Pinanood ni Madeline si Jeremy na sumagot ng tawag at nasundan ito ng tunog ng mga phone notifications sa paligid nila. Nakatanggap rin ng isang notification ang phone ni Madeline. Hindi nagmamadali ang boses ni Jeremy nang nagsalita siya, "Lumabas na ang pinakabagong trending story. Kung hindi kayo bulag, basahin ninyo." Tinitigan niya nang masama ang reporter na nasa lapag. "Basahin mo, tapos tumayo at humingi ng tawad sa asawa ko." Asawa. Matapang niyang tinawag si Madeline na kanyang asawa sa harapan ng lahat. Pinindot ng lahat ng mga tao roon ang trending story para basahin ang pinakabagong push notification. Isa itong opisyal na pahayag mula sa international criminal investigation organization, ang IBCI. Nang may ilang matitipid na mga, nilinaw ng pahayag na sina Ryan at Jeremy ay parehong miyembro ng IBCI. Diniin rin nito na kinasal lang si Ryan kay Madeline dahil parte ito ng kanyang misyon mula sa kanyang superior. Ginagawa lang ni Ryan ang kanyang misyon.
Nagbago ang isip ni Madeline sa huling minuto at hindi siya nagpunta sa lab kaya sa halip ay inilista ng chemist ang mga resulta sa isang report at pinadala ito sa kanya gamit ng isang email. Pero ngayong kasama niya si Jeremy, hindi siya nagtangkang buksan ito sa kanyang harapan. Kung hindi niya gustong ipaalam sa kanya na hindi pa siya tuluyang gumagaling, hindi niya ibubuko ang kanyang pagpapanggap. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hintayin mo ko sa bahay, Linnie? Bakit mo ko sinundan?" Narinig ang nagtataka at mahinang tono ni Jeremy. Itinabi ni Madeline ang kanyang phone at lumingon para salubungin ang tingin ng lalaki. "Hindi ba nag-usap tayo na haharapin natin ang lahat nang magkasama sa hinaharap? Hindi ko hahayaang harapin mo ang lahat ng iyon nang mag-isa para punahin ka ng lahat." Maintindihind ngumiti si Jeremy at hinaplos ang ulo ni Madeline. "Linnie." "Sinabihan mo ba ang IBCI na maglabas ng opisyal na pahayag?" Si Madeline naman ang nagtanong. Tumango si Jeremy
Nagdahilan siya na pupunta sa banyo pero ang totoo, nagtatago siya sa isang tagong sulok kung saan binuksan niya ang email. Ang unang kalahati ng report ay puno ng mga numero na hindi maintindihan ni Madeline kaya nilipat niya ito sa baba kung nasaan ang konklusyon ng chemist. Sinabi nito na ang taong pinagmulan ng dugong ito ay mayroong ilang kilalang sakit. Ang pagsasama-sama ng mga sakit na ito ang dahilan sa pagbabago ng kulay ng buhok, kulay ng mata, at tunog ng kanilang boses. Ipinakita ng hemodialysis na wala sa panganib ang pasyente. Ngunit mayroon pa ring posibilidad na magmutate ang sakit na magreresulta sa dahan-dahang pagkaubos ng buhay ng pasyente hanggang sa punto na mamatay ito sa kawalan ng lunas. Sumakit ang sentido ni Madeline habang nagbasa siya. 'Hindi ka pa pala tuluyang gumagaling, Jeremy.' Sumasakit ang kanyang puso at pinigilan niya ang kanyang mga luha. Habang iniisip niya ang lason sa katawan ni Jeremy at ang posibleng resulta kapag nagsimulang
Tanong niya pabalik nang may makahulugang tono. Ayaw ni Madeline na sayangin ang kanyang oras na suriin ang lalaki kaya nilampasan niya siya. Nang makalagpas siya sa kanyang balikat ay hinablot ni Ryan ang kanyang braso. Nagpumiglas si Madeline pero mas malakas si Ryan. Habang nakikipaglaban si Madeline sa kanyang hawak, hinawakan ni Ryan ang kanyang balikat at diniin siya sa pader. "Ano bang gusto mo?!" Tinitigan nang masama ni Madeline si Ryan. "Ayaw kitang saktan," sagot ni Ryan, nakatitig siya sa nagpupumiglas na si Madeline nang may misteryosong tingin sa kanyang mga mata. Bigla siyang nagtanong, "Gusto mo bang mabuhay si Jeremy, Eveline?"Nag-iba ang ekspresyon ni Madeline. "Anong ibig mong sabihin?" Kalmado si Ryan. "Alam mo na siguro ngayon na hindi pa tuluyang magaling si Jeremy." “...” Kinilabutan si Madeline sa kasiguraduhan ng boses ni Ryan. Sinundan niya siguro siya, kung hindi ay hindi siya magiging ganito kasigurado. "Napakataas ng posibilidad na m
Walang takot na hinarap ni Madeline ang kanyang galit na tingin. "Hindi ba sabi mo hindi mo ko sasaktan? Hayaan mo kong saktan ka!" "..." Walang masabi si Ryan. "Hindi ano si Jeremy Whitman, Eveline. Tanggihan mo ko ngayon at itinatapon mo ang natatanging paraan para gamitin si Jeremy. Mag-isip kang mabuti bago ka magpasya." Bumitaw si Ryan at tumalikod. Paglampas niya kay Madeline ay nagpayo siya, "May tatlong araw ka para hanapin ako at hindi mo na mahahanap si Adam Brown. Dalawang taon na lang ang natitira kay Jeremy."Chupse. Pakiramdam ni Madeline ay may tumaga sa kanyang puso. Dalawang taon. Hindi nagtangka si Madeline na isipin ang ideya na mawawala si Jeremy sa kanya pagkatapos ng dalawang taon. Nang bibigay na si Madeline sa sakit, narinig niya ang boses ni Madeline mula sa sulok ng elevator. "Ang lakas ng loob mong puntahan si Linnie." "Si Eveline pa rin ang legal kong asawa ayon sa marriage certificate namin. Anong masama kung puntahan ko siya?" Seryosong sago
Isa itong pulang papel na nakatupi para maging hugis puso. Hindi ito mukhang espesyal. Ngunit para ibigay ng batang ito ang maliit na pulang puso sa kanya, malamang ay mayroon siyang ibig sabihin rito. Tahimik na nag-isip si Jeremy, pero nang tinaas niya ang kanyang tingin, nakita niya ang batang babae na nakatayo sa tabi ng pintuan at nakasilip. Kumurap ang kanyang masiglang mga mata na para bang naghihintay siya na may matagpuan si Jeremy. Nang binaliktad ni Jeremy ang maliit na puso, nakita niya ang ilang salita na bahagyang magulo ang pagkakasulat sa papel. [Daddy, magiging mabait si Lilian.] Nang makita niya ang pangungusap na ito, pakiramdam ni Jeremy ay nararapat talaga siyang mamatay. Iniisip ng kanyang munting prinsesa na hindi siya pinapansin ng kanyang ama dahil hindi siya mabuti, kaya sinabi niya na magiging mabait siya at umaasa na tatanggapin siya ni Jeremy. Tahimik na nabalot ng sakit ang puso ni Jeremy. Tingnan niya ang pulang puso sa kanyang palad sabay
Nagmadaling pumasok si Jackson, nakita niya ang napunit na papel sa kamay ni Lilian, at unti-unting naintindihan ang nangyari. Ngunit pinapagalitan pa rin ng gusto si Lilian. "Lilian, gusto lang nilang makipaglaro sa'yo. Hindi nila ginustong sirain ang painting mo. Bakit mo binu-bully ang mga kaklase mo?" Mas lalong umiyak ang batang lalaki. Teacher, nakakatakot si Lilian! Gusto ko lang naman maging magkaibigan kami!" "Naririnig mo ba sila? Lilian, wala silang masamang intensyon." Nagpatuloy ang guro na patahanin ang mga batang lalaki. Nang makita ni Jackson si Lilian na nakatingin sa umiiyak na batang lalaki, pakiramdam niya ay hindi ganoon kasimple ang nangyari. "Teacher, hindi mambu-bully ng iba ang kapatid ko. Natignan niyo na ba ang surveillance para makita kung anong nangyari?" Alam ng guro na magkapatid sina Jackson at Lilian pero hindi niya inaasahan na magsasabi ng ganitong bagay si Jackson na isa lamang bata. Napahinto siya sandali bago seryosong nagsabi, "Kuya
"Lilian!" Tumakbo si Fabian papunta sa kotse, pero mabilis na umandar ang kotse papalayo sa kanya. Lumingon sa paligid si Fabian at nagpasyang pahintuin ang isang lalaki na sumakay sa isang scooter. Sinuotan niya ng helmet ang ulo ni Jackson sabay binuhat siya papunta sa scooter. "Kumapit ka!" Tumango si Jackson at mahigpit na niyakap ang baywang ni Fabian. Tinignan ni Fabian ang kotse na humaharurot papalayo gamit ng kanyang matatalim na mga mata at mabilis itong hinabol. Ngunit halatang nakapaghanda ang mga taong iyon at nakalayo sila kay Fabian na nakasunod sa likuran ng kotse. Kailangang ihinto ni Fabian ang motor. Tinignan niya ang maingay na sangang daan at sinuntok ang upuan. "Bw*sit!" Nakatapos nang maaga si Madeline sa trabaho sa araw na iyon at nais niyang sunduin ang dalawang bata mula sa paaralan bago dumating si Jeremy. Ngunit pagkarating niya sa kindergarten, sinabi sa kanya na nasundo na sina Jackson at Lilian. Nag-aalala si Madeline na baka may binabal