Kalmadong nagsalita si Harvey, "Ma, pakinggan mo muna ang iba pa kong sasabihin."Sa kanyang mga salita, bahagyang kumalma si Lilian. “Sige. Kung hindi maganda ang dahilan mo, hindi kita tatantanan!”Nagpalitan ng tinging puno na balisa sina Senior Zimmer, Zack, at Quinn sa isa’t isa.Lahat sila ay naisip na may sikretong plano si Harvey.Patuloy ni Harvey, “Sa nalalaman ko, meron pa sa inyong hindi pa rin nabentaan lahat ng kanilang pag-aari.”“Kag*guhan iyan!” Si Zack ang unang nakipag-talo, pero sa totoo lang ay hindi pa niya naibenta ang isa sa mga bahay na pag-aari niya.Nagbago rin ang ekspresyon ni Quinn. May mga tinago siyang alahas nang palihim.Masyado nang sanay ang mga Zimmer sa pagiging makasarili. Paano nila magagawang ibenta ang lahat ng kanilang pag-aari para sa buong pamilya?Sapat na ang magkaroon sila ng ilang bahagi ng kanilang ari-arian!Tanging si Senior Zimmer lang ang kumunot ang mga kilay. Alam niyang hindi magiging ganoon mabait si Harvey.“Makinig k
Bagama’t paalis na ang mga Zimmer, malinaw na ayaw makita ni Zack na mamuhay nang maayos nila Mandy at Harvey. Nais niyang magdala ng gulo sa kanilang dalawa.Walang pakialam si Harvey, nagkibit-balikat lang bilang tugon. “Walang silbi ang paghahagis ng bato sa amin. Kung talagang galit ka sa akin, taimtim kong hinihintay ang araw na makakabalik ka para maghiganti sa akin."Nagngangalit ang mga ngipin ni Zack, sinusubukang magmukhang marangal. Sa huli, nabigo siya at kinuha ang lahat ng pera sa sahig bago tumakbo palayo habang nakatingin si Harvey.…Pagkabalik sa Zimmer Mansion, blankong nakatitig si Senior Zimmer sa mansyong wala nang laman.Bukas, aalis na sila sa lugar na ito. Ngayon, pwedeng sabihin na parang mga unggoy ang pamilya ZImmer na nagkalat nang bumagsak ang kanilang puno.Maingat na tinago ni Zack ang pera ng kinuha niya bago nagbaling ng makahulugang tingin kay Senior Zimmer, naghahanda nang umalis.Ganoon din si Quinn.Nang biglang sinabi ni Senior Zimmer, “Hu
Sa Silver Nimbus Resort project construction site.Habang nakatitig sa construction na nasa harapan niya, nag-aalala at malungkot si Mandy.Walang ibang mga problema na gumagambala sa construction site ng resort project. At saka, habang nakabantay si Old Niner at ang kanyang mga tao, walang maglalakas-loob na dumating at sirain ang site.Sa kasamaang palad, kailangang itigil pansamantala ang proyekto dahil biglang nagkaroon ng isyu sa suplay ng raw materials.Pinatawag ni Mandy ang secretary niya, nakasimangot sa inis habang nagsasalita. “Mag-cash out ka ng thirty thousand dollars mula sa finance department at mag-pamahagi ng one hundred and fifty dollars sa bawat manggagawa bilang gantimpala. Ipapahinga sila ng ilang araw at hintayin ang aking anunsyo na bumalik sa trabaho."Tumango ang secretary, pero nag-aalala niyang sinabi,”CEO Mandy, malapit na ang tag-lamig.”“Malamig ang hangin sa South Light kapag taglamig. Bababa ang efficiency ng mga manggagawa.”“Kung hindi matapos a
Nanatili si Mandy sa construction site sa buong maghapon. Pagkatapos, pumunta siya sa hotel kung saan sila magkikita ng mga supplier.Nang makarating siya doon, nakita niyang walang tao sa private room.May hinala si Mandy na may mga balak sila, sa dahilang hindi niya alam. Wala siyang sinabi at sa halip ay umorder siya ng tsaa, at tahimik na naghintay sa kwarto.Apat na oras siyang naghintay, mula tanghali hanggang gabi. Saka lang dumating ang mga suppliers. Magkasama silang dumating, at magkapatid ang turingan nang pumasok sila.“CEO Mandy, pasensya na kung medyo na-late kami.”“Sobrang busy kami sa trabaho sa mga nakalipas na araw. Alam mo rin na tumaas ang market price ng mga raw materials, maraming tao ang nakipag-negosyo sa amin. Kaya wala kami masyadong oras!”“Oo! Napakaliit ng suplay namin, pero ang daming mga kumpanya ang nag-demand ng ganito at ng ganyan sa amin! Hindi nga namin alam kung kanino namin dapat ibigay ang mga produkto namin. Ang gulo!”Sa sandaling nagpak
“Ha ha ha! Magsasampa ka ba ng kaso laban sa amin, CEO Zimmer?”“Bibigyan kita ng payo. Oo, hindi ganoon kamahal kumuha ng abogado.”“Pero, mas pina-prioritize sa mga civil disputes na tulad nito ang mediation. Bihirang matapos agad ang mga ganitong kaso.”“Kung gugustuhin namin, kaya naming i-delay ang kasong ito ng walo hanggang sampung taon. Wala talaga kaming pakialam sa kaso, pero makakayanan na ito ng kumpanya mo?Sobrang nasiyahan si Barry Waters sa kanyang sarili.Halatang napag-isipan niya ang lahat bago dumating. Ang pagpunta niya ngayon ay para madurog si Mandy.Ngumisi ang iba pang mga supplier at tumango rin. Pagkatapos ng lahat, pare-pareho silang makikinabang dito.Syempre sasamantalahin nila ang pagkakataong kumita nang malaki bilang isang grupo! Wala sa kanila ang tanga para palampasin ang mabilis na pera!Huminga nang malalim si Mandy at sumagot, “Mr. Barry, nang naghanap kaming mga Zimmer ng mga supplier, ikaw ang lumapit sa amin at sinabing malulugi na ang i
Sa kanyang mga salita, nanlamig ang mukha ni Mandy. Naparito siya para pag-usapan ang collaboration. Paano niya matatanggap ang ganitong pagpapahiya?“Mr. Waters, tapat ang kumpanya namin sa pakikitungo sa mga tao. Pakiusap, irespeto mo kami. Mabuti para sa ating pareho ang collaboration. Hindi maganda para sa atin na i-dismiss ang pagkakataong ito, ‘di ba?”“Kakalimutan ko na ang ginawa mo. Sa susunod na insultuhin mo ako, makakakuha ka ng sulat mula sa abogado ko!”“Sulat? Insulto?” Ngumisi si Barry Waters at malamig na sinabi, “CEO Zimmer, sa tingin mo ba talaga ay disenteng babae ka?"“Sinasabi ko sa ito. Hindi pa tapos ang bagay na ito ngayon.”“Sa palagay mo ba ay hindi kami mabubuhay kung hindi kami makikipag-collaborate sa kumpanya mo? Hayaan mong sabihin ko sa iyo, marami pang ibang kumpanya na sabik makipag-collaborate sa amin!’“Hindi nga sapat ang mga raw material namin para sa kanilang lahat!”“Waters.” Malamig na sinabi ni Mandy. “Wala ka bang utang na loob sa bini
Napuno ng masasamang balak ang ulo ni Barry Waters. Isa lang ang nasa isip niya.Nagpakita siya ng isang malupit na ngiti. “CEO Zimmer, tara na sa Buckwood Hotel ngayong gabi. Huwag kang mag-alala, may membership ako doon. Bibigyan nila tayo ng isang presidential suite. Sigurado akong masisiyahan ka!”“Wag mo nang pag-isipan iyon! Kapag hindi mo ako binitawan, tatawag ako ng pulis!"Hirap si Mandy na ilabas ang kanyang phone.Ngumisi si Barry sa mga pagtatangka niya, at hinampas siya sa sahig.“Babae. Sa tingin mo ba ay may kakayahan ka? Ang lakas ng loob mong magpanggap na malinis na?”“Sinasabi ko sa iyo. Sa huli, magmamakaawa ka sa akin at sasamahan ako sa kama!”“Walang sinuman sa Buckwood ang magsu-suplay sa iyo ng mga raw material nang hindi ako sumasang-ayon!”Kinuha ni Mandy ang kanyang phone at taimtim na suamgot, “Waters, huwag mong purihin ang iyong sarili."“Walang hindi kayang bilhin gamit ang pera! Huwag mong pagsisihan ang mga mangyayari!”Tumawa si Barry sa mg
Pagkauwi niya, humiga si Mandy sa sofa. Puno ng kalungkutan ang mukha niya at ayaw niyang makipag-usap sa sinuman.Si Xynthia Zimmer, na kakauwi lang galing sa paaralan, ay nagulat nang makita ang kalagayan ng kanyang ate. Kilalang kilala ni Xynthia ang kanyang ate. Base sa ekspresyon ni Mandy, malamang ay nagdusa siya nang husto.Agad na tinawagan ni Xynthia si Harvey.Alam na alam din niya na hindi hahayaan ng kanyang brother-in-law na may manakit sa kanyang ate.Makalipas ang kalahating oras nang matanggap ang tawag, nagpakita si Harvey.Pagkatapos ng lahat, si Mandy ang kanyang pinakamahalagang kayamanan.“Mandy, anong nangyari ngayon? Pwede mo bang sabihin sa akin?”Tumingin si Harvey kay Xynthia, sinenyasan siyang umakyat sa itaas. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa sofa, hawak ang isang baso ng gatas.Kinuha ni Mandy ang baso ng gatas at galit itong ininom. Habang iniisip ang mga dinanas niya ngayon, gusto niyang umiyak.Hinila pa ng walang hiyang si Barry Waters an
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e
Inunat ni Harvey ang kanyang leeg habang nakangiti.“Tutal mamamatay naman na ako…“Bakit hindi niyo ipaintindi sa’kin ang isang bagay?“Pagkatapos akong subukang kumbinsihin ni Peyton na iwan ang sitwasyon, bigla kayong sumulpot.“Tauhan ba kayo ng Dragon Cell? O tauhan ba kayo ni Blaine?" Tumawa ng malamig ang elder. “Walang karapatan ang isang taong gaya ni Peyton na kontrolin kami!" Tumango si Harvey.“Naiintindihan ko na.“Mukhang maraming ginawa si Blaine para lang paghandaan ang pag-angat niya.“Pero kung gamit lang ang pagkatao niya, hindi niya rin kayo makokontrol.“Malamang mula siya sa Evermore. At malamang mataas din ang katayuan niya dun.“Hindi ko inakala na may makikita akong mga buhay na saksi nun!" Bukod sa hindi natakot si Harvey, mukhang natuklasan na din niya ang katotohanan.“Mukhang hindi ako makakaalis sa Golden Sands hangga’t buhay pa si Blaine!" Dumilim ang mga mata ng elder.“Wala ka nang pag-asa, bata. Ikaw ang kinatawan ng Martial Arts All
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak
Bumuntong-hininga si Peyton nang makita ang kaswal na ekspresyon sa mukha ni Harvey.“May isang bagay kang hindi alam.“Ang Golden Sands ay itinuturing na ang lugar na tinatawag na Midheaven.“Sa madaling salita, ito ang lupain kung saan isinilang ang Country H.“Ang dating emperador, si Emperor Toghon, ay ginawang kapitolyo ang Golden Sands dahil dito.“Subalit, naging ang Wolsing ang kapitolyo ng bansa noong kinuha ni Emperor Khan ang trono.“Gayunpaman, ang kahalagahan ng kasaysayan ng Golden Sands sa bansa ay higit pa sa imahinasyon mo!“Dahil kontrolado ng John family ang buong siyudad, hindi lang napipigilan ang Patel family at ang six Hermit Families, kundi pati ang buong Midheaven ay pag-aari din nila!“Sa madaling salita, kapag ginalaw mo si Blaine ngayon, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa buong lugar!”“Hindi naman na makakakuha ng mas maraming mga Blaine ang John family para palitan siya. Anong magiging problema?” sagot ni Harvey.Muling bumuntong-hininga si
"Hula ko, mukhang ang Wright family ang target ng Evermore."Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ang Wright family?”"May balak bang magdulot ng problema ang Evermore kay Big Boss?""Gusto ba nilang mamatay o ano?""Kung wala ang apat na haligi at ang tulong ng Nine Elders, malamang kaya niyang mapaalis ang grupo ng mga walang kwentang tao na nagtatago sa Wolsing ng mag-isa, di ba?"Si Peyton Horan ay umiling.“Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mga bagay-bagay.”"Ang Evermore ay napakatagal nang nabubuhay. Marami ring matatandang hangal na malapit nang mamatay ang may koneksyon sa kanila."Ang Wolsing ay maaaring hindi nagkakaisa.""Hindi pa natin alam kung gaano na kalalim ang Evermore.""Siguro galing din sa Evermore si Big Boss.""Kung gagawa ng kahit ano ang Evermore sa Wolsing, ang buong Wolsing ay magkakaproblema!""Ang buong lungsod ay malulugmok sa kaguluhan!""Ang Country H ay magkakagulo kung hindi tayo mag-iingat..."Nag-aalala si Peyton.Bahagyang tumango s
Si Harvey York ay kilala lamang si Peyton Horan dahil nailigtas niya si Taila Horan.Ang dalawa ay nagkakilala lamang sa loob ng maikling panahon. Hindi sila madalas magkita, pero mayroon pa rin silang magandang relasyon."Ayos naman si Talia. Pinatira ko siya sa aking lumang bahay kasama ang isang tauhan para protektahan siya. Hindi mo kailangang mag-alala.”Nagpakita si Peyton ng banayad na ngiti."Gayunpaman, dapat kang mag-alala nang higit para sa iyong sarili."Ngumiti si Harvey."May nalaman ka ba?"Tumango si Peyton at tumingin sa paligid bago ituro ang isang maliit na daan."Bakit hindi tayo maglakad-lakad?"Tinanggap ni Harvey ang alok. Matapos senyasahn ang mga espiya ng Heaven’s Gate na umalis, sinamahan niyang maglakad-lakad si Peyton.Si Peyton ay nagbigay ng senyales sa mga eksperto ng Dragon Cell na huwag sumunod upang bigyan sila ng espasyo.Ang lugar ay isang gubat na may ilang mga libingang mukhang sinauna sa tabi ng daan. Isa sa mga customer ni Harvey ay n
Si Mandy Zimmer ay nasiyahan ng husto sa pananatili sa Ostrane One. Itinuturing na niyang tahanan ang lugar…At sa kabila nito, nangyari ang ganitong bagay.Ibinigay ni Harvey York kay Mandy ang isang piraso ng pastry pagkatapos buksan ang kahon."Sa nakikita ko, tinatrato ka ng Jean family na parang isang superhero!""Saanman may problema, ikaw ang haharap dito...""Malamang ay may malaking respeto sila sayo!"Tumawa ng mapait si Mandy."Tinatawag mong respeto yun?"Sinasadya nila akong ipadala sa kamatayan ko!"Ang Wolsing ay isang sinaunang lungsod na may isang libong taon ng kasaysayan!""Mas malalim pa ang tubig doon kaysa sa mismong Atlantic!""Ang Nine Elders, ang top ten families, ang five hidden families, at lahat ng uri ng puwersa ng iba't ibang sagradong martial arts training grounds...""Huwag kalimutan ang mga panlabas na puwersang nagdudulot ng gulo doon..."Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot."Mamamatay ang mga tao doon kung hindi sila mag-iingat."
Kalahating oras ang lumipas, umalis si Harvey York sa Golden Cell sakay ng isang magaspang na off-road na sasakyan.Walang pangangailangan na siya pa ang humawak sa natitirang sitwasyon. Dahil nandito na si Peyton Horan, tiyak na magbibigay siya ng paliwanag kay Harvey tungkol dito.Si Kensley Quinlan ay ikukulong sa buong buhay niya.Tungkol kay Faceless at sa kanyang anak na babae, malamang na magdusa sila pagkatapos mapunta sa kamay ng Golden Cell.Dahil sa kung gaano kalakas at misteryoso ang Evermore, sinubukan ng Bansa H na makahanap ng mga lead tungkol dito ngunit walang nagtagumpay.Mula nang mahuli si Faceless at ang kanyang anak na babae, nakagawa ng ilang progreso ang bansa.Pagbalik sa Fortune Hall, inihanda na ni Castiel Foster ang isang nagliliyab na baga para daanan nina Harvey at ng iba pa.Nagsimula siyang magdasal ng isang bagay pagkatapos noon.Humagulgol si Harvey. Nawalan siya ng masabi matapos makita ang tanawin.Sa wakas, siya ang pinaka-mahusay sa ganit
Nakaramdam ng paghihinagpis si Kensley Quinlan.Ang simpleng mga salita ni Harvey York ay sapat na upang makuha ang pabor ni Jesse Xavier.Dapat ay nasa panig ni Kensley si Jesse, pero madali siyang tinalikuran nito.Si Lexie York, na nanatiling tahimik hanggang ngayon, ay biglang tumayo."Tama ‘yun. Ang paninira sa kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa sa pamamagitan ng pang-aabuso sa kapangyarihan ay isang krimen. Kung hindi mo maipaliwanag ang iyong sarili, kailangan nating imbestigahan ang sitwasyon nang mabuti!"Kung may hindi pagkakaintindihan, o pinipilit kang gawin ito, dapat ka nang magsalita ngayon!"Ang apat na haligi ay lilinisin ang iyong pangalan!"Si Jesse ay ngumiti bago nagpakita ng malalim na ekspresyon sa kanyang mukha."Tama ‘yun. Mabuti pa umamin ka na."Pero, mas mabuti pang huwag kang magsasabi ng kalokohan."Lalo na, mas malaking krimen iyon."Ang tanging paraan para makaalis ka sa sitwasyong ito ay ibigay mo sa amin ang pangalan ng taong nasa l