"Nagmamakaawa ka na sa akin ngayon?" Maligayang nagtanong si Ryan. "Higit isang beses ko nang pinaalala sa'yo na wag mong susubukan ang kaya kong gawin diba? Di ako si Jeremy Whitman at di ko hahayaang gawin mo ang kahit anong gusto mo. Makinig ka sa akin at ipinapangako kong pananatilihin kong ligtas ang mga magulang mo." Tumango si Madeline nang manlabo ang paningin niya. "Okay! Nauunawaan ko, talaga. Tumawag ka lang ng ambulansya Ryan, please! Nagmamakaawa ako sa'yo, pakiusap!" Nagmakaawa si Madeline at malapit na siyang lumuhod. Ngumiti si Ryan nang matuwa siyang nakikitang lumuluha si Madeline nang abutin niya ito para haplusin ang kilay nito na basa sa ulan. Ang mata niya ay nagsimulang maging malambing. "Makinig ka sa akin Eveline, at maipapangako ko sa'yo ma tutuparin ko ang bawat hiling mo." Tumango si Madeline nang mabilis habang lumuluha. "Makikinig ako! Pakikinggan ko ang kahit anong sasabihin mo Ryan! Talagang gagawin ko yun! Di ma ako magsasabi ng mga maling bag
Nanikip ang dibdib ni Sean nang marinig niyang nagmamakaawa si Madeline. "Wag kang umiyak Eveline. Magiging ayos lang si dad." Pinatahan niya ito, habang kalmado ang kanyang titig. "Ayaw kong maniwala na kayang gawin ng lalaking ito ang kahit anong gusto niya!" Walang takot na tinitigan nang masama ni Sean si Ryan. "Wag ka nang magsalita Dad. Walang mas mababa sa kanya, talagang gagawin niya…" Umiling si Madeline nang nanggigigil na parang nakasalalay ang kanyang buhay dito. Napuno ng takot ang kanyang puso nang tignan niya ang napakasamang lalaki nang namumula ang mata. "Pakawalan mo ang dad ko, Ryan. Nangangako ako na kukumbinsihin ko siya na wag ka nang suwayin! Di mo na ako mapapasunod kapag may nangyaring masama sa mga magulang ko, Ryan!" Nagmakaawa si Madeline sa lalaki nang natataranta at s halip pinagbantaan ang lalaki. Mukhang gumewang si Ryan nang makita ang luha at ang ulan na pumapatak sa mukha ni Madeline. "Pwede ko siyang pakawalan kung iyan ang gusto ng asa
Habang basang-basa, umupo si Madeline sa pasilyo at hinintay ang resulta ng kalagayan ni Eloise at Sean. Lumapit si Ryan at naglagay ng jacket sa balikat niya. Nang maramdaman ang init ng lalaki at maamoy ang amoy sa katawan ni Ryan, nanginig nang kusa si Madeline. Nagulat at natuwa si Ryan sa reaksyon ni Madeline. Nagsisimula na siyang maging alerto dito. Ang takot niya ay makakatulong sa plano nito. "Magiging ayos lang ang mga magulang mo. Pero ikaw, magkakalagnat ka kapag nanatili ka pa dito," Marahan siyang sinabihan ni Ryan. "Magiging ayos lang ba talaga sila?" Di makapaniwalang tanong ni Madeline nang may nag-aalalang tono. Ngumiti nang bahagya si Ryan. "Magiging ayos lang sila basta't susunod ka. Pangako." Itinikom ni Madeline ang kanyang kamao at ibinuka ito. "Umuwi ka kasama ko." Mas maamo na ang tono ni Ryan ngayon. Sa kaalamang di siya pwedeng tumanggi, tumingin siya sa emergency room at tumayo. Malambing na inilapag ni Ryan ang kanyang braso sa balikat n
Di mapigilan ni Ryan na matawa sa reaksyon ni Madeline. "Akala mo ba papatayin kita?" Ngumiti siya. "Paano ako magkakaroon ng lakas ng loob na saktan ka?" Diba ginawa na niya yun? Tingin ni Madeline nakakatawa ang sinasabi ni Ryan. Mula pa noong una sinasaktan na siya nito. Tinapik ulit ito ni Ryan, at naging maamo ang kanyang tono nang sabihin niya, "Bumalik ka dito at umupo." Tinignan ni Madeline ang gunting na hawak ni Ryan. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Lumapit sa kanya si Ryan nang umupo siya. Sinimulan nitong padaanin ang daliri nito sa kanyang basang buhok. “Matagal mo nang nakasama si Jeremy. Sigurado akong mahal na mahal ka ng lalaking yun sa kung gaano siya kahandang ibuwis ang kanyang buhay para sa’yo.” Di maintindihan ni Madeline kung anong ipinapahiwatig ni Ryan, pero nararamdaman niya ang daliri nitong humahaplos sa hibla ng buhok niya. Nandiri siya nang sobra. Gusto niyang tumakas ngunit ang magagawa lang niya ay itikom ang kanyang kamao at pil
“Jeremy.” Maamo ang tono ni Old Master Whitman na parang di niya alam kung anong nangyari nitong nakaraan. “Bakit tinatawagan mo ako sa halip na gamitin ang oras para samahan si Eveline at ang mga bata na maglaro?” Di man lang maprotektahan ni Jeremy ang asawa niya ngayon lalo na ang ilabas ang asawa at anak niya para maglaro. May gusto akong itanong Grandpa.” Pinigilan ni Jeremy ang kanyang damdamin at nanatiling kalmado ang kanyang tono. Nang walang alinlangan, nagtanong si Old Master Whitman nang maamo, “Anong gusto mong itanong sa akin?” “Tungkol ito sa Jones family.” Huminto si Old Master Whitman sa kabilang linya. “Ang Jones family? Isa sa apat na pinakamayamang pamilya sa Glendale, yung Jones family na yun?” “Oo,” Kinumpirma ni Jeremy. “May nangyari ba sa pagitan nating mga Whitman at Jones family noon? Kilala mo ba ang elder nila na yumao nitong nakaraang 15 taon?” Napahinto saglit si Old Master Whitman. Nagtaka si Jeremy sa reaksyon nito. “Grandpa?” “Sabihin
Nang makapagpasya siya, hinanap ni Madeline si Ryan. Walang bahalang nakaupo sa bakuran ang lalaki habang may hawak na libro at isang tasa ng kape. Dumapo sa likod niya ang sikat ng araw at naglagay ng mainit na kulay sa kanyang makinis at gwapong mukha. Sa likod ng maamo at gwapong mukha niya ay ibang tao, isang taong nakakakilabot. Itinikom ni Madeline ang kanyang kamay at lumapit. Nakita siya ni Ryan at itinaas ang tingin nito sa kanya nang interesado. Ang maliit at makinis na mukha ni Madeline ay nakikita sa kanyang titig. Mukhang masaya ang lalaki sa nagawa niya nang makita niya ang preskong bob cut nito. “Anong maitutulong ko? O siguro, nakapag desisyon ka na?” Isinara ni Ryan ang libro nang magkaroon ng kampanteng ngiti sa mukha ng lalaki. Lumapit sa kanya si Madeline. Nang maharap ang lalaki sa harapan niya, nagulat siya na magkaroon ng pagkabahala sa kanyang dibdib. “Ryan.” “Hmm?” Tamad na sumagot ang lalaki nang dumaan sa mukha ni Madeline ang mata nito. “
Subalit, di nagdadalawang-isip si Ryan na gumamit ng karumal-dumal na paraan!” Sinubukan ni Madeline na kumawala sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit sobrang lakas ng lalaki at pakiramdam niya mababali na ang kanyang buto. Habang pwersahan siyang pinapasunod sa likod nito, ang kanyang sapatos ay nalaglag sa gitna ng magulo niyang hakbang. Sumabog ang galit ni Ryan. Di na ito ang maamo at maginoong lalaking nakilala niya. Hinila nito si Madeline sa storage room ng villa kung saan sari-saring bagay ang nakalagay. Dahil di ito nasisinagan ng araw, amoy luma ang kwarto. Idiniin ni Ryan si Madeline sa pader at hinawakan siya sa balikat, pinilit siyang harapin ang galit nitong mukha. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Dapat ba pahirapan kita? Sasabihin ko sa’yo, Eveline Montgomery, di kita mahal tulad ng inaakala mo. Di lalambot ang puso ko dahil sa’yo!” Itinikom ni Madeline ang kanyang labi at ngumiti nang sarkastiko. “Ano ngayon kung mahal mo ako o hindi? Pahirapan mo ako kung gusto mo
Hinayaan ni Madeline na takutin siya ni Ryan nang manatiling di natitinag ang kanyang titig. “Patayin mo na ako. Mas gusto ko nang mamatay kung di ko na makikita si Jeremy. Wala namang pinagakaiba ang dalawa.” Ngumiti siya nang may pait. Nabawasan na ni Ryan ang tapang niya nitong nakaraan, kaya wala na siyang lakas para pumalag. Di matanggap ni Ryan na nanggagaling ang ganitong mga salita sa bibig ni Madeline sa sandaling ito. “Bakit mo ba ako pinipilit Eveline? Bakit ba kailangan mo akong pilitin?” Nabalot ng nakakakilabot at pangit na mukha ang gwapong mukha ni Ryan. Idiniin niya si Madeline sa malamig na sahig at sinunggaban siya na parang isang nakawalang tigre at pinunit nang walang awa ang kanyang damit. “Layo!” Nagpumiglas si Madeline nang buong-lakas. Ngunit di makagalaw ang kamay ni Madeline sa pagkakahawak ni Ryan at isang kamay nito ay pinepwersa ang mukha ni Madeline na harapin ang manipis nitong labi nang yumuko ito para halikan siya. Lumingon si Madeline