Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1131 - Kabanata 1140

2479 Kabanata

Kabanata 1131

Huminto si Jeremy nang marinig niya ang tanong ni Madeline. Itinaas niya ang kanyang mahaba at bilugang mata nang dahan-dahan. Isang malamig at matigas na kinang ang lumitaw sa ginintuan niyang mata. Di mukhang tama ang itsura ng mata niya. Nagtaka nang sobra si Madeline. Lumapit siya dito para tignan kung anong tinitignan nito. Pero kaagad na itinabi ni Jeremy ang mga larawan at itinabi ito sa loob ng sobre. Tapos itinaas nito ang tingin nito at nginitian siya nang marahan. "Mga larawan lang ito mula sa aming collaborator. Wala lang ito," Sinabi nito. Ibinato niya sa aparador ang salansan at kinandado ito. "Bakit ka bilang pumunta dito? Namiss mo ba ako?" Tanong niya. Nagkaroon ng ngiti sa mata ni Madeline. "Napadaan ako matapos ihatid ang mga bata sa kindergarten," Sagot niya. "Nandito ka lang pala kasi malapit ka?" Tanong nito. "Oo, kasi malapit ako." Tumawa siya nang malambing. Ang totoo ay di siya nagpunta dito dahil malapit lang siya. Namiss niya talaga ito. Pag
Magbasa pa

Kabanata 1132

Nang marinig ni Mrs. Jones ang sinabi niya, alam nito na siya ang tinutukoy niya. Gusto niyang magsalita pero pinigilan siya ni Ryan kaagad. "Mom, bumalik ka na sa kwarto mo," Sinabi nito. "Rye wag mong kalimutan na ikaw ang asawa ni Eveline!" Pinaalala sa kanya ni Mrs. Jones. "Wag mong pansinin na siya ang anak ng pinakamayamang pamilya ng Glendale. Tingin mo ba takot sa kanya ang Jones family?" Tanong niya. Tinitigan siya nang masama ni Jeremy. "Mabuti kung di kayo takot," Sinabi nito. "..." Natakot siya sa masamang titig nito at di na siya nagsalita pa. "Pumunta ka sa kwarto mo ngayon na," Sinabi sa kanya ni Ryan. Di na nagsalita si Mrs. Jones. Tumalikod ito at kaagad na tumungo sa hagdan. Pero nakaramdam siya ng dahas mula kay Jeremy. Mukhang nandito ito para pahirapan si Ryan. Pumunta siya sa hagdanan ng ikalawang palapag at pinanood ang pangyayari sa sala. Pagtalikod niya, ibinato ni Jeremy ang isang sobre kay Ryan. Nasa sampung larawan ang nalaglag mula sa sobr
Magbasa pa

Kabanata 1133

Di pinansin ni Jeremy si Mrs. Jones at kinasa ito bago niya ilagay ang daliri niya sa gatilyo. "Akala mo ba ngayong patay na si Yorick, wala ka nang katatakutan Ryan?" Nagulo na ang eleganteng mukha ni Ryan nang mabanggit si Yorick Johnson. Napansin ng matalim na titig ni Jeremy ang pagbabago sa mukha ng lalaki at idiniin niya ang nguso sa dibdib ni Ryan. "Talagang magaling ka sa pagtatago nito." Mukhang naguguluhan si Ryan at di alam ang tinutukoy ni Jeremy. Sumagot ito, "Di mo ba naiisip na baka may problema sa'yo Jeremy? Mukhang di lang nabago ng lason ang itsura mo, nagulo na rin nito ang isip mo." Nagdilim ang mukha ni Jeremy. "Tama ka. Magulo ang isip ko, at sinasabi ng magugulong kaisipan kong ito na gusto nitang mawala." Bumalot ang manipis niyang daliri sa gatilyo. Itataas na ni Ryan ang kamay nito para pigilan si Jeremy nang maaninag nito ang anino ni Madeline. "Wag mong gawin yan! Jeremy!" Sumugod si Madeline para pigilan ito habang hinahawakan ang kamay ni
Magbasa pa

Kabanata 1134

Huminto sa paglalakad si Jeremy saglit nang marinig niya ang boses ni Madeline bago magpatuloy sa paglalakad. Nang panoorin itong bumiyahe palayo, napagpasyahan ni Madeline na bumiyahe at sundan ito. Inihinto ni Jeremy ang kotse sa tabing-dagat kung saan sila nagkakilala dati. Paghinto ng kotse, tumingin si Madeline mula sa malayo nang tumayo si Jeremy sa tabing-dagat. Nagulat siya na makitang naninigarilyo si Jeremy. Di niya malilimutan ang sigarilyong iyon! Si Lana ang nagbigay kay Jeremy ng mga sigarilyo na iyon at ang lason sa loob nito ang muntik nang pumatay kay Jeremy sa huli. Bakit niya pa rin ginagamit ito? Naramdaman ni Madeline na napatalon ang puso niya nang sugurin niya si Jeremy para hawakan ang kamay nito. "Anong ginagawa mo Jeremy? Bakit ginagamit mo pa rin ito?" Tumutok ang malalim na tingin ni Jeremy sa nag-aalalang mata ni Madeline. Di ito sumagot at itinaas lang ang kamay nito para humihip ulit. Nataranta ang puso ni Madeline sa ikinilos nito. "Jerem
Magbasa pa

Kabanata 1135

Tinigasan ni Madeline ang kanyang puso at inilayo ang kanyang braso nang tumalikod siya para bumalik sa kanyang kotse. Umihip ang simoy ng hangin at tumulo ang luha sa kanyang pisngi. 'Bumalik ka sa mundo ko Jeremy, para lang iwan ako ulit. 'Saan ba tayo nagkamali? Gusto lang naman kitang mahalin, ganoon ba kahirap yun?' Lumunok nang matindi si Madeline. Akala niya na lumalaki na ang agwat nila sa isa't isa, ngunit ilang hakbang pa lang niya ay biglang lumapit sa kanya ang lalaki para yakapin siya mula sa likod. "Wag kang umalis Linnie." Itinaas nito ang braso nito para ibalot ito sa leeg niya ang ang isa ay bumalot sa baywang niya. Ang matinding kagustuhan at pagmamahal nito para sa kanya ay sumasabog sa loob nito. "Sinabi mo sa akin na mamahalin mo ako kahit magbago pa ako. Ganon din ako Linnie. Hangga't ikaw pa rin ang Linnie ko, di kita pakakawalan hanggang sa huling hininga ko." Tumulo ang luha ni Madeline mula sa sulok ng kanyang mata, tumulo sa likod ng kamay n
Magbasa pa

Kabanata 1136

Pumasok si Madeline. Bababa na siya nang biglang narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa banyo. "Namatay na ako isang beses. Tingin mo ba may pake ako? Wag mong sabihin sa akin kung paano gawin ang mga bagay. Ang relasyon natin, kahit anong mangyari, ay trabaho lang." Naramdaman ni Madeline na sumikip ang puso niya nang maalala niya ang 'pagkamatay' nito. Pero anong klaseng 'trabaho' ang sinasabi ni Jeremy? Tumalikod si Madeline at naglakad palapit sa pinto ng banyo. Narinig ang magaspang na boses ni Jeremy. "Siya ang hangganan ko. Lumayo ka o walang mangyayaring kasunduan." Nagkaroon ng kutob si Madeline na siya ang tinutukoy ni Jeremy. Ayaw ni Madeline na makinig sa tawag niyl, pero di niya magawang balewalain ang usapan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng banyo. Tumingin sa taas si Madeline para makatinginan ang malalim na titig ni Jeremy. "Sinong tinatawagan mo Jeremy? May nangyari ba?" "Wag kang mag-alala dun. Trabaho lang yun." Binalewala niya ito at ngu
Magbasa pa

Kabanata 1137

Habang nabibigla, napansin ni Madeline na nahila siya papasok ng banyo ni Jeremy. Nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa braso ng lalaki na saktong itinaas siya. Pumapatak ang tubig mula sa basang buhok ng lalaki, nababasa ang damit niya. Itinaas ni Madeline ang kanyang kamay para punasan ang kanyang kamay ngunit hinawakan ang kanyang braso. "Gusto mo bang maligo kasama ako?" Ang malalim na boses ni Jeremy ay humaplos sa kanyang tainga nang nakakaakit. Naramdaman ni Madeline na umalog ang kanyang puso, di alam kung nalaman ni Jeremy ang tunay niyang pakay. Tumingin siya sa taas para tignan ang mukha nito, ngunit ang mga patak ay nagpapikit sa kanya. "Gusto ko lang maghugas ng kamay." Nagpalusot si Madeline habang nagsisisi. "Ganon ba?" Hininaan ni Jeremy ang boses niya. Ang gaspang ng boses nito ay gumising sa loob niya. "Kung maghuhugas ka ng kamay, siguro hugasan mo na rin ang buong katawan mo hmm?" "..." Habang nabibigla, naramdaman ni Madeline na uminit ang pis
Magbasa pa

Kabanata 1138

Sa sandaling iyon biglang nakatanggap si Madeline ng tawag mula sa nanay ni Ryan na sinabihan siyang pumunta sa Jones Manor. Pumunta si Madeline dahil kakailanganin niya din itong asikasuhin di magtatagal. Pagpasok sa pinto, sinalubong siya ni Mr. at Mrs. Jones na seryosong nakaupo sa sofa. Nang makitang pumasok si Madeline, kinuha ni Mrs. Jones ang isang magasin sa kanyang tabi at ibinato ito kay Madeline. "Damputin mo yan at tignan mo ang nakasulat dito, Eveline Montgomery!" Suminghal si Mrs. Jones. Hindi dinamdam ni Madeline ang ugali ni Mrs. Jones. Nang abutin niya ang magasin, sinabi ng pamagat nito kung paano siya nakipagbalikan sa dati niyang asawang si Jeremy Whitman at kung paanong bumili silang dalawa ng bagong bahay kung saan sila nanuluyan. Ang pabalat na pahina ay silang dalawa na magkahawak-kamay habang naglalakad sila sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ni Rye, Eveline? Asawa mo si Ryan!" Paratang ni Mrs. Jones. Ang mukh
Magbasa pa

Kabanata 1139

Medyo kinabahan si Madeline sa biglang pagiging seryoso ni Madeline. "Anong problema Jeremy?" "Sinabi na siguro ni Ryan sa'yo ang tungkol sa pagsama ko sa IBCI diba Linnie?" Tanong niya. Tumango si Madeline habang umiikot sa sakit ang paningin niya para dito. "Sinabi niya sa akin kung paano ka naging espiya para makulong si Lana." "Eh sinabi niya ba sa'yo kung ano ang kondisyon ko sa pagtatrabaho sa IBCI?" Dumapo sa maliit na mukha ni Madeline ang maamong tingin ni Jeremy. Isa itong bagay na di alam ni Madeline. Tapat siyang sumagot, "Di niya sinabi sa akin." "Syempre hindi." Isang bakas ng mapanghamak na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Jeremy. "Jeremy?" "Nalaman ko lang ang sitwasyon ko noong unang beses nila akong nakita. Natakot ako na baka di kita maprotektahan o maalagaan muli, kaya sinabi ko na protektahan ka at ang mga bata ng IBCI. Lalo na dahil walang hangganan si Lana. "Ito ang kondisyon ko sa pagsama sa IBCI." Kaagad na namula ang mata ni Madeline nang ma
Magbasa pa

Kabanata 1140

Nagulat si Ryan sa biglang pagtawag ni Madeline. "May nangyari ba Eveline? Anong maitutulong ko?" Inilapag ni Madeline ang pinirmahan niyang divorce papers sa harap ni Ryan. "Naitipon ko na ang mga dokumento Rye. Kailangan mo lang pirmahan ang baba." Inabot ni Madeline ang isang panulat. "Nagpapasalamat ako sa IBCI sa pag-aalaga sa pamilya ng trabahador nila. Ngunit si Jeremy dapat ang pamilya ko." Nanigas saglit ang kalmadong mukha ni Ryan. "Sinabi na sa akin ni Jeremy na ang kondisyon sa pagsama niya sa international criminal investigation organization ay para protektahan mo kami ng mga anak ko." Pinanood ni Madeline ang kahit anong pagbabago sa mukha ni Ryan. "Siguro ang pakasalan ako ay isang utos mula sa superior mo at ngayong tapos na ang misyon tingin ko dapat tapusin na natin ang relasyong ito na di dapat nangyari. Salamat sa pagprotekta sa amin nitong nakaraang kalahating taon Rye." Tahimik na nakinig si Ryan at kinuha ang divorce papers. "Imposibleng maiisip p
Magbasa pa
PREV
1
...
112113114115116
...
248
DMCA.com Protection Status