“Ryan Jones.” “Huwag ka nang mag-aksaya pa ng oras, pwera na lang kung gusto mong mamatay ang pinakamamahal mong babae sa iyong mga kamay.” Kampanteng nilahad ni Ryan ang pareho niyang mga kamay. “Ibigay mo siya sa akin.”Tinikom ni Jeremy ang kanyang kamao at tinitigan ang walang malay na babae na nasa kanyang mga bisig. Tinatagan niya ang kanyang damdamin bago inabot si Madeline kay Ryan. Alam niya na dahil sa pisikal niyang kondisyon, wala siyang sapat na lakas para dalhin si Madeline sa ospital. Ang magagawa lang niya ay ipasa siya kay Ryan. Yun lang ang tangi niya ng magagawa sa ngayon. Habang kinukuha niya si Madeline sa mga bisig ni Jeremy, may iniwan si Ryan na mga salita bago lumingon. “Nakita naman na ng sarili mong mga mata na walang limitasyon kung ano ang kaya kong gawin. Kapag nilapitan mo pa siya o kaya sinubukan na itakas uli, papatayin ko na siya.”Isang masama at mayabang na ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. “Huwag mo rin akong subukan na hulih
Nagtataka si Madeline kung dahil ba sobra na siyang nangungulila kay Jeremy ay nagsisimula na siyang magkaroon ng guni-guni, pero ang anino na nasa kanyang harapan ay lalo naging malinaw sa kanyang mga mata. Inabot niya ang kanyang kamay para hawakan ang papalapit na lalake, pero nung itinaas niya ang kanyang kamay, nabatak ang sugat sa kanyang balikat. “Mmph.” Napaungol siya sa sakit. Lumapit si Jeremy sa kanya at umupo sa tabi nito at hinila siya sa kanyang mga bisig. “Linnie.” Nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito, uminit ang gilid ng mga mata ni Madeline. Inangat niya ang kanyang hapong mukha, na bakas ang paghihinagpis mula rito. “Masakit pa rin ba? Pinapahirapan ka pa rin ba ng lason? Meron ka pang anim na dosis. Ipangako mo sa akin na tuturukan mo ang sarili mo sa tamang oras.” Pinaalalahanan niya ito, puno ang kanyang mga mata ng pag-aalala para sa lalakeng ito. Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. “Huwag mo na akong alalahanin. Ayos lan
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ryan ng bigla nitong hinawakan ang baba ni Madeline. Hinarap niya sa mukha ni Madeline ang malagim niyang ekspresyon.Hindi man maganda ang katayuan ng katawan ni Madeline, pero hindi nun napalambot ang kanyang awra o kaya ang matalas na tingin sa kanyang mga mata nito. "Hindi ka ba natatakot mamatay?" Humugpit ang pagkakahawak ni Ryan sa baba ni Madeline. "Ang ikinatatakot ko ay ang hindi na siya makita .Nangsalubong ang kilay ni Ryan na para bang tinamaan siya ng isang atake. Ang pagnanasa niyang manalo at makuha ang lahat ay hindi siya hinahayaan na maghanap pa ng iba ang babaeng kursonada niya. "Sinasabi mo ba sa akin na wala kang pakialam sa mga magulang mo, Eveline Montgomery?" Ang kanyang mga salita ay may tinamaan na isang sensitibong bagay. Alam niya na hindi siya tatakas at iiwanan ang kanyang mga magulang patlra ipagtanggol ang kanilang mga sarili. “Kung naiisip mo si Jeremy Whitman o umaasa ka na maililigtas ka ng
Kahit na alam niyang isa lang itong patibong na inilatag ni Ryan, pinaandar ni Jeremy ang kotse at sumunod nang walang alinlangan. Binilisan ni Ryan ang pagmamaneho na para bang sinusubukan niyang iligaw si Jeremy, ngunit ang galing ni Jeremy sa pagmamaneho ay di nagbigay kay Ryan ng pagkakataon. Nang wala pang 20 minuto, huminto ang kotse ni Ryan sa isang warehouse. Sumunod sa loob si Jeremy nang walang alinlangan. Sa sandaling pumasok siya, sinalubong siya ng isang bala. Kaagad itong iniwasan ni Jeremy at muntik itong dumaplis sa tainga niya bago ito tumama sa kahoy sa likod niya. Itinaas niya ang kanyang tingin at nakita si Ryan na nakatayo nang di malayo sa kanya. Nakatutuok sa kanya ang baril ni Ryan, habang ang elegante at maginoong mukha nito ay may malupit na aura na lalong pinalakas ng suit niya. “Alam kong di mo ako dadalhin kay Linnie nang ganito kadali, Ryan. kaya magsalita ka, anong gusto mo?” Tanong ni Jeremy, wala nang gana para magpaliguy-ligoy pa kay Ry
Iniwan ito nang ganito ni Ryan at tumalikod para umalis. Pinalabas niya si Jeremy para mapagbantaan niya ito at mailabas niya ang galit niya dito. Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang marinig niya ang boses ni Jeremy sa likod niya. “Nasaan ang asawa ko Ryan?” Huminto si Ryan at lumingon para tignan ang maputlang mukha ni Jeremy. Lumalim ang ngiti niya sa nakita niya.“Siya ang legal na asawa ko. Saan pa ba siya titira bukod sa bahay ko? Kalma, ngayong nandoon ang mga biyenan ko para bantayan sya, magiging ayos lang siya.”Mga biyenan? Alam ni Jeremy na si Eloise at Sean ang tinutukoy ni Ryan. Ngunit bakit siya magiging biyenan niya? Siya lang ang asawa ni Linnie. Gumanda ang timpla ni Ryan nang makita niya ang galit sa mga mata ni Jeremy. “Pasasalamatan kita diyan Jeremy. Salamat sa pag-abot sa akin ng mga biyenan mo.” Itinikom ni Jeremy ang kanyang kamao at nagsalubong ang kilay niya sa galit. “Ryan Jones—”“Bakit di mo tipirin yang hininga mo para t
Kinuha ni Jeremy ang papel at nakita ang isang linya ng salita dito. Ang gulo ng sulat sa puntong halos imposibleng mabasa ito. Natagalan si Jeremy bago niya mabasa nang bahagya ang sulat. ‘Wag kang magpadalos-dalos.’ Tinignan ng doktor ang sulat sa kamay ni Jeremy. “Ang taong nagdala sa’yo sa ospital ay malamang sa ring doktor. Isang doktor lang ang makakapagsagawa ng ganitong first aid. Ang sulat din, kaming mga doktor lang ang ganyan magsulat.” “Doktor?” Natahimik si Jeremy. Naalala niyang may nakita siyang isang pamilyar na taong tumakbo patungo sa kanya nang tuliro. Tinawag din ng lalaki ang pangalan niya. Ngunit di maalala ni Jeremy na may nakilala siyang doktor dito sa Y Country. … Makalipas ang ilang araw, gumaling na si Madeline. Naligo siya at bumaba ng kama. Pumunta si Eloise para iabot ang isang mainit na mangkok ng herbal soup. “Ako mismo ang gumawa nito. Para sa’yo oh.” Nabigla si Madeline nang makita niya si Eloise na nakatingin sa kanya nang mukhan
”Hmm? Buhay pa rin siya matapos mawalan ng napakaraming dugo? Kakaiba naman ang katawan niya.” Sarkastiko ang pananalita ni Ryan. Gumulo ang paghinga ni Madeline. Maraming dugo ang nawala kay Jeremy? Paano nangyari yun? “Ngayong naiisip ko ito, ayos pa rin siya kahit matapos pahirapan ng lason nang sobrang tagal. Huh. Talagang determinado itong si Jeremy Whitman.” Narinig ang boses ni Ryan. “Peroano ngayon kung matibay siya at malakas ang loob? Basta nasa tabi ko si Eveline Montgomery, di siya mabubuhay nang tahimik.” Ryan Jones!Itinikom ni Madeline ang kanyang panga nang lumaki ang poot niya para sa nakakasuklam at tusong lalaking ito. Gayunpaman, anong nangyari kay Jeremy? Bakit ang dami ng nawalang dugo sa kanya? Nag-alala si Madeline. Sakto narinig niya si Ryan na nagtatanong sa tao sa kabilang linya, “Nasa anong ospital si Jeremy? Kindred? Sige.” Tapos narinig ni Madeline ang yabag ni Ryan na palapit sa pinto. Di na siya nanatili pa at lumapit sa hagdan kung sa
Lumingon ang driver para tignan ang rear-view mirror at nataranta nang makita niya si Madeline na hawak ang kanyang sikmura habang nakakunot ang noo niya sa sakit. “Saan ang masakit sa’yo Eveline? Sabihin mo kay Dad,” Hinawakan ni Sean sa balikat si Madeline at kabadong nagtanong. Kinagat ni Madeline ang kanyang labi sa sakit. “Di ko alam. Masakit lang ang sikmura ko.” “May malapit bagn ospital dito? Dali, pumunta ka sa ospital!” Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Sean nang utusan niya ng driver. “Malapit lang ang Kindred Hospital. Dadalhin kita doon!” Kaagad na lumiko ang driver nang walang alinlangan. Sumandal si Madeline sa balikat ni Sean nang magkaroon ng sigla sa mukhang pagod niyang mata. Bumiyahe ang kotse patungo sa ospital, at pagdating doon, dinala ni Sean si Madeline palabas ng kotse. Tapos tinawag niya si Eloise. “Maraming tao dito sa ospital, Ellie. Sumunod ka sa akin okay? Wag kang lalayo.” Nakiusap si Sean, natatakot na baka maligaw si Eloise sa kasalukuya