Sumuko si Halsey sa pagkain sa huli. Umorder lang siya ng isang tasa ng kape at ininom ito. "Busog ka na?" Nagtataka si Harvey. Tumango si Halsey nang madilim ang kanyang mukha. Nakita niya si Harvey na kinuha ang lahat ng pagkain sa harapan niya at baralbal itong kinain. Nang malapit nang matapos si Harvey sa pagkain, malamig na nagsalita si Halsey, "Harvey, may kasabihan ang mga ninuno natin; nakikita sa paraan ng pagkain ang pagkatao." "Hindi ko kailangang nakita ang iba mo pang ugali para malaman na isa kang makasariling tao at wala kang kahihiyan!" "Kung tama ang hula ko, si Mandy rin ang nagbabayad ng renta sa bahay na tinitirahan niyong dalawa, tama?" Natural, alam ni Halsey ang tungkol sa sitwasyon ng pagtira ni Mandy sa The Gardens Residence. Tumango si Harvey. "Oo. Siya rin ang nagbabayad ng amilyar!" "Ikaw! Gaano ba kakapal ang mukha mo?! Paano ka nababagay para kay Mandy?!" Nanginginig na ngayon si Halsey sa galit. "Kung ganun, anong klaseng lalak
Pagkatapos mag-isip sandali, nagpasya si Harvey na pigilan ang pag-iisip ni Halsey. Pagkatapos ay seryoso siyang nagsabi, "Halsey, base sa nalalaman ko, hindi babaero si Prince York. Hindi yun gagana kahit na subukang mong mapalapit sa kanya. "At saka mayroon na siyang taong nagugustuhan. "Dahil may trabaho ka na, gawin mo yun nang maayos. "Wag ka nang magsabi ng kalokohan." Muntik nang mabuhay ni Halsey ang kape niya pagkatapos marinig si Harvey na sabihin iyon nang may seryosong mukha. 'Hindi ba naiintindihan ng lalaking ito ang sitwasyon?'Hindi lang siya walang kwenta, minamaliit pa niya ang mga narating ng ibang tao!' Nang hindi nagdalawang-isip, galit na sumagot si Halsey, "Wala kang pakialam sa relasyon naming dalawa ni Prince York!" Bumuntong-hininga si Harvey. "Halsey, gusto mo ba talagang sabihin ko to sa'yo nang diretso? "Hindi kita gusto." Pfffft!Halos masuka ng dugo si Halsey nang marinig niya iyon. Nagngitngit ang ngipin niya at nanginig siya sa
Sa kabilang linya, sandaling nanahimik si Mandy bago tinanggihan ang alok ni Halsey. "Halsey, alam ko na ginagawa mo to para sa'kin. Pero higit tatlong taon na akong kasal kay Harvey. Malapit na ako sa kanya kaya hindi ko gustong makipaghiwalay." "Ikaw…" Hindi alam ni Halsey ang sasabihin sa sandaling iyon. Nabilog na siguro ni Harvey ang isipan ng kanyang kaibigan, tama? Kung ganoon, kailangang mag-isip ni Halsey ng ideya na sangkot si Harvey at mapilitan siyang makipaghiwalay. Nagngitngit ang ngipin ni Halsey. Nagmartsa siya pabalik sa restaurant para hanapin si Harvey. Ngunit nakaalis na siya. …Ang University of San Francisco. Isa ito sa sampung pinakakilalang unibersidad sa bansa. Sabi sa mga usap-usapan ay maganda raw ang mag-aral dito. Ang lahat ng mga estudyante rito ay mga kilalang tao mula sa Mordu at San Francisco. Walang nakitang kahit na anong espesyal si Harvey sa unibersidad habang naglalakad siya sa loob. Pakiramdam niya ay kulang sa tao ang lugar at
"Ikaw…" "Napakawalang-hiya mo!" Muntik nang makagat ni Halsey ang dila niya. Hindi siya makapaniwala na nabubuhay ang ganito kawalang-hiyang lalaki! At mayroon pala siyang naiisip na ganito sa matalik na kaibigan ng asawa niya! Hindi dapat nabubuhay ang ganitong klase ng lalaki!Kalmadong nagdagdag si Harvey, "Tignan mo, hindi mo man lang magawa ang ganito kasimpleng kondisyon. Sa tingin ko hindi na natin kailangang pag-usapan pa ang tungkol dito to." Hindi inaasar ni Harvey si Halsey. Sa halip, gusto niyang nakita kung gaano kalapit ang relasyon niya kay Mandy. Namutla ang mukha ni Halsey pagkatapos marinig ang kanyang mga salita. "Sige! Pumapayag ako! "Pero kailangan mong mangako sa'kin na hihiwalayan mo si Mandy pagkatapos at hindi mo siya pwedeng kulitin! "At saka, kailangan mong magpanggap na walang nangyari sa pagitan nating dalawa!"Bibigyan kita ulit ng isandaan at limampung milyon bilang danyos!" Nagsalita si Halsey na parang isang mabangis na CEO. Napa
"Wag kang mag-alala, Sir Ray. Kailangan ko lang ng tatlong araw para matapos sa preliminary preparations." Sabi ni Halsey nang may seryosong tono. Narinig niyang sinabi ni Ray na papatnubayan ni Prince York ang proyekto niya. Masaya siya at nasabik dahil dito. Baka makita na rin niya sa wakas si Prince York! "Hmph! Harvey, sinabi mo sa'kin na hindi ako magugustuhan ni Prince York at mayroon na siyang nagugustuhang babae!"Pero siguro gusto niya talaga ako dahil gusto niyang i-supervise ako!" Pagkatapos ay nagtanong si Halsey, "Sir Ray, kailan pupunta ang Prince sa San Francisco? Pwede ko ba siyang makita?" Tumawa si Ray. "Bakit ka nagmamadali? Medyo marami siyang ginagawa nitong mga nakaraan, pero tiyak na gagantimpalaan ka niya mismo kapag maayos ang paghawak mo sa proyektong to."Kapag nangyari iyon, hindi na kailangang mag-ayos pa ng kahit na anong meeting." Tahimik na pinuri ni Halsey ang kanyang sarili pagkatapos marinig ang mga salita ni Ray. 'Oh, Halsey! Ito
Tumawa nang bahagya si Queenie York. Talagang gusto niya ang ugali ni Sam Baker. Naunawaan nito nang maigi ang mga makukuha at ang mawawala sa kanya. Ang mga taong ganito ay kadalasang mahusay at ambisyoso. At ganitong mga klase ng tao ang pinakagusto niyang gamitin. “Sigurado akong narinig mo naman na ang Sky Corporation, tama ba?” Inatras ni Queenie ang kanyang daliri, habang nakangiti. Hindi pa rin dumilat si Sam. Agad siyang nagsalita, “Narinig ko na ito. Ang branch nila sa San Francisco ay nagbabalak na i-reintegrate ang mga asset nila sa Gangnam, at gusto nilang gumawa ng bagong shopping mall sa gitna ng San Francisco.” Biglang sumagot si Queenie, “Umaasa akong hindi na mabubuo ang shopping mall nila, habang buhay.” “Syempre!”Hindi na siya tinanong pa ni Sam Baker. Nakayuko pa rin ang ulo niya. Makalipas ang ilang sandali, nang unti-unting lumayo ang tunog ng mga yabag na naririnig niya, dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nagdilim ang ekspresyon ng
Hindi pinansin ni Harvey si Jimmy at kaagad niyang binuklat ang mga pahina ng kontrata. Pak! Lumapit ang mga tauhan ni Jimmy at pinalo ang kontrata ni Harvey. Sumigaw sila nang malakas, “Pipirma ka ba o hindi? Kung hindi, di ka makakaalis nang buhay dito!” Tumawa si Harvey. “Pinipilit niyo ba akong bilhin 'to?” Humithit si Jimmy sa kanyang sigarilyo at kalmadong sumagot, “Kapatid, di ka pwedeng magbanggit ng kalokohan kahit kailan mo gusto. Isa akong tunay na negosyante. Paano kitang pipilitin na makipagkasundo sa akin? Ayaw ko lang talagang masyadong nagpapatagal.” “Pirmahan mo na ang kontrata habang maganda pa ang timpla ko.” Hindi pinansin ni Harvey si Jimmy. Dinampot ni Ray ang kontrata at binasa ito nang mabilis. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at tahimik siyang bumulong, “Sir York, may mali sa kontrata.” “Ang presyong napagkasunduan natin ay 750,000,000 dollars, pero mayroong isa pang zero na nadagdag sa kontratang ito, 7,500,000,000 dollars na
Inosenteng sumagot si Jimmy, “Kayong lahat, hindi naman ito tungkol sa kung ibabalik ko ba ang bayad o hindi. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari dito!” “Hindi ko kayo kinausap tungkol dito kahapon at hindi ko rin tinanggap ang pera niyo!” “Bakit di niyo hanapin ang taong tumanggap ng sinasabi niyong deposit?” Nabigla ang madla ng marinig nila ito. Napatingin sila sa likuran ni Jimmy. Wala dito ang ilang taong nakausap nila. Nagkatinginan ang mga matataas na opisyal ng kumpanya nila. Inilapag ni Wendy Sorrell ang mga resibo noong araw na iyon at galit na sumigaw, “CEO John, ang resibo ay may pirma at tatak ng kompanya mo.” Pinalo ni Jimmy ang noo niya at sinabi, “Naaalala ko na, maraming mga scammer na lumitaw sa San Francisco kailan lang.” “Kamukhang-kamukha ng amin ang tatak pero peke ito. Hindi ako ang nakakuha ng pera niyo.” “Kailangan niyo ba ng tulong namin para mai-report ang insidenteng ito sa awtoridad at hanapin sila?” Mukhang nag-aalok ng tulong si Jimm