Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 3661 - Kabanata 3670

4915 Kabanata

Kabanata 3664

Pagkatapos bumuntong-hininga, tinawagan ni Harvey si Rachel para ipadala niya ang tatlong top talents sa backyard. Nang gagawin na ito ni Rachel, isang Toyota Alphard ang umandar papunta sa entrance bago kaagad na huminto. Hindi nagtagal, isang dosenang taong nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ang bumaba mula sa kotse. Mayabang at mapagmataas sila .Kaagad nilang tinulak sa tabi ang madla at sumugod nang walang pakialam sa security na sumisigaw sa kanila. “Young masters!”Isang babaeng may magaspang na ugaling nasa tatlompung gulang ang hindi pumansin sa mga taong nagrereklamo sa kanya nang naglakad siya sa harapan. Tinulak niya ang isang dalaga habang kinokonsulta niya si Amber tungkol sa kaalaman sa martial arts. "Nakita ko online na may ilang magagaling na young masters na nagpunta sa Martial Hall!" sigaw ng babae. "Narinig ko na napakalakas at napakatalentado mo…""Pero ang mas mahalaga, hindi ka naghihinay-hinay kapag nagtuturo ka! Hindi mo man lang kinukuha ang pera
Magbasa pa

Kabanata 3665

“M’lady! M’lady!”Natataranta ang mga tao sa likod ng babae. Humakbang paharap ang isang lalaking mukhang butler at pinisil ang nguso ng masungit na mayamang babae. "Wag mo hahayaang may mangyari sa sarili mo, M'lady!" "Nakasalalay sa'yo ang buong pamilya natin!" "Bw*sit ka! Hindi mo ba alam na sapat ang respeto sa'yo ng M'lady para turuan mo ang anak niya?!" "Ang lakas ng loob mong tanggihan ang pakiusap niya!" "Magbabayad ka kapag may nangyari sa kanya!" Humakbang paharap ang butler at sinampal ang mukha ni Amber. Malakas at malutong ang sampal. Sa takot pagkatapos makita ang babaeng sumuka ng dugo, nakalimutan ni Amber ang katotohanang isa siyang martial artist; hindi man lang siya nakakibo sa sampal. Tulalang-tulala siya. Noon, magalang siyang papakiusapan ng mga tao na gumawa ng isang bagay…Ito ang unang beses niyang makakita ng ganito kawalanghiyang tao sa gitna ng publiko. Ganoon din sina Philip at Albus; mga top talents sila na may nakakamanghang lak
Magbasa pa

Kabanata 3666

“Harvey York?”"Ikaw ang may-ari ng Martial Hall?" Tinitigan ng butler si Harvey bago malamig na tumawa. "Ikaw ang maalamat na lalaking naghahabol sa kasikatan, ang tinatawag na master na gagawin ang lahat para sa pera?" "Narinig ko na ang tungkol dito. Tinaas mo ang bayad nang labing-apat na libong dolyar para sa mga mag-e-enroll dito!" "Nilimitahan mo pa ang bilang ng taong makakapasok kada semester!" "Kinukuha mo lang ang mga pwesto para mukha itong mas mahal kumpara sa tunay nitong halaga!" "Pumipiga ka ng pera sa mga tao!" "Bilang isang master, hindi mo lang hindi iniisip ang mga tao—hindi mo lang hindi pinapakalat sa buong mundo ang martial arts mo…" "Nag-iisip ka pa nang maigi para lang kumita nang malaking pera!" "Nakakadiri kayo!" Lumura ang butler sa lapag. "Kilala mo ba kung sino ang M'lady?!" "Kamag-anak siya ni Young Master Bierstadt ng Golden Palace, ang sacred martial arts training ground!""Kapag may nangyari kay M'lady, hahabulin kayo ni Young
Magbasa pa

Kabanata 3667

"Tumatanggi ako," direktang sabi ni Harvey. "Anong sabi mo?!" Kaagad na tinaas ng babae ang tono niya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. "Anong karapatan mong tumanggi?!""May sasabihin ako sa'yo! Wala kang magagawa kundi magbayad kahit na anong mangyari! Kung hindi, may mga taong susugod sa'yo!" Nanggagalaiti ang babae pagkatapos niyang makitang bastusin siya ni Harvey. Pagkatapos ay galit niyang tinuro sina Amber, Philip, at Albus habang umuubo ng dugo. "At kayong tatlo!" "Aminin niyo na lang na mahina kayo!" "Akala niyo ba pwede na kayong magturo ng iba dahil may kaunti kayong alam sa martial arts?!" "Ang totoo, wala lang kayo!" "Tinuturuan niyo nang walang kakwenta-kwentang bagay ang mga estudyante. Napakamapili niyo rin sa kabila!" "Sino ba kayo sa tingin niyo?!""Kung ako sa inyo, iuuntog ko ang ulo ko sa lapag at papatayin ko ang sarili ko ngayon!" "Irereport ko kayo sa Martial Arts Alliance paglabas ko rito!" "Manloloko kayo! Sisiguraduhin kon
Magbasa pa

Kabanata 3668

Vroom!Pagkalipas ng sampung minuto, narinig ang mga tunog ng makina mula sa labas. Isang hilera ng SUV ang nakaparada sa entrance. Isang grupo ng mukhang malalakas na lalaking nakasuot ng gintong balabal ang bumaba mula sa kotse. Lahat sila ay may dalang mga espada sa baywang nila at may mababangis na ekspresyon. Isang mukhang pasaway na binata ang naglakad mula sa gitna ng mga tao. Nasa five feet seven ang taas niya; kinulayan ng blonde ang buhok niya at may namululang balat ng isang lasinggero. Mayroon siyang madilim ngunit marangal na ekspresyon. Kaagad na lumapit sa binata ang malupit na babae at ang mga tao sa likuran niya nang may sumisipsip na ekspresyon. "Sa wakas nandito ka na, Young Master Bierstadt!" "Binastos ka talaga ng mga h*yop na yun! Wala man lang silang pakialam sa Golden Palace!" "Kailangan mo kaming tulungan!" "Ilang beses mo bang sasabihin sa'yong sabihin mo lang ang pangalan ko kapag may problema ka?""Walang kahit na sino sa Flutwell ang m
Magbasa pa

Kabanata 3669

“Tama na ang kalokohang ito!”“Tingin mo ba may pake ako sa mga walang kwentang detalye tulad ng tama o mali?”“Walang mas mahalaga pa sa reputasyon ko!”Malinaw na naiinis si Koen.“Dahil mula ka rin sa Golden Palace, bibigyan kita ng pagkakataon.”Alam na ni Koen ang nangyari.“Una: ibigay mo sa pinsan ko ang perang hinihingi niya!”“Pangalawa: pagtrabahuin mo para sa kanya ang mga hayop na ‘yun nang libre! Atsaka, kailangan nila itong gawin sa loob ng tatlong buong taon.”“Pangatlo: paluhurin mo sila!”“Sasama ka sa akin pagaktapos nito! Palalampasin ko na ito kapag nasunod ang lahat ng kondisyon ko!”“Kung hindi, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”“Kayo ang nagkamali! Hindi niyo ito pwedeng gawin!” sigaw ni Layne habang nanginginig ang boses.“Ano? Nangangatwiran ka sa akin?!”Kaagad na sumigaw si Koen.“Tingin niyo ba natatakot ako sa inyo?!”“Kahit pagkatapos kong sirain ang lugar na ito at lumpuhin ang mga hayop na ‘yun, kailangan niyo pa ring gawin
Magbasa pa

Kabanata 3670

“Hindi ako katulad mo.”Kalmadong tiningnan ni Harvey si Koen.“Inaapakan ko lagi ang mga young master na may masasamang balak. Nakakasawa na ito.”“Gayunpaman, ayos lang sa aking mandurog ng isa pa kung gusto mong mamatay.” “Hindi ka matutulungan ng Golden Palace dito.”Tinuro ni Harvey ang babaeng masama ang ugali, habang mukhang seryoso.“Atsaka, nagbago na ang isip ko.”“Gusto kong lumuhod ang babaeng ‘yan sa harapan ng mga kaibigan ko bilang paumanhin. Gusto ko magmakaawa siya.”“Kapag hindi niya ‘yan ginawa, ako mismo ang lulumpo sa kanya. Tandaan niyo ang salita ko!”“Kahit ang Diyos ay hindi siya maililigtas dito!”“Oh?”Natawa si Koen, puno ng matinding galit.“Matapang ka, bata!”“Sinasabi mo bang kakalabanin mo ako?!”“Naiintindihan kong medyo mayabang ka dahil sa mga narating mo…”“Pero kaunti lamang ang mga taong tulad mo ang yabang!”“Kaya kitang gawing isang porcupine kung gusto ko! Ayaw mong maniwala sa akin?!”Ikinumpas ni Koen ang kanyang kamay, at i
Magbasa pa

Kabanata 3671

“Interesante. Talagang interesante…”Pumalakpak si Koen habang seryoso ang kanyang mukha.“Magaling. Hindi na rin masama.”“Ito ang unang pagkakataong makakita ako ng isang taong iniinsulto ako at sinasampal ang mga tao ko sa Flutwell!”“Magaling!”“Tama na ang dada. Papaluhurin mo ba siya o hindi?” sinabi ni Harvey, hindi nagsayang ng kahit isang segundo.“O gusto mo ako mismo magturo sa kanya ng gagawin?”“P*ta?! Hindi ako makapaniwalang mas mayabang ka pa sa akin!”Tumatawa sa galit si Koen; ang kanyang mukha ay nagulo nang sobra habang tumatawa siya nang malakas. “Sasabihin ko sa’yo, bata! Hindi hihingi ng tawad ang mga tao ko!”“Sa halip, kailangan mong lumuhod sa harapan ng bahay niya sa loob ng tatlong araw!”“Kung hindi, sisiguruhin kong tutugisin kita!”“Wala kang pag-asa kahit gaano pa kalakas ang suporta mo!”“Bibigyan kita ng tatlompung segundo para pag-isipan ito. Lumuhod ka at gumapang palabas, at patuloy kang lumuhod doon!”“Kung hindi, babaliin ko ang baw
Magbasa pa

Kabanata 3672

“Sila ay mga batang estudyante na hinahamon ang mga Indian sa ngalan ng Longmen?” sinabi ni Koen habang natutuyo ang bibig na para bang may napagtanto siya.“Ano? Kinakalaban nila ang mga Indian?”“Ang mga young master na ito ay nandito para sa isang misyon?”“Isang tao mula sa Golden Palace ang pumipilit sa mga taong ito na maging private instructor para sa sarili nilang kapakanan?”Nagsimulang magduda ang mga tao.Nanghina ang mga disipulo ng Golden Palace habang hiawak nila ang kanilang pana.Bilang ang natatanging sacred martial arts training ground sa Flutwell, natural na alam ng Golden Palace na dinala ng mga Indian ang pinakamagaling nilang mga estudyante para hamunin ang Longmen.Alam nila na ang Longmen ay mayroon ring tatlong pinakamagaling na estudyante para lumaban.Ito ang mga batang laging inaalagaan ng mga tao sa paligid nila!Sila ay naatasang labanan ang mga Indiano para sa Longmen!Isa itong digmaan!Kapag may nangahas na galawin ang mga batang ito bago iyo
Magbasa pa

Kabanata 3673

Hindi mapigilang kumirot ng mata at bibig ni Koen.Hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa harapan ni Harvey.Hahamunin sana niya ang awtoridad ng Longmen kung sinabi niyang hindi niya ginagalang ang organisasyon; hindi ito isang bagay na kayang gawin ng isang hamak na outer disciple ng Golden Palace. Gayunpaman, babastusin naman niya ang sarili niya kapag kinilala niya ang Longmen at ang pagkatao ng mga tao sa harapan niya.Kaya, hindi makapagsalita si Koen, wala siyang magawa kundi tumingin sa baba nang tahimik habang mukhang nanlulumo. Kadalasan, ang pananahimik ay isa ring anyo ng pagsang-ayon.Nagulat ang mga tao sa reaksyon ni Koen.Hindi nila inakalang matatakot ni Harvey si Koen sa pagbubunyag lamang ng pagkatao nito. Nagtinginan ang ibang mga disipulo ng Golden Palace nang naiilang; naipit talaga sila.“Mukhang may bisa pa rin pala ang Longmen.”Nang makitang tahimik si Koen, natawa si Harvey bago tingnan ang tatlong batang estudyante, na gulat na gulat.“May na
Magbasa pa
PREV
1
...
365366367368369
...
492
DMCA.com Protection Status