Napakagalang ni Ray Hart sa simula na para bang nakita niya ang kanyang master.Ngunit napaka-brutal ang katotohanan sa kanyang mga sinabi niya.Natural na hindi malalaman ng mga Zimmer na magalang si Ray dahil nandoon si Harvey York.Kung hindi dahil sa kanya, magiging ganito ba ka-sibilisado at kaayos si Ray?Pinilit ni Senior Zimmer na ngumiti at sinabi, “Sir Ray, pakiusap. Baka nagbibiro ka! Kailan pa naging makatwiran na dapat ibalik ang regalong binigay na?”“Dahil ba tinanggihan ni Mandy ang proposal ni Prince York kung kaya gusto niyang bawiin ang mga regalo?”“Kung ganoon, bigyan mo kami ng tatlong araw, hindi hindi dindi. Isang araw! Sa loob ng isang araw, kukumbinsihin namin siyang tanggapin ang proposal”“Hindi na kailangan!” Malamig na sagot ni Ray.“Sabi ng Prinsipe na personal na problema na niya ang kanyang babae at ang kanilang kasal. Walang pwedeng mangialam!”“Dahil pinutol niyo na ang relasyon sa babaeng iyon, wala nang kinalaman sa inyo ang mga regalo.”‘
Anong klaseng tao si Ray Hart?Si Ray Hart ang personal bodyguard ni Harvey York noon. Nag-martsa siya sa harap ng milyon-milyong mga sundalo at kabayo ng limang pinakamalakas na bansa.Kahit may malakas na armas ang kalaban, hindi siya kumurap.Paano matatakot ang lalaking katulad niya sa mga paraan ng pananakot ng mga Zimmer gamit lang ang ilang malakas na koneksyon?Tumayo nang tuwid si Ray Hart, ramdam ang nakakatakot na aura mula sa kanyang katawan.Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili kapag nasa harap siya ni Harvey York.Ngunit hindi niya makontrol ang init ng kanyang ulo sa sandaling ito. Kahit ang mga patriarch ng first-rated family ay walang binatbat sa isang makapangyarihang aura tulad nito.Tumango si Harvey York mula sa tabi.Napakahusay ni Ray Hart. May mga mannerism pa rin siya mula noong nasa Sword Camp pa siya.Siguradong magugulat ang mga ordinaryong tao kapag makita nila ang mga mannerism niray Hart, ngunit nanatiling walang pakialam si Harvey.Katul
Nagsimulang mag-panic si Quinn Zimmer sa sandaling iyon.“Lolo, nagasta ko na lahat ng pera. Binenta ko na rin halos lahat ng mga bagay.”Nagngangalit rin ang mga ngipin ni Zack Zimmer.“Lolo, alam mong medyo malaki ang perang ginagastos namin araw-araw. Matagal nang wala ang perang iyon.”“Imposibleng maibalik natin ang mga iyon bukod sa villa mismo.”Walang ibang pagpipilian ang iba pang mga Zimmer. Kailangan nilang sabihin ang totoo.Syempre, hindi nila sasabihin kung saan nila ginastos ang pera.Paano kung pwersado silang ibenta ang kanilang mga bahat at perang binili nila.Pwedeng bumagsak ang mga Zimmer, pero hindi pwedeng malugi ang mga Zimmer!“Ang lakas ng loob niyong mga Zimmer na gawin lahat ng mga iyon!” Kalmadong sinabi ni Ray Hart.“Pero, may iba pang mga bagay na pwedeng iluwa pabalik.”“Wala akong pakialam kung ibenta niyo ang iba pang mga asset niyo o ang stock ng inyong kumpanya para mabayaran ang utang, pero masisiguro kong himas-rehas kayo sa nalalabing b
Agad na naging kasing lamig ng yelo ang ekspresyon ng mukha ni Ray Hart.‘Nandito ang Prince. Ang kapal ng mukha ng walang hiyang babaeng ito na tawaging p*kpok si Mandy?’Agad na lumapit si Ray Hart kay Quinn Zimmer, hinawakan ang kanyang lalamunan gamit ang kanyang kaliwang kamay, at sinampal ang mukha niya gamit ang kanyang kanang kamay.Mas malakas ang sampal ni Ray Hart kumpara sa ginawa ni Senior Zimmer noong nakaraang araw.Sa sobrang lakas ng sampal, ilang ngipin ni Quinn ang natanggal sa kanyang bibig.Matapos ibato si Quinn Zimmer sa lupa, mapanghamak na sinabi ni Ray Hart, “Pakiramdam ko ay marurumihan ang mga kamay kapag hawak kita. Ang kapal ng mukha mong magsalita ng kalokohan tungkol kay Prince York?”"Ano ba ang halaga mo?”“Wala kang halaga!”Naiwang tulala si Quinn.Karaniwang matalas ang dila nya at sobrang yabang, ngunit hindi siya makapagbitaw ng kahit isang salita sa sandaling ito.“Kung hindi ko makita ang mga regal sa The Gardens Residence sa parehong
Sa wakas ay nag-aalangan na sinabi ni Senior Zimmer, “Mandy, sinabi namin na wala ka nang ugnayan sa pamilya; pero sobrang mga walang puso kami, talagang umaasa ako na matutulungan mo kami sa huling pagkakataon!”"Pagkatapos nito, hindi ka na guguluhin pa ng pamilya!"Natural na sinusubukan ni Senior Zimmer na i-pain siya.Ayaw ni Mandy Zimmer na tingnan sila, pero nanlambot siya matapos makita ang matanda at nakakaawang hitsura ni Senior Zimmer."Pwede ko kayong tulungan na magkaroon ng ideya, ngunit nasa sa inyo na kung gusto niyo itong gawin o hindi.""Mabuti, sabihin mo sa amin!"Nagningning ang mga mata ni Senior Zimmer.Huminga siya nang malalim at malamig na sumagot, "Hindi ba't binenta ninyong lahat ang mga regalo at pinaghati-hati ang pera, pagkatapos ay ginamit ito sa pagbili ng mga sasakyan at bahay?”“Ibenta niyong lahat ang mga binili niyo at tingnan kung magkano ang malilikom niyo. Pag-usapan natin ang iba pa sa paglaon!”Si Quinn Zimmer ang unang kumulo sa galit
Sandaling napa-isip si Mandy Zimmer at umiling.Hindi niya alam, at sa totoo lang, ayaw niyang malaman.Nagpatuloy sa pagsasalita si Harvey."Sa sitwasyong ito, hindi nila magagawang kolektahin ang mga regalo. Masyadong nalunod sa kaluwalhatian at kayamanan ang mga Zimmer, masyadong marangya ang kanilang pamumuhay. Kahit na magawa nilang ibenta ang lahat ng ari-arian, hindi nila mababawi ang halagang ginastos nila.“Pero may paraan pa rin para mabayaran nila ang kanilang utang.”“Halimbawa, pero mo pa rin silang bigyan ng konting pera para mabuhay, pero kailangang ilipat sa iyo nang buo ang forty-nine percent ng stock ng Zimmer Enterprise.“Ito…”Nag-alinlangan siya sa ideyang iyon. Ito ang tanging stock na natitira para sa mga Zimmer pagkatapos ng lahat ng mga taong iyon. Kung kukunin niya iyon, tuluyang mapapahamak ang mga Zimmer.Matapos makitang nag-aalinlangan si Mandy, sabi ni Harvey, “Alam kong hindi mo kaya, pero binibigyan mo sila ng pagkakataong mabuhay pa.”"Kung hi
Napangiwi si Harvey. Wala siyang pakialam sa galit sa kanya ni Quinn Zimmer.Nagmula ang kumpyansa ni Quinn Zimmer sa kanyang katamtamang hitsura.Sayang at medyo maganda lang siya. Hindi maikukumpara ang kanyang kagandahan kay Mandy, na kaayang magpabagsak sa mga gusali.Para sa mga mayayamang tao, sa malamang o sa hindi ay laruan lang ang tingin nila sa isang babaeng tulad ni Quinn Zimmer.Hanggang pangarap na lang niya ang makasal sa isang mayamang pamilya.***Sa Hong Kong, umihip ang hangin mula sa dagat mula sa Victoria Harbour patungo sa Taiping Mountaintop.Ang bundok kung saan ang mayayamang tao lamang ang pwedeng manatili ay walang anumang hangin na umiihip sa loob ng maraming taon.Ang pinakamataas na villa sa Taiping Mountaintop ay itinuturing na tuktok ng bundok mismo.May tanawin ng buong Hong Kong sa villa na parang may kontrol ito sa mga pamilyang naninirahan sa loob.Sa totoo lang, may karapatan ang pamilya Leo na gawin iyon.Bilang isa sa top four families
“Mabuhay ang matriarch!”Kasabay ng mga ingay ng palakpakan at hiyawan, matagumpay ang paglipat ng kapangyarihan ng pamilya Leo!Sampung buong taon itong pinlano ni Melissa Leo. Nasa kanya ang pwersang katulad ng dumadagundong na kidlat nang bumalik siya upang bawiin ang awtoridad ng pamilya Leo.***Sa top villa ng Taiping Mountaintop.Napatingin si Quinton York sa kaliwang palad niya, parang nagbago ang mga pekas sa palad niya.Kusang niyang ibinaba ang palad nang lumapit si Melissa Leo sa likuran niya."Hindi masamang bagay ang pagkakaroon ng ambisyon, ngunit kung walang pagpaplano—walang paraan para pagkamit ang isang mapagpasyang tagumpay—magiging abo lang ang ambisyon sa mahabang panahon," tumingin si Melissa Leo sa Victoria Harbor mula sa malayo habang nagsasalita siya nang mahusay.Bakas sa mukha ni Quinton York ang pagkalito, pagkatapos ay yumuko siya agad."Lahat ng mayroon ako ngayon ay ibinigay mo sa akin. Hindi ako mangangahas na banggitin ang ambisyon sa harap mo
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”