Pinakain niya ulit si Shirley ng isa pang subo at nagpatuloy na nagsalita. "Nang magsimulang umepekto ang hallucinogen sa malay ni Jeremy, may inutusan akong dalhin siya sa kwarto kung saan naghihintay na ang katulong. Kagaya ni Jeremy, binigyan rin siya ng hallucinogen nang hindi niya namamalayan." Pagkatapos itong marinig, naging malinaw na ang lahat kay Shirley. "Pareho mo silang nilito at inisip nila na may nangyari sa kanilang dalawa." Nakatitiyak itong tinapos ni Shirley, at ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Carter nang may mas malaking dismaya. "Carter, wala ka nang pag-asang magbago." Huminto si Carter habang kinutsara ang pagkain. "Hindi na ako magbabago?" Mahina siyang tumawa. "Ikaw ang baliw." "Baliw ako?" "Kung hindi ka baliw, bakit mo tutulungan si Jeremy? Kung hindi ka baliw, bakit mo tutulungan si Eveline? Nakalimutan mo na ba talaga kung paano namatay ang anak natin?" Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Carter. "Wag mong sabihin sa'kin na dahil
Naramdaman ni Fabian na mayroong mali nang makita niya ang hindi pamilyar na numerong ito. Nahulaan na niya kung sino ito, at kagaya ng kanyang inaasahan, narinig niya ang boses ni Carter pagkatapos ng isang segundo. "Nakablock ang number mo. Alam mo dapat na ayaw na kitang makausap." "Hahayaan mo na lang ba talaga si Jeremy na makatakas nang ganito? Kaya mo ba talagang bitawan ang pagkamatay ng mga kapatid mo?" Ginalit at sinulsulan na naman ni Carter si Fabian. Hinintay niya ang sagot ni Fabian. Pagkatapos ng mahabang sandali, narinig mula sa kabilang linya ang boses ni Fabian. "Carter, huling beses ko tong sasabihin sa'yo. Ayaw na kitang makausap. Hindi ko kailangan ang pangingialam mo sa problema ng pamilya ko." Sabi ni Fabian nang may diin pagkatapos ay binaba ang tawag. Habang pinakinggan ni Carter ang tunog mula sa kabilang linya, humigpit ang kanyang hawak sa phone. Isang napakalamig na poot ang pumuno sa kanyang mga mata. Pagkatapos ng ilang sandali, tumawag
Kumurap si Lillian at tumuro sa labas. Mabilis na naintindihan ni Fabian ang ibig sabihin ni Lillian. "Gusto mong lumabas para maglaro, Lily?" Seryosong tumango si Lillian. Habang hawak ni Fabian ang maliit na kamay ni Lillian, nadurog ang kanyang puso. Ang totoo, naintindihan niya. Nakakayamot talaga sigurong manatili sa iisang kwarto araw-araw, pero sa kondisyon ni Lily, nag-aalala pa rin si Fabian. Ngunit habang nakatingin sa umaasang mga mata ni Lillian, kaagad na tinawagan ni Fabian ang kanyang kaibigan na si Evan para magtanong. Hindi nagtagal, binigyan ni Evan si Fabian ng isang magandang sagot. "Maayos naman ang kalagayan ni Lily nitong mga nakaraang araw. Pwede siyang lumabas, pero kailangan ay maaraw at hindi mo siya pwedeng iwan sa gitna ng hangin. At saka, hindi siya dapat lalampas ng kalahating oras sa labas. Basta't masisiguro mong maaalagaan mo siya nang maayos, pwede mo siyang ilabas para maglakad-lakad." Pagkatapos makuha ang sagot na ito, biglang gumaan an
Nang marinig niya ang sinabi ni Madeline, biglang huminto ang daliri ni Fabian na nasa ibabaw ng hang-up button. Tapat ang titig ni Madeline sa screen. Bahagyang nahulaan ni Fabian kung anong sasabihin ni Madeline sa kanya, at nagkaroon siya ulit ng kagustuhan ibaba ang tawag. Ngunit, para bang inasahan rin ito ni Madeline kaya kaagad siyang nagsabi, "Fabian, pupunta ako sa F Country sa susunod na dalawang araw at gusto kong iuwi si Lily habang nandiyan ako." Para bang hindi nagulat si Fabian nang marinig ang sinabi ni Madeline. Inasahan na niya ito, at malamang ay ito lamang ang usapan na mayroon sila ni Madeline sa sandaling ito. Nang makita niya si Fabian na nakatingin lang sa phone nang hindi nagsasalita, halos nahulaan na ni Madeline ang resulta. "Pwede namang kahit ipakita mo lang sa'kin ang anak ko?" Nagkompromiso si Madeline. Nanatiling tahimik si Fabian nang dalawa pang segundo, pagkatapos ay nagsabing, "Pag-uusapan natin to kapag nagkita tayo." Pagtapos iton
Hindi sila ganito sa umpisa. Naiinis noon si Karen kapag nakikita si Madeline. Ngunit ngayon, palaging ipinagtatanggol ni Karen ang kanyang manugang na si Madeline. Hindi talaga inaasahan ang lahat. Dahan-dahang tumayo si Jeremy. Naglakad siya papunta sa balkonahe at malinaw niyang nakita si Hannah na nakatayo sa gate na nagpapanggap na biktima. Hindi malayo sa likuran niya, maraming mamamahayag ang naghihintay para sumabog ang isyu. Pagkatapos ng ilang sandali, nakita ni Jeremy si Madeline na lumitaw sa kanyang paningin. Mayroon siyang magandang anyo, at ang coat na nasa kanyang katawan ay marahang sumusunod sa bawat isa ng kanyang elegante at matatag na hakbang. Malakas ang aura ni Madeline, at ang kanyang eleganteng lakad ay mayroong hindi matitinag na anyo. Dahil napakatalas ng paningin ni Jeremy, malinaw niyang nakikita ang mga mata ni Hannah na naging malamig nang makita nito si Madeline. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jeremy; handa na siyang bumaba kahit n
Itinaas ni Madeline ang kanyang kilay at tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang mga mamamahayag. “Mom, wag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko.”“Syempre alam kong alam mo ang ginagawa ko, at may sarili kang ideya, pero tingin ko hinahayaan natin siyang samantalahin tayo.”Ngumiti nang marahan si Madeline nang marinig niya ito. “Hindi naman ito tungkol sa kung sinasamantala niya ba tayo o hindi. Ituring na lang natin siya na parang isang normal na bisita.”“Bisita?” Puno ng inis ang mga mata ni Karen. “Kung hindi ko lang nakita ang video na gumagawa siya ng gulo sa kompanya, ituturing ko sana siyang bisita.”Naiinis na sinabi ni Karen. Habang nag-aalala, nagbigay siya ng babala pagkatapos, “Eveline, ang mga babaeng tulad niya ay hindi lalapit nang may magandang intensyon, kaya kailangan mong mag-ingat.”Ibinaba ni Madeline ang kanyang tingin at tumingin sa gasang nakabalot sa likod ng kanyang kamay. “Nalugi na ako nang isang beses, kaya hindi na yun mauulit.”“Mabuti yan.
Talagang gusto ni Madeline na panagutan siya ni Jeremy? Ibgi-sabihin ba nito pumapayag si Madeline na maging bahagi siya ng pamilya? Maraming pagdududa sa isipan ni Hannah. Habang naguguluhan siya, nakita niya si Karen na hinihila si Madeline sa tabi. Tapos nakita niya si Karen na bumubulong sa tainga ni Madeline pero hindi niya marinig ang sinasabi ni Karen kay Madeline. “Eveline, anong sinasabi mo? Pumapayag ka bang kunin ang babaeng ito para kay Jeremy?”Tumingin si Karen kay Madeline nang nagtataka. Tumango si Madeline nang walang-bahala. “Oo, dahil gustong-gusto niyang panagutan siya ni Jeremy, hahayaan natin siyang maging bahagi ng pamilya.”“A-Ano?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Karen habang hindi maunawaan ang ibig-sabihin ni Madeline. “Nababaliw ka na Eveline! Kahit pumayag ka dito, hindi papayag si Jeremy!”“Pumapayag din ako.” Biglang dumaan sa tainga niya ang boses ni Jeremy. Tumingin sa kanya si Madeline at Karen nang marinig nila ang boses niya. Hindi
Hindi inakala ni Karen na maglalakas-loob ang babaeng ito na kausapin siya nang ganito. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita saglit sa galit niya. Kaagad siyang pinakalma ni Madeline. “Mom, kalma. Sasamahan kita sa taas para makapagpahinga ka saglit.”Hinawi ni Karen ang kanyang kamay at nagsalubong nang maigi ang mga kilay niya. “Wag kang mag-alala sa akin. Hindi ko maintindihan ang ginagawa mo, at ayaw ko ring mangialam.”Sinabi ni Karen at tumalikod. Bago umakyat, tinitigan niya si Hannah nang naiinis at sinabi, “Wala akong pakialam kung anong ginagawa niyong dalawa, pero kung gusto mong sumama sa pamilyang ito, kailangan mamatay muna ako!”Pabalang na sinabi ni Karen habang malinaw ang kanyang galit. Nagtinginan si Madeline. Nalungkot sila sa loob nila, pero ngayong ganito na ang kinalabasan ng mga pangyayari, ito na lang ang tanging paraan. Kahit ayaw ni Hannah sa ugali ni Karen, masaya siyang pwede na siyang manirahan dito. Pagkatapos mag