Hindi makapagsalita si Lilian Yates habang tinuro niya si Stanley.Nagha-hyperventilate si Simon, masyadong malinaw sa kanya ang malalang sitwasyon.Ang sinumang nangahas na nagdala ng pekeng imbitasyon sa isang seremonyang hinost ni Prince York ay naghahanap ng kamatayan!“Tama na, tigilan niyo na ang pag-aaway!”Nakasimangot ang mga staff.“Kung hindi niyo masabi sa akin kung saan niyo nakuha ang pekeng imbitasyon, ikukulong ko kayo!”“Ako… Ako… Ako…!”Hindi maka-isip si Lilian ng isasagot.Mukhang nakakain ng ampalaya si Simon.Hindi nila sukat akalaing mangyayari ang ganitong bagay. Hindi siya nakapaghanda ng kahit anong palusot para sa gulong ito.Wala silang ideya kung paano ipapaliwanag ang kanilang sitwasyon.Naiinip na ang staff member. Ang lahat ng nangyari sa seremonya ni Head Coach ay responsibilidad niya, pagkatapos ng lahat!Gusto niyang mabilis na harapin ang mga problema hangga’t maaari.Sa sandaling ito, may biglang pumasok sa isip ni Stanley. Tumingin siy
Natuwa si Mandy. Hindi niya inasahang magiging patas at makatwiran ang kanyang mga magulang. Tinulungan nga talaga nila si Harvey na makakuha ng spot para sa seremonya!‘Di nagtagal, nakarating ang dalawa sa entrance.Nakangiwi si Harvey.Sa kabilang banda, hindi maitago ni Mandy ang saya sa kanyang mukha.Para sa kanya, ang tanggapin ng kanyang mga magulang si Harvey, kahit konti lang, ay ikinasaya na niya.Nang dumating sina Harvey at Mandy, nakahinga nang maluwag sina Simon at Lilian.Natakot silang hindi dumating ang basura. Kung mangyari iyon, hindi nila alam kung kanino nila ibabaling ang sisi.Saglit na tumingin si Simon kay Stanley.Saka niya tinuro si Harvey at sinabi. “Siya ang gumawa ng pekeng imbitasyon! Kunin niyosiya at itapon sa kulungan!”Narinig ni Mandy ang kanyang ama at agad siyang napatigil.Mabilis niyang naintindihan ang lahat.Ang diumano’y imbitasyon ni Stanley ay peke, at agad itong nahuli ng mga guard.Pinapunta ni Simon si Harvey para linlangin s
Automatic na sumaludo ang lahat ng staff doon. Pagkatapos nito, ibinaba nila ang kanilang mga kamay at sabay-sabay na sinabi sa magalang na paraan, "Mr. York, Mrs. Zimmer. Humihingi kami ng paumanhin kung nagulat kayong dalawa dahil sa biglaang problemang ito!”“Pakiusap, tuloy po kayo”Tumango si Harvey, saka tumingin kina Simon at Lilian.“Uncle at Aunt ko ang dalawang iyon. Papasukin niyo rin sila.”Tumango ang mga guard at kumaway. Agad na nagkalasan ang mga guard na pumalibot kina Simon at Lilian.Saka sinabi ng guard sa dalawa, “Isa lang itong hindi pagkakaunawaan, humihingi akong paumanhin.”“Pakiusap, tuloy po kayo!”‘Ano?!’Bumagsak ang panga ng lahat ng mga nanonood na madla. Hindi nila maisara ang kanilang bibig.Parang panaginip ang buong eksena.Sinampal na ni Stanley ang kanyang sarili para masigurong hindi siya nagha-hallucinate.Talagang nakakamangha ang eksenang nasa harapan niya.Mga sundalo ng Sword Camp ang mga staff member, pagkatapos ng lahat!Mga Kin
Kalmadong sinabi ni Harvey, “Mamaya ay mabubunyag ang misteryo.”Handa siyang opisyal na mag-propose kay Mandy, pagkatapos ng lahat. Malalaman nila Simon at Lilian ang kanyang pagkakakilanlan pagkatapos.Para sa kanya, wala lang sa kanya kung mabunyag ang kanyang pagkakakilanlan bilang si Prince York.Nanahimik si Harvey, naiwanang lalong naguluhan sina Simon at Lilian Yates.Labis ang pagmamahal ng dalawa para sa karangyaan. Gagawin nila ang lahat para mapalapit sa mga makapangyarihan tao.Kahit na hindi nila alam kung anong klaseng noble si Harvey, agad silang sumipsip sa kanya.“Naku, Harvey! Mga hangal kami kanina! Pakiusap at kalimutan mo ang ginawa namin dati. Huwag mong ibaba ang antas mo kapareho namin!”“Hindi ko talaga sukat akalaing gagawa ng ganoong karumal-dumal na bagay ang b*stardong si Stanley! Kung hindi dahil sa iyo, malaking problema ito para sa amin!”“Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, mahal kong son-in-law! Sino si Stanley? Umalis ka dito!”Ngumiti si Ha
Tumayo ang lahat ng mga higher-ups nagbigay ng mahigpit na saludo habang nakatuon ang atensyon sa lalaking naglalakad sa kwarto.‘Malamang siya ang legendary na si Prince York.’Bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Roxanne matapos makita ang binata.Hindi niya naisip na ganito kabata si Prince York.Magandang target ang lalaking hindi pa kailanman nakita ang tunay na mundo.Kung handa siyang ipakita ang ilan sa kanyang alindog at tuluyang maging kanya ang lalaking ito, magiging kanya ang Sky Corporation!Kapag nangyari iyon, siya ang magiging reyna ng Sky Corporation!Kinusot-kusot ni Roxanne ang kanyang pilikmata hanggang sa maiyak na siya. Paulit-ulit na mapang-akit na sumulyap ang mga mata niya sa binata.Sayang na hindi man lang siya tinitigan ni Ray. Masigasig niyang tumigin sa paligid ng silid, ipinakita ang aura ng isang lalaking mula sa Sword Camp na sinanay para pumatay. Hindi nangahas na magbitaw ng kahit isang salita ang mga higher ups na nandoon.“Maupo kayong laha
“Malapit na siyang dumating.”Habang nagsasalita si Ray Hart, maririnig ang mga yabag sa labas ng pinto, na sinundan ng pagtulak sa pinto ng meeting room para buksan ito.Nabaling ang tingin ng lahat kay Harvey York.“Ikaw, ang live-in son-in-law? Bakit ka nandito?"Sa gitna ng madla, si Felix Howard ang unang nag-react habang nakaturo kay Harvey at galit na galit na nagsalita.Hindi ba alam ng live-in son-in-law na may mga lugar na hindi siya dapat naroroon?Hindi makakatulong ang biglaang pagsulpot niya kung may makatuklas sa relasyon nilang magpinsan. Paniguradonghindi niya magagawang itago ito sa kanyang sarili sa oras na iyon.“Ang laruan mula noong araw na iyon?”Nagulat din sila Roxanne Barr at iba pa.Halos agad-agad, bumalik ang diwa niya at itinutok ang daliri sa security guard bago sumigaw, "Anong klaseng security guard ka para magpapasok ng anumang klaseng basura? Paano mo siya pinayagang makapasok dito sa meeting room ng mga higer-ups?"“Palayasin mo na siya ngay
May umiikot na tsismis na kalaguyo ni Prince York si Mandy Zimmer.Maraming tao ang nag-isip na na malaking biro lang ito.Pero sa sandaling ito, agad na naintindihan ng lahat.Hindi lang basta kalaguyo si Mandy!Siya ang babaeng pinakasalan ni Prince York sa makatarungan at marangal na paraan!At ang proposing ceremony na mangyayari mamaya ay nakahanda para lang sa kanya!Sobrang swerte at pinagpala ng babaeng iyon!Sa sandaling iyon, baluktot ang mukha ni Roxanne Barr, puno ng paghamak at pagka-inggit.Bakit?! Bakit kailangang ang babaeng iyon pa?! Bakit hindi na lang siya?!Naka-dekwarto lang ang binti ni Harvey sa meeting table habang tiningnan sina Roxanne at ang mga kasama niya, na hindi maitago ang kanilang pagkagulat. Tumawa siya. “Mabuti at nagkita ulit tayong lahat.”Nang maalala nila kung paano nila ininsulto si Harvey noong nakaraang taong araw at ang mga pinagsasabi nila sa kanya, hirap ang ilang mga higher-ups na manatiling kalmado, may iba pang halos himatayin
Matapos hintayin na umalis si Harvey York, itinuon ni Ray ang kanyang mga matalim na tingin kay Roxanne Barr at sa iba pa.Nakababa ang ulo nila Roxanne, Felix Howard, Brody Jenner, at iba pa, hindi naglakas-loob na magsalita pa. Hindi nga sila makahinga nang maayos.Binaling ni Ray ang kanyang tingin kay Roxanne at kaswal na tinanong, “Aling kamay iyon?”Bagama’t wala nang sinabi pa si Ray, agad na nalaman ni Roxanne kung anong ibig niyang sabihin. Sa sandaling iyon, tinaas lang niya ang nanginginig niyang kanang kamay saka sinabi nang may nanginginig na boses, “Itong kamay.”“Dahil babae ka, pwede na ang sampung sampal,” anunsyo ni Ray.“Pak!”Hindi naglakas-loob si Roxanne na depensahan ang kanyang sarili o magsalita ng kahit anong kalokohan habang sinampal niya nang malakas ang kanyang sarili.Sobrang lakas ng sampal na agad namaga at namula ang kanyang pisngi.Dahil alam ni Roxanne na kung hindi matutuwa si Ray, mas masahol pa ang posible niyang maranasan.Hindi man lang
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e
Inunat ni Harvey ang kanyang leeg habang nakangiti.“Tutal mamamatay naman na ako…“Bakit hindi niyo ipaintindi sa’kin ang isang bagay?“Pagkatapos akong subukang kumbinsihin ni Peyton na iwan ang sitwasyon, bigla kayong sumulpot.“Tauhan ba kayo ng Dragon Cell? O tauhan ba kayo ni Blaine?" Tumawa ng malamig ang elder. “Walang karapatan ang isang taong gaya ni Peyton na kontrolin kami!" Tumango si Harvey.“Naiintindihan ko na.“Mukhang maraming ginawa si Blaine para lang paghandaan ang pag-angat niya.“Pero kung gamit lang ang pagkatao niya, hindi niya rin kayo makokontrol.“Malamang mula siya sa Evermore. At malamang mataas din ang katayuan niya dun.“Hindi ko inakala na may makikita akong mga buhay na saksi nun!" Bukod sa hindi natakot si Harvey, mukhang natuklasan na din niya ang katotohanan.“Mukhang hindi ako makakaalis sa Golden Sands hangga’t buhay pa si Blaine!" Dumilim ang mga mata ng elder.“Wala ka nang pag-asa, bata. Ikaw ang kinatawan ng Martial Arts All
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak
Bumuntong-hininga si Peyton nang makita ang kaswal na ekspresyon sa mukha ni Harvey.“May isang bagay kang hindi alam.“Ang Golden Sands ay itinuturing na ang lugar na tinatawag na Midheaven.“Sa madaling salita, ito ang lupain kung saan isinilang ang Country H.“Ang dating emperador, si Emperor Toghon, ay ginawang kapitolyo ang Golden Sands dahil dito.“Subalit, naging ang Wolsing ang kapitolyo ng bansa noong kinuha ni Emperor Khan ang trono.“Gayunpaman, ang kahalagahan ng kasaysayan ng Golden Sands sa bansa ay higit pa sa imahinasyon mo!“Dahil kontrolado ng John family ang buong siyudad, hindi lang napipigilan ang Patel family at ang six Hermit Families, kundi pati ang buong Midheaven ay pag-aari din nila!“Sa madaling salita, kapag ginalaw mo si Blaine ngayon, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa buong lugar!”“Hindi naman na makakakuha ng mas maraming mga Blaine ang John family para palitan siya. Anong magiging problema?” sagot ni Harvey.Muling bumuntong-hininga si
"Hula ko, mukhang ang Wright family ang target ng Evermore."Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ang Wright family?”"May balak bang magdulot ng problema ang Evermore kay Big Boss?""Gusto ba nilang mamatay o ano?""Kung wala ang apat na haligi at ang tulong ng Nine Elders, malamang kaya niyang mapaalis ang grupo ng mga walang kwentang tao na nagtatago sa Wolsing ng mag-isa, di ba?"Si Peyton Horan ay umiling.“Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mga bagay-bagay.”"Ang Evermore ay napakatagal nang nabubuhay. Marami ring matatandang hangal na malapit nang mamatay ang may koneksyon sa kanila."Ang Wolsing ay maaaring hindi nagkakaisa.""Hindi pa natin alam kung gaano na kalalim ang Evermore.""Siguro galing din sa Evermore si Big Boss.""Kung gagawa ng kahit ano ang Evermore sa Wolsing, ang buong Wolsing ay magkakaproblema!""Ang buong lungsod ay malulugmok sa kaguluhan!""Ang Country H ay magkakagulo kung hindi tayo mag-iingat..."Nag-aalala si Peyton.Bahagyang tumango s
Si Harvey York ay kilala lamang si Peyton Horan dahil nailigtas niya si Taila Horan.Ang dalawa ay nagkakilala lamang sa loob ng maikling panahon. Hindi sila madalas magkita, pero mayroon pa rin silang magandang relasyon."Ayos naman si Talia. Pinatira ko siya sa aking lumang bahay kasama ang isang tauhan para protektahan siya. Hindi mo kailangang mag-alala.”Nagpakita si Peyton ng banayad na ngiti."Gayunpaman, dapat kang mag-alala nang higit para sa iyong sarili."Ngumiti si Harvey."May nalaman ka ba?"Tumango si Peyton at tumingin sa paligid bago ituro ang isang maliit na daan."Bakit hindi tayo maglakad-lakad?"Tinanggap ni Harvey ang alok. Matapos senyasahn ang mga espiya ng Heaven’s Gate na umalis, sinamahan niyang maglakad-lakad si Peyton.Si Peyton ay nagbigay ng senyales sa mga eksperto ng Dragon Cell na huwag sumunod upang bigyan sila ng espasyo.Ang lugar ay isang gubat na may ilang mga libingang mukhang sinauna sa tabi ng daan. Isa sa mga customer ni Harvey ay n
Si Mandy Zimmer ay nasiyahan ng husto sa pananatili sa Ostrane One. Itinuturing na niyang tahanan ang lugar…At sa kabila nito, nangyari ang ganitong bagay.Ibinigay ni Harvey York kay Mandy ang isang piraso ng pastry pagkatapos buksan ang kahon."Sa nakikita ko, tinatrato ka ng Jean family na parang isang superhero!""Saanman may problema, ikaw ang haharap dito...""Malamang ay may malaking respeto sila sayo!"Tumawa ng mapait si Mandy."Tinatawag mong respeto yun?"Sinasadya nila akong ipadala sa kamatayan ko!"Ang Wolsing ay isang sinaunang lungsod na may isang libong taon ng kasaysayan!""Mas malalim pa ang tubig doon kaysa sa mismong Atlantic!""Ang Nine Elders, ang top ten families, ang five hidden families, at lahat ng uri ng puwersa ng iba't ibang sagradong martial arts training grounds...""Huwag kalimutan ang mga panlabas na puwersang nagdudulot ng gulo doon..."Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot."Mamamatay ang mga tao doon kung hindi sila mag-iingat."
Kalahating oras ang lumipas, umalis si Harvey York sa Golden Cell sakay ng isang magaspang na off-road na sasakyan.Walang pangangailangan na siya pa ang humawak sa natitirang sitwasyon. Dahil nandito na si Peyton Horan, tiyak na magbibigay siya ng paliwanag kay Harvey tungkol dito.Si Kensley Quinlan ay ikukulong sa buong buhay niya.Tungkol kay Faceless at sa kanyang anak na babae, malamang na magdusa sila pagkatapos mapunta sa kamay ng Golden Cell.Dahil sa kung gaano kalakas at misteryoso ang Evermore, sinubukan ng Bansa H na makahanap ng mga lead tungkol dito ngunit walang nagtagumpay.Mula nang mahuli si Faceless at ang kanyang anak na babae, nakagawa ng ilang progreso ang bansa.Pagbalik sa Fortune Hall, inihanda na ni Castiel Foster ang isang nagliliyab na baga para daanan nina Harvey at ng iba pa.Nagsimula siyang magdasal ng isang bagay pagkatapos noon.Humagulgol si Harvey. Nawalan siya ng masabi matapos makita ang tanawin.Sa wakas, siya ang pinaka-mahusay sa ganit
Nakaramdam ng paghihinagpis si Kensley Quinlan.Ang simpleng mga salita ni Harvey York ay sapat na upang makuha ang pabor ni Jesse Xavier.Dapat ay nasa panig ni Kensley si Jesse, pero madali siyang tinalikuran nito.Si Lexie York, na nanatiling tahimik hanggang ngayon, ay biglang tumayo."Tama ‘yun. Ang paninira sa kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kapangyarihan ay isang krimen. Kung hindi mo maipaliwanag ang iyong sarili, kailangan nating imbestigahan ang sitwasyon nang mabuti!"Kung may hindi pagkakaintindihan, o pinipilit kang gawin ito, dapat ka nang magsalita ngayon!"Ang apat na haligi ay lilinisin ang iyong pangalan!"Si Jesse ay ngumiti bago nagpakita ng malalim na ekspresyon sa kanyang mukha."Tama ‘yun. Mabuti pa umamin ka na."Pero, mas mabuti pang huwag kang magsasabi ng kalokohan."Lalo na, mas malaking krimen iyon."Ang tanging paraan para makaalis ka sa sitwasyong ito ay ibigay mo sa amin ang pangalan ng taong nasa l