Share

Kabanata 838

Penulis: A Potato-Loving Wolf
"Kung kaya, humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nandito ngayon!"

“Para sa mga taong ito, hayaan niyo na lang silang nakabulagta. Malaking regalo ito. Ibig sabihin, ang Sky Corporation na ang magiging pinakamataas sa South Light mula ngayon!"

Kaswal na nagsalita si Ray Hart, ngunit ang kanyang tono ay hindi kapani-paniwalang mapagmataas.

Maputla ang mukha ng mga taong iyon na bulagta, parang multo.

Bukod sa pumalpak sila, pinakita din nila na wala silang kakayang patumbahin ang Sky Corporation.

Sa huli, nagawa lang nilang panoorin ang pagsabit sa plake ng Sky Corporation sa katapusan ng seremonya.

Agad na tinawagan ni Ray ang police station, at dinampot ang mga taong ito.

Nangahas silang manggulo sa importanteng seremonya ng Sky Corporation ni Prince York. Marahil ay habangbuhay na silang mabibilanggo, ano pa man ang kanilang pagkakakilanlan.

Pagkatapos ng highlight ngayong araw, nangangahulugan ito na ang Sky Corporation ay naging top group sa South Light mula ngayon.

Ito a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 839

    “Umaasa akong makakatanggap ako ng magandang balita sa susunod na pumunta kayo!”Tumalikod si Stephen York at umalis pagkatapos magsalita.Para sa kanya, ang perpektong resulta ay parehong mapahina si Prince York at ang apat na first-class na pamilya. Doon lamang niya makukuha lahat ng benepisyo.Kung kaya, may hindi siya kayang sabihin para ma-protektahan ang kanyang sariling interes.Ang mga salitang sinabi niya sa pagkakataong ito ay isang paalala para sa kanila.Huminga nang malalim si Callum at sinabi pagkaalis ni Stephen, “Mga kasama, bagama’t walang sinabi si Young Master Stephen, hindi natin pwedeng hayaang maging ganito ang mga bagay. Hindi tayo pwedeng umasa lang sa mga York.”“So, may nalaman ba kayo tungkol sa tunay na pagkakakilanlan ni Prince York?”Umiling ang iba pang tatlong pinuno. “Gumamit na kami ng maraming koneksyon. Pero, hindi pa rin nalaman ang tungkol dito.”Nag-ring ang phone ni Grandma Yates sa sandaling ito. Sinabi niya sa malalim na boses pagkatapo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 840

    Sa Sky Corporation.Bahagyang kumunot ang noo ni Harvey York, na nasa opisina ng CEO.Ngayong nag-merge na ang tatlong malalaking korporasyon, may konting kahirapan sa pamamahala sa Sky Corporation.Hindi problema ng Sky Corporation ang pera, pero kulang sila sa tao.Mahirap hanapin ang mga taong may mahusay na talento. Hindi kayang hawakan mag-isa ni Harvey ang napakaraming bagay.Kung kaya, mabilis na binigyan ni Harvey sina Ray Hart at Yvonne Xavier ng general guidelines sa pag-hire.'Una, hanapin ang grupo ng mga beteranong tagasunod ko noong nakaraang tatlong taon. Syempre, hanapin dapat iyong mga tapat sa akin noon.’‘Pangalawa, maghanap ng mga mahuhusay na tao para punan ang mga bakanteng executive position.’Medyo nahihiya si Ray sa sandaling iyon at sinabi, “CEO York, bagamat may karanasan ako sa housekeeping, hindi ko kayang pamahalaan ang ganoong kalaking korporasyon. Sa palagay ko, bakit hindi mo hayaan si Yvonne na gumawa ng mga desisyon sa hinaharap?"Mapait na n

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 841

    “Syempre!”Habang walang tao sa paligid, agad na nagbigay si Ray Hart ng standard military salute.Tinapik ni Harvey York ang balikat ni Ray, saka tumalikod at umalis.Sa bahay, naroon sina Simon Zimmer at Lilian Yates.Tila nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ngunit medyo hindi nasisiyahan matapos gumawa ng kaguluhan.Lalong naging tensyonado ang atmosphere sa bahay matapos nilang makitang umuwi si Harvey.Malamang at nagtatalo ang pamilya tungkol sa proposal ni Prince York.Si Xynthia Zimmer lang ang nakaupo sa sulok na walang imik.‘Si Prince York ay si Brother-in-Law, si Brother-in-Law ay si Prince York. Gaano ka-simple iyon?!''Bakit hindi ko pwedeng sabihin na lang iyon?!'Tumakbo si Xynthia Zimmer at mahigpit na niyakap ang braso ni Harvey York matapos siyang makitang nakauwi na.“Brother-in-Law, nakauwi ka na! Kung mamaya ka pa uuwi, mag-aaway na sila!"“Xynthia, lumayo ka sa kanya!”Galit na tinitigan ni Simon Zimmer si Harvey.Agad na binaling ni Lilian Yates ang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 842

    Kinabukasan, maagang maaga.Nagmaneho sina Mandy Zimmer at ang kanyang pamilya papunta sa Zimmer Villa.Nagtipon ang lahat ng mga Zimmer sa bulwagan ng villa. Lahat sila ay nakatanggap ng balita noong nakaraang araw.Pupunta ang Sky Corporation ngayon; nag-aalala sila sa puntong hindi sila makatulog.“Tapos na tayo! Gusto ng Sky Corporation na pugutan tayo ng mga ulo ngayon!”“Hay, anong anong kalokohang ito para ibalik natin ang lahat ng mga regalo?! Mga regalo ito! Sa atin na ang mga ito kung niregalo ito sa atin!”“Tama! Hindi rin namin ito hiningi. Sila ang nagbigay sa atin! Napaka-maramot nila para bawiin nilang lahat iyon ngayon!"Alam ng lahat ng mga Zimmer kung bakit pupunta ang Sky Corporation sa araw na iyon, pero mabigat ito sa kanilang puso.Masisira ang pamilya kung susubukan nilang isauli ang lahat ng mga regalo pagkatapos itong itago na parang kanila.Nabenta na ang ilang mga regalo sa mababang halaga. Kakailanganin nilang magbayad nang sampung beses sa selling

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 843

    Kalmado si Mandy Zimmer. Wala siyang sinabing kahit anong salita.Kahit medyo hindi niya ito kayang panoorin, hindi niya pinakita ang kanyang mga emosyon.Pero naaalala pa rin ni Lilian Yates ang sandaling pinalayas siya sa mga Zimmer kasama ang kanyang pamilya.Saka siya malamig na tumawa at sinabi, “Mas makapal pa sa pader ng isang kastilyo ang mga balat niyong lahat!”“Hindi niyo ba naaalala ang mga pinagsasabi niyo dito kahapon?”“Kailangan ko bang paalalahan kayong lahat?”“Isang araw ang lumipas at trinato niyo nang parang utot sa hangin ang mga pinagsasabi niyo. Napaka-walang hiya!”Nagbago ang hitsura ng lahat ng mga Zimmer matapos isang ma-insulto.Tila hindi nabagabag ang pamilya, pinuwersa si Mandy at ang kanyang pamilya na pumirma ng kontrata para putulin ang lahat ng kanilang ugnayan dati, ngunit agad silang naagrabyado.Sa wakas ay napabuntong-hininga si Senior Zimmer at sinabi, “Simon,Lilian, nagmamakaawa ako!”“Gawin niyo ang tamang bagay!”“Malaki dapat ang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 844

    “Ikaw…”Kumukulo sa galit ang mga Zimmer matapos silang insultuhin ni Harvey York.Dinuro siya ni Zack Zimmer at galit na sumigaw sa kanya, “Eh ano naman ngayon kung ginasta na namin lahat iyon?! Kaya bang kuwestyunin ng isang live-in son-in-law na tulad mo ang aming mga desisyon?!b Tumigil ka sa pagbibiro!”“Kumakain ka ng pagkain namin, umiinom ng tubig namin, tapos sumasatsat ka nang ganito. Wala ka bang kahihiyan?”Umaasta si Zack na parang mawawala sa kanya. Hindi niya makukuha ang pera, ngunit isang buhay ang handang kunin sa harap niya.Si Senior Zimmer rin ang Patriarch ng mga Zimmer. Makakayanan niya ang mga problema kung mayroon man.Hindi siya takot, kahit konti."Sana saglit lang mainit ang ulo mo."Ngumiti si Harvey.“Tsk, Harvey. Nandito ka lang ba para panoorin akong magpakat*nga? Tumigil ka na sa iyong pangarap!”“Sino ako sa palagay mo? Hindi ako tutup dahil lang sa karampot na sweldo. Paano mo ako magagawang gawing katatawanan?”“Sa tingin mo ba ay kasing d

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 845

    Napakagalang ni Ray Hart sa simula na para bang nakita niya ang kanyang master.Ngunit napaka-brutal ang katotohanan sa kanyang mga sinabi niya.Natural na hindi malalaman ng mga Zimmer na magalang si Ray dahil nandoon si Harvey York.Kung hindi dahil sa kanya, magiging ganito ba ka-sibilisado at kaayos si Ray?Pinilit ni Senior Zimmer na ngumiti at sinabi, “Sir Ray, pakiusap. Baka nagbibiro ka! Kailan pa naging makatwiran na dapat ibalik ang regalong binigay na?”“Dahil ba tinanggihan ni Mandy ang proposal ni Prince York kung kaya gusto niyang bawiin ang mga regalo?”“Kung ganoon, bigyan mo kami ng tatlong araw, hindi hindi dindi. Isang araw! Sa loob ng isang araw, kukumbinsihin namin siyang tanggapin ang proposal”“Hindi na kailangan!” Malamig na sagot ni Ray.“Sabi ng Prinsipe na personal na problema na niya ang kanyang babae at ang kanilang kasal. Walang pwedeng mangialam!”“Dahil pinutol niyo na ang relasyon sa babaeng iyon, wala nang kinalaman sa inyo ang mga regalo.”‘

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 846

    Anong klaseng tao si Ray Hart?Si Ray Hart ang personal bodyguard ni Harvey York noon. Nag-martsa siya sa harap ng milyon-milyong mga sundalo at kabayo ng limang pinakamalakas na bansa.Kahit may malakas na armas ang kalaban, hindi siya kumurap.Paano matatakot ang lalaking katulad niya sa mga paraan ng pananakot ng mga Zimmer gamit lang ang ilang malakas na koneksyon?Tumayo nang tuwid si Ray Hart, ramdam ang nakakatakot na aura mula sa kanyang katawan.Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili kapag nasa harap siya ni Harvey York.Ngunit hindi niya makontrol ang init ng kanyang ulo sa sandaling ito. Kahit ang mga patriarch ng first-rated family ay walang binatbat sa isang makapangyarihang aura tulad nito.Tumango si Harvey York mula sa tabi.Napakahusay ni Ray Hart. May mga mannerism pa rin siya mula noong nasa Sword Camp pa siya.Siguradong magugulat ang mga ordinaryong tao kapag makita nila ang mga mannerism niray Hart, ngunit nanatiling walang pakialam si Harvey.Katul

Bab terbaru

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5299

    Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5298

    ”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5297

    Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5296

    ”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5295

    "Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5294

    Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5293

    Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5292

    Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5291

    Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status