Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 811 - Kabanata 820

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 811 - Kabanata 820

4933 Kabanata

Kabanata 811

Hinintay ni Mandy si Harvey sa entrance. Pagbalik niya ay mabilis niyang inabot ang isang malaking tuwalya. Puno ng pag-aalala ang mukha niya.Kinalat ni Felix ang footage ng pagpapahiya kay Harvey sa group chat ng pamilya Yates. Lahat sila ay abala din sa pag-upvote ng video.Pinuri pa ni Grandma Yates si Felix dahil dito. Para sa kanya, napakahusay ng mga ginawa ni Felix.Nais ni Mandy na tanggalin ni Felix ang video sa sandaling maipadala ito, ngunit tinuligsa siya ng lahat ng mga miyembro ng pamilya Yates dahil dito.Sinabi din nila na wala na ang lahat dignidad ng basurang lalaking iyon para sa pamilya Yates. Kung nakikita pa rin daw ni Mandy and sarili niya bilang apo ng pamilya Yates, dapat niyang palayasin si Harvey.Sa naging usali ng kanyang pamilya, kumulo sa galit si Mandy.Mabilis niyang napagtanto na ang diumano’y pagtitipon sa pagitan ng kanilang dalawang pamilya ay isang set-up lamang simula’t sapul.Gusto ng isang pamilya na paalisin si Harvey sa pamilya.Gusto
Magbasa pa

Kabanata 812

Niliitan ni Quinn ang kanyang mata habang nakatingin kay Mandy, saka ngumiti.“Ay, Mandy! Sakto ang pagdating niyo! Halika, sukatin niyo ang mga formal outfits na inihanda ko para sa inyong lahat kung kakasya."Habang nagsasalita siya, isang katulong ang nagtulak ng isang clothes stand.Walang malay na napatingin si Mandy at ang kanyang pamilya sa katulong.Ang sumunod na segundo, nakasulat ang labis na paghamak sa kanilang mga mukha.Formal nga ang mga outfits na binanggit ni Quinn, pero para sa mga butler at maid.Nilabas talaga ni Quinn ang mga damit na pang-katulong para sa kina Mandy sa kanyang pamilya. Anong pinaplano niya?Nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Mandy, mahinahong sinabi ni Quinn, “Ay, Mandy. Narinig ko na kapag lumalabas ang malalaking pamilya, kailangan nila ng ilang katulong na sasama sa kanila. Kung hindi, mapapahiya nila ang buong pamilya!""Mula ngayon, magiging isang first-rated family ang mga Zimmer.""Kaya nga may mga bagay na kailangang bi
Magbasa pa

Kabanata 813

“Total ikaw na nagsabi ng pag-alis sa mga Zimmer, gawin mo ang sinabi mo!”“Halika, ilabas mo ang kontrata!”Sa utos ni Zack, nilabas ang isang kontratang nakahanda na.Simple lang ang laman ng kontrata. Kailangan ni Mandy Zimmer at ng kanyang pamilya na tuluyang lumayas sa mga Zimmer, at walang kahit anong bitbit.Mula sa araw na iyon, an forty-nine percent na stocks at assets ng mga Zimmer sa kumpanya ay wala nang kinalaman kina Mandy at sa kanyang pamilya.Dapat ding magbitiw si Mandy sa kanyang posisyon bilang CEO.Nang matapos niyang basahin ang kontrata, namutla ang mukha ni Mandy na parang papel.Walang tigil sa panginginig ang katawan ni Simon Zimmer.Bumagsak sa sahig si Lilian, hindi makagalaw dahil sa galit.“Zack, Quinn! Mga wala kayong utang na loob!”“Planado niyo ito! Matagal niyo na itong gustong gawin!”Malamig na sumagot si Zack, “Eh ano naman kung planado ito? Ngayon, bibigyan ko ang pamilya mo ng dalawang pagpipilian!”“Una: pirmahan niyo ang kontrata!”
Magbasa pa

Kabanata 814

“Tama! Dahil dati ka naman naming kamag-anak, kukuha ako ng ilang mga litrato para sa iyo upang mapalawak ang iyong mga pagkakataon."Malamig na sumagot si Harvey York, “Litrato niyo bilang mga katulong?”Kumibot ang mga mata ni Quinn. Huminto siya, saka malamig na sinabi, “Sa tingin mo ba ay may pakialam ako sa kalokohang sinasabi ng isang palaboy na aso?”Walang pakialam si Harvey sa mga taong ito. Kumuha siya ng kopya ng kontrata at lumingon kay Mandy.“Mahal, tara na.”Pagkaalis nila Mandy at ng pamilya sa Zimmer household, hinawakan ni Lilian ang manggas ni Harvey York at sinigawan siya.“Harvey! Anong karapatan mong pirmahan ang kontrata sa ngalan namin?!”“Masaya ka bang makitang namamalimos ng pagkain ang lahat parang ikaw?!”Sagot sa kanya ni Harvey, “Huwag kang mag-alala, Kapag nandiyan si Mandy, makakapag-enjoy pa rin kayo ng marangyang buhay.”Napabuntong-hininga si Simon Zimmer.“Harvey, pwede bang gumising ka sa katotohanan? Umasa tayo sa mga Zimmer para magtagu
Magbasa pa

Kabanata 815

“Mula sa araw na ito, malapit nang maging first-rated family ang mga Zimmer!”“Mga kasama, pumunta sana kayo mamayang gabi sa mga Zimmer para uminom…”Tuso ang mayayaman. Nang marinig nila ito, bumati sila nang malakas. Dinala pa nila ang kanilang buong pamilya para batiin si Quinn at ang iba pang mga Zimmer.Abala ang lahat sa paghanga sa kanila.Alam nilang lahat ang tungkol sa proposal ni Prince York.Napuno sila ng selos at paghanga habang nakatingin kay Quinn, ang walang dudang bida ng palabas.Katumbas ito ng pagkamit ng pinakamataas na ranggo nang walang kahirap-hirap para maabot ang tuktok!Sa ganitong mga sitwasyon, sobrang sikip ng lugar na para bang mga celebrity sila na lumalabas sa kanilang mga tahanan.Pero, nang malapit na sa mga Lexus ang mga Zimmer...Umikot lahat ng mga kotse at umalis.“Anong nangyari?!”“Sabihan mo sila na huminto!”“Hindi ba nila nakitang wala pa sa kotse ang bride nila?!”Nagulat ang mga Zimmer at hindi makapaniwala. Pagkalipas ng mai
Magbasa pa

Kabanata 816

Kalaunan, nais nilang gamitin ang pagkakakilanlan ni Mandy Zimmer para makadalo sa seremonya.Pero sa sandaling bumaba sila ng kotse, may nagbigay sa kanila ng isang invitation card?Anong nangyayari?Tumingin si Mandy kay Harvey, naguguluhan. “Hindi mo ito pinalano, ‘di ba?”Kumunot ang noo ni Harvey York. Wala siyang kinausap para bigyan sila ng invitation.Pero umiling lang siya at sinabi, “Hindi ako iyon. At saka, hindi naman natin kailangan ng invitation.”Tumingin sina Simon at Lilian nang may pagkasabik kanina, ngunit sa kanyang sinabi, napabuntong hininga sila.‘Syempre!’‘Sabihin mo lang na hindi ikaw iyon at tama na ang pagsatsat mo!’“Heh, syempre hindi magagawa iyan ng basurang iyan.”Isang malakas na tawa ang umalingawngaw sa sandaling iyon.Isang matabang lalaki na may malaking tenga ang bumaba sa isang Mercedes Benz at lumapit sa pamilya.Nang makita siya, sumimangot si Mandy.Hindi lang siya kung sino-sino. Siya ang lalaking pinakilala sa kanya ni Felix dat
Magbasa pa

Kabanata 817

“Mula ngayon, ang problema ng pamilya nip ay problema na rin ng pamilya ko!”“Maaaring isa lang first-rated family ang mga Robbins, pero kahit ang mga top-rated family ay kailangang mag-dalawang isip bago kami banggain!”“Ngayon, tara na at dumalo na tayo sa grand ceremony!”“Pero… tatlo lang ang pwesto ng imbitasyon. Natatakot akong baka walang karapatan ang pulubi na makapasoksa loob.”Tinuro ni Stanley si Harvey york, saka niyakap ang sarili niyang mga braso na parang nanalo siya sa isang laban.Malamig na sinabi ni Lilian, “Basura lang siya. Wala siyang pakundangan, pumirma siya ng kontrata at binagsak ang pamilya kasama niya!”“Dapat hayaang mabulok mag-isa ang mga taong katulad niya! Huwag mo na siyang pansinin!”“Mandy! Tara na, pumasok na tayo!”Handa sina Simon at Lilian na iwanan sa ere si Harvey.Lalong sumimangot si Mandy sa kanyang nakita.“Pa, Ma. Bahala kayong pumasok kung gusto niyo. Hindi ako sasama, dito lang ako kay Harvey.”Ngumiti si Stanley at sinabi, “
Magbasa pa

Kabanata 818

Makalipas ang ilang sandali, bumulong si Mandy sa dismayadong tono, “Umuwi na lang tayo.”Hindi niya inasahang magyayabang pa rin si Harvey pagkatapos mangyari ang lahat sa puntong ito. Hindi siya mulat sa katotohanan.Kalaunan ay naawa si Mandy sa kanya, pero dismayado siya ngayon kay Harvey.Paanong walang kakayahan ang kanyang live-in na asawa bukod sa pagyayabang?Si Harvey naman ay tumingin sa Silver Nimbus Outer Courtyard na nasa likod niya at sinabi, “Hindi pa tayo pwedeng umalis. Kailangan tayo ni Ma at Pa mamaya.”Hinawakan ni Mandy ang kanyang mukha at malakas na bumuntong-hininga.“Harvey… Saan nanggagaling lahat ng kumpyansa mo?”“Anong pinaplano mo ngayon? Hihingi ka naman ba ng tulong kay Ms. Xavier?”“Naisip mo bang hindi ka pwedeng humingi ng pabor sa kanya parati, ‘di ba?”“Naisip mo ba ako kapag naghahanap ka ng ibang babae kapag naisip ka sa gulo?”“Hindi mo ba naisip na mahihiya ako?”“Hay, bahala na! Sige, maghintay tayo total sinabi mong maiipit sa gulo
Magbasa pa

Kabanata 819

Kung makukumpara lang ni Mandy sina Stanley at Harvey, madali siyang makakagawa ng desisyon.Sabi ni Simon, “Actually, pinag-iisipan naming palayasin si Harvey sa pamilya namin!”"Tatlong buong taon na nakalipas nang ikasal sila. Palaging walang saysay ang kanilang kasal!""Sa loob ng mahabang panahon, ang daming nangyari na pumigil sa kanilang hiwalayan! Sayang talaga!""Pero sa pagkakataong ito, hindi ako basta-basta susuko!"Napanatag si Stanley nang marinig niya ito.Nais niyang pakasalan si Mandy hindi lamang dahil maganda siya. Gusto niya ring maging bahagi ng mga Yates.Totoong pagdating sa kapangyarihan, ang pamilya Yates ang pinakamahina sa limang first-rated family ng Buckwood.Pero, isa pa rin silang pamilya ng mga opisyal ng gobyerno.Para kay Stanley, siguradong aangat ang ranggo niya sa mata ng iba pang mga Robbins kung magiging grandson-in-law ng pamilya Yates.Ito ang pangunahing dahilan sa likod ng kanyang determinasyon.Habang busy ang tatlo sa pagtatawanan
Magbasa pa

Kabanata 820

Napapaligiran nang tuluyan ang tatlo.Nakahawak ang isa sa mga guard sa kanyang espadang nakasabit sa kanyang baywang, na parang may kalaban siyang kaharap.“Dahil malakas ang loob niyong magdala ng pekeng imbitasyon, ipagpapalagay naming may mga masama kayong balak. Agad namin kayong ipapadala sa mga awtoridad mamaya!”Nang maramdaman ang aura ng mga guard na tila handang pumatay, halos hindi mapigilan nila Stanley at ng iba ang kanilang pantog. Tila malapit nang ilabas ng mga lalaking ito ang kanilang mga espada.Si Stanley, na pinanganak na mayaman, ay hindi pa nakaranas ng ganitong sitwasyon.Agad siyang sumuko.“Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito! Aalis na kami agad!”Nagawa lang ng mga guard na tumawa nang malamig.“Aalis? Site ito ng engagement ceremony ni Prince York! Malinaw na mataas ang pinapatupad na seguridad dito!”“Nagdala kayo ng pekeng imbitasyon at gumawa ng malaking gulo. Ngayon ay sinusubukan mong tumakas? Kailangan kong kwestyonin ang totoo mong motibo!”
Magbasa pa
PREV
1
...
8081828384
...
494
DMCA.com Protection Status