Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 931 - Kabanata 940

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 931 - Kabanata 940

4935 Kabanata

Kabanata 931

Sa Hong Kong International Airport.Magkasamang naglalakad sila Quinton at Queenie York. Kahit sa isang world-class international metropolis na tulad nito, nakakamangha pa rin na makita silang magkasama ng ganito. Sa may VIP boarding port, huminto si Quinton at malamig na sinabi, "Inayos ko ang lahat sa may San Francisco. Ang kailangan mo na lang gawin ay umupo ng tahimik kapag nakarating ka doon. Hindi mo na kailangan na gumawa ng anumang bagay." Binigyan siya ni Queenie ng isang matamis na ngiti na kayang bumighani sa lahat."Natatakot ka ba?" Hindi sumagot si Quinton, pero sa sandaling lumingon siya, isang nakakatakot na tingin ang makikita sa kanyang mga mata.Bahagyang tinabingi ni Queenie ang kanyang ulo habang nakatingin sa likuran nito. Bumuntong hininga siya at nagtanong, "Epektibo ba talaga ang mga kalokohan na ito?" "Kapag nabigo ka uli, sa tingin ay kahit si Grandma York ay hindi ka na patatawarin." …Sa may San Francisco Airport.Nababagot na si Harvey York
Magbasa pa

Kabanata 932

At tulad ng inaasahan mula kay Halsey na kababalik lang mula sa pag-aaral sa ibang bansa, para magkaroon ng gantong klase ng bibig. Kung ibang tao lang ito, hahamakin lang sila nito hangga't sa umabot sa punto na mapahiya sila ng lubusan. Pero si Harvey, na matagal nang sanay sa mga ganitong salita, ay walang naramdaman na kahit na ano. Tinignan ni Harvey s Halsey mula sa rear-view mirror at patakang nagtatanong, "Paano kung gusto kong manatili sa tabi niya?" "Pwes ako na mismo ang tatapos sayo," malamig na tugon ni Halsey.Nagkibit balikat lang si Harvey."Miss, pinag-aralan mo ba ang pamamaraan kung paano pumatay sa ibang bansa? Ang pagpatay ba sa akin ang unang bagay na naisip mo? Ito ay isang federalisadong lipunan!" "Hindi mo na ako kailangan pang bolahin. Hindi magtatagal, makakakuha ako ng malaking halaga ng pera para iwanan mo na si Mandy." "Huwag kang mag-alala, ang perang iyon ay sapat na hanggang sa mamatay ka ng masaya!" "Kung bukal sa loob mong iwanan si
Magbasa pa

Kabanata 933

Mabilis na umandar ang kotse sa may kahabaan ng San Francisco ng tahimik. Narating ng dalawa ang shopping center at tumigil sa may gusali ng San Francisco Sky Corporation branch. Ang lugar na gustong puntahan ni Halsey ay walang iba kung hindi na lugar na ito."Iiwan ko muna sayo ang lagahe ko sa ngayon. Tatawagan na lang kita mamayang gabi." "At isa pa. Dalian mo na at isaoli mo na ang kotse na yan. Ako na ang magbabayad ng lahat ng nagastos mo." Habang nagsasalita siya, nagbato siya ng bungkos ng pera mula sa kanyang pitaka kay Harvey. Para sa kanya, nirentahan lang ni Harvey ang Bentley na gamit nito. Dahil sa ganun ang kaso,k binayaran niya ito. Binigyan niya din ito ng ng mas malaking halaga sa renta ng kotse dahil sa sipag ni Harvey. Ligtas na sabihin na kahit na isa siyang mapagmataas na tao, meron pa rin siyang natitirang kabaitan sa kanyang puso. Sa kasamaang palad nga lang, tinuring din niya na isang tagapagsilbi si Harvey. Bilang paggalang sa kanyang paghan
Magbasa pa

Kabanata 934

Aminado sila na maabilidad si Halsey Lowe.Kahit na ang tanong ni Harvey, na tinanong sa kanya ni Ray, na malalim, ay nagawang sagutin ni Halsey ng isa-isa. Maaaring sabihin na dumating siya na handa. Bago siya dumating dito, nagdesisyon na siya na gusto niya maging general manager ng San Francisco branch. Nang matapos ang interview, kinatok ni Harvey lamesa at kaagad na tinawagan ang phone ni Ray. "Sabihin mo na tanggap na siya." Nanigas si Ray, pero sumagot din siya kaagad, "Syempre!" Wala siyang sariling desisyon sa harapan ni Harvey. Sinusunod lang niya si Harvey.Pagkatapos niyang ibaba ang kanyang phone, nginitian ni Ray si Halsey. "Congratulations, Ms. Lowe. Nakatanggap ako ng tawag mula sa aming CEO.""Ang sabi niya ay nababagay ka para sa posisyon bilang general manager ng aming San Francisco branch. Pwede mo nang asikasuhin ang ilan sa mga proseso ngayong araw na ito, at magagawa mo nang patnubayan ang mga negosyo ng buong kumpanya simula bukas." "Sana nama
Magbasa pa

Kabanata 935

Ngayon ay sigurado na si Harvey sa kung anong klase ng personalidad meron si Halsey. Wala siyang pakialam sa mga sandaling iyon, kaya pakaswal niyang binato ang pera sa loob ng armrest box ng kotse. Hindi mapigilan ni Halsey na magpakita ng kaunting pandidiri nang makita niya iyon. Naisip niya ay tama ang husga niya sa pagkatao ni Harvey. Naisip niya ay ang basurang ito ay mukhang naisip na makakakuha pa siya ng pera mula sa kanya, kaya siya masigasig na nakikinig habang wala naman siyang rason para gawin ito!Paanong ang isang lalake na tulad nito ay nababagay para kay Mandy Zimmer? Hindi nakalimutan ni Harvey na asarin si Halsey at nagtanong, "Naparito ka ba para sa negosyo? Naging maayos naman ba? Huwag mo akong kakalimutan kapag yumaman ka na!" Inirapan lang siya ni Halsey pagkatapos nitong marinig ang walang alinlangan na tanong nito"Alam mo ba kung ano ang lugar na ito?" "Hindi ba't nakalagay sa may gusali? Ito ang San Francisco branch ng Sky Corporation," sagot
Magbasa pa

Kabanata 936

Sumuko si Halsey sa pagkain sa huli. Umorder lang siya ng isang tasa ng kape at ininom ito. "Busog ka na?" Nagtataka si Harvey. Tumango si Halsey nang madilim ang kanyang mukha. Nakita niya si Harvey na kinuha ang lahat ng pagkain sa harapan niya at baralbal itong kinain. Nang malapit nang matapos si Harvey sa pagkain, malamig na nagsalita si Halsey, "Harvey, may kasabihan ang mga ninuno natin; nakikita sa paraan ng pagkain ang pagkatao." "Hindi ko kailangang nakita ang iba mo pang ugali para malaman na isa kang makasariling tao at wala kang kahihiyan!" "Kung tama ang hula ko, si Mandy rin ang nagbabayad ng renta sa bahay na tinitirahan niyong dalawa, tama?" Natural, alam ni Halsey ang tungkol sa sitwasyon ng pagtira ni Mandy sa The Gardens Residence. Tumango si Harvey. "Oo. Siya rin ang nagbabayad ng amilyar!" "Ikaw! Gaano ba kakapal ang mukha mo?! Paano ka nababagay para kay Mandy?!" Nanginginig na ngayon si Halsey sa galit. "Kung ganun, anong klaseng lalak
Magbasa pa

Kabanata 937

Pagkatapos mag-isip sandali, nagpasya si Harvey na pigilan ang pag-iisip ni Halsey. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsabi, "Halsey, base sa nalalaman ko, hindi babaero si Prince York. Hindi yun gagana kahit na subukang mong mapalapit sa kanya. "At saka mayroon na siyang taong nagugustuhan. "Dahil may trabaho ka na, gawin mo yun nang maayos. "Wag ka nang magsabi ng kalokohan." Muntik nang mabuhay ni Halsey ang kape niya pagkatapos marinig si Harvey na sabihin iyon nang may seryosong mukha. 'Hindi ba naiintindihan ng lalaking ito ang sitwasyon?'Hindi lang siya walang kwenta, minamaliit pa niya ang mga narating ng ibang tao!' Nang hindi nagdalawang-isip, galit na sumagot si Halsey, "Wala kang pakialam sa relasyon naming dalawa ni Prince York!" Bumuntong-hininga si Harvey. "Halsey, gusto mo ba talagang sabihin ko to sa'yo nang diretso? "Hindi kita gusto." Pfffft!Halos masuka ng dugo si Halsey nang marinig niya iyon. Nagngitngit ang ngipin niya at nanginig siya sa
Magbasa pa

Kabanata 938

Sa kabilang linya, sandaling nanahimik si Mandy bago tinanggihan ang alok ni Halsey. "Halsey, alam ko na ginagawa mo to para sa'kin. Pero higit tatlong taon na akong kasal kay Harvey. Malapit na ako sa kanya kaya hindi ko gustong makipaghiwalay." "Ikaw…" Hindi alam ni Halsey ang sasabihin sa sandaling iyon. Nabilog na siguro ni Harvey ang isipan ng kanyang kaibigan, tama? Kung ganoon, kailangang mag-isip ni Halsey ng ideya na sangkot si Harvey at mapilitan siyang makipaghiwalay. Nagngitngit ang ngipin ni Halsey. Nagmartsa siya pabalik sa restaurant para hanapin si Harvey. Ngunit nakaalis na siya. …Ang University of San Francisco. Isa ito sa sampung pinakakilalang unibersidad sa bansa. Sabi sa mga usap-usapan ay maganda raw ang mag-aral dito. Ang lahat ng mga estudyante rito ay mga kilalang tao mula sa Mordu at San Francisco. Walang nakitang kahit na anong espesyal si Harvey sa unibersidad habang naglalakad siya sa loob. Pakiramdam niya ay kulang sa tao ang lugar at
Magbasa pa

Kabanata 939

"Ikaw…" "Napakawalang-hiya mo!" Muntik nang makagat ni Halsey ang dila niya. Hindi siya makapaniwala na nabubuhay ang ganito kawalang-hiyang lalaki! At mayroon pala siyang naiisip na ganito sa matalik na kaibigan ng asawa niya! Hindi dapat nabubuhay ang ganitong klase ng lalaki!Kalmadong nagdagdag si Harvey, "Tignan mo, hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng kondisyon. Sa tingin ko hindi na natin kailangang pag-usapan pa ang tungkol dito to." Hindi inaasar ni Harvey si Halsey. Sa halip, gusto niyang nakita kung gaano kalapit ang relasyon niya kay Mandy. Namutla ang mukha ni Halsey pagkatapos marinig ang kanyang mga salita. "Sige! Pumapayag ako! "Pero kailangan mong mangako sa'kin na hihiwalayan mo si Mandy pagkatapos at hindi mo siya pwedeng kulitin! "At saka, kailangan mong magpanggap na walang nangyari sa pagitan nating dalawa!"Bibigyan kita ulit ng isandaan at limampung milyon bilang danyos!" Nagsalita si Halsey na parang isang mabangis na CEO. Napa
Magbasa pa

Kabanata 940

"Wag kang mag-alala, Sir Ray. Kailangan ko lang ng tatlong araw para matapos sa preliminary preparations." Sabi ni Halsey nang may seryosong tono. Narinig niyang sinabi ni Ray na papatnubayan ni Prince York ang proyekto niya. Masaya siya at nasabik dahil dito. Baka makita na rin niya sa wakas si Prince York! "Hmph! Harvey, sinabi mo sa'kin na hindi ako magugustuhan ni Prince York at mayroon na siyang nagugustuhang babae!"Pero siguro gusto niya talaga ako dahil gusto niyang i-supervise ako!" Pagkatapos ay nagtanong si Halsey, "Sir Ray, kailan pupunta ang Prince sa San Francisco? Pwede ko ba siyang makita?" Tumawa si Ray. "Bakit ka nagmamadali? Medyo marami siyang ginagawa nitong mga nakaraan, pero tiyak na gagantimpalaan ka niya mismo kapag maayos ang paghawak mo sa proyektong to."Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mag-ayos pa ng kahit na anong meeting." Tahimik na pinuri ni Halsey ang kanyang sarili pagkatapos marinig ang mga salita ni Ray. 'Oh, Halsey! Ito
Magbasa pa
PREV
1
...
9293949596
...
494
DMCA.com Protection Status