“Mula ngayon, ang problema ng pamilya nip ay problema na rin ng pamilya ko!”“Maaaring isa lang first-rated family ang mga Robbins, pero kahit ang mga top-rated family ay kailangang mag-dalawang isip bago kami banggain!”“Ngayon, tara na at dumalo na tayo sa grand ceremony!”“Pero… tatlo lang ang pwesto ng imbitasyon. Natatakot akong baka walang karapatan ang pulubi na makapasoksa loob.”Tinuro ni Stanley si Harvey york, saka niyakap ang sarili niyang mga braso na parang nanalo siya sa isang laban.Malamig na sinabi ni Lilian, “Basura lang siya. Wala siyang pakundangan, pumirma siya ng kontrata at binagsak ang pamilya kasama niya!”“Dapat hayaang mabulok mag-isa ang mga taong katulad niya! Huwag mo na siyang pansinin!”“Mandy! Tara na, pumasok na tayo!”Handa sina Simon at Lilian na iwanan sa ere si Harvey.Lalong sumimangot si Mandy sa kanyang nakita.“Pa, Ma. Bahala kayong pumasok kung gusto niyo. Hindi ako sasama, dito lang ako kay Harvey.”Ngumiti si Stanley at sinabi, “
Makalipas ang ilang sandali, bumulong si Mandy sa dismayadong tono, “Umuwi na lang tayo.”Hindi niya inasahang magyayabang pa rin si Harvey pagkatapos mangyari ang lahat sa puntong ito. Hindi siya mulat sa katotohanan.Kalaunan ay naawa si Mandy sa kanya, pero dismayado siya ngayon kay Harvey.Paanong walang kakayahan ang kanyang live-in na asawa bukod sa pagyayabang?Si Harvey naman ay tumingin sa Silver Nimbus Outer Courtyard na nasa likod niya at sinabi, “Hindi pa tayo pwedeng umalis. Kailangan tayo ni Ma at Pa mamaya.”Hinawakan ni Mandy ang kanyang mukha at malakas na bumuntong-hininga.“Harvey… Saan nanggagaling lahat ng kumpyansa mo?”“Anong pinaplano mo ngayon? Hihingi ka naman ba ng tulong kay Ms. Xavier?”“Naisip mo bang hindi ka pwedeng humingi ng pabor sa kanya parati, ‘di ba?”“Naisip mo ba ako kapag naghahanap ka ng ibang babae kapag naisip ka sa gulo?”“Hindi mo ba naisip na mahihiya ako?”“Hay, bahala na! Sige, maghintay tayo total sinabi mong maiipit sa gulo
Kung makukumpara lang ni Mandy sina Stanley at Harvey, madali siyang makakagawa ng desisyon.Sabi ni Simon, “Actually, pinag-iisipan naming palayasin si Harvey sa pamilya namin!”"Tatlong buong taon na nakalipas nang ikasal sila. Palaging walang saysay ang kanilang kasal!""Sa loob ng mahabang panahon, ang daming nangyari na pumigil sa kanilang hiwalayan! Sayang talaga!""Pero sa pagkakataong ito, hindi ako basta-basta susuko!"Napanatag si Stanley nang marinig niya ito.Nais niyang pakasalan si Mandy hindi lamang dahil maganda siya. Gusto niya ring maging bahagi ng mga Yates.Totoong pagdating sa kapangyarihan, ang pamilya Yates ang pinakamahina sa limang first-rated family ng Buckwood.Pero, isa pa rin silang pamilya ng mga opisyal ng gobyerno.Para kay Stanley, siguradong aangat ang ranggo niya sa mata ng iba pang mga Robbins kung magiging grandson-in-law ng pamilya Yates.Ito ang pangunahing dahilan sa likod ng kanyang determinasyon.Habang busy ang tatlo sa pagtatawanan
Napapaligiran nang tuluyan ang tatlo.Nakahawak ang isa sa mga guard sa kanyang espadang nakasabit sa kanyang baywang, na parang may kalaban siyang kaharap.“Dahil malakas ang loob niyong magdala ng pekeng imbitasyon, ipagpapalagay naming may mga masama kayong balak. Agad namin kayong ipapadala sa mga awtoridad mamaya!”Nang maramdaman ang aura ng mga guard na tila handang pumatay, halos hindi mapigilan nila Stanley at ng iba ang kanilang pantog. Tila malapit nang ilabas ng mga lalaking ito ang kanilang mga espada.Si Stanley, na pinanganak na mayaman, ay hindi pa nakaranas ng ganitong sitwasyon.Agad siyang sumuko.“Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito! Aalis na kami agad!”Nagawa lang ng mga guard na tumawa nang malamig.“Aalis? Site ito ng engagement ceremony ni Prince York! Malinaw na mataas ang pinapatupad na seguridad dito!”“Nagdala kayo ng pekeng imbitasyon at gumawa ng malaking gulo. Ngayon ay sinusubukan mong tumakas? Kailangan kong kwestyonin ang totoo mong motibo!”
Hindi makapagsalita si Lilian Yates habang tinuro niya si Stanley.Nagha-hyperventilate si Simon, masyadong malinaw sa kanya ang malalang sitwasyon.Ang sinumang nangahas na nagdala ng pekeng imbitasyon sa isang seremonyang hinost ni Prince York ay naghahanap ng kamatayan!“Tama na, tigilan niyo na ang pag-aaway!”Nakasimangot ang mga staff.“Kung hindi niyo masabi sa akin kung saan niyo nakuha ang pekeng imbitasyon, ikukulong ko kayo!”“Ako… Ako… Ako…!”Hindi maka-isip si Lilian ng isasagot.Mukhang nakakain ng ampalaya si Simon.Hindi nila sukat akalaing mangyayari ang ganitong bagay. Hindi siya nakapaghanda ng kahit anong palusot para sa gulong ito.Wala silang ideya kung paano ipapaliwanag ang kanilang sitwasyon.Naiinip na ang staff member. Ang lahat ng nangyari sa seremonya ni Head Coach ay responsibilidad niya, pagkatapos ng lahat!Gusto niyang mabilis na harapin ang mga problema hangga’t maaari.Sa sandaling ito, may biglang pumasok sa isip ni Stanley. Tumingin siy
Natuwa si Mandy. Hindi niya inasahang magiging patas at makatwiran ang kanyang mga magulang. Tinulungan nga talaga nila si Harvey na makakuha ng spot para sa seremonya!‘Di nagtagal, nakarating ang dalawa sa entrance.Nakangiwi si Harvey.Sa kabilang banda, hindi maitago ni Mandy ang saya sa kanyang mukha.Para sa kanya, ang tanggapin ng kanyang mga magulang si Harvey, kahit konti lang, ay ikinasaya na niya.Nang dumating sina Harvey at Mandy, nakahinga nang maluwag sina Simon at Lilian.Natakot silang hindi dumating ang basura. Kung mangyari iyon, hindi nila alam kung kanino nila ibabaling ang sisi.Saglit na tumingin si Simon kay Stanley.Saka niya tinuro si Harvey at sinabi. “Siya ang gumawa ng pekeng imbitasyon! Kunin niyosiya at itapon sa kulungan!”Narinig ni Mandy ang kanyang ama at agad siyang napatigil.Mabilis niyang naintindihan ang lahat.Ang diumano’y imbitasyon ni Stanley ay peke, at agad itong nahuli ng mga guard.Pinapunta ni Simon si Harvey para linlangin s
Automatic na sumaludo ang lahat ng staff doon. Pagkatapos nito, ibinaba nila ang kanilang mga kamay at sabay-sabay na sinabi sa magalang na paraan, "Mr. York, Mrs. Zimmer. Humihingi kami ng paumanhin kung nagulat kayong dalawa dahil sa biglaang problemang ito!”“Pakiusap, tuloy po kayo”Tumango si Harvey, saka tumingin kina Simon at Lilian.“Uncle at Aunt ko ang dalawang iyon. Papasukin niyo rin sila.”Tumango ang mga guard at kumaway. Agad na nagkalasan ang mga guard na pumalibot kina Simon at Lilian.Saka sinabi ng guard sa dalawa, “Isa lang itong hindi pagkakaunawaan, humihingi akong paumanhin.”“Pakiusap, tuloy po kayo!”‘Ano?!’Bumagsak ang panga ng lahat ng mga nanonood na madla. Hindi nila maisara ang kanilang bibig.Parang panaginip ang buong eksena.Sinampal na ni Stanley ang kanyang sarili para masigurong hindi siya nagha-hallucinate.Talagang nakakamangha ang eksenang nasa harapan niya.Mga sundalo ng Sword Camp ang mga staff member, pagkatapos ng lahat!Mga Kin
Kalmadong sinabi ni Harvey, “Mamaya ay mabubunyag ang misteryo.”Handa siyang opisyal na mag-propose kay Mandy, pagkatapos ng lahat. Malalaman nila Simon at Lilian ang kanyang pagkakakilanlan pagkatapos.Para sa kanya, wala lang sa kanya kung mabunyag ang kanyang pagkakakilanlan bilang si Prince York.Nanahimik si Harvey, naiwanang lalong naguluhan sina Simon at Lilian Yates.Labis ang pagmamahal ng dalawa para sa karangyaan. Gagawin nila ang lahat para mapalapit sa mga makapangyarihan tao.Kahit na hindi nila alam kung anong klaseng noble si Harvey, agad silang sumipsip sa kanya.“Naku, Harvey! Mga hangal kami kanina! Pakiusap at kalimutan mo ang ginawa namin dati. Huwag mong ibaba ang antas mo kapareho namin!”“Hindi ko talaga sukat akalaing gagawa ng ganoong karumal-dumal na bagay ang b*stardong si Stanley! Kung hindi dahil sa iyo, malaking problema ito para sa amin!”“Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, mahal kong son-in-law! Sino si Stanley? Umalis ka dito!”Ngumiti si Ha