalayas kanina ay biglang sumulpot sa kung saan at bumalik. Pinaligiran nilang lahat si Jeremy para makuha ang panayam nito. Gusto nilang malaman ang tungkol sa relasyon nito kay Hannah, pero bago pa man sila makalapit, natakot na sila sa masamang tingin ni Jeremy. Sa Glendale, hindi sila nangahas na pasamain ang loob ni Jeremy.Kaagad na dinala ni Jeremy si Madeline sa outpatient services na kung saan isang
Nang marinig niya na biglang nagsalita si Jeremy ng ganito, si Hannah, na sobrang emosyonal ng mga oras na iyon, ay nagulantang. Subalit, ang titig ni Jeremy, na puno ng galit, ay hindi basta basta malalapitan ninoman at lokohin. “Nung una ay isa itong pribadong bagay sa pagitan nating dalawa. Pwede mo akong pagbayarin ng danyos, pero mali ka ng ginamit na paraan” Lalong lumamig ang boses at mga mata ni Jeremy. “Gumawa ka ng gulo sa aking kompanya at tinakot ang aking asawa na magpapakamatay ka. Ginamit mo pa nga ang pagiging biktima at gumawa ng isang malaking akusasyon na ang asawa ko ay umupa ng tao para pahirapan ka at ang bata na nasa sinapupunan mo. Heh.” Malamig na ngumiti si Jeremy. “Bata?” Narinig ni Hannah ang mga sarkastikong salita ni Jeremy at naramdaman niya ang pagdududa ng mga tao sa kanyang paligid. Kahit na medyo nakokonsensya siya, si Hannah, na namumula ang mga mata, ay mabilis na inayos ang nakakaawa niyang itsura at nagpaliwanag, “Sinasabi ko lang ang
Kinagat ni Hannah ang kanyang labi at tumingin sa direksyon kung saan umalis sina Jeremy at Madeline; namumula at hindi pumapayag ang kanyang mga mata. Alam niya na nagkamali siya; hindi siya nag-imbestiga nang malinaw bago gumawa ng kwento. Alam niya rin na walang maniniwala sa sinasabi niya, pero nagkaroon nga siya ng relasyon kay Jeremy!Hindi niya makakalimutan ang nangyari sa araw na iyon sa Royal Palace ng St. Piaf buong buhay niya! Dinala ni Jeremy si Madeline pabalik sa kotse. Sa sandaling nakarating na ang kotse sa kalsada, sandaling nanahimik ang ere sa paligid nila. May pilay ang binti ni Jeremy kaya si Madeline ang nagmamaneho ng kotse. Pagkatapos nang mahabang oras nang matinding katahimikan, nagsalita si Jeremy. "Alam mo ba na mapanganib to? Kung kaya niyang gumawa ng gulo sa entrance ng kumpanya nang hindi iniisip ang kanyang sariling reputasyon, alam mo dapat na hindi siya isang mabuting tao. Paano mo nagawang sumugal para makipagkita sa kanya nang mag-isa?"
Sumigaw si Shirley kay Carter, nasa kanyang tono at titig ang matinding galit. Tinignan ni Carter si Shirley sa ganitong kalagayan, pagkatapos ay dinampot niya ang phone nang hindi nagmamadali. Ang totoo, matagal na niyang nakita ang balita, kaya paanong hindi niya malalaman ang tungkol dito? Habang nakatingin sa nakasulat sa screen, isang maliit na ngisi ang unti-unting lumitaw sa mapanglaw na mukha ni Carter. Nang mapansin niya ang ngisi sa mukha ni Carter, biglang bumugso ang matinding sakit sa puso ni Shirley. Hindi niya talaga gustong magkaganito si Carter. Namula ang mga mata ni Shirley taliwas sa kanyang kagustuhan. "Sagutin mo ko, Carter." Lumihis ng tingin si Carter at binato ang phone sa kama. "Oo, ginawa ko nga," inamin niya ito nang hindi sineseryoso. Kahit na ganoon, bakas sa ekspresyon ng kanyang mukha ang matinding emosyon. "Nasa kontrol ko ang lahat sa umpisa, pero tinuruan niyo ako ng leksyon ni Eveline." Sabi ni Carter nang may hindi nagmamadaling
Pinakain niya ulit si Shirley ng isa pang subo at nagpatuloy na nagsalita. "Nang magsimulang umepekto ang hallucinogen sa malay ni Jeremy, may inutusan akong dalhin siya sa kwarto kung saan naghihintay na ang katulong. Kagaya ni Jeremy, binigyan rin siya ng hallucinogen nang hindi niya namamalayan." Pagkatapos itong marinig, naging malinaw na ang lahat kay Shirley. "Pareho mo silang nilito at inisip nila na may nangyari sa kanilang dalawa." Nakatitiyak itong tinapos ni Shirley, at ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Carter nang may mas malaking dismaya. "Carter, wala ka nang pag-asang magbago." Huminto si Carter habang kinutsara ang pagkain. "Hindi na ako magbabago?" Mahina siyang tumawa. "Ikaw ang baliw." "Baliw ako?" "Kung hindi ka baliw, bakit mo tutulungan si Jeremy? Kung hindi ka baliw, bakit mo tutulungan si Eveline? Nakalimutan mo na ba talaga kung paano namatay ang anak natin?" Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Carter. "Wag mong sabihin sa'kin na dahil
Naramdaman ni Fabian na mayroong mali nang makita niya ang hindi pamilyar na numerong ito. Nahulaan na niya kung sino ito, at kagaya ng kanyang inaasahan, narinig niya ang boses ni Carter pagkatapos ng isang segundo. "Nakablock ang number mo. Alam mo dapat na ayaw na kitang makausap." "Hahayaan mo na lang ba talaga si Jeremy na makatakas nang ganito? Kaya mo ba talagang bitawan ang pagkamatay ng mga kapatid mo?" Ginalit at sinulsulan na naman ni Carter si Fabian. Hinintay niya ang sagot ni Fabian. Pagkatapos ng mahabang sandali, narinig mula sa kabilang linya ang boses ni Fabian. "Carter, huling beses ko tong sasabihin sa'yo. Ayaw na kitang makausap. Hindi ko kailangan ang pangingialam mo sa problema ng pamilya ko." Sabi ni Fabian nang may diin pagkatapos ay binaba ang tawag. Habang pinakinggan ni Carter ang tunog mula sa kabilang linya, humigpit ang kanyang hawak sa phone. Isang napakalamig na poot ang pumuno sa kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang sandali, tumawag
Kumurap si Lillian at tumuro sa labas. Mabilis na naintindihan ni Fabian ang ibig sabihin ni Lillian. "Gusto mong lumabas para maglaro, Lily?" Seryosong tumango si Lillian. Habang hawak ni Fabian ang maliit na kamay ni Lillian, nadurog ang kanyang puso. Ang totoo, naintindihan niya. Nakakayamot talaga sigurong manatili sa iisang kwarto araw-araw, pero sa kondisyon ni Lily, nag-aalala pa rin si Fabian. Ngunit habang nakatingin sa umaasang mga mata ni Lillian, kaagad na tinawagan ni Fabian ang kanyang kaibigan na si Evan para magtanong. Hindi nagtagal, binigyan ni Evan si Fabian ng isang magandang sagot. "Maayos naman ang kalagayan ni Lily nitong mga nakaraang araw. Pwede siyang lumabas, pero kailangan ay maaraw at hindi mo siya pwedeng iwan sa gitna ng hangin. At saka, hindi siya dapat lalampas ng kalahating oras sa labas. Basta't masisiguro mong maaalagaan mo siya nang maayos, pwede mo siyang ilabas para maglakad-lakad." Pagkatapos makuha ang sagot na ito, biglang gumaan an
Nang marinig niya ang sinabi ni Madeline, biglang huminto ang daliri ni Fabian na nasa ibabaw ng hang-up button. Tapat ang titig ni Madeline sa screen. Bahagyang nahulaan ni Fabian kung anong sasabihin ni Madeline sa kanya, at nagkaroon siya ulit ng kagustuhan ibaba ang tawag. Ngunit, para bang inasahan rin ito ni Madeline kaya kaagad siyang nagsabi, "Fabian, pupunta ako sa F Country sa susunod na dalawang araw at gusto kong iuwi si Lily habang nandiyan ako." Para bang hindi nagulat si Fabian nang marinig ang sinabi ni Madeline. Inasahan na niya ito, at malamang ay ito lamang ang usapan na mayroon sila ni Madeline sa sandaling ito. Nang makita niya si Fabian na nakatingin lang sa phone nang hindi nagsasalita, halos nahulaan na ni Madeline ang resulta. "Pwede namang kahit ipakita mo lang sa'kin ang anak ko?" Nagkompromiso si Madeline. Nanatiling tahimik si Fabian nang dalawa pang segundo, pagkatapos ay nagsabing, "Pag-uusapan natin to kapag nagkita tayo." Pagtapos iton