“Harvey York?”"Ikaw ang may-ari ng Martial Hall?" Tinitigan ng butler si Harvey bago malamig na tumawa. "Ikaw ang maalamat na lalaking naghahabol sa kasikatan, ang tinatawag na master na gagawin ang lahat para sa pera?" "Narinig ko na ang tungkol dito. Tinaas mo ang bayad nang labing-apat na libong dolyar para sa mga mag-e-enroll dito!" "Nilimitahan mo pa ang bilang ng taong makakapasok kada semester!" "Kinukuha mo lang ang mga pwesto para mukha itong mas mahal kumpara sa tunay nitong halaga!" "Pumipiga ka ng pera sa mga tao!" "Bilang isang master, hindi mo lang hindi iniisip ang mga tao—hindi mo lang hindi pinapakalat sa buong mundo ang martial arts mo…" "Nag-iisip ka pa nang maigi para lang kumita nang malaking pera!" "Nakakadiri kayo!" Lumura ang butler sa lapag. "Kilala mo ba kung sino ang M'lady?!" "Kamag-anak siya ni Young Master Bierstadt ng Golden Palace, ang sacred martial arts training ground!""Kapag may nangyari kay M'lady, hahabulin kayo ni Young
"Tumatanggi ako," direktang sabi ni Harvey. "Anong sabi mo?!" Kaagad na tinaas ng babae ang tono niya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. "Anong karapatan mong tumanggi?!""May sasabihin ako sa'yo! Wala kang magagawa kundi magbayad kahit na anong mangyari! Kung hindi, may mga taong susugod sa'yo!" Nanggagalaiti ang babae pagkatapos niyang makitang bastusin siya ni Harvey. Pagkatapos ay galit niyang tinuro sina Amber, Philip, at Albus habang umuubo ng dugo. "At kayong tatlo!" "Aminin niyo na lang na mahina kayo!" "Akala niyo ba pwede na kayong magturo ng iba dahil may kaunti kayong alam sa martial arts?!" "Ang totoo, wala lang kayo!" "Tinuturuan niyo nang walang kakwenta-kwentang bagay ang mga estudyante. Napakamapili niyo rin sa kabila!" "Sino ba kayo sa tingin niyo?!""Kung ako sa inyo, iuuntog ko ang ulo ko sa lapag at papatayin ko ang sarili ko ngayon!" "Irereport ko kayo sa Martial Arts Alliance paglabas ko rito!" "Manloloko kayo! Sisiguraduhin kon
Vroom!Pagkalipas ng sampung minuto, narinig ang mga tunog ng makina mula sa labas. Isang hilera ng SUV ang nakaparada sa entrance. Isang grupo ng mukhang malalakas na lalaking nakasuot ng gintong balabal ang bumaba mula sa kotse. Lahat sila ay may dalang mga espada sa baywang nila at may mababangis na ekspresyon. Isang mukhang pasaway na binata ang naglakad mula sa gitna ng mga tao. Nasa five feet seven ang taas niya; kinulayan ng blonde ang buhok niya at may namululang balat ng isang lasinggero. Mayroon siyang madilim ngunit marangal na ekspresyon. Kaagad na lumapit sa binata ang malupit na babae at ang mga tao sa likuran niya nang may sumisipsip na ekspresyon. "Sa wakas nandito ka na, Young Master Bierstadt!" "Binastos ka talaga ng mga h*yop na yun! Wala man lang silang pakialam sa Golden Palace!" "Kailangan mo kaming tulungan!" "Ilang beses mo bang sasabihin sa'yong sabihin mo lang ang pangalan ko kapag may problema ka?""Walang kahit na sino sa Flutwell ang m
“Tama na ang kalokohang ito!”“Tingin mo ba may pake ako sa mga walang kwentang detalye tulad ng tama o mali?”“Walang mas mahalaga pa sa reputasyon ko!”Malinaw na naiinis si Koen.“Dahil mula ka rin sa Golden Palace, bibigyan kita ng pagkakataon.”Alam na ni Koen ang nangyari.“Una: ibigay mo sa pinsan ko ang perang hinihingi niya!”“Pangalawa: pagtrabahuin mo para sa kanya ang mga hayop na ‘yun nang libre! Atsaka, kailangan nila itong gawin sa loob ng tatlong buong taon.”“Pangatlo: paluhurin mo sila!”“Sasama ka sa akin pagaktapos nito! Palalampasin ko na ito kapag nasunod ang lahat ng kondisyon ko!”“Kung hindi, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”“Kayo ang nagkamali! Hindi niyo ito pwedeng gawin!” sigaw ni Layne habang nanginginig ang boses.“Ano? Nangangatwiran ka sa akin?!”Kaagad na sumigaw si Koen.“Tingin niyo ba natatakot ako sa inyo?!”“Kahit pagkatapos kong sirain ang lugar na ito at lumpuhin ang mga hayop na ‘yun, kailangan niyo pa ring gawin
“Hindi ako katulad mo.”Kalmadong tiningnan ni Harvey si Koen.“Inaapakan ko lagi ang mga young master na may masasamang balak. Nakakasawa na ito.”“Gayunpaman, ayos lang sa aking mandurog ng isa pa kung gusto mong mamatay.” “Hindi ka matutulungan ng Golden Palace dito.”Tinuro ni Harvey ang babaeng masama ang ugali, habang mukhang seryoso.“Atsaka, nagbago na ang isip ko.”“Gusto kong lumuhod ang babaeng ‘yan sa harapan ng mga kaibigan ko bilang paumanhin. Gusto ko magmakaawa siya.”“Kapag hindi niya ‘yan ginawa, ako mismo ang lulumpo sa kanya. Tandaan niyo ang salita ko!”“Kahit ang Diyos ay hindi siya maililigtas dito!”“Oh?”Natawa si Koen, puno ng matinding galit.“Matapang ka, bata!”“Sinasabi mo bang kakalabanin mo ako?!”“Naiintindihan kong medyo mayabang ka dahil sa mga narating mo…”“Pero kaunti lamang ang mga taong tulad mo ang yabang!”“Kaya kitang gawing isang porcupine kung gusto ko! Ayaw mong maniwala sa akin?!”Ikinumpas ni Koen ang kanyang kamay, at i
“Interesante. Talagang interesante…”Pumalakpak si Koen habang seryoso ang kanyang mukha.“Magaling. Hindi na rin masama.”“Ito ang unang pagkakataong makakita ako ng isang taong iniinsulto ako at sinasampal ang mga tao ko sa Flutwell!”“Magaling!”“Tama na ang dada. Papaluhurin mo ba siya o hindi?” sinabi ni Harvey, hindi nagsayang ng kahit isang segundo.“O gusto mo ako mismo magturo sa kanya ng gagawin?”“P*ta?! Hindi ako makapaniwalang mas mayabang ka pa sa akin!”Tumatawa sa galit si Koen; ang kanyang mukha ay nagulo nang sobra habang tumatawa siya nang malakas. “Sasabihin ko sa’yo, bata! Hindi hihingi ng tawad ang mga tao ko!”“Sa halip, kailangan mong lumuhod sa harapan ng bahay niya sa loob ng tatlong araw!”“Kung hindi, sisiguruhin kong tutugisin kita!”“Wala kang pag-asa kahit gaano pa kalakas ang suporta mo!”“Bibigyan kita ng tatlompung segundo para pag-isipan ito. Lumuhod ka at gumapang palabas, at patuloy kang lumuhod doon!”“Kung hindi, babaliin ko ang baw
“Sila ay mga batang estudyante na hinahamon ang mga Indian sa ngalan ng Longmen?” sinabi ni Koen habang natutuyo ang bibig na para bang may napagtanto siya.“Ano? Kinakalaban nila ang mga Indian?”“Ang mga young master na ito ay nandito para sa isang misyon?”“Isang tao mula sa Golden Palace ang pumipilit sa mga taong ito na maging private instructor para sa sarili nilang kapakanan?”Nagsimulang magduda ang mga tao.Nanghina ang mga disipulo ng Golden Palace habang hiawak nila ang kanilang pana.Bilang ang natatanging sacred martial arts training ground sa Flutwell, natural na alam ng Golden Palace na dinala ng mga Indian ang pinakamagaling nilang mga estudyante para hamunin ang Longmen.Alam nila na ang Longmen ay mayroon ring tatlong pinakamagaling na estudyante para lumaban.Ito ang mga batang laging inaalagaan ng mga tao sa paligid nila!Sila ay naatasang labanan ang mga Indiano para sa Longmen!Isa itong digmaan!Kapag may nangahas na galawin ang mga batang ito bago iyo
Hindi mapigilang kumirot ng mata at bibig ni Koen.Hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa harapan ni Harvey.Hahamunin sana niya ang awtoridad ng Longmen kung sinabi niyang hindi niya ginagalang ang organisasyon; hindi ito isang bagay na kayang gawin ng isang hamak na outer disciple ng Golden Palace. Gayunpaman, babastusin naman niya ang sarili niya kapag kinilala niya ang Longmen at ang pagkatao ng mga tao sa harapan niya.Kaya, hindi makapagsalita si Koen, wala siyang magawa kundi tumingin sa baba nang tahimik habang mukhang nanlulumo. Kadalasan, ang pananahimik ay isa ring anyo ng pagsang-ayon.Nagulat ang mga tao sa reaksyon ni Koen.Hindi nila inakalang matatakot ni Harvey si Koen sa pagbubunyag lamang ng pagkatao nito. Nagtinginan ang ibang mga disipulo ng Golden Palace nang naiilang; naipit talaga sila.“Mukhang may bisa pa rin pala ang Longmen.”Nang makitang tahimik si Koen, natawa si Harvey bago tingnan ang tatlong batang estudyante, na gulat na gulat.“May na
Nakita nina Harvey at Leona ang isang tao na inihagis ang isang pares ng gunting sa lupa. Ang gunting ay dapat gagamitin upang putulin ang ribbon sa seremonya.Ang mga bagay na gawa sa purong ginto ay medyo may kalambutan. Ang gunting, na simbolo ng kayamanan ng proyekto, ay agad na nasira.Agad na lumapit ang isang nakatataas na nakakita nito."Akala mo ba pwede mong sirain ang mga bagay dito dahil lang sikat ka? Kaya mo bang bayaran ang mga pinsala kapag hindi nagtagumpay ang proyekto?!"Pak!Isang magandang babae na may kahanga-hangang makeup at kapansin-pansing katawan ang humarap, at sinampal ang mataas na opisyal sa mukha."Sampung minuto na akong naghihintay para sa event na ‘to! Eh ano ngayon kung nasira ko ang walang kwenta niyong gunting?" sigaw niya.Agad na lumabo ang mukha ng nakatataas. Ang lahat ay nagtinginan; wala ni isa ang naglakas-loob na pigilin ang babae.Ang mga manggagawa sa likuran niya ay may mga mapagmataas na ekspresyon habang pinapanood nila ito. Mu
Si Leona ay nakasuot ng business attire, na may itim na high heels at stockings. Naka-high ponytail siya, at kapansin-pansin ang kanyang makeup. Siya ay kasing ganda ng isang bulaklak, at sinumang tumingin sa kanya ay agad na naglalaway.Sayang lang na naglalabas siya ng isang malamig na aura. Ang mga ordinaryong tao ay hindi naglakas-loob na lumapit sa kanya, lalo na ang makipag-usap sa kanya.Si Leona ay naghintay nang tahimik; wala siyang interes sa sinuman. Pagkakita niya kay Harvey, ang kanyang mukha ay lumiwanag sa saya, gaya ng isang namumukadkad na bulaklak."Nandito ka na, Sir York," sabi niya, humakbang siya pasulong. "Kakailanganin naming kanselahin ang event kung hindi ka dumating. Kung sabagay, ano ang silbi ng pagdaraos nito kung wala ka?"Tumawa si Harvey matapos marinig ang mga salita ni Leona."Huwag mong sabihin 'yan. Sina Saul at Lola ang nag-oorganisa ng proyekto. Isa lang akong shareholder. Pero dahil nangako akong darating ako, kailangan kong gawin ang laha
”Anong gagawin natin ngayon, Young Master John?”Ibinaba ni Kensley ang kanyang tasa, malagim ang ekspresyon ng kanyang mukha.“Ang Foster family at ang Tsuchimikado family ay nagtamo ng malaking pinsala, pero…“Siguradong maaapektuhan nito ang mga ginagawa mo dito.“Ayon sa plano, magagawa mong lamunin ang Patel family kasama ang iba pang Hermit Families pagkatapos mong itaboy ang Braff family sa Wolsing, at kapag tapos na ang Gibson family sa pagdidispatya sa Heaven’s Gate...“Pero ngayon, isa-isang napilitang umalis dito ang mga kakampi mo dahil kay Harvey! Ano nang gagawin natin?!”Humigpit ang hawak ni Blaine sa kanyang tasa, at tumagilid ang kanyang ulo.“May kapalit na biyaya ang kamalasan.“Nanalo sila Harvey at Kairi ngayon, pero…“Hindi rin palalampasin ng Tsuchimikado family ang tungkol dito.“Sigurado ako na may magaganap na isang malaking palabas. Palalakihin lang natin ang apoy mula sa gilid.”Habang pinag-iisipan nila Blaine at Kensley kung paano nila gagamiti
Mukhang nakakain ng mapait si Abe. Mas masama pa ang itsura niya kaysa sa babaeng maputla ang mukha.‘Yung hayop na ‘yun! Pinapahirapan niya ang mga puso ng lahat!’Sadyang hindi kayang sikmurain ni Abe ang kahihiyan dahil sa kanyang mataas na status.Nang makita niya na binitawan ni Harvey ang wire, agad na sinenyasan ni Abe ang kanyang mga tauhan na alalayan palabas si Sakamoto. Di kalaunan ay bumalik ng kaunti ang kanyang katapangan.Humakbang siya paharap habang nakatingin ng masama.“Kahanga-hanga ka, bata! Hindi mo lang sinira ang pagtitipon ko, ipinahiya mo din si Sakamoto.“Laging ibinabalik ng Tsuchimikado family ang pabor!“Huwag kang mag-alala! Pagkatapos ng gabing ito, a…”Pak!Winasiwas ni Harvey ang likod ng kanyang palad bago pa man matapos sa pagsasalita si Abe.“Sinabi ko ba na magsalita ka?“Kung masama ang loob mo, sugurin mo ako!“Pero binabalaan kita…“Kapag hindi ka tumigil sa panggugulo kay Kairo bago mo pa ako maidispatya, katapusan mo na!”Tinapik
Bahagyang tumawa si Harvey York.“Malamang hindi ka pa masyadong marunong sa manners.“Hayaan mo akong bigyan ka ng leksyon.“Dapat sincere ang paghingi ng tawad. Dapat kang lumuhod at mabali ang iyong mga braso bago magsabi ng sorry!“Gusto mo bang gawin mo sa sarili mo? O hinihintay mo akong gawin ito para sa iyo?"Likas na tumili si Sakamoto matapos marinig ang mga salita ni Harvey.“Walang hiya kang lalaki ka!“Mas alam mo kung ano ang makakabuti para sa iyo!“Humihingi na ako ng tawad para sayo!“Ano pa bang gusto mo?!"Sa tingin mo ba hindi ako mangangahas na mamatay kasama ka?!“Yung mga bodyguards na yan, huhugot agad ng utos! Tingnan natin kung sino ang unang mamamatay kapag nangyari iyon!"Kasabay ng pagkaway ng kanyang kamay, agad na inilabas ng mga bodyguard ang kanilang mga baril bago itinutok sa ulo ni Harvey.Naturally, hindi sila magdadalawang-isip na hilahin ang gatilyo kung may nangyaring mali.Hinubad ni Soren Braff at ng iba pa ang mga safeties ng kani
Si Abe Masato ay nagpapakita rin ng masamang ekspresyon.Ginamit niya ang kanyang pagkakakilanlan bilang royalty, ang bagong bituin ng mundo ng pulitika, at isang namumukod-tanging onmyoji sa kanyang bansa para magpakitang gilas...At gayon pa man ay tahasan siyang tinatapakan sa Golden Sands.Higit sa lahat, hindi man lang siya mangangahas na manindigan para kay Sakamoto.Pagkatapos ng lahat, malamang na hilahin ni Harvey York ang kawad bilang isang resulta.‘Nababaliw na siya!'Natigilan si Abe. Isa siyang upperclassman. Siya ay magdurusa ng isang malaking kawalan kung siya ay talagang namatay sa isang pinananatiling tao lamang.Gusto niyang lumabas habang magulo ang buong lugar, ngunit dumilim ang mukha niya nang harangin ni Soren Braff at ng iba pa ang mga labasan."Bakit ako pipili, hayop ka?!" bulalas ni Sakamoto."Gusto kong patay ka na agad!"Papatayin kita gamit ang sarili kong kamay!"Tinapik ni Harvey ang mukha ni Sakamoto.“Alam ko naman yun."Ngunit ang iyong
Pak!Itinapat ni Harvey York ang likod ng kanyang palad sa mukha ni Sakamoto.“Iniinsulto kita ngayon!“Halika na! Ibaba mo ako sa iyo!“Patunayan mo sa akin kung hindi!“Hindi mo kaya yun?"Kung ganoon, hayaan mo akong tulungan ka!"Patuloy na sinasampal ni Harvey si Sakamoto.Ang kanyang mukha ay namamaga na parang baboy sa loob lamang ng ilang minuto.Natahimik ang karamihan.Walang tigil na kumikibot ang mga mata ng mga tao nang tumingin sila sa aksyon.Walang sinuman ang nag-akala na ang isang naka-iingat na tao ay magagawang maging walang ingat.Kahit na ang isang tulad ni Sakamoto ay lubos na nadurog.'Gusto na ba niyang mamatay o ano!''Dahil si Sakamoto ay mula sa Suicide Squad, tiyak na marami siyang mapagkukunan!''Kahit na samantalahin siya ni Harvey, paano niya haharapin ang kahihinatnan kung maghiganti si Sakamoto?!''Ano ang maaari niyang gawin bilang isang pinananatiling tao?!'Nabuhayan ng loob si Soren Braff at ang iba pang mga inspektor habang pinapa
“Humingi ka ng tawad, pagkatapos ay baliin mo ang iyong magkabilang braso bilang pagpapatunay."O kaya, maaari kong alisin ang kawad at isugal ang buhay ng lahat."Kaswal na sinulyapan ni Harvey York si Sakamoto, na nagpapakita ng mabangis na ekspresyon.“Huwag kang mag-alala."Kung sumabog ang C4, mamamatay ako kasama mo. Ang iyong Young Master Abe ay hindi naiiba."Maaari tayong lahat magkaroon ng isa pang laban sa kabilang buhay dahil ang lahat ay bababa nang magkasama."Agad na nagdilim ang mukha ni Sakamoto nang magpakita siya ng mapaghiganti na titig.“Bastos ka! Sino ka?!”Nais ni Sakamoto na alisin agad si Harvey, ngunit ang kanyang aura ay ganap na pinigilan habang ang kanyang balikat ay nakadiin para sa ilang kadahilanan. Ni hindi niya maigalaw ang kahit isang pulgada ng kanyang katawan sa mga sandaling iyon.Sa madaling salita, wala siyang paraan para lumaban.“Ako?“Isa lang akong maingat na tao.“Lalaki ni Kairi, sa totoo lang.“Normally, hindi ako gagawa ng g
Tumawa si Sakamoto."Hindi ba kayo kahanga-hanga o ano?"Hindi ka natatakot sa kamatayan, tama ba?“Ano?"Kanina ka pa nagsusungit tungkol sa pagharang ko sa hustisya! Gusto mo akong arestuhin diba?!“Halika na!“Gawin mo na!”Naka-cross arms si Sakamoto na may mapagmataas na ekspresyon."Lubos ninyong ikinahihiya ang inyong mapahamak na bansa sa puntong ito!""Hindi ka maglalakas loob na gumawa ng ganyan!" malamig na bulalas ni Soren.“Ayoko?”Inilagay ni Sakamoto ang kanyang mga daliri sa isang pulang wire, handang punitin ito anumang oras.Si Soren at dose-dosenang mga inspektor ay likas na tumugon.Ang ilan ay gumulong sa likod ng mga upuan at mesa. Ang iba ay natitisod pabalik sa mga sulok ng silid.Agad na napigilan ang mabangis na grupo ng mga tao.Natural, kahit na ang mga pulis ay mas matapang kaysa sa mga ordinaryong tao, pinahahalagahan pa rin nila ang kanilang sariling buhay.Tumayo si Soren matapos matisod sa lupa. Puno ng alikabok ang puting uniporme niya.