Nakita ni Madeline na kumikislap ang mga mata ni Ryan. Ayaw na niyang titigan pa si Ryan at tumalikod siya."Hindi mo kailangang matakot sakin. Hindi kita sasaktan, pero hindi ako papayag na bumalik ka kay Jeremy," Ang pagalit na sinabi ni Ryan at matalim ang kanyang mga mata. "Hula ko, gusto mong makasama ng mas matagal ang mga magulang mo. May mga kailangan pa akong asikasuhin, kaya dito ka na muna." Inikot ni Ryan ang buhok ni Madeline sa kanyang mga daliri habang palapit ang mukha niya kay Madeline. Nilihis ni Madeline ang mukha niya. Gusto sana niyang umatras, ngunit hinawakan ni Ryan ang bewang niya. "Ang mga bagay na hindi mo dapat sabihin, huwag mong subukang sabihin yun sa mga magulang mo. Ayaw mo naman sigurong mawala ng tuluyan ang pamilya mo, di ba?" Halatang pinagbabantaan niya siya. Tinikom ni Madeline ang kanyang mga labi. Hindi siya nagsalita at hindi rin siya tumingin kay Ryan. "Ayaw ko sa lahat kapag hindi maganda ang pinakikitang ekspresyon ng isang tao
Naghahanap pa rin ang mga kasamahan ni Jeremy. Nakakaramdam sila ng awa para kay Jeremy. "Jeremy, maggagabi na. Bumalik na muna tayo sa ngayon." "Mauna na kayo." Walang balak tumigil si Jeremy. Hindi siya mapapanatag kung hindi siya makakahanap ng kahit anong senyales na dumaan nga dito si Madeline. "Wala tayong mapapala kung ipagpapatuloy natin ang paghahanap ng ganito. Bakit hindi natin subukang tawagan ang ilang mga organisasyon dito at humingi tayo ng tulong sa kanila sa pamamagitan ng pagkuha ng mga surveillance footave? Pagkatapos, tingnan natin kung makakahanap tayo ng mga impormasyon mula doon?"Nahimasmasan si Jeremy pagkatapos niyang marinig ang suhestiyon ng kanyang kasama. Humina at bumagal na ba ang pag-iisip niya? Hindi na ba niya kayang mag-isip ng tama dahil masyado siyang nag-aalala kay Madeline?Hindi na nag-aksaya ng oras si Jeremy, agad niyang tinawagan ang mga lokal na organisasyon. Di nagtagal, nakuha niya ang lahat ng footage mula sa kalapit na kalsada.
Hindi na nagulat si Madeline nang malaman niya na may ibang motibo si Ryan at mahinahon niya itong hinarap. "Anong mga pagpipilian ko?" Ngumiti si Ryan at sumagot. Humigpit ang hawak ni Madeline sa kanyang phone noong narinig niya ang dalawang pagpipilan na binigay ni Ryan. Wala siyang binigay na pagpipilian kay Madeline. Pagbaba niya ng tawag, dahan-dahang binaba ni Madeline ang kanyang kamay at tumingin siya sa direksyon kung saan manggagaling si Jeremy. Naglaho ang liwanag sa kanyang mga mata at yumuko siya. "Bakit bigla kang lumabas? Hindi mo pa naubos ang pagkain mo." Biglang lumapit si Eloise kay Madeline at tumingin siya ng seryoso sa kanya. Hindi man makilala ni Eloise si Madeline, ngunit halatang nag-aalala pa rin siya para sa kanyang anak. Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline. Hinawakan niya ang kamay ni Eloise at ngumiti siya. "Tara na, kumain na tayo." "Sige." Natuwa si Eloise at hinawakan niya ang kamay ni Madeline. Tumingin si Madeline sa malay
Ngumiti siya at tumingin siya sa labas ng bintana. Namutla siya sa kanyang nakita. “Jeremy?” Lumingon si Madeline upang tingnan ang imahe na nakasandal sa isang puno sa tabi ng kalsada. Mahina ang liwanag ng buwan sa gabing iyon, ngunit matagal nang nakaukit sa puso niya ang anino at imahe ni Jeremy. Sigurado siya na nakakaramdam ng matinding sakit si Jeremy base sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi mapakali si Madeline. "Ihinto mo ang kotse!" Inutusan niya ang driver ngunit hindi ito sumunod. Nagtaka sila Eloise at Sean nang makita nilang hindi mapakali si Madeline. "Anong problema, Eveline?" Tumingin rin si Sean sa labas ng bintana ngunit wala siyang nakita na kahit ano. "Ihinto mo ang kotse! Ang sabi ko, ihinto mo ang kotse!" Nawawalan na ng kontrol si Madeline sa mga emosyon niya. Kahit na ilang ulit na umaalingawngaw ang mga utos ni Ryan sa isipan niya, hindi niya magawang pabayaan na nagdurusa si Jeremy."Madam, sabi ni Mr. Jones…" "Huwag mong sabihin sak
Huminto sa pagtibok ang puso ni Jeremy. Salamat sa direksyon ng pwersa, bumagsak paharap si Madeline sa mga kamay ni Jeremy. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang mainit na bagay na tumagos sa kanyang katawan, pero nakuntento pa rin siya sa sandaling nakarating siya sa mga bisig ni Jeremy. “Jeremy.” Tinaas niya ang kanyang kamay para yakapin ang nakatulalang lalake. “Sa wakas at nahanap mo na rin ako, Jeremy.” Hinihingal si Madeline, nabibitin ang paghinga nito. Na may maputlang mukha, hinila ni Jeremy si Madeline sa kanyang mga bisig. Wala siyang kaalam-alam kung nasaan ang sugat sa katawan ni Madeline, pero nararamdaman niya ang lagkit ng dugo nito. “Huwag kang matutulog, Linnie. Dadalhin kita sa ospital!” Habang karga-karga si MAdeline at tumatakbo, mukhang nakalimutan ni Jeremy na isa rin siyang pasyente na pinapahirapan ng lason na nasa loob ng kanyang katawan. Habang nakasandal sa dibdib ni Jeremy, nakaramdam ng pagkakontento si Madeline“Alam ko na mahahanap
“Ryan Jones.” “Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras, pwera na lang kung gusto mong mamatay ang pinakamamahal mong babae sa iyong mga kamay.” Kampanteng nilahad ni Ryan ang pareho niyang mga kamay. “Ibigay mo siya sa akin.”Tinikom ni Jeremy ang kanyang kamao at tinitigan ang walang malay na babae na nasa kanyang mga bisig. Tinatagan niya ang kanyang damdamin bago inabot si Madeline kay Ryan. Alam niya na dahil sa pisikal niyang kondisyon, wala siyang sapat na lakas para dalhin si Madeline sa ospital. Ang magagawa lang niya ay ipasa siya kay Ryan. Yun lang ang tangi niya ng magagawa sa ngayon. Habang kinukuha niya si Madeline sa mga bisig ni Jeremy, may iniwan si Ryan na mga salita bago lumingon. “Nakita naman na ng sarili mong mga mata na walang limitasyon kung ano ang kaya kong gawin. Kapag nilapitan mo pa siya o kaya sinubukan na itakas uli, papatayin ko na siya.”Isang masama at mayabang na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. “Huwag mo rin akong subukan na hulih
Nagtataka si Madeline kung dahil ba sobra na siyang nangungulila kay Jeremy ay nagsisimula na siyang magkaroon ng guni-guni, pero ang anino na nasa kanyang harapan ay lalo naging malinaw sa kanyang mga mata. Inabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang papalapit na lalake, pero nung itinaas niya ang kanyang kamay, nabatak ang sugat sa kanyang balikat. “Mmph.” Napaungol siya sa sakit. Lumapit si Jeremy sa kanya at umupo sa tabi nito at hinila siya sa kanyang mga bisig. “Linnie.” Nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito, uminit ang gilid ng mga mata ni Madeline. Inangat niya ang kanyang hapong mukha, na bakas ang paghihinagpis mula rito. “Masakit pa rin ba? Pinapahirapan ka pa rin ba ng lason? Meron ka pang anim na dosis. Ipangako mo sa akin na tuturukan mo ang sarili mo sa tamang oras.” Pinaalalahanan niya ito, puno ang kanyang mga mata ng pag-aalala para sa lalakeng ito. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. “Huwag mo na akong alalahanin. Ayos lan
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ryan ng bigla nitong hinawakan ang baba ni Madeline. Hinarap niya sa mukha ni Madeline ang malagim niyang ekspresyon.Hindi man maganda ang katayuan ng katawan ni Madeline, pero hindi nun napalambot ang kanyang awra o kaya ang matalas na tingin sa kanyang mga mata nito. "Hindi ka ba natatakot mamatay?" Humugpit ang pagkakahawak ni Ryan sa baba ni Madeline. "Ang ikinatatakot ko ay ang hindi na siya makita .Nangsalubong ang kilay ni Ryan na para bang tinamaan siya ng isang atake. Ang pagnanasa niyang manalo at makuha ang lahat ay hindi siya hinahayaan na maghanap pa ng iba ang babaeng kursonada niya. "Sinasabi mo ba sa akin na wala kang pakialam sa mga magulang mo, Eveline Montgomery?" Ang kanyang mga salita ay may tinamaan na isang sensitibong bagay. Alam niya na hindi siya tatakas at iiwanan ang kanyang mga magulang patlra ipagtanggol ang kanilang mga sarili. “Kung naiisip mo si Jeremy Whitman o umaasa ka na maililigtas ka ng