Itinaas ni Madeline ang kanyang kilay at tumingin siya sa direksyon kung nasaan ang mga mamamahayag. “Mom, wag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko.”“Syempre alam kong alam mo ang ginagawa ko, at may sarili kang ideya, pero tingin ko hinahayaan natin siyang samantalahin tayo.”Ngumiti nang marahan si Madeline nang marinig niya ito. “Hindi naman ito tungkol sa kung sinasamantala niya ba tayo o hindi. Ituring na lang natin siya na parang isang normal na bisita.”“Bisita?” Puno ng inis ang mga mata ni Karen. “Kung hindi ko lang nakita ang video na gumagawa siya ng gulo sa kompanya, ituturing ko sana siyang bisita.”Naiinis na sinabi ni Karen. Habang nag-aalala, nagbigay siya ng babala pagkatapos, “Eveline, ang mga babaeng tulad niya ay hindi lalapit nang may magandang intensyon, kaya kailangan mong mag-ingat.”Ibinaba ni Madeline ang kanyang tingin at tumingin sa gasang nakabalot sa likod ng kanyang kamay. “Nalugi na ako nang isang beses, kaya hindi na yun mauulit.”“Mabuti yan.
Talagang gusto ni Madeline na panagutan siya ni Jeremy? Ibgi-sabihin ba nito pumapayag si Madeline na maging bahagi siya ng pamilya? Maraming pagdududa sa isipan ni Hannah. Habang naguguluhan siya, nakita niya si Karen na hinihila si Madeline sa tabi. Tapos nakita niya si Karen na bumubulong sa tainga ni Madeline pero hindi niya marinig ang sinasabi ni Karen kay Madeline. “Eveline, anong sinasabi mo? Pumapayag ka bang kunin ang babaeng ito para kay Jeremy?”Tumingin si Karen kay Madeline nang nagtataka. Tumango si Madeline nang walang-bahala. “Oo, dahil gustong-gusto niyang panagutan siya ni Jeremy, hahayaan natin siyang maging bahagi ng pamilya.”“A-Ano?” Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Karen habang hindi maunawaan ang ibig-sabihin ni Madeline. “Nababaliw ka na Eveline! Kahit pumayag ka dito, hindi papayag si Jeremy!”“Pumapayag din ako.” Biglang dumaan sa tainga niya ang boses ni Jeremy. Tumingin sa kanya si Madeline at Karen nang marinig nila ang boses niya. Hindi
Hindi inakala ni Karen na maglalakas-loob ang babaeng ito na kausapin siya nang ganito. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Hindi siya makapagsalita saglit sa galit niya. Kaagad siyang pinakalma ni Madeline. “Mom, kalma. Sasamahan kita sa taas para makapagpahinga ka saglit.”Hinawi ni Karen ang kanyang kamay at nagsalubong nang maigi ang mga kilay niya. “Wag kang mag-alala sa akin. Hindi ko maintindihan ang ginagawa mo, at ayaw ko ring mangialam.”Sinabi ni Karen at tumalikod. Bago umakyat, tinitigan niya si Hannah nang naiinis at sinabi, “Wala akong pakialam kung anong ginagawa niyong dalawa, pero kung gusto mong sumama sa pamilyang ito, kailangan mamatay muna ako!”Pabalang na sinabi ni Karen habang malinaw ang kanyang galit. Nagtinginan si Madeline. Nalungkot sila sa loob nila, pero ngayong ganito na ang kinalabasan ng mga pangyayari, ito na lang ang tanging paraan. Kahit ayaw ni Hannah sa ugali ni Karen, masaya siyang pwede na siyang manirahan dito. Pagkatapos mag
Habang naiinis, tinitigan ni Hannah nang masama si Madeline. “Anong ginagawa mo?”Itinaas ni Madeline ang matalas at seryosong mata niya bago matapang na sabihin, “Ang sabi ko, wag mong hawakan ang mga gamit ko.”Pagkatapos niyang paalalahanan nang seryoso si Hannah, hinawi niya palayo ang kamay ni hannah at tumalikod. “Alis. Wag mong guluhin ang trabaho ko. Pwede kang uminom ng tsaa ngayon.”Nang magsalita si Madeline, napansin niyang hindi nagsasalita si Hannah, ngunit sa halip ay nakarinig si Madeline ng ilang paggalaw. Lumingon siya para tumingin at napansin niyang inaabot pa rin ni Hannah ang pabangong ginawa niya. Ito pa lang ang natatapos na produkto sa kasalukuyan, at nakapaghanda na ng apppointment si Madeline para masubukan ng kliyente ang pabango ngayong gabi. Napansin ni Hannah na kumukunot ang noo ni Madeline, kaya siguro napagtanto niyang mahalaga kay Madeline ang pabango. Ngumisi siya. Hinawakan niya nang mataas ang bote ng pabango at nagpanggap na binitawan
Sabay na huminto sa paglalakad si Madeline at Jeremy.Puno ng lungkot ang mga mata ni Hannah, at ang maganda niyang mukha ay hindi natitinag. “Mr. Whitman, pumayag kang tumira ako sa bahay mo at pananagutan mo ako, pero sinasamahan mo pa rin si Eveline araw-araw. Paano mo ako matutulungang mapanatag?”Direktang nagtanong si Hannah, ngunit nang itanong niya ito, nagmukha siyang ignorante at makitid ang utak. Ngunit gaano kakitid ang utak ng isang taong handang magpagamit kay Carter para makamit ang kanyang layunin? Pagkatapos marinig ito, malinaw na ayaw ni Jeremy na mag-abalang magpaliwanag kay Hannah. Humigpit ang hawak niya sa balikat ni Madeline nang bahagya nang ibaba niya ang kanyang tingin at bumulong siya kay Madeline. “Linnie, wag nating hayaang maapektuhan ng mga hindi importanteng tao ang araw natin,” Marahan niyang sinabi habang ang mata niya ay maamo at puno ng pagmamahal. “Tara na.” Ayaw ni Madeline na patuloy pang asikasuhin si Hannah kaya ngumiti siya at tuma
Hinawakan niya nang marahan ang kamay ni Madeline at ang malalim at nakakahumaling niyang mata ay puno ng pagsisisi. “Kung nanatili akong tahimik noong sandaling iyon, hindi sana mangyayari ang masamang bagay na ito,” Nagsisising sinabi ni Jeremy. “Noong gumawa ng eksena si Hannah nitong nakaraang araw, nagkaroon ng epekto ang mga ginawa niya sa shares ng Whitman Corporation at Montgomery Enterprise. “Kapag patuloy pa siyang gumawa ng gulo, Linnie, ang mga project at order na mayroon ka ay mate-terminate dahil sa kanya. “Sa ngayon, kailangan mo itong pagdusahan. Ito lang ang tanging paraan.”Habang pinapakinggan si Jeremy na unti-unting humihingi sa kanya ng tawad, ngumiti nang mapagpatawad. “Ako ang nakaisip nito, kaya di ko nararamdamang naaagrabyado ako. Kailangan natin itong unahin. Kahit anong mangyari, tingin ko di naman maaapektuhan ni Hannah ang relasyon natin. Sa halip, tingin ko hindi siya dapat kaawaan.”Naglabas ng pambihirang malamig ngunit magandang kinang ang m
Si Hannah, habang iniisip na kailangan niyang bumabugin nang matagal si Madeline bago pumayag si Madeline ay hindi inasahang papayag nang ganito si Madeline. Ngumiti siya sa tuwa, pero tumingin siya nang maiig kay Madeline. “Dahil nangako ka sa akin, hindi mo pwedeng talikuran ito.”“Di ko babawiin ang sinabi ko at ang mga pangako ko, pero gusto kong ipaalala sa’yo na ang paggawa ng perfume ay hindi madali, kaya wag kang susuko kalagitnaan.”Nang marinig niya ang mga salita ni Madeline, tumawa nang nanghahamak si Hannah. “Salamat sa pagiging maunawain, pero makakaasa kang naranasan ko na ang lahat ng paghihirap mula noong bata pa ako, kaya noon pa ako walang takot at hindi ako natatakot na maghirap.”Ayon sa mga sinabi ni Hannah, naunawaan na ni Madeline kung bakit masyadong matapang ang ugali ni Hannah. Lumalabas na ang lahat ng ito ay dahil sa kanyang karanasan sa buhay. Ngunit ang pagiging matapang ay hindi isang ugaling dapat ipagmalaki. “Eveline, pwede na ba akong m
Nang marinig niya ang sinabi ni Madeline, dahan dahan na tumango si Hannah, pero ang mga mata niya ay puno ng pagdududa at pagkamuhi. “Eveline, mukhang malakas ang loob mo.” “Kung wala kang lakas ng loob, hindi magbabayad ng malaking halaga ang mga kustomer para pagawain ako ng pabango para sa kanila.”“Hmph.” Tumawa si Hannah, na nagpapahiwatig ng kanyang pagsuway. “Naniniwala ako na kahit ano pa man ito, hangga’t seryoso mo itong ginagawa, gagantimpalaan ka! Magaling ka man sa paggawa ng pabango, pero mas mainam pa rin na magsanay.” Narinig ni Madeline ang masyadong malakas na loob na salita ni Hannah, at ayaw na niyang sagutin ito. Matagal na niyang alam na ganito si Hannah. Bukod sa mga pagkakataon na medyo natatakot siya sa harapan ni Carter, makasarili siya at mapagmataas. Walang sinabi si Madeline. Hinayaan lang niya na manatili si Hannah sa loob ng laboratoryo. Si Hannah, na mukhang nakatuon ang pansin sa pag-aaral, ay pinapanood si Madeline na gumawa ng pabango.