Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1271 - Kabanata 1280

2479 Kabanata

Kabanata 1271

Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline pagkatapos niyang marinig ang mga sinabi ni Ryan.Ang dalawang taong nasa isip niya ay ang mga magulang niya.“Magbihis ka. Hihintayin kita sa baba.” Seryoso si Ryan at tila hindi siya nakikipag lokohan sa kanya.Pagkalabas ni Ryan sa silid, agad na sinara ni Madeline ang pinto at nagpalit siya ng damit bago siya bumaba.Pagkatapos siyang dalhin ni Ryan sa lugar na ‘to, hindi pa siya lumabas ng kwarto ni minsan.Ngayon lang niya napansin na elegante ang itsura ng bahay.‘Sabi nila isa ‘tong holiday villa. Pero sa mundong ‘to, gaano karaming villa ba ang ganito kamahal at ganito kaganda ang itsura?’Ang pinaka pinagtataka ni Madeline ay mula noong sumulpot si Naomi noong araw na yun, hindi na niya siya nakita ulit.Syempre, hindi siya mag-uusisa at magtatanong kay Ryan tungkol sa kanya.Nagpalit din ng damit si Ryan. Nagsuot siya ng isang suit na may necktie, dahilan para magmukha siyang elegante.Sinundan siya ni Madeline papu
Magbasa pa

Kabanata 1272

”Nandito siguro si Linnie kanina! Nakita niya ako!”Hindi nagpaabala si Jeremy sa pulang traffic light. Sinunod niya ang kutob niya, at tumakbo siya sa kabila ng kalsada."Jeremy. Mmm—"Gagawa sana ng ingay si Madeline nang biglang tinakpan ni Ryan ang bibig niya.Nakita niya si Jeremy na unti-unting lumalapit sa kanya at inangat niya ang kamay niya upang katukin ang bintana ng kotse, sinubukan niyang gumawa ng paraan para marinig siya ni Jeremy. Subalit, pinigilan ni Ryan ang mga kamay niya.Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ni Madeline upang hindi siya makapalag.“May mangyayaring hindi maganda kapag nakita ka niya.” Narinig niya ang malamig na boses ni Ryan mula sa likod niya. “Nakalimutan mo na ba kung sino ang pupuntahan natin ngayon?”Pinaalalahanan niya si Madeline. Pagkatapos niyang magsalita, ramdam niya na wala nang balak si Madeline na pumiglas at suwayin siya.Unti-unting lumuwag ang mga kamao niya na noong una’y pinangkakabog niya sa bintana, at sa huli, wal
Magbasa pa

Kabanata 1273

Tumingin si Madeline kay Ryan at pakiramdam niya ay sinasakal ang kanyang damdamin.Tumingin siya sa pinto na nasa malayo at dahan-dahan siyang naglakad palapit.Bumilis ang tibok ng puso ni Madeline noong nagsimula siyang mag-isip kung ano ang makikita niya.Paisa-isa ang hakbang niya. Pagdating niya sa pinto, narinig niya na may nagsasalin ng tubig at kasunod nito ang pagsulpot ng isang mukha sa harap niya. Ito ang mismong mukha na nakikita niya lang sa mga panaginip niya.Agad na namula ang mga mata ni Madeline. Inangat niya ang kanyang mga kamay at sumandal siya sa may pinto."Dad…"Kakatapos lang magsalin ni Sean ng tubig sa baso. Sa di inaasahan, narinig niya na may tumawag sa kanya ng ‘Dad’. Kumabog ang kanyang dibdib nang marinig niya ang boses na ito.Lumingon siya at humarap siya sa pinto. Noong nakita niya si Madeline, na nakatayo sa tabi ng pinto, agad na nanlaki ang mga mata ni Sean at humulas sa mga kamay niya ang baso na hawak niya.Crash!Nahulog sa lapag ang b
Magbasa pa

Kabanata 1274

”Eveline?” Natauhan si Eloise at nanlaki ang kanyang mga mata. Pinagmasdan niyang maigi si Madeline. Pagkatapos, umiling siya. “Hindi siya si Eveline, hindi.”Naramdaman ni Madeline na nagkapira-piraso ang kanyang puso noong marinig niya na itinanggi siya ni Eloise.Nag-aalinlangan siyang tumingin kay Eloise, na nasa likod ni Sean, at nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha. . Pinakalma ni Madeline ang kanyang sarili at kinausap niya si Sean, "Bakit siya nagkaganito? Bakit hindi niya ako makilala? Dad, anong nangyayari?" Bumuntong hininga si Sean at malungkot siyang nagsalita, "Dahil 'to kay Lana." "Dahil kay Lana?"Tumango si Sean, puno ng galit para kay Lana ang mga mata niya. "Dahil sa kanya, nasunog ang bahay natin. Akala ng mom mo na namatay ka sa sunog. Mula noon, lagi niyang sinasabi na gusto ka niyang hanapin. Araw-araw, paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan mo…"Sa puntong iyon, napahinto si Sean. Hinawakan niya ang kamay ni Eloise. Makikita pa rin sa mga mat
Magbasa pa

Kabanata 1275

Inalala ni Sean ang nangyari noong araw na yun. Nagsalubong ang mga kilay niya at naging madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Eveline, may mga bagay na ayaw ko sanang sabihin sayo dahil natatakot akong masaktan ka." Masama ang loob ni Sean. "Dad, sabibin mo sakin, anong nangyari? Marami akong tiniis na sakit nitong mga nagdaang taon. Kaya kong tanggapin kung anong sasabihin mo." Determinado si Madeline na malaman ang nangyari. Malungkot na tumingin si Sean sa kanyang anak. Pagkatapos, nagdesisyon siya na sabihin ang lahat ng nangyari noong araw na yun. "Si Jeremy ang nagsimula ng sunog. Hindi ko inakala na susundin niya ang mga sinabi ni Lana dahil lang nawala ang mga alaala niya at nagawa niya ang isang napakasamang bagay." Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline noong narinig niya ang sagot ni Sean. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at hinarap niya ang katotohanan. 'Kahit na utos lang yun ni Lana, si Jeremy pa rin ang gumawa nun.' Subalit, pagkatapos niy
Magbasa pa

Kabanata 1276

Bumuntong hininga si Sean. "Para na rin siguro ito sa ikabubuti ng lahat. Paikot-ikot na lang kayong dalawa ni Jeremy sa loob ng maraming taon at hindi kayo naging masaya sa mga buhay niyo. Si Mr. Jones ay isang gwapo at talentadong lalaki na minsan lang darating sa buhay mo. Siya rin ang nagligtas sakin at sa mom mo. Panatag ang loob ko kapag kasama mo si Mr. Jones.""Masyado mo akong pinupuri Mr. Montgomery. Hindi ako kasing bait ng sinasabi mo." "Sinasabi ko lang ang totoo," Pinuri ni Sean si Ryan at tinama niya ang kanyang sarili. "Tutal kasal naman na kayo ni Eveline, isa na tayong pamilya ngayon. Hindi mo na ako kailangang tawagin na Mr. Montgomery. Pwede mo akong tawaging 'Dad', gaya ni Eveline." Lalong lumaki ang ngiti sa mukha ni Ryan, at hindi siya nahiyang magsalita, "Dad." "Ayos yan." Natuwa si Sean. Subalit, hindi mapakali si Madeline noong marinig niya na tinawag ni Ryan si Sean na 'Dad'. Pinilit niyang ngumiti habang nakatingin siya kay Ryan. "May kailangan ak
Magbasa pa

Kabanata 1277

Nakita ni Madeline na kumikislap ang mga mata ni Ryan. Ayaw na niyang titigan pa si Ryan at tumalikod siya."Hindi mo kailangang matakot sakin. Hindi kita sasaktan, pero hindi ako papayag na bumalik ka kay Jeremy," Ang pagalit na sinabi ni Ryan at matalim ang kanyang mga mata. "Hula ko, gusto mong makasama ng mas matagal ang mga magulang mo. May mga kailangan pa akong asikasuhin, kaya dito ka na muna." Inikot ni Ryan ang buhok ni Madeline sa kanyang mga daliri habang palapit ang mukha niya kay Madeline. Nilihis ni Madeline ang mukha niya. Gusto sana niyang umatras, ngunit hinawakan ni Ryan ang bewang niya. "Ang mga bagay na hindi mo dapat sabihin, huwag mong subukang sabihin yun sa mga magulang mo. Ayaw mo naman sigurong mawala ng tuluyan ang pamilya mo, di ba?" Halatang pinagbabantaan niya siya. Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi. Hindi siya nagsalita at hindi rin siya tumingin kay Ryan. "Ayaw ko sa lahat kapag hindi maganda ang pinakikitang ekspresyon ng isang tao
Magbasa pa

Kabanata 1278

Naghahanap pa rin ang mga kasamahan ni Jeremy. Nakakaramdam sila ng awa para kay Jeremy. "Jeremy, maggagabi na. Bumalik na muna tayo sa ngayon." "Mauna na kayo." Walang balak tumigil si Jeremy. Hindi siya mapapanatag kung hindi siya makakahanap ng kahit anong senyales na dumaan nga dito si Madeline. "Wala tayong mapapala kung ipagpapatuloy natin ang paghahanap ng ganito. Bakit hindi natin subukang tawagan ang ilang mga organisasyon dito at humingi tayo ng tulong sa kanila sa pamamagitan ng pagkuha ng mga surveillance footave? Pagkatapos, tingnan natin kung makakahanap tayo ng mga impormasyon mula doon?"Nahimasmasan si Jeremy pagkatapos niyang marinig ang suhestiyon ng kanyang kasama. Humina at bumagal na ba ang pag-iisip niya? Hindi na ba niya kayang mag-isip ng tama dahil masyado siyang nag-aalala kay Madeline?Hindi na nag-aksaya ng oras si Jeremy, agad niyang tinawagan ang mga lokal na organisasyon. Di nagtagal, nakuha niya ang lahat ng footage mula sa kalapit na kalsada.
Magbasa pa

Kabanata 1279

Hindi na nagulat si Madeline nang malaman niya na may ibang motibo si Ryan at mahinahon niya itong hinarap. "Anong mga pagpipilian ko?" Ngumiti si Ryan at sumagot. Humigpit ang hawak ni Madeline sa kanyang phone noong narinig niya ang dalawang pagpipilan na binigay ni Ryan. Wala siyang binigay na pagpipilian kay Madeline. Pagbaba niya ng tawag, dahan-dahang binaba ni Madeline ang kanyang kamay at tumingin siya sa direksyon kung saan manggagaling si Jeremy. Naglaho ang liwanag sa kanyang mga mata at yumuko siya. "Bakit bigla kang lumabas? Hindi mo pa naubos ang pagkain mo." Biglang lumapit si Eloise kay Madeline at tumingin siya ng seryoso sa kanya. Hindi man makilala ni Eloise si Madeline, ngunit halatang nag-aalala pa rin siya para sa kanyang anak. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline. Hinawakan niya ang kamay ni Eloise at ngumiti siya. "Tara na, kumain na tayo." "Sige." Natuwa si Eloise at hinawakan niya ang kamay ni Madeline. Tumingin si Madeline sa malay
Magbasa pa

Kabanata 1280

Ngumiti siya at tumingin siya sa labas ng bintana. Namutla siya sa kanyang nakita. “Jeremy?” Lumingon si Madeline upang tingnan ang imahe na nakasandal sa isang puno sa tabi ng kalsada. Mahina ang liwanag ng buwan sa gabing iyon, ngunit matagal nang nakaukit sa puso niya ang anino at imahe ni Jeremy. Sigurado siya na nakakaramdam ng matinding sakit si Jeremy base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi mapakali si Madeline. "Ihinto mo ang kotse!" Inutusan niya ang driver ngunit hindi ito sumunod. Nagtaka sila Eloise at Sean nang makita nilang hindi mapakali si Madeline. "Anong problema, Eveline?" Tumingin rin si Sean sa labas ng bintana ngunit wala siyang nakita na kahit ano. "Ihinto mo ang kotse! Ang sabi ko, ihinto mo ang kotse!" Nawawalan na ng kontrol si Madeline sa mga emosyon niya. Kahit na ilang ulit na umaalingawngaw ang mga utos ni Ryan sa isipan niya, hindi niya magawang pabayaan na nagdurusa si Jeremy."Madam, sabi ni Mr. Jones…" "Huwag mong sabihin sak
Magbasa pa
PREV
1
...
126127128129130
...
248
DMCA.com Protection Status