Subalit, kung magagawa ni Senior Zimmer na mahikayat si Mandy Zimmer na gawin ang tama, tiyak na hindi sila tututol.Si Mandy, na nag-aalangan nang konti noong una, ay nagbago ang hitsura sa sandaling ito. Dahan-dahan niyang sinabi makalipas ang ilang sandali, “Lolo, pinahihiwatig mo ba na ang kondisyon para bumalik ako sa pamilya Zimmer ay hiwalayan si Harvey at pagkatapos ay pakasalan si Prince York?!"Ngumiti si Senior Zimmer at sinabing, “Mandy, huwag ka nang sumatsat. Ginagawa ito ni Lolo para sa kapakanan mo!"Agad na naging malamig ang ekspresyon ni Mandy. Pagkatapos ay malamig niyang sinabi, "Senior Zimmer, pasensya na, hindi ko kayang sumang-ayon sa iyong mga kondisyon.”“Total at pumirma na kami sa kasunduan, wala na kaming ugnayan sa pamilya Zimmer!”Hindi na tumingin pa si Mandy kay Senior Zimmer matapos magsalita. Tumalikod lang siya at umalis.Sobrang dismayado din siya sa sandaling ito. Sa wakas ay nakita na niya ang katotohanan.Walang pakialam ang pamilya Zimmer
Marami sa kanila ay nagsimula nang bumili ng real estate sa Buckwood. Kung kaya, marami sa kanila ang ginalaw nang palihim ang mga regalo sa kasal.Ngayon, parang pagpatay sa kanila ang paglabas ulit sa mga regalong ito!“Lolo, anong gagawin natin? Hindi pa tayo tuluyang nalulugi, ‘di ba? Ayoko maging pulubi!”Nawala ang karaniwang pagiging mayabang ni Zack Zimmer sa sandaling iyon.At halos himatayin na siya.“Mabuti pang makipag-ayos tayo sa kanya. Ang tanging paraan ngayon ay hingiin ang kapatawaran ni Mandy at baguhin ang kanyang isip!”“Kung hindi, tiyak na katapusan na ng pamilya Zimmer!”Sa oras na nakabalik na si Harvey sa Silver Nimbus Outer Courtyard, malapit nang magsimula ang ikalawang bahagi ng seremonya ngayon.Ang unang bahagi ay mag-propose kay Mandy Zimmer, at ang pangalawang bahagi ay ang asset integration ceremony.Nakarating na ang mga reporter ng mga pangunahing media sa sandaling ito. Tahimik silang lahat na naghihintay sa event.Mas nakakagulat ito kays
“Si Prince York ay si Prince York, at ang mga York ay ang mga York. Sana ay huwag ituring ng lahat na si Prince York ay katumbas ng mga York sa hinaharap!”Nakakalito ang pangungusap.Sa isang banda, pinapahiwatig nito na ang Sky Corporation ay itinatag nga ni Prince York.Sa kabilang banda, ipinahiwatig din nito na walang kinalaman si Prince York sa mga York.Pero in-integrate ng Sky Corporation ang mga pag-aari ng mga York. Anong ibig sabihin nito?Hindi direktang sinagot ni Ray Hart ang tanong . Sa halip, hinayaan niyang hulaan ito ng mga reporter, kung kaya hindi maka-imik ang mga reporter na iyon.Gayunpaman, napagkasunduan nila na napakahusay ni Prince York!‘Di nagtagal, tapos na ang question-and-answer kasama ang mga reporter.Heto na ang pinaka-importanteng seremonya, at iyon ay ang muling pagtatatag ng Sky Corporation.Masasabi lamang na tapos na ang seremonya ngayong araw kapag isinabit na ang plake ng bagong kumpanya.Gayunpaman, biglang nagkaroon ng kaguluhan sa
"Kung kaya, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nandito ngayon!"“Para sa mga taong ito, hayaan niyo na lang silang nakabulagta. Malaking regalo ito. Ibig sabihin, ang Sky Corporation na ang magiging pinakamataas sa South Light mula ngayon!"Kaswal na nagsalita si Ray Hart, ngunit ang kanyang tono ay hindi kapani-paniwalang mapagmataas.Maputla ang mukha ng mga taong iyon na bulagta, parang multo.Bukod sa pumalpak sila, pinakita din nila na wala silang kakayang patumbahin ang Sky Corporation.Sa huli, nagawa lang nilang panoorin ang pagsabit sa plake ng Sky Corporation sa katapusan ng seremonya.Agad na tinawagan ni Ray ang police station, at dinampot ang mga taong ito.Nangahas silang manggulo sa importanteng seremonya ng Sky Corporation ni Prince York. Marahil ay habangbuhay na silang mabibilanggo, ano pa man ang kanilang pagkakakilanlan.Pagkatapos ng highlight ngayong araw, nangangahulugan ito na ang Sky Corporation ay naging top group sa South Light mula ngayon.Ito a
“Umaasa akong makakatanggap ako ng magandang balita sa susunod na pumunta kayo!”Tumalikod si Stephen York at umalis pagkatapos magsalita.Para sa kanya, ang perpektong resulta ay parehong mapahina si Prince York at ang apat na first-class na pamilya. Doon lamang niya makukuha lahat ng benepisyo.Kung kaya, may hindi siya kayang sabihin para ma-protektahan ang kanyang sariling interes.Ang mga salitang sinabi niya sa pagkakataong ito ay isang paalala para sa kanila.Huminga nang malalim si Callum at sinabi pagkaalis ni Stephen, “Mga kasama, bagama’t walang sinabi si Young Master Stephen, hindi natin pwedeng hayaang maging ganito ang mga bagay. Hindi tayo pwedeng umasa lang sa mga York.”“So, may nalaman ba kayo tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni Prince York?”Umiling ang iba pang tatlong pinuno. “Gumamit na kami ng maraming koneksyon. Pero, hindi pa rin nalaman ang tungkol dito.”Nag-ring ang phone ni Grandma Yates sa sandaling ito. Sinabi niya sa malalim na boses pagkatapo
Sa Sky Corporation.Bahagyang kumunot ang noo ni Harvey York, na nasa opisina ng CEO.Ngayong nag-merge na ang tatlong malalaking korporasyon, may konting kahirapan sa pamamahala sa Sky Corporation.Hindi problema ng Sky Corporation ang pera, pero kulang sila sa tao.Mahirap hanapin ang mga taong may mahusay na talento. Hindi kayang hawakan mag-isa ni Harvey ang napakaraming bagay.Kung kaya, mabilis na binigyan ni Harvey sina Ray Hart at Yvonne Xavier ng general guidelines sa pag-hire.'Una, hanapin ang grupo ng mga beteranong tagasunod ko noong nakaraang tatlong taon. Syempre, hanapin dapat iyong mga tapat sa akin noon.’‘Pangalawa, maghanap ng mga mahuhusay na tao para punan ang mga bakanteng executive position.’Medyo nahihiya si Ray sa sandaling iyon at sinabi, “CEO York, bagamat may karanasan ako sa housekeeping, hindi ko kayang pamahalaan ang ganoong kalaking korporasyon. Sa palagay ko, bakit hindi mo hayaan si Yvonne na gumawa ng mga desisyon sa hinaharap?"Mapait na n
“Syempre!”Habang walang tao sa paligid, agad na nagbigay si Ray Hart ng standard military salute.Tinapik ni Harvey York ang balikat ni Ray, saka tumalikod at umalis.Sa bahay, naroon sina Simon Zimmer at Lilian Yates.Tila nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ngunit medyo hindi nasisiyahan matapos gumawa ng kaguluhan.Lalong naging tensyonado ang atmosphere sa bahay matapos nilang makitang umuwi si Harvey.Malamang at nagtatalo ang pamilya tungkol sa proposal ni Prince York.Si Xynthia Zimmer lang ang nakaupo sa sulok na walang imik.‘Si Prince York ay si Brother-in-Law, si Brother-in-Law ay si Prince York. Gaano ka-simple iyon?!''Bakit hindi ko pwedeng sabihin na lang iyon?!'Tumakbo si Xynthia Zimmer at mahigpit na niyakap ang braso ni Harvey York matapos siyang makitang nakauwi na.“Brother-in-Law, nakauwi ka na! Kung mamaya ka pa uuwi, mag-aaway na sila!"“Xynthia, lumayo ka sa kanya!”Galit na tinitigan ni Simon Zimmer si Harvey.Agad na binaling ni Lilian Yates ang
Kinabukasan, maagang maaga.Nagmaneho sina Mandy Zimmer at ang kanyang pamilya papunta sa Zimmer Villa.Nagtipon ang lahat ng mga Zimmer sa bulwagan ng villa. Lahat sila ay nakatanggap ng balita noong nakaraang araw.Pupunta ang Sky Corporation ngayon; nag-aalala sila sa puntong hindi sila makatulog.“Tapos na tayo! Gusto ng Sky Corporation na pugutan tayo ng mga ulo ngayon!”“Hay, anong anong kalokohang ito para ibalik natin ang lahat ng mga regalo?! Mga regalo ito! Sa atin na ang mga ito kung niregalo ito sa atin!”“Tama! Hindi rin namin ito hiningi. Sila ang nagbigay sa atin! Napaka-maramot nila para bawiin nilang lahat iyon ngayon!"Alam ng lahat ng mga Zimmer kung bakit pupunta ang Sky Corporation sa araw na iyon, pero mabigat ito sa kanilang puso.Masisira ang pamilya kung susubukan nilang isauli ang lahat ng mga regalo pagkatapos itong itago na parang kanila.Nabenta na ang ilang mga regalo sa mababang halaga. Kakailanganin nilang magbayad nang sampung beses sa selling