Nagsimulang kumawala si Madeline nang pwersahan siyang niyakap ni Ryan. Nang makita niya siyang yumuko para halikan siya, mabilis niyang nilihis ang kanyang ulo para iwasan ito. "Anong ginagawa mo Ryan?! Bitiwan mo ko!" Mas lalong nagpumiglas si Madeline sa kanyang hawak pero biglang hinawakan ni Ryan ang likod ng ulo ni Madeline at pinilit siyang tumingin sa kanya. Malamig ang kanyang mga mata, kabaliktaran ng malumanay na pinakita niya noon. "Ryan?" Napansin ni Madeline na hindi na pamilyar para sa kanya ang lalaki sa kanyang harapan. Ngumiti lang si Ryan. "Alam mo, Eveline? Ikaw ang pinakamaganda birthday present na nakuha ko." “...”Narinig ni Madeline ang mas malalim na kahulugan sa likod ng mga salitang iyon at isang matalim na kislap ang lumitaw sa kanyang mga mata. Imposible na hahayaan niyang gawin ni Ryan ang kahit na anong gusto niya. Manlalaban pa lang sana siya gamit ng buo niyang lakas nang isang pamilyar na palad ang mahigpit na humawak sa kanyang balikat
"Hindi siya tumupad sa sinabi niya, tama ba, Linnie?" Tumango si Madeline pero hindi siya sumagot. Umaalingawngaw sa kanyang isipan ang mga salitang sinabi ni Ryan kay Jeremy, "At may nangyari na rin sa'min ni Eveline." Sumakit ang ulo niya at bigla niyang binuksan ang pinto para lumapit sa basurahan sa tabi ng daan kung saan niya tinapon ang cake. Tumalikod siya at nakita niya si Jeremy na nakatayo na sa kanyang harapan. Walang sinabi ang lalaki. Sa halip, nilagay niya ang kanyang kamay sa likod ng kamay ni Madeline at hinila siya sa kanyang mga bisig. Niyakap niya siya nang mahigpit. "Kahit ano pang sabihin niya, hindi nito mababago ang nararamdaman ko para sa'yo." Pinagaan ni Jeremy ang loob niya, naiintindihan niya kung ano ang pinag-aalala ni Madeline. "Ako nang bahala, okay? Ipapapirma ko sa kanya ang papeles." Kaagad na tumingala si Madeline, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Wag kang sosobra, Jeremy. Ayaw ko nang may mangyari pang masama sa'yo." Naiinti
'Daddy.' Dumuyan ang mga salita sa luhaang panginin ni Jeremy. Nasalamin ito sa kanyang madidilim na ng mata at tumama sa kanyang puso. Nginitian siya ni Lilian habang nakatingin sa kanya, ang kanyang mga braso ay nakataas sa ere. Naghihintay siya, naghihintay para kay Jeremy na tanggalin ang larawan na kanyang iginuhit. Naghihintay siya na makita ni Jeremy ang mga salitang 'Daddy' na kanya mismong isinulat. Sa papel, mayroong mga anyo nilang lima na binubuo ng kanyang pamilya. Ang nag-iisang anak na babae ng pamilya ay hawak ang kamay ng isang lalaki, nakatingin sa kanya habang tinawag siyang 'Daddy'.Sa wakas ay tinawag niya na rin siya bilang kanyang tatay. Naintindihan na niya na siya ang kanyang tunay na ama. Hindi siya makapagsalita, pero ang larawan ay isang malinaw na patunay ng kanyang kagustuhan na tawagin siyang kanyang ama. Lumunok si Jeremy habang pinilit niyang pigilan ang kanyang pag-iyak. Sa ilalim ng umaasang tingin ni Lilian, tumalikod si Jeremy at
Nagulat si Jeremy sa mga salita niya. Ngumiti lang si Madeline at iniabot ang drawing sa kanya. "Alam ko na may dahilan ka para gawin iyon. Alam ko ring matagal mo nang hinihintay na sabihin niya ang salitang iyon…" Nadulas ang mga emosyon ni Jeremy habang nakita niyang inabot sa kanya ni Madeline ang drawing na may salitang 'Daddy' na nakasulat rito. Wala siya sinabing kahit na ano, kinuha niya lang ang larawan na ginuhit ni Lilian mula sa kanyang puso. "Titignan ko muna si Pudding. Hindi mo kailangang magmadali." Pagkatapos ay tumalikod si Madeline. Mag-isa na lang siya ngayon sa bakanteng bakuran. Tinignan ni Jeremy ang drawing sa ilalim ng liwanag ng buwan at hinawakan ang bawat isang anyo gamit ng kanyang manipis na daliri bago ito lumapag sa batang babae na tinatawag ang kanyang tatay. Umihip sa kanya ang hangin ng gabi na may sariwang amoy ng mga bulaklak. Kahit na ganoon, hindi maiwasan ni Jeremy nang makaamoy ng kapaitan. Sa kanyang harapan ay isang makulay
Ang balita online? Kakagising lang ni Madeline at malabo pa ang kanyang isipan. "Trending kayo ni Jeremy, Maddie." Mabigat ang tono ni Ava at ipinahiwatig niyo kay Madeline na pinag-uusapan sila sa hindi magandang dahilan. Pagpindot niya sa Twitter, nakita ni Madeline ang pangalan nilang dalawa ni Jeremy na nangunguna sa search bar. Higit pa roon, naroon rin ang pangalan ni Ryan. Isang paparazzi ang nakakita sa insidente kagabi sa tabing ilog, at nang may ilang dagdag, nagsimulang kumalat ang kwento sa internet. Tinignan ni Madeline ang mga imahe online nang may nagliliyab na apoy sa kanyang mga mata. Ang eksena ng pagyakap at pagpuwersa sa kanya na halikan ni Ryan ay naging eksena nila ni Ryan na naghahalikan. Si Jeremy, na lumitaw para protektahan siya, ay naging isang kalaban na may intensyon na paghiwalayin ang malambing na mag-asawa. Ang kanyang pagpupumiglas na itulak palayo si Ryan ay hindi man lang nakuhanan ng larawan. Malinaw na ginawa iyon ng media para
"Anong balak mong gawin para ayusin to?" tanong niya. "Nangako ako na hindi ako sosobra, di ba? Hintayin mo lang ako rito sa bahay, okay? Magiging ayos lang ako." Marahang hinaplos ng lalaki ang likod ng kanyang ulo baho tumalikod para lumabas ng pinto. "Jeremy," tinawag siya ni Madeline. Lumingon ang lalaki at tiwalang ngumiti bilang sagot sa pag-aalala na nasa kanyang mga mata. "Wag kang mag-alala, hintayin mo lang ako sa bahay." Tumango si Madeline. Pagkatapos niya siyang makitang nagmaneho paalis ay nagpunta siya sa lab. Papunta sa Whitman Corporation, dalawang beses tumawag si Jeremy, ang pangalawa ay para kay Ryan. Kalmado niyang sinagot ang tawag. "Paanong may oras ka pa para tawagan ako ngayon? Nakita mo naman siguro ang balita online? Anong magagawa mo roon?" Simpleng sumagot si Jeremy. "Ito ba ang pag-amin mo na ikaw ang tao sa likod ng lahat ng to?" Hindi sumagot si Ryan at tumawa lamang. "Mayroon palaging dalawang bagay na bumabalakid sa mga lalaki simula
Nagulat rin si Jeremy nang makita niya si Madeline sa kanyang harapan. "Bakit ka nandito, Linnie?" Lumapit si Madeline kay Jeremy at ngumiti. "Ikaw na mismo ang nagsabi, di ba? Na ako ang asawa mo. Kaya bilang mag-asawa, dapat ay nasa tabi mo ako mula sa umpisa." Hinawakan niya ang kanyang kamay at nilipat ang kanyang tingin sa lalaking reporter habang malinaw siyang nagsalita, "Makinig kayong maigi. Ang pangalan ng asawa ko ay Jeremy Whitman, hindi Ryan Jones!" "..." Walang masabi ang lalaki sa harapan ng aura ni Madeline. Inabot ng ilang segundo bago siya makakibo at nangutya. "Ikaw pa rin ang legal na asawa ni Mr. Jones, Eveline Montgomery, pero nakatayo ka sa tabi ni Jeremy Whitman at tinatawag mo siyang asawa. Ano pala si Mr. Jones para sa'yo?" Puno ng pagkamuhi ang titig ng lalaki at nangungutya ang kanyang boses. "Ikaw pa rin ang lady ng isa sa pinakamayamang pamilya sa Glendale. Hindi ka ba nahihiya sa pangangaliwa mo at sa pagsasabi mo ng mga ganitong bagay? O sa t
Pinanood ni Madeline si Jeremy na sumagot ng tawag at nasundan ito ng tunog ng mga phone notifications sa paligid nila. Nakatanggap rin ng isang notification ang phone ni Madeline. Hindi nagmamadali ang boses ni Jeremy nang nagsalita siya, "Lumabas na ang pinakabagong trending story. Kung hindi kayo bulag, basahin ninyo." Tinitigan niya nang masama ang reporter na nasa lapag. "Basahin mo, tapos tumayo at humingi ng tawad sa asawa ko." Asawa. Matapang niyang tinawag si Madeline na kanyang asawa sa harapan ng lahat. Pinindot ng lahat ng mga tao roon ang trending story para basahin ang pinakabagong push notification. Isa itong opisyal na pahayag mula sa international criminal investigation organization, ang IBCI. Nang may ilang matitipid na mga, nilinaw ng pahayag na sina Ryan at Jeremy ay parehong miyembro ng IBCI. Diniin rin nito na kinasal lang si Ryan kay Madeline dahil parte ito ng kanyang misyon mula sa kanyang superior. Ginagawa lang ni Ryan ang kanyang misyon.