Tumayo ang lahat ng mga higher-ups nagbigay ng mahigpit na saludo habang nakatuon ang atensyon sa lalaking naglalakad sa kwarto.‘Malamang siya ang legendary na si Prince York.’Bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Roxanne matapos makita ang binata.Hindi niya naisip na ganito kabata si Prince York.Magandang target ang lalaking hindi pa kailanman nakita ang tunay na mundo.Kung handa siyang ipakita ang ilan sa kanyang alindog at tuluyang maging kanya ang lalaking ito, magiging kanya ang Sky Corporation!Kapag nangyari iyon, siya ang magiging reyna ng Sky Corporation!Kinusot-kusot ni Roxanne ang kanyang pilikmata hanggang sa maiyak na siya. Paulit-ulit na mapang-akit na sumulyap ang mga mata niya sa binata.Sayang na hindi man lang siya tinitigan ni Ray. Masigasig niyang tumigin sa paligid ng silid, ipinakita ang aura ng isang lalaking mula sa Sword Camp na sinanay para pumatay. Hindi nangahas na magbitaw ng kahit isang salita ang mga higher ups na nandoon.“Maupo kayong laha
“Malapit na siyang dumating.”Habang nagsasalita si Ray Hart, maririnig ang mga yabag sa labas ng pinto, na sinundan ng pagtulak sa pinto ng meeting room para buksan ito.Nabaling ang tingin ng lahat kay Harvey York.“Ikaw, ang live-in son-in-law? Bakit ka nandito?"Sa gitna ng madla, si Felix Howard ang unang nag-react habang nakaturo kay Harvey at galit na galit na nagsalita.Hindi ba alam ng live-in son-in-law na may mga lugar na hindi siya dapat naroroon?Hindi makakatulong ang biglaang pagsulpot niya kung may makatuklas sa relasyon nilang magpinsan. Paniguradonghindi niya magagawang itago ito sa kanyang sarili sa oras na iyon.“Ang laruan mula noong araw na iyon?”Nagulat din sila Roxanne Barr at iba pa.Halos agad-agad, bumalik ang diwa niya at itinutok ang daliri sa security guard bago sumigaw, "Anong klaseng security guard ka para magpapasok ng anumang klaseng basura? Paano mo siya pinayagang makapasok dito sa meeting room ng mga higer-ups?"“Palayasin mo na siya ngay
May umiikot na tsismis na kalaguyo ni Prince York si Mandy Zimmer.Maraming tao ang nag-isip na na malaking biro lang ito.Pero sa sandaling ito, agad na naintindihan ng lahat.Hindi lang basta kalaguyo si Mandy!Siya ang babaeng pinakasalan ni Prince York sa makatarungan at marangal na paraan!At ang proposing ceremony na mangyayari mamaya ay nakahanda para lang sa kanya!Sobrang swerte at pinagpala ng babaeng iyon!Sa sandaling iyon, baluktot ang mukha ni Roxanne Barr, puno ng paghamak at pagka-inggit.Bakit?! Bakit kailangang ang babaeng iyon pa?! Bakit hindi na lang siya?!Naka-dekwarto lang ang binti ni Harvey sa meeting table habang tiningnan sina Roxanne at ang mga kasama niya, na hindi maitago ang kanilang pagkagulat. Tumawa siya. “Mabuti at nagkita ulit tayong lahat.”Nang maalala nila kung paano nila ininsulto si Harvey noong nakaraang taong araw at ang mga pinagsasabi nila sa kanya, hirap ang ilang mga higher-ups na manatiling kalmado, may iba pang halos himatayin
Matapos hintayin na umalis si Harvey York, itinuon ni Ray ang kanyang mga matalim na tingin kay Roxanne Barr at sa iba pa.Nakababa ang ulo nila Roxanne, Felix Howard, Brody Jenner, at iba pa, hindi naglakas-loob na magsalita pa. Hindi nga sila makahinga nang maayos.Binaling ni Ray ang kanyang tingin kay Roxanne at kaswal na tinanong, “Aling kamay iyon?”Bagama’t wala nang sinabi pa si Ray, agad na nalaman ni Roxanne kung anong ibig niyang sabihin. Sa sandaling iyon, tinaas lang niya ang nanginginig niyang kanang kamay saka sinabi nang may nanginginig na boses, “Itong kamay.”“Dahil babae ka, pwede na ang sampung sampal,” anunsyo ni Ray.“Pak!”Hindi naglakas-loob si Roxanne na depensahan ang kanyang sarili o magsalita ng kahit anong kalokohan habang sinampal niya nang malakas ang kanyang sarili.Sobrang lakas ng sampal na agad namaga at namula ang kanyang pisngi.Dahil alam ni Roxanne na kung hindi matutuwa si Ray, mas masahol pa ang posible niyang maranasan.Hindi man lang
Nang marinig iyon, tumango si Quinn at sinabi, "Tama ang turo ni lolo, dapat tayong maging mabait sa lahat, narinig ninyong lahat ang sinabi ni lolo, lumuhod kayo habang nasa sahig ang ulo niyo!"Malamig na sumagot si Mandy Zimmer, “Pumasok kami sa pinto sa tamang channel. Bakit kami luluhod para sa inyo?”Ngumisi ng ‘pfft’ si Quinn at sinabi, “Sige, kahit sa tamang paraan kayo nakapasok, pero nakalimutan niyo bang lahat? Ako ang mistress ng lugar na ito. Ngayon ay inuutusan ko kayong lumuhod sa harap namin habang nakasubsob ang mga ulo niyo sa sahig!”“Kung hindi, papahirapan ko ang mga buhay niyo pagkatapos mag-propose sa akin ni Prince York!”Dahil doon, puno ng pag-aalala sina Simon Zimmer at Lilian Yates.Kahit na may konting katayuan si Harvey York, anong binatbat niya kay Prince York?Si Prince York ang alamat ng South Light. Kailangan lang niyang sabihin ang salita para pahirapan ang isang tao!Kung iisipin ang ugali ni Quinn, siguradong gagawin niya ang ganoong bagay.
"Kung gayon, ibigay natin ang ating lubos na basbas kay Prince York at sa kanyang babae!"Kasabay nito, walang tigil ang palakpakan sa bulwagan. Excited ang lahat, naghihintay na makita ang tunay na mukha ng dalawa.Ang magustuhan ni Prince York at maging babae niya ay talagang kasing swerte pagbuga ng usok ng libingan ng iyong ninuno.May mga tsismis noon na ang anak ng babae ng pamilya Zimmer ang babae ni Prince York. karamihan sa mga tao ay hindi naniwala dito.Naghihintay ang lahat ngayon kung sino ang magiging heroine ngayon!Sa sandaling iyon, pumalakpak nang isang beses ni Ray, at sinamahan siya ng labing-walong manggagawa na naka-puting suit na lumabas mula sa backstage.Sundalo ng Sword’s Army Camp ang lahat ng mga manggagawa, at bawat isa sa kanila at mula sa mga prominenteng pamilya ng Country H. Kung kaya, may marangal at dominanteng aura sa kanila na kahanga-hanga.Kahit na hindi sila naka-uniporme, nakatayo pa rin sila nang matatag at gwapo doon.Hindi maiwasan ng
“Hum…”Sa sandaling ito, pakiramdam ni Quinn Zimmer ay parang sasabog ang utak niya.Hindi siya ang babaeng iniirog ni Prince York.Tulala siya sa sandaling iyon. Hindi niya namalayang bumagsak ang kanyang tingin kay Mandy Zimmer, at walang tigil ang kanyang katawan sa panginginig sa sumunod na sandali.Si Mandy?!Kay Mandy ba magpo-propose si Prince York?Kung ganoon nga, mas gugustuhin niyang mamatay!Sa sandaling iyon, nais ni Quinn na mamatay, at ihampas sa sahig ang kanyang ulo. Sa kasamaang palad, hindi siya makakuha ng lakas ng loob para gawin iyon.Naguluhan si Mandy sa sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari.Samantala, naglakad si Ray Hart at lumapit kay Mandy. Yumuko ulit siya nang ninety-degrees, at magalang na sinabi, “Sister-in-law, paki-tanggap ang proposal ni Prince York!”“Heto ang ilang mga regalong hinanda ni Prince York para sa iyo ngayon!”“Isang villa sa paanan ng Silver Nimbus Mountain!”“Isang Rolls-Royce Phantom!”“Cash na aab
Bukod pa dito, hindi mahuhulaan ni Mandy Zimmer na ang taong tinutukoy ni Ray Hart ay nakatayo lang sa tabi niya sa sandaling ito, naghihintay sa sagot niya.Huminga siya nang malalim at mukhang nakapag-desisyon na siya.Bahagyang ngumiti si Mandy sa sumunod na sandali at sinabi, “Sir Ray, talagang na-appreciate ko ang ginawa ni Prince York!”“Pero, pakiusap bumalik ka sa kanya sa sabihin mong hindi ako karapat-dapat sa kanya. Kaya, tatanggi ako.”Bang…Tila tumama ang kidlat sa lupa.Gulat na gulat ang buong madla.Nanigas ang hitsura ng lahat. Hindi siya makapaniwala.Ilang dalaga ang gustong magpakasal sa isang sikat at mayamang lalaki sa panahong ito?Ilang babae ang gustong makasal sa isang mayamang pamilya at mamuhay nang marangya?Subalit, tumanggi si Mandy.Imposible ito!Maraming babaeng naroroon ang may baluktot na hitsura. Hindi na sila makapaghintay na palitan ang pwesto ni Mandy sa sandaling iyon.Nagulat din si Ray sa kanyang sagot. Walang kamalay-malay siyan