Tinigasan ni Madeline ang kanyang puso at inilayo ang kanyang braso nang tumalikod siya para bumalik sa kanyang kotse. Umihip ang simoy ng hangin at tumulo ang luha sa kanyang pisngi. 'Bumalik ka sa mundo ko Jeremy, para lang iwan ako ulit. 'Saan ba tayo nagkamali? Gusto lang naman kitang mahalin, ganoon ba kahirap yun?' Lumunok nang matindi si Madeline. Akala niya na lumalaki na ang agwat nila sa isa't isa, ngunit ilang hakbang pa lang niya ay biglang lumapit sa kanya ang lalaki para yakapin siya mula sa likod. "Wag kang umalis Linnie." Itinaas nito ang braso nito para ibalot ito sa leeg niya ang ang isa ay bumalot sa baywang niya. Ang matinding kagustuhan at pagmamahal nito para sa kanya ay sumasabog sa loob nito. "Sinabi mo sa akin na mamahalin mo ako kahit magbago pa ako. Ganon din ako Linnie. Hangga't ikaw pa rin ang Linnie ko, di kita pakakawalan hanggang sa huling hininga ko." Tumulo ang luha ni Madeline mula sa sulok ng kanyang mata, tumulo sa likod ng kamay n
Pumasok si Madeline. Bababa na siya nang biglang narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa banyo. "Namatay na ako isang beses. Tingin mo ba may pake ako? Wag mong sabihin sa akin kung paano gawin ang mga bagay. Ang relasyon natin, kahit anong mangyari, ay trabaho lang." Naramdaman ni Madeline na sumikip ang puso niya nang maalala niya ang 'pagkamatay' nito. Pero anong klaseng 'trabaho' ang sinasabi ni Jeremy? Tumalikod si Madeline at naglakad palapit sa pinto ng banyo. Narinig ang magaspang na boses ni Jeremy. "Siya ang hangganan ko. Lumayo ka o walang mangyayaring kasunduan." Nagkaroon ng kutob si Madeline na siya ang tinutukoy ni Jeremy. Ayaw ni Madeline na makinig sa tawag niyl, pero di niya magawang balewalain ang usapan. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng banyo. Tumingin sa taas si Madeline para makatinginan ang malalim na titig ni Jeremy. "Sinong tinatawagan mo Jeremy? May nangyari ba?" "Wag kang mag-alala dun. Trabaho lang yun." Binalewala niya ito at ngu
Habang nabibigla, napansin ni Madeline na nahila siya papasok ng banyo ni Jeremy. Nawalan siya ng balanse at bumagsak siya sa braso ng lalaki na saktong itinaas siya. Pumapatak ang tubig mula sa basang buhok ng lalaki, nababasa ang damit niya. Itinaas ni Madeline ang kanyang kamay para punasan ang kanyang kamay ngunit hinawakan ang kanyang braso. "Gusto mo bang maligo kasama ako?" Ang malalim na boses ni Jeremy ay humaplos sa kanyang tainga nang nakakaakit. Naramdaman ni Madeline na umalog ang kanyang puso, di alam kung nalaman ni Jeremy ang tunay niyang pakay. Tumingin siya sa taas para tignan ang mukha nito, ngunit ang mga patak ay nagpapikit sa kanya. "Gusto ko lang maghugas ng kamay." Nagpalusot si Madeline habang nagsisisi. "Ganon ba?" Hininaan ni Jeremy ang boses niya. Ang gaspang ng boses nito ay gumising sa loob niya. "Kung maghuhugas ka ng kamay, siguro hugasan mo na rin ang buong katawan mo hmm?" "..." Habang nabibigla, naramdaman ni Madeline na uminit ang pis
Sa sandaling iyon biglang nakatanggap si Madeline ng tawag mula sa nanay ni Ryan na sinabihan siyang pumunta sa Jones Manor. Pumunta si Madeline dahil kakailanganin niya din itong asikasuhin di magtatagal. Pagpasok sa pinto, sinalubong siya ni Mr. at Mrs. Jones na seryosong nakaupo sa sofa. Nang makitang pumasok si Madeline, kinuha ni Mrs. Jones ang isang magasin sa kanyang tabi at ibinato ito kay Madeline. "Damputin mo yan at tignan mo ang nakasulat dito, Eveline Montgomery!" Suminghal si Mrs. Jones. Hindi dinamdam ni Madeline ang ugali ni Mrs. Jones. Nang abutin niya ang magasin, sinabi ng pamagat nito kung paano siya nakipagbalikan sa dati niyang asawang si Jeremy Whitman at kung paanong bumili silang dalawa ng bagong bahay kung saan sila nanuluyan. Ang pabalat na pahina ay silang dalawa na magkahawak-kamay habang naglalakad sila sa ilalim ng liwanag ng buwan. "Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ni Rye, Eveline? Asawa mo si Ryan!" Paratang ni Mrs. Jones. Ang mukh
Medyo kinabahan si Madeline sa biglang pagiging seryoso ni Madeline. "Anong problema Jeremy?" "Sinabi na siguro ni Ryan sa'yo ang tungkol sa pagsama ko sa IBCI diba Linnie?" Tanong niya. Tumango si Madeline habang umiikot sa sakit ang paningin niya para dito. "Sinabi niya sa akin kung paano ka naging espiya para makulong si Lana." "Eh sinabi niya ba sa'yo kung ano ang kondisyon ko sa pagtatrabaho sa IBCI?" Dumapo sa maliit na mukha ni Madeline ang maamong tingin ni Jeremy. Isa itong bagay na di alam ni Madeline. Tapat siyang sumagot, "Di niya sinabi sa akin." "Syempre hindi." Isang bakas ng mapanghamak na ngisi ang lumitaw sa mukha ni Jeremy. "Jeremy?" "Nalaman ko lang ang sitwasyon ko noong unang beses nila akong nakita. Natakot ako na baka di kita maprotektahan o maalagaan muli, kaya sinabi ko na protektahan ka at ang mga bata ng IBCI. Lalo na dahil walang hangganan si Lana. "Ito ang kondisyon ko sa pagsama sa IBCI." Kaagad na namula ang mata ni Madeline nang ma
Nagulat si Ryan sa biglang pagtawag ni Madeline. "May nangyari ba Eveline? Anong maitutulong ko?" Inilapag ni Madeline ang pinirmahan niyang divorce papers sa harap ni Ryan. "Naitipon ko na ang mga dokumento Rye. Kailangan mo lang pirmahan ang baba." Inabot ni Madeline ang isang panulat. "Nagpapasalamat ako sa IBCI sa pag-aalaga sa pamilya ng trabahador nila. Ngunit si Jeremy dapat ang pamilya ko." Nanigas saglit ang kalmadong mukha ni Ryan. "Sinabi na sa akin ni Jeremy na ang kondisyon sa pagsama niya sa international criminal investigation organization ay para protektahan mo kami ng mga anak ko." Pinanood ni Madeline ang kahit anong pagbabago sa mukha ni Ryan. "Siguro ang pakasalan ako ay isang utos mula sa superior mo at ngayong tapos na ang misyon tingin ko dapat tapusin na natin ang relasyong ito na di dapat nangyari. Salamat sa pagprotekta sa amin nitong nakaraang kalahating taon Rye." Tahimik na nakinig si Ryan at kinuha ang divorce papers. "Imposibleng maiisip p
Sumama ang mukha ni Ava, at ito ang unang beses na nakita ni Madeline ang ganitong natatawa, pagod, at malungkot na mukha ng kanyang kaibigan. Naisip ni Madeline ang magulang niya at kung paano siya sinaktan nito nang sobra noon. Pero pamilya niya pa rin ito. Bukod pa doon ay talagang pinagsisihan nila ang nagawa nila pagkatapos. Pero ngayon… 'Mom, Dad.' Uminit ang mata ni Madeline nang maisip niya ang yumao niyang magulang. Tinignan ni Ava ang namumulang mata ni Madeline at naisip din si Eloise at Sean. Kaagad niyang iniba ang usapan. "Wag na nating isipin ang malulungkot na bagay okay, Maddie? "Diba sinabi mo gusto mong bilhan ng regalo si Ryan sa kaarawan niya? Pumili tayo mula sa isang branded store. Gusto ko ring bilhan si Dan." Nahimasmasan si Madeline at tinitigan si Ava nang seryoso. "Walang dahilan bakit di mamahalin ng magulang ang kanyang anak, Ava.""Alam kong gusto mong sabihin Maddie. Gusto ko ring maniwala na mahal ako ng mga magulang ko. Pero pagkatapos
Dahan-dahang umupo si Naya at hinayaan ang clerk na isuot ang sapatos niya para sa kanya. Dahil ayaw niyang magsayang ng oras kay Naya, tumalikod si Ava para umalis pero nang-inis na naman di Naya. "Aalis ka na ba Ms. Long? Sobrang mahal ba ng mga bilihin dito para mabili mo? Ayos lang yan. Mabuting magkaibigan kami ni Daniel. Pwede kitang pautangin kung di mo ito mabili ngayon. Wag ka nang magsusuot ng peke okay? Isipin mo lang kung gaano nakakahiya ito kapag may nakaalam." Arogante ang mukha ni Naya nang ipakita niya ang pulseras sa kanyang braso. Nang makitang nakatitig sa kanya si Ava, itinaas ni Naya ang kanyang braso. "Diba ang ganda ng pulseras na ito? Ibig-sabihin ko syempre naman. Isa itong pulseras na higit isandaang libo ang halaga. Isa itong limited edition Miss L.ady bracelet noong nakaraang dalawang taon. Kahit pera di na ito mabibili ngayon." Ngumiti si Ava at pumuri nang panoorin niya si Naya na magyabang. "Kaya pala ang ganda. Limited edition ito ng Miss L.ad