Kinuha ni Jeremy ang papel at nakita ang isang linya ng salita dito. Ang gulo ng sulat sa puntong halos imposibleng mabasa ito. Natagalan si Jeremy bago niya mabasa nang bahagya ang sulat. ‘Wag kang magpadalos-dalos.’ Tinignan ng doktor ang sulat sa kamay ni Jeremy. “Ang taong nagdala sa’yo sa ospital ay malamang sa ring doktor. Isang doktor lang ang makakapagsagawa ng ganitong first aid. Ang sulat din, kaming mga doktor lang ang ganyan magsulat.” “Doktor?” Natahimik si Jeremy. Naalala niyang may nakita siyang isang pamilyar na taong tumakbo patungo sa kanya nang tuliro. Tinawag din ng lalaki ang pangalan niya. Ngunit di maalala ni Jeremy na may nakilala siyang doktor dito sa Y Country. … Makalipas ang ilang araw, gumaling na si Madeline. Naligo siya at bumaba ng kama. Pumunta si Eloise para iabot ang isang mainit na mangkok ng herbal soup. “Ako mismo ang gumawa nito. Para sa’yo oh.” Nabigla si Madeline nang makita niya si Eloise na nakatingin sa kanya nang mukhan
”Hmm? Buhay pa rin siya matapos mawalan ng napakaraming dugo? Kakaiba naman ang katawan niya.” Sarkastiko ang pananalita ni Ryan. Gumulo ang paghinga ni Madeline. Maraming dugo ang nawala kay Jeremy? Paano nangyari yun? “Ngayong naiisip ko ito, ayos pa rin siya kahit matapos pahirapan ng lason nang sobrang tagal. Huh. Talagang determinado itong si Jeremy Whitman.” Narinig ang boses ni Ryan. “Peroano ngayon kung matibay siya at malakas ang loob? Basta nasa tabi ko si Eveline Montgomery, di siya mabubuhay nang tahimik.” Ryan Jones!Itinikom ni Madeline ang kanyang panga nang lumaki ang poot niya para sa nakakasuklam at tusong lalaking ito. Gayunpaman, anong nangyari kay Jeremy? Bakit ang dami ng nawalang dugo sa kanya? Nag-alala si Madeline. Sakto narinig niya si Ryan na nagtatanong sa tao sa kabilang linya, “Nasa anong ospital si Jeremy? Kindred? Sige.” Tapos narinig ni Madeline ang yabag ni Ryan na palapit sa pinto. Di na siya nanatili pa at lumapit sa hagdan kung sa
Lumingon ang driver para tignan ang rear-view mirror at nataranta nang makita niya si Madeline na hawak ang kanyang sikmura habang nakakunot ang noo niya sa sakit. “Saan ang masakit sa’yo Eveline? Sabihin mo kay Dad,” Hinawakan ni Sean sa balikat si Madeline at kabadong nagtanong. Kinagat ni Madeline ang kanyang labi sa sakit. “Di ko alam. Masakit lang ang sikmura ko.” “May malapit bagn ospital dito? Dali, pumunta ka sa ospital!” Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Sean nang utusan niya ng driver. “Malapit lang ang Kindred Hospital. Dadalhin kita doon!” Kaagad na lumiko ang driver nang walang alinlangan. Sumandal si Madeline sa balikat ni Sean nang magkaroon ng sigla sa mukhang pagod niyang mata. Bumiyahe ang kotse patungo sa ospital, at pagdating doon, dinala ni Sean si Madeline palabas ng kotse. Tapos tinawag niya si Eloise. “Maraming tao dito sa ospital, Ellie. Sumunod ka sa akin okay? Wag kang lalayo.” Nakiusap si Sean, natatakot na baka maligaw si Eloise sa kasalukuya
“Linnie?” Nabigla at natuwa si Jeremy. Kusa niyang inabot si Madeline ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya nang mapansin niya kung gaano kasakit ang sugat niya sa binti. Nanikip ang puso ni Madeline kasabay ng sumimangot si Jeremy. “Jeremy!” Tumakbo siya patungo dito at ibinalot ang kanyang braso sa baywang nito, niyayakap ang lalaki bago ito mawalan ng balanse at tumumba. “Nananaginip ba ako Linnie?” Itinaas ni Jeremy ang ulo ni Madeline sa baba nito, habang ang malalim niyang mata ay ipinapakita ang nakakahumaling nitong itsura. Umiling si Madeline. “Di ka nananaginip Jeremy. Ako ito.” Huminahon ang nakakunot na kilay ni Jeremy. Nakalimutan niyang nandito si Eloise dahil nakatuon ang mata niya kay Madeline. Habang nakatitig dito nang malambing, yumuko siya para halikan ito sa labi. Habang nabibigla, ipinikit ni Madeline ang kanyang mata nang kusa at ibinalik ang matamis nitong halik… Habang nahihiya, lumingon si Eloise at lumapit sa pinto. Tumingin siya ul
Ang pinakahuling bagay na inasahan ni Madeline ay ang biglaang paglitaw ni Ryan sa kanyang harapan. Malinaw niyang sinabi na mayroong siyang gagawin. Iyon ang dahilan kung bakit nagtawag siya ng drivernpara ihatid sila, kaya bakit siya nandito ngayon? Ngumiti ang mga labi ni Ryan habang pinanood niyang mamutla ang mukha mukha ni Madeline. "Nagulat ka, no?" Ngumiti siya. "Nagulat rin ako. Sinong mag-aakala na napakatalino mo pala?" "Ryan!" Hindi pinansin ni Jeremy ang mga sugat niya at tumakbo para tumayo sa harapan ni Madeline, tiniis niya ang sakit ng kanyang mga sugat habang prinotektahan niya siya sa kanyang likuran. Nakatutok ang kanyang matatalas na mga mata kay Ryan. "Labanan mo ko bilang isang tunay na lalaki. Wag mo kong bantaan gamit ng kaligtasan ng asawa ko. "Asawa mo?" Suminghal si Ryan, ang kanyang tono ay mapangutya. "Nakalimutan mo na siguro, Jeremy Whitman, pero asawa ko si Eveline Montgomery. Higit isang taon ko na siyang asawa." Aaminin ni Madeline na no
Humakbang si Jeremy para pigilan siya, pero inubos ng matinding sakit mula sa sugat sa kanyang binti ang natitira niyang lakas. Hindi ito isang sugat na madaling gumaling at dumugo na naman ito. Minantsahan nito ang mga patong ng bandage ng kulay pula. Napatalon ng puso ni Madeline sa kanyang nakita. "Jeremy!" Naramdaman niya ang kagustuhan niyang tumakbo papunta sa kanya pero hinigpitan ni Ryan ang kanyang hawak sa kanyang balikat. "Hindi mo ba naiintindihan? Habang lalo kang lumapit sa kanya, mas matinding sakit ang daranasin niya," tahimik na banta ni Ryan sa tainga ni Madeline. Hinigpitan ni Madeline ang kanyang mga kamao at kinagat ang kanyang labi. "Hindi ka makakatakas, Ryan. Makukulong ka!" Ngumiti lang si Ryan. "Kung ganon, sisiguraduhin ko lang na makuha ko ang layunin ko bago ako mahuli." Tinitigan nang masama ni Madeline ang natutuwang tingin ni Ryan. Hindi pa siya nakaramdam ng ganitong kawalan ng pag-asa. "Wag kang sumama sa kanya, Linnie." Halos magmakaawa
Napatunayan ng kanyang sagot ang hinala ni Madeline. Sumugod siya sa kanya sa galit. "Mayroon pa bang natitirang kahit na kaunting konsensya sa loob mo, Ryan? Natutuwa ka ba kapag pinapahirapan mo ang mga tao sa paligid ko? Ano bang ginawa ko para magalit ka sa'kin?""Sinong may sabing galit ako sa'yo? Ang totoo, gustong-gusto kita." Dahan-dahang tumayo si Ryan, ang kanyang matangkad na anyo at matinding aura ay tumore sa maliit na anyo ni Madeline. "Ang tanging pagkakamali mo lang ay ang mahulog ka para kay Jeremy Whitman." Hinubad niya ang kanyang salamin, mas nabakas ang kadiliman sa kanyang mga mata. "Ang saklap siguro na mawala sayo ang taong pinakamahalaga para sa'yo, ha? Sisihin mo ang Whitman family." Whitman family? Hindi ito maintindihan ni Madeline. Gusto pa niyang may malaman tungkol dito, pero mukhang walang balak si Ryan na magpaliwanag pa. Ngumiti siya at tinignan ang matalim na kinang sa mga mata ni Madeline. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay ang burahin
Imbis na isang palabas, pinakita sa screen si Eloise na naglalakad sa isang mataong daan. “Mom.” Tinignan ni Madeline si Eloise na mag-isa at kinaayawan ang katotohanan na hindi niya kayang hilahin ang kanyang ina papunta sa kanyang tabi. "Sinusundan ng mga tao ko ang nanay mo kaya maipapangako ko sa'yo na magiging ayos lang siya. Pero, kapag ginalit mo ko ulit, ipapaalala ko sa'yo kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay." Hinigpitan ni Ryan ang hawak niya habang nagbanta siya. Nagsalubong ang kilay ni Madeline sa tumitinding sakit sa kanyang baba, unti-unting dumidilim ang kanyang paningin habang tinitigan niya ang display. Pinanood ni Ryan na dumilim ang ilaw sa mga mata ni Madeline at kuntento siyang ngumiti. "May sasabihin ka ba, hmm?" "Wag mong saktan ang mga magulang ko." Kailangang magkompromiso ni Madeline, ang determinadong kinang sa kanyang mga mata ay napilitang mamatay sa ilalim ng mga kinikilos ni Ryan. "Nangangako ako na hindi na ko makikipagkit