Medyo kinabahan si Madeline sa biglang pagiging seryoso ni Madeline. "Anong problema Jeremy?" "Sinabi na siguro ni Ryan sa'yo ang tungkol sa pagsama ko sa IBCI diba Linnie?" Tanong niya. Tumango si Madeline habang umiikot sa sakit ang paningin niya para dito. "Sinabi niya sa akin kung paano ka naging espiya para makulong si Lana." "Eh sinabi niya ba sa'yo kung ano ang kondisyon ko sa pagtatrabaho sa IBCI?" Dumapo sa maliit na mukha ni Madeline ang maamong tingin ni Jeremy. Isa itong bagay na di alam ni Madeline. Tapat siyang sumagot, "Di niya sinabi sa akin." "Syempre hindi." Isang bakas ng mapanghamak na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Jeremy. "Jeremy?" "Nalaman ko lang ang sitwasyon ko noong unang beses nila akong nakita. Natakot ako na baka di kita maprotektahan o maalagaan muli, kaya sinabi ko na protektahan ka at ang mga bata ng IBCI. Lalo na dahil walang hangganan si Lana. "Ito ang kondisyon ko sa pagsama sa IBCI." Kaagad na namula ang mata ni Madeline nang ma
Nagulat si Ryan sa biglang pagtawag ni Madeline. "May nangyari ba Eveline? Anong maitutulong ko?" Inilapag ni Madeline ang pinirmahan niyang divorce papers sa harap ni Ryan. "Naitipon ko na ang mga dokumento Rye. Kailangan mo lang pirmahan ang baba." Inabot ni Madeline ang isang panulat. "Nagpapasalamat ako sa IBCI sa pag-aalaga sa pamilya ng trabahador nila. Ngunit si Jeremy dapat ang pamilya ko." Nanigas saglit ang kalmadong mukha ni Ryan. "Sinabi na sa akin ni Jeremy na ang kondisyon sa pagsama niya sa international criminal investigation organization ay para protektahan mo kami ng mga anak ko." Pinanood ni Madeline ang kahit anong pagbabago sa mukha ni Ryan. "Siguro ang pakasalan ako ay isang utos mula sa superior mo at ngayong tapos na ang misyon tingin ko dapat tapusin na natin ang relasyong ito na di dapat nangyari. Salamat sa pagprotekta sa amin nitong nakaraang kalahating taon Rye." Tahimik na nakinig si Ryan at kinuha ang divorce papers. "Imposibleng maiisip p
Sumama ang mukha ni Ava, at ito ang unang beses na nakita ni Madeline ang ganitong natatawa, pagod, at malungkot na mukha ng kanyang kaibigan. Naisip ni Madeline ang magulang niya at kung paano siya sinaktan nito nang sobra noon. Pero pamilya niya pa rin ito. Bukod pa doon ay talagang pinagsisihan nila ang nagawa nila pagkatapos. Pero ngayon… 'Mom, Dad.' Uminit ang mata ni Madeline nang maisip niya ang yumao niyang magulang. Tinignan ni Ava ang namumulang mata ni Madeline at naisip din si Eloise at Sean. Kaagad niyang iniba ang usapan. "Wag na nating isipin ang malulungkot na bagay okay, Maddie? "Diba sinabi mo gusto mong bilhan ng regalo si Ryan sa kaarawan niya? Pumili tayo mula sa isang branded store. Gusto ko ring bilhan si Dan." Nahimasmasan si Madeline at tinitigan si Ava nang seryoso. "Walang dahilan bakit di mamahalin ng magulang ang kanyang anak, Ava.""Alam kong gusto mong sabihin Maddie. Gusto ko ring maniwala na mahal ako ng mga magulang ko. Pero pagkatapos
Dahan-dahang umupo si Naya at hinayaan ang clerk na isuot ang sapatos niya para sa kanya. Dahil ayaw niyang magsayang ng oras kay Naya, tumalikod si Ava para umalis pero nang-inis na naman di Naya. "Aalis ka na ba Ms. Long? Sobrang mahal ba ng mga bilihin dito para mabili mo? Ayos lang yan. Mabuting magkaibigan kami ni Daniel. Pwede kitang pautangin kung di mo ito mabili ngayon. Wag ka nang magsusuot ng peke okay? Isipin mo lang kung gaano nakakahiya ito kapag may nakaalam." Arogante ang mukha ni Naya nang ipakita niya ang pulseras sa kanyang braso. Nang makitang nakatitig sa kanya si Ava, itinaas ni Naya ang kanyang braso. "Diba ang ganda ng pulseras na ito? Ibig-sabihin ko syempre naman. Isa itong pulseras na higit isandaang libo ang halaga. Isa itong limited edition Miss L.ady bracelet noong nakaraang dalawang taon. Kahit pera di na ito mabibili ngayon." Ngumiti si Ava at pumuri nang panoorin niya si Naya na magyabang. "Kaya pala ang ganda. Limited edition ito ng Miss L.ad
Ano? Nagbago ang mukha ni Naya na parang Christmas lights, nagiging pula at berde. Tinitigan niya si Madeline nang hindi makapaniwala at naunawaan na kung bakit siguradong-sigurado si Madeline. Samantala, nagsimulang dumapo kay Madeline ang mga gulat at humahangang titig. "Ito pala ang top designer dati ng Miss L.ady. Sobrang ganda niya, kaya pala maraming may gusto ng disenyo niya." "Bumili ako ng ilang mga alahas sa brand niya. May kakaiba silang mga disenyo." "Bumili din ako ng marami sa kanila hanggang sa nagpalit sila ng designer. Tapos tumigil na ako." Natutuwa si Ava para sa kanyang kaibigan nang marinig niya ang mga komento. Sa kabilang banda, nagsimulang mahiya si Madeline. "Wag mong ipag-ingay Ava." Umiling si Ava at tinitigan si Naya nang napapagod. "Di ko naman kasalanan na sinimulan niya ito." "..." Kumirot ang labi ni Naya. Ibinuka niya ang kanyang bibig para kumontra nang maramdaman niyang nasisira na ang imahe niya. "Ano ngayon kung ikaw ang dating
Sapat na ang nawala sa kanyang dignidad nang madiskubreng peke ang pulseras niya. Ang di siya makapagbigay ng cheke ngayon ay mas palalalain ito. Pero sa dami ng ginastos niya nitong nakaraan, umabot na siya sa hangganan ng cheke niya at di na niya kayang bayaran ang mga alahas! Nang makita na hinihintay siya ng lahat na maglabas ng cheke, lalong nahiya si Naya at inilabas ang kanyang name card bago ito ibato sa clerk. "Puntahan mo ako bukas. Di ko dala ngayon ang checkbook ko!" Habang nahihiya, dinampot niya ang kanyang bag at umalis. Tinitigan nang masama ni Naya si Ava at Madeline nang malagpasan niya ang mga ito. Binalaan niya si Ava, "Hintayin mo lang!" Ngayong wala na si Naya, kaagad na napanatag si Madeline at Ava. Talagang ibang-iba si Naya sa harap ng Graham family kumpara kanina. "Kailangan mong kumapit nang maigi kay Dan, Ava. Mukhang mahirap kalabanin iyong Naya na ito." Marahang ipinaalala ni Madeline dahil natutukoy niya mula sa gawi ni Naya. "Itong bacelet di
Habang tuliro, tinitigan ni Madeline ang madiilim na pulang tuldok ng dugo sa tissue. Bigla siyang kinapos ng hangin at dumilim ang paningin niya. Talagang wala siyang makita. Sa harap niya ay isang walang hanggang kadiliman at pakiramdam niya sinasakal siya nito at pinapamanhid siya. Di pa siya magaling. May lason pa rin sa katawan niya. Nagsinungaling ito sa kanya. "Linnie." Narinig ang boses ni Jeremy mula sa labas kaya bumalik ang wisyo ni Madeline. Tumayo siya habang nilalamig ang kamay at paa niya. Itinabi niya ss kanyang bulsa ang tissue. Habang pinupunasan ang luha sa sulok ng kanyang mata, pinilit niya ang kanyang sarili na ngumiti at bumaba ng hagdan. Sumalubong sa kanya si Jeremy na nakasuot ng puting T-shirt na pinili niya para dito. Saktong-sakto ang sukat nito sa katawan ng lalaki. Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Kumusta? Ayos ba akong tignan?" Tinitigan nang maigi ni Madeline ang lalaki sa harapan niya. Ang maliit na ngiting mayroon ito ay nagbalik sa k
Sa tabi ng isang bakanteng tabing-ilog nakatayo si Ryan na nakasuot ng isang itim na suit. Tahimik siya habang nakatingin sa anyong tubig na nasa kanyang harapan. Eleganteng tignan ang lalaki. Pinaghintay ni Madeline si Jeremy sa kotse habang nilapitan niya si Ryan mula sa likuran nang may dalang cake. "Nandito na ko, Rye. Kumusta ang binti mo?" Mabagal na humarap si Ryan sa kanya. Nagliwanag ang palubog na araw sa likuran ng lalaki. Mayroong malamig at mapanganib na tingin sa pagitan ng kanyang mga kilay na hindi pa nakikita ni Madeline noon. Pero malambing pa rin siyang ngumiti. "Happy birthday." Iniabot ni Madeline ang cake. "Hindi ako makaisip ng mahal na regalo na hihingiin mo sa'kin kaya ginawan na lang kita ng cake." "Salamat. Kakainin ko yan mamaya." Kinuha ni Ryan ang cake at tinitigan ito. "Pwede mo ba tong buksan at sindihan ang kandila para sa'kin? Gusto kong humiling." "Syempre." Binuksan ni Madeline nang kahon at naglabas ng isang manipis na kandila. Itinuso