Nang makita niyang papalapit ang mukha ni Ryan, biglang napuno ng mga larawan ni Jeremy ang isipan ni Madeline. Naaalala niya pa kung paano siya nangako sa kanya noon, "Wag kang mag-aalala sa'kin, Jeremy. Aalagaan ko ang sarili ko." Pero anong ginagawa niya ngayon? Hahayaan niya ba si Ryan na gawin ang gusto niya, pagkatapos ay hayaang mabaliw niya si Jeremy?" Hindi pwede. Hindi siya magiging isang puppet na kayang paglaruan ni Ryan kahit na kailan niya gusto. Sa makiling oras na ilang segundo, lumitaw sa isipan ni Madeline ang maraming kaisipan. Nang makita niyang dadampi na ang mga labi ni Ryan sa kanya, humakbang siya paatras.Bumukas ang mga mata ni Ryan habang nagdilim ang kanyang tingin. Magwawala sana siya nang may kumatok sa pintuan ng study. Tok, tok "Ako to." Narinig ang boses ni Adam mula sa labas. Bumitaw si Ryan at tinitigan nang kakaiba si Madeline bago tumalikod para buksan ang pinto. Mabilis na dinampot ni Madeline ang kanyang damit na nasa lapag
Kumuha ng panyo si Ryan at pinunasan ang labi ni Madeline nang mukhang malambing. "Wag kang palaging nakasimangot. Ngumiti ka naman kahit minsan." Di alam ni Madeline kung dapat ba siyang ngumiti ngunit mukhang pursigido si Ryan na makita ito sa mukha niya sa mga oras na ito. Pinilit niyang ngumiti at nginitian nang bahagya si Ryan. Natuwa si Ryan. "Ayan. Ngayon mas mukha ka nang asawa ko sa pakikinig mo sa akin." "Ryan, dalhin mo ako para makita si一" "Eveline." Biglang pumasok ng kwarto si Sean. Tumingala si Madeline at nagulat na makita si Eloise na nakasunod dito. "Mom?!" Nanood siya nang ngitian ni Eloise si Ryan. "Wag kang mag-alala Eveline. Umuwi kagabi ang mom mo matapos siya hanapin ng mga tauhan ni Mr. Jones. Nakatulog ka nang maaga kagabi kaya di na kita ginising," Paliwanag ni Sean kay Madeline. Lumalabas na nakauwi na pala si Eloise kagabi at sadyang inaasar lang siya ni Ryan kanina. Tinignan ni Ryan sa mata si Madeline at ngumiti. "Mag-usap muna kayo. M
Hinila pabalik ni Ryan si Madeline, kahit na hindi siya interesado sa gustong ipakita sa kanya ni Ryan. Ang gusto lang niyang malaman ay kung ligtas ba si Sean at Eloise. Ngunit mukhang walang balak si Ryan na bumitaw. Ikinabit niya ang kanyang phone sa display ng kotse at isang eksena ang nagsimulang mailantad sa harapan niya… Silang tatlo ay nakita sa display habang pinag-uusapan ang kanilang planong tumakas nitong nakaraan sa kwarto. Malinaw ang video at maging ang kanilang boses. Pakiramdam ni Madeline nilamig ang kailaliman ng kanyang puso nang kumalat ang lamig sa kanyang katawan. Lumingon siya at tumingin sa kampanteng lalaki at nagtanong nang di makapaniwala, "Naglagay ka ng camera sa kwarto ko?" Ngumisi si Ryan nang walang bahala at tinitigan ang natatakot na tingin si Madeline. "Makikita sa ebidensya na di ka natuto sa mga pagkakamali mo." Di inasahan ni Madeline na mamanmanan ni Ryan ang bawat galaw niya, maging ang mga ginagawa niya sa loob ng kwarto! Kinilabu
"Nagmamakaawa ka na sa akin ngayon?" Maligayang nagtanong si Ryan. "Higit isang beses ko nang pinaalala sa'yo na wag mong susubukan ang kaya kong gawin diba? Di ako si Jeremy Whitman at di ko hahayaang gawin mo ang kahit anong gusto mo. Makinig ka sa akin at ipinapangako kong pananatilihin kong ligtas ang mga magulang mo." Tumango si Madeline nang manlabo ang paningin niya. "Okay! Nauunawaan ko, talaga. Tumawag ka lang ng ambulansya Ryan, please! Nagmamakaawa ako sa'yo, pakiusap!" Nagmakaawa si Madeline at malapit na siyang lumuhod. Ngumiti si Ryan nang matuwa siyang nakikitang lumuluha si Madeline nang abutin niya ito para haplusin ang kilay nito na basa sa ulan. Ang mata niya ay nagsimulang maging malambing. "Makinig ka sa akin Eveline, at maipapangako ko sa'yo ma tutuparin ko ang bawat hiling mo." Tumango si Madeline nang mabilis habang lumuluha. "Makikinig ako! Pakikinggan ko ang kahit anong sasabihin mo Ryan! Talagang gagawin ko yun! Di ma ako magsasabi ng mga maling bag
Nanikip ang dibdib ni Sean nang marinig niyang nagmamakaawa si Madeline. "Wag kang umiyak Eveline. Magiging ayos lang si dad." Pinatahan niya ito, habang kalmado ang kanyang titig. "Ayaw kong maniwala na kayang gawin ng lalaking ito ang kahit anong gusto niya!" Walang takot na tinitigan nang masama ni Sean si Ryan. "Wag ka nang magsalita Dad. Walang mas mababa sa kanya, talagang gagawin niya…" Umiling si Madeline nang nanggigigil na parang nakasalalay ang kanyang buhay dito. Napuno ng takot ang kanyang puso nang tignan niya ang napakasamang lalaki nang namumula ang mata. "Pakawalan mo ang dad ko, Ryan. Nangangako ako na kukumbinsihin ko siya na wag ka nang suwayin! Di mo na ako mapapasunod kapag may nangyaring masama sa mga magulang ko, Ryan!" Nagmakaawa si Madeline sa lalaki nang natataranta at s halip pinagbantaan ang lalaki. Mukhang gumewang si Ryan nang makita ang luha at ang ulan na pumapatak sa mukha ni Madeline. "Pwede ko siyang pakawalan kung iyan ang gusto ng asa
Habang basang-basa, umupo si Madeline sa pasilyo at hinintay ang resulta ng kalagayan ni Eloise at Sean. Lumapit si Ryan at naglagay ng jacket sa balikat niya. Nang maramdaman ang init ng lalaki at maamoy ang amoy sa katawan ni Ryan, nanginig nang kusa si Madeline. Nagulat at natuwa si Ryan sa reaksyon ni Madeline. Nagsisimula na siyang maging alerto dito. Ang takot niya ay makakatulong sa plano nito. "Magiging ayos lang ang mga magulang mo. Pero ikaw, magkakalagnat ka kapag nanatili ka pa dito," Marahan siyang sinabihan ni Ryan. "Magiging ayos lang ba talaga sila?" Di makapaniwalang tanong ni Madeline nang may nag-aalalang tono. Ngumiti nang bahagya si Ryan. "Magiging ayos lang sila basta't susunod ka. Pangako." Itinikom ni Madeline ang kanyang kamao at ibinuka ito. "Umuwi ka kasama ko." Mas maamo na ang tono ni Ryan ngayon. Sa kaalamang di siya pwedeng tumanggi, tumingin siya sa emergency room at tumayo. Malambing na inilapag ni Ryan ang kanyang braso sa balikat n
Di mapigilan ni Ryan na matawa sa reaksyon ni Madeline. "Akala mo ba papatayin kita?" Ngumiti siya. "Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na saktan ka?" Diba ginawa na niya yun? Tingin ni Madeline nakakatawa ang sinasabi ni Ryan. Mula pa noong una sinasaktan na siya nito. Tinapik ulit ito ni Ryan, at naging maamo ang kanyang tono nang sabihin niya, "Bumalik ka dito at umupo." Tinignan ni Madeline ang gunting na hawak ni Ryan. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Lumapit sa kanya si Ryan nang umupo siya. Sinimulan nitong padaanin ang daliri nito sa kanyang basang buhok. “Matagal mo nang nakasama si Jeremy. Sigurado akong mahal na mahal ka ng lalaking yun sa kung gaano siya kahandang ibuwis ang kanyang buhay para sa’yo.” Di maintindihan ni Madeline kung anong ipinapahiwatig ni Ryan, pero nararamdaman niya ang daliri nitong humahaplos sa hibla ng buhok niya. Nandiri siya nang sobra. Gusto niyang tumakas ngunit ang magagawa lang niya ay itikom ang kanyang kamao at pil
“Jeremy.” Maamo ang tono ni Old Master Whitman na parang di niya alam kung anong nangyari nitong nakaraan. “Bakit tinatawagan mo ako sa halip na gamitin ang oras para samahan si Eveline at ang mga bata na maglaro?” Di man lang maprotektahan ni Jeremy ang asawa niya ngayon lalo na ang ilabas ang asawa at anak niya para maglaro. May gusto akong itanong Grandpa.” Pinigilan ni Jeremy ang kanyang damdamin at nanatiling kalmado ang kanyang tono. Nang walang alinlangan, nagtanong si Old Master Whitman nang maamo, “Anong gusto mong itanong sa akin?” “Tungkol ito sa Jones family.” Huminto si Old Master Whitman sa kabilang linya. “Ang Jones family? Isa sa apat na pinakamayamang pamilya sa Glendale, yung Jones family na yun?” “Oo,” Kinumpirma ni Jeremy. “May nangyari ba sa pagitan nating mga Whitman at Jones family noon? Kilala mo ba ang elder nila na yumao nitong nakaraang 15 taon?” Napahinto saglit si Old Master Whitman. Nagtaka si Jeremy sa reaksyon nito. “Grandpa?” “Sabihin