“Mabuhay ang matriarch!”Kasabay ng mga ingay ng palakpakan at hiyawan, matagumpay ang paglipat ng kapangyarihan ng pamilya Leo!Sampung buong taon itong pinlano ni Melissa Leo. Nasa kanya ang pwersang katulad ng dumadagundong na kidlat nang bumalik siya upang bawiin ang awtoridad ng pamilya Leo.***Sa top villa ng Taiping Mountaintop.Napatingin si Quinton York sa kaliwang palad niya, parang nagbago ang mga pekas sa palad niya.Kusang niyang ibinaba ang palad nang lumapit si Melissa Leo sa likuran niya."Hindi masamang bagay ang pagkakaroon ng ambisyon, ngunit kung walang pagpaplano—walang paraan para pagkamit ang isang mapagpasyang tagumpay—magiging abo lang ang ambisyon sa mahabang panahon," tumingin si Melissa Leo sa Victoria Harbor mula sa malayo habang nagsasalita siya nang mahusay.Bakas sa mukha ni Quinton York ang pagkalito, pagkatapos ay yumuko siya agad."Lahat ng mayroon ako ngayon ay ibinigay mo sa akin. Hindi ako mangangahas na banggitin ang ambisyon sa harap mo
Sa Buckwood.Kinabukasan, nagpakita sina Senior Zimmer, Zack Zimmer, at Quinn Zimmer sa The Gardens Residence.Lahat sila ay may hawak na mga property deeds, malalaking halaga ng alahas, at maraming pera, bukod sa iba pang mga ari-arian.Ibibigay na ang mga bagay na iyon kay Mandy Zimmer.Puno ng poot si Quinn habang tinitingnan ang eksena.Sa kanya dapat ang lahat ng ito, ngunit ang lahat ng ito ay malapit nang mapunta kay Mandy.Masama ang loob niya!Sa kabilang banda, mahigpit na sinabi ni Zack, “Lolo, ibinenta namin ang lahat ng ari-arian natin—ngunit kulang hindi pa rin ito.”Nagawa nilang ibenta ang mga kotse at bahay sa maikling panahon sa mababang presyo.Hindi pa rin ito sapat para malikom ang halaga ng nagasta nilang pera kahit kasama ang kanilang mga savings at ari-arian.Mukhang mas tumanda si Senior Zimmer ng sampung taon.Napabuntong-hininga siya.“Kailangan pa nating pumunta dito. Umaasa na lang tayo na tulungan tayo ni Mandy na mag-imbento ng kwento alang-al
Sa rooftop ng Garden Residence.Balisang naghihintay sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa bulwagan.Para bang sa kanila ang mga regalo.Hindi nagtagal, nag-ring ang doorbell, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si lilian at agad na tumakbo palapit sa pinto.Para bang lilipad palayo ang mga regalo kapag mabagal siyang kumilos.“Simon, Lilian…”Naka-krus ang mga braso ni Senior Zimmer at masiglang pumasok sa pinto.Naging bahagi siya ng mga Zimmer sa halos buong buhay niya. Pagkatapos ng lahat, sina Simon at Lilian ay takot pa rin sa kanya dahil dito.Pareho silang napatigil sa kanilang kinatatayuan nang makita ang kanyang pigura."Simon, nasaan si Mandy?" Kalmadong tanong ni Senior Zimmer matapos makitang nanigas ang dalawa.Bumalik ang diwa ni Lilian matapos marinig ang tanong nito. Binaling niya ang kanyang tingin sa mga bagay na nasa kamay nina Quinn Zimmer at Zack Zimmer. Agad namang nagningning ang mga mata niya.“Pumunta si Mandy sa opisina. Ibigay niyo na lang sa akin ang mga
Nawalan ng kulay ang mukha ni Zack Zimmer matapos marinig ang sinabi ni Harvey York.Sa kabilang banda, kasing dilim na ng gabi ang mukha ni Senior Zimmer.Alam nilang lahat na si Mandy Zimmer ay sobrang mapagbigay. Palagi siyang may matalas na dila na may busilak na puso.Sa malamang o hindi ay gagana ang pagmamakaawa sa harap niya.Ngunit si Harvey ang in charge sa sitwasyon sa kanyang lugar sa araw na iyon. Ano ang gagawin nila?"Lilian, pinahihintulutan ba ng iyong bahay ang isang live-in son-in-law na maging in charge ngayon?"Napalunok si Senior Zimmer.Natural na gusto niyang pukawin ang relasyon nina Lilian Yates at Harvey York. Sa ganoong paraan, maaari nilang samantalahin ang sitwasyon.Wala sa mood si Lilian na pagalitan si Harvey kahit sa sandaling iyon. Isang beses niyang sinuri nang mabuti ang mga alahas, saka tumingin sa pera na naroroon. Nagbago ang ekspresyon niya."Patriarch Zimmer, hindi ito ang tamang halaga ngayon, ‘di ba?“Kung ikukumpara sa listahan ng
Kalmadong nagsalita si Harvey, "Ma, pakinggan mo muna ang iba pa kong sasabihin."Sa kanyang mga salita, bahagyang kumalma si Lilian. “Sige. Kung hindi maganda ang dahilan mo, hindi kita tatantanan!”Nagpalitan ng tinging puno na balisa sina Senior Zimmer, Zack, at Quinn sa isa’t isa.Lahat sila ay naisip na may sikretong plano si Harvey.Patuloy ni Harvey, “Sa nalalaman ko, meron pa sa inyong hindi pa rin nabentaan lahat ng kanilang pag-aari.”“Kag*guhan iyan!” Si Zack ang unang nakipag-talo, pero sa totoo lang ay hindi pa niya naibenta ang isa sa mga bahay na pag-aari niya.Nagbago rin ang ekspresyon ni Quinn. May mga tinago siyang alahas nang palihim.Masyado nang sanay ang mga Zimmer sa pagiging makasarili. Paano nila magagawang ibenta ang lahat ng kanilang pag-aari para sa buong pamilya?Sapat na ang magkaroon sila ng ilang bahagi ng kanilang ari-arian!Tanging si Senior Zimmer lang ang kumunot ang mga kilay. Alam niyang hindi magiging ganoon mabait si Harvey.“Makinig k
Bagama’t paalis na ang mga Zimmer, malinaw na ayaw makita ni Zack na mamuhay nang maayos nila Mandy at Harvey. Nais niyang magdala ng gulo sa kanilang dalawa.Walang pakialam si Harvey, nagkibit-balikat lang bilang tugon. “Walang silbi ang paghahagis ng bato sa amin. Kung talagang galit ka sa akin, taimtim kong hinihintay ang araw na makakabalik ka para maghiganti sa akin."Nagngangalit ang mga ngipin ni Zack, sinusubukang magmukhang marangal. Sa huli, nabigo siya at kinuha ang lahat ng pera sa sahig bago tumakbo palayo habang nakatingin si Harvey.…Pagkabalik sa Zimmer Mansion, blankong nakatitig si Senior Zimmer sa mansyong wala nang laman.Bukas, aalis na sila sa lugar na ito. Ngayon, pwedeng sabihin na parang mga unggoy ang pamilya ZImmer na nagkalat nang bumagsak ang kanilang puno.Maingat na tinago ni Zack ang pera ng kinuha niya bago nagbaling ng makahulugang tingin kay Senior Zimmer, naghahanda nang umalis.Ganoon din si Quinn.Nang biglang sinabi ni Senior Zimmer, “Hu
Sa Silver Nimbus Resort project construction site.Habang nakatitig sa construction na nasa harapan niya, nag-aalala at malungkot si Mandy.Walang ibang mga problema na gumagambala sa construction site ng resort project. At saka, habang nakabantay si Old Niner at ang kanyang mga tao, walang maglalakas-loob na dumating at sirain ang site.Sa kasamaang palad, kailangang itigil pansamantala ang proyekto dahil biglang nagkaroon ng isyu sa suplay ng raw materials.Pinatawag ni Mandy ang secretary niya, nakasimangot sa inis habang nagsasalita. “Mag-cash out ka ng thirty thousand dollars mula sa finance department at mag-pamahagi ng one hundred and fifty dollars sa bawat manggagawa bilang gantimpala. Ipapahinga sila ng ilang araw at hintayin ang aking anunsyo na bumalik sa trabaho."Tumango ang secretary, pero nag-aalala niyang sinabi,”CEO Mandy, malapit na ang tag-lamig.”“Malamig ang hangin sa South Light kapag taglamig. Bababa ang efficiency ng mga manggagawa.”“Kung hindi matapos a
Nanatili si Mandy sa construction site sa buong maghapon. Pagkatapos, pumunta siya sa hotel kung saan sila magkikita ng mga supplier.Nang makarating siya doon, nakita niyang walang tao sa private room.May hinala si Mandy na may mga balak sila, sa dahilang hindi niya alam. Wala siyang sinabi at sa halip ay umorder siya ng tsaa, at tahimik na naghintay sa kwarto.Apat na oras siyang naghintay, mula tanghali hanggang gabi. Saka lang dumating ang mga suppliers. Magkasama silang dumating, at magkapatid ang turingan nang pumasok sila.“CEO Mandy, pasensya na kung medyo na-late kami.”“Sobrang busy kami sa trabaho sa mga nakalipas na araw. Alam mo rin na tumaas ang market price ng mga raw materials, maraming tao ang nakipag-negosyo sa amin. Kaya wala kami masyadong oras!”“Oo! Napakaliit ng suplay namin, pero ang daming mga kumpanya ang nag-demand ng ganito at ng ganyan sa amin! Hindi nga namin alam kung kanino namin dapat ibigay ang mga produkto namin. Ang gulo!”Sa sandaling nagpak