"Kung gayon, ibigay natin ang ating lubos na basbas kay Prince York at sa kanyang babae!"Kasabay nito, walang tigil ang palakpakan sa bulwagan. Excited ang lahat, naghihintay na makita ang tunay na mukha ng dalawa.Ang magustuhan ni Prince York at maging babae niya ay talagang kasing swerte pagbuga ng usok ng libingan ng iyong ninuno.May mga tsismis noon na ang anak ng babae ng pamilya Zimmer ang babae ni Prince York. karamihan sa mga tao ay hindi naniwala dito.Naghihintay ang lahat ngayon kung sino ang magiging heroine ngayon!Sa sandaling iyon, pumalakpak nang isang beses ni Ray, at sinamahan siya ng labing-walong manggagawa na naka-puting suit na lumabas mula sa backstage.Sundalo ng Sword’s Army Camp ang lahat ng mga manggagawa, at bawat isa sa kanila at mula sa mga prominenteng pamilya ng Country H. Kung kaya, may marangal at dominanteng aura sa kanila na kahanga-hanga.Kahit na hindi sila naka-uniporme, nakatayo pa rin sila nang matatag at gwapo doon.Hindi maiwasan ng
“Hum…”Sa sandaling ito, pakiramdam ni Quinn Zimmer ay parang sasabog ang utak niya.Hindi siya ang babaeng iniirog ni Prince York.Tulala siya sa sandaling iyon. Hindi niya namalayang bumagsak ang kanyang tingin kay Mandy Zimmer, at walang tigil ang kanyang katawan sa panginginig sa sumunod na sandali.Si Mandy?!Kay Mandy ba magpo-propose si Prince York?Kung ganoon nga, mas gugustuhin niyang mamatay!Sa sandaling iyon, nais ni Quinn na mamatay, at ihampas sa sahig ang kanyang ulo. Sa kasamaang palad, hindi siya makakuha ng lakas ng loob para gawin iyon.Naguluhan si Mandy sa sandaling iyon. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari.Samantala, naglakad si Ray Hart at lumapit kay Mandy. Yumuko ulit siya nang ninety-degrees, at magalang na sinabi, “Sister-in-law, paki-tanggap ang proposal ni Prince York!”“Heto ang ilang mga regalong hinanda ni Prince York para sa iyo ngayon!”“Isang villa sa paanan ng Silver Nimbus Mountain!”“Isang Rolls-Royce Phantom!”“Cash na aab
Bukod pa dito, hindi mahuhulaan ni Mandy Zimmer na ang taong tinutukoy ni Ray Hart ay nakatayo lang sa tabi niya sa sandaling ito, naghihintay sa sagot niya.Huminga siya nang malalim at mukhang nakapag-desisyon na siya.Bahagyang ngumiti si Mandy sa sumunod na sandali at sinabi, “Sir Ray, talagang na-appreciate ko ang ginawa ni Prince York!”“Pero, pakiusap bumalik ka sa kanya sa sabihin mong hindi ako karapat-dapat sa kanya. Kaya, tatanggi ako.”Bang…Tila tumama ang kidlat sa lupa.Gulat na gulat ang buong madla.Nanigas ang hitsura ng lahat. Hindi siya makapaniwala.Ilang dalaga ang gustong magpakasal sa isang sikat at mayamang lalaki sa panahong ito?Ilang babae ang gustong makasal sa isang mayamang pamilya at mamuhay nang marangya?Subalit, tumanggi si Mandy.Imposible ito!Maraming babaeng naroroon ang may baluktot na hitsura. Hindi na sila makapaghintay na palitan ang pwesto ni Mandy sa sandaling iyon.Nagulat din si Ray sa kanyang sagot. Walang kamalay-malay siyan
“Kahit na ibig sabihin nito ay magkakaroon ako ng marangyang buhay, hindi ito ang talagang gusto ko.”Bahagyang ngumiti si Harvey York at bumulong sa puntong siya lang ang makakarinig, “Kung ganoon, pakakasalan kita at gagawin kitang isang big shot.”Sa ganitong paraan, hindi magiging hadlang sa ating dalawa ang pagkakakilanlan.”“At saka, naniniwala akong lalo pang bubuti ang relasyon nating dalawa…”Sa sandaling ito, parehong bumalik ang diwa nila Lilian Yates at Simon Zimmer.Pareho silang nasa naguluhan ngayon.Pagkatapos ng lahat, naranasan lang nila ngayon ang pinakamalaking dagok at rurok ng kanilang buhay. Buti na lang at nakarating na sila sa ganitong estado ngayon.Samantala, galit na tinigan ni Lilian si Mandy at sumigaw sa mababang boses, “Mandy, paanong napaka-t*nga mo?!”“Isa itong pagkakataong hindi mahihingi ng mga tao!”“Pero, sinayang mo ito nang dumating ito sa iyong mga mata!"Habang nagsasalita, nilagay ni Lilian ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. Wala
Sa mga ganoong pangyayari, hindi nila kayang panoorin ang ceremony ngayon!Kung sakali, tiyak na mababaliw sila!Nang makita na gusto nang umalis nila Simon Zimmer at Lilian Yates, walang magawa si Mandy kundi umalis kasama nila.Bagama’t may gagawin pa si Harvey, kaya lang niyang tumayo sa sandaling iyon at samahan sila sa gate ng Silver Nimbus Outer Courtyard.Nang hindi inaasahan, habang palabas na sina Mandy at ang kanyang pamilya, ang mga Zimmer, na kanina ay pinalayas, ay biglang lumapit sa kanila mula sa gilid ng kalsada.“Anong gusto niyong gawin? Wala nang ugnayan ang pamilya namin sa pamilya Zimmer!”Naisip ni Mandy na gusto silang pagtulungan nila Senior Zimmer at ng iba pa. Agad siyang tumayo sa harap nila Simon at Lilian para protektahan sila. Pagkatapos ay nilinaw ni Senior Zimmer.“Mandy, nagkamali si lolo! Niloko ako ng hangal na babaeng ito, si Quinn Zimmer!” Pinilit ni Senior Zimmer na ngumiti haban sinabi ang mga salitang iyon.“Tuturuan ko siya ng leksyon!”
Subalit, kung magagawa ni Senior Zimmer na mahikayat si Mandy Zimmer na gawin ang tama, tiyak na hindi sila tututol.Si Mandy, na nag-aalangan nang konti noong una, ay nagbago ang hitsura sa sandaling ito. Dahan-dahan niyang sinabi makalipas ang ilang sandali, “Lolo, pinahihiwatig mo ba na ang kondisyon para bumalik ako sa pamilya Zimmer ay hiwalayan si Harvey at pagkatapos ay pakasalan si Prince York?!"Ngumiti si Senior Zimmer at sinabing, “Mandy, huwag ka nang sumatsat. Ginagawa ito ni Lolo para sa kapakanan mo!"Agad na naging malamig ang ekspresyon ni Mandy. Pagkatapos ay malamig niyang sinabi, "Senior Zimmer, pasensya na, hindi ko kayang sumang-ayon sa iyong mga kondisyon.”“Total at pumirma na kami sa kasunduan, wala na kaming ugnayan sa pamilya Zimmer!”Hindi na tumingin pa si Mandy kay Senior Zimmer matapos magsalita. Tumalikod lang siya at umalis.Sobrang dismayado din siya sa sandaling ito. Sa wakas ay nakita na niya ang katotohanan.Walang pakialam ang pamilya Zimmer
Marami sa kanila ay nagsimula nang bumili ng real estate sa Buckwood. Kung kaya, marami sa kanila ang ginalaw nang palihim ang mga regalo sa kasal.Ngayon, parang pagpatay sa kanila ang paglabas ulit sa mga regalong ito!“Lolo, anong gagawin natin? Hindi pa tayo tuluyang nalulugi, ‘di ba? Ayoko maging pulubi!”Nawala ang karaniwang pagiging mayabang ni Zack Zimmer sa sandaling iyon.At halos himatayin na siya.“Mabuti pang makipag-ayos tayo sa kanya. Ang tanging paraan ngayon ay hingiin ang kapatawaran ni Mandy at baguhin ang kanyang isip!”“Kung hindi, tiyak na katapusan na ng pamilya Zimmer!”Sa oras na nakabalik na si Harvey sa Silver Nimbus Outer Courtyard, malapit nang magsimula ang ikalawang bahagi ng seremonya ngayon.Ang unang bahagi ay mag-propose kay Mandy Zimmer, at ang pangalawang bahagi ay ang asset integration ceremony.Nakarating na ang mga reporter ng mga pangunahing media sa sandaling ito. Tahimik silang lahat na naghihintay sa event.Mas nakakagulat ito kays
“Si Prince York ay si Prince York, at ang mga York ay ang mga York. Sana ay huwag ituring ng lahat na si Prince York ay katumbas ng mga York sa hinaharap!”Nakakalito ang pangungusap.Sa isang banda, pinapahiwatig nito na ang Sky Corporation ay itinatag nga ni Prince York.Sa kabilang banda, ipinahiwatig din nito na walang kinalaman si Prince York sa mga York.Pero in-integrate ng Sky Corporation ang mga pag-aari ng mga York. Anong ibig sabihin nito?Hindi direktang sinagot ni Ray Hart ang tanong . Sa halip, hinayaan niyang hulaan ito ng mga reporter, kung kaya hindi maka-imik ang mga reporter na iyon.Gayunpaman, napagkasunduan nila na napakahusay ni Prince York!‘Di nagtagal, tapos na ang question-and-answer kasama ang mga reporter.Heto na ang pinaka-importanteng seremonya, at iyon ay ang muling pagtatatag ng Sky Corporation.Masasabi lamang na tapos na ang seremonya ngayong araw kapag isinabit na ang plake ng bagong kumpanya.Gayunpaman, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa