“Hindi ako katulad mo.”Kalmadong tiningnan ni Harvey si Koen.“Inaapakan ko lagi ang mga young master na may masasamang balak. Nakakasawa na ito.”“Gayunpaman, ayos lang sa aking mandurog ng isa pa kung gusto mong mamatay.” “Hindi ka matutulungan ng Golden Palace dito.”Tinuro ni Harvey ang babaeng masama ang ugali, habang mukhang seryoso.“Atsaka, nagbago na ang isip ko.”“Gusto kong lumuhod ang babaeng ‘yan sa harapan ng mga kaibigan ko bilang paumanhin. Gusto ko magmakaawa siya.”“Kapag hindi niya ‘yan ginawa, ako mismo ang lulumpo sa kanya. Tandaan niyo ang salita ko!”“Kahit ang Diyos ay hindi siya maililigtas dito!”“Oh?”Natawa si Koen, puno ng matinding galit.“Matapang ka, bata!”“Sinasabi mo bang kakalabanin mo ako?!”“Naiintindihan kong medyo mayabang ka dahil sa mga narating mo…”“Pero kaunti lamang ang mga taong tulad mo ang yabang!”“Kaya kitang gawing isang porcupine kung gusto ko! Ayaw mong maniwala sa akin?!”Ikinumpas ni Koen ang kanyang kamay, at i
“Interesante. Talagang interesante…”Pumalakpak si Koen habang seryoso ang kanyang mukha.“Magaling. Hindi na rin masama.”“Ito ang unang pagkakataong makakita ako ng isang taong iniinsulto ako at sinasampal ang mga tao ko sa Flutwell!”“Magaling!”“Tama na ang dada. Papaluhurin mo ba siya o hindi?” sinabi ni Harvey, hindi nagsayang ng kahit isang segundo.“O gusto mo ako mismo magturo sa kanya ng gagawin?”“P*ta?! Hindi ako makapaniwalang mas mayabang ka pa sa akin!”Tumatawa sa galit si Koen; ang kanyang mukha ay nagulo nang sobra habang tumatawa siya nang malakas. “Sasabihin ko sa’yo, bata! Hindi hihingi ng tawad ang mga tao ko!”“Sa halip, kailangan mong lumuhod sa harapan ng bahay niya sa loob ng tatlong araw!”“Kung hindi, sisiguruhin kong tutugisin kita!”“Wala kang pag-asa kahit gaano pa kalakas ang suporta mo!”“Bibigyan kita ng tatlompung segundo para pag-isipan ito. Lumuhod ka at gumapang palabas, at patuloy kang lumuhod doon!”“Kung hindi, babaliin ko ang baw
“Sila ay mga batang estudyante na hinahamon ang mga Indian sa ngalan ng Longmen?” sinabi ni Koen habang natutuyo ang bibig na para bang may napagtanto siya.“Ano? Kinakalaban nila ang mga Indian?”“Ang mga young master na ito ay nandito para sa isang misyon?”“Isang tao mula sa Golden Palace ang pumipilit sa mga taong ito na maging private instructor para sa sarili nilang kapakanan?”Nagsimulang magduda ang mga tao.Nanghina ang mga disipulo ng Golden Palace habang hiawak nila ang kanilang pana.Bilang ang natatanging sacred martial arts training ground sa Flutwell, natural na alam ng Golden Palace na dinala ng mga Indian ang pinakamagaling nilang mga estudyante para hamunin ang Longmen.Alam nila na ang Longmen ay mayroon ring tatlong pinakamagaling na estudyante para lumaban.Ito ang mga batang laging inaalagaan ng mga tao sa paligid nila!Sila ay naatasang labanan ang mga Indiano para sa Longmen!Isa itong digmaan!Kapag may nangahas na galawin ang mga batang ito bago iyo
Hindi mapigilang kumirot ng mata at bibig ni Koen.Hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa harapan ni Harvey.Hahamunin sana niya ang awtoridad ng Longmen kung sinabi niyang hindi niya ginagalang ang organisasyon; hindi ito isang bagay na kayang gawin ng isang hamak na outer disciple ng Golden Palace. Gayunpaman, babastusin naman niya ang sarili niya kapag kinilala niya ang Longmen at ang pagkatao ng mga tao sa harapan niya.Kaya, hindi makapagsalita si Koen, wala siyang magawa kundi tumingin sa baba nang tahimik habang mukhang nanlulumo. Kadalasan, ang pananahimik ay isa ring anyo ng pagsang-ayon.Nagulat ang mga tao sa reaksyon ni Koen.Hindi nila inakalang matatakot ni Harvey si Koen sa pagbubunyag lamang ng pagkatao nito. Nagtinginan ang ibang mga disipulo ng Golden Palace nang naiilang; naipit talaga sila.“Mukhang may bisa pa rin pala ang Longmen.”Nang makitang tahimik si Koen, natawa si Harvey bago tingnan ang tatlong batang estudyante, na gulat na gulat.“May na
“Oh?”“Tinatakot mo ako?”“Kalabitin mo ang gatilyo kung matapang ka!”“Kapag kumurap ako, didilaan ko ang bota mo!” sigaw ni Harvey. Kumirot nang husto ang mata ng tauhan, at tumatagaktak ang malamig na pawis sa kanyang likod.Hindi niya inakalang magiging ganito katapang si Harvey.Alam na alam niya ang kahahantungan niya kapag kinalabit talaga niya ang gatilyo.Hindi lamang siya aawayin ng mga tao, ngunit malamang magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng Longmen at Golden Palace dahil dito. Kahit gaano siya kagalit, hindi niya pwedeng kalabitin ang gatilyo.“Ano? Hindi mo kaya?!”“Duwag!”Sinampal ni Harvey ang disipulo.Kalmadong umabante si Harvey bago atakihin ang mga natirang tauhan.Narinig ang tungo ng mga sampal sa buong lugar.Sa isang sandali lamang, ang mayabang at matatapang na disipulo ng Golden Palace ay pinagsasampal patungo sa sahig; hindi man sila makapagsalita habang hawak nila ang kanilang mukha.Kung ibang araw ito, hindi sila matatakot sa pagkatao ni
Bam, bam, bam!Bago pa makapagsalita si Harvey, kaagad na lumuhod ang mga mayayabang na tao.Napatayo nang diretso sila Amber sa nakita nila; naginhawaan sila nang sobra.…“Hayop! Ang hayop na ‘yun!”Makalipas ang isang mahabang sandali, ang mga taong kanina pa nakaluhod hanggang sa bumigay ang kanilang binti ay gumapang pabalik sa kanilang kotse.Umupo ang babaeng masama ang ugali sa harapan ni Koen nang mukhang galit na galit.“Hindi natin ito hayaan nang ganito na lang, Young Master Bierstadt!”“Tuluyan nang masisira ang reputasyon natin!” “Kapag wala tayong ginawa para pigilan si Harvey na maging master ng Longmen, hindi na tayo magkakaroon ng pagkakataong makapaghiganti!”Malinaw na hindi nagpapasalamat ang mga ito sa awa ni Harvey; wala silang balak na magbago.Pag-alis nila, paghihiganti na kaagad ang nasa isip nila. Huminga nang malalim si Koen at nagsalita pagkalipas ng mahabang sandali.“Huwag kang mag-alala. Hindi ito natatapos dito!”“Tingin niya kaya niyan
"Sinong nagsabi sayong hindi ako makakalaban?!”“Hindi ko kailangang kumonsumo ng kahit ano para lang lumakas!”Si Harvey York ay lubos na nawalan ng mga salita habang hinihimas niya ang kanyang mga templo.“Unang una, hindi ako lumaban kasi sobrang daming tao sa paligid ko!”"Kung nagtatago ang mga kaaway sa gitna ng karamihan, ang Longmen at ang Golden Palace ay talagang magkaaway kapag nagpasya silang pukawin tayo!”"Pangalawa sa lahat, may gusto akong ipaintindi sayo!”"Hindi lahat tungkol sa away! Mahalaga rin ang mga relasyon!”“Bago magsimulang mag away ang mga tao sa mga pelikula, sa tingin mo, bakit ang pangunahing tauhan ay palaging magtatanong ng pangalan ng isang tao?”“Simple lang. Gusto nilang malaman kung kaya ba talaga nilang labanan ang kanilang mga kalaban!”"Kung ang kalaban ay may napakalawak na background at suporta, hindi mahalaga kung ang mga pangunahing karakter ay maaaring manalo!”"Pagisipan mo to. Ang mga pangunahing tauhan ay palaging magmumula sa
Si Axel Garcia ay nagpapakita ng nakamamatay na sulyap at nakakatakot na pakiramdam ng dignidad.Ang mga Indian na naroroon ay likas na ibinaba ang kanilang mga ulo. Hindi man lang sila maglakas loob na makipagtitigan sa kanya."Wala ba sa inyo ang sasagot sa akin?""O sinasabi mo ba na wala ka talagang tiwala?""Hindi ito ang kaso noong hinamon mo ang mga kampeon sa probinsiya," Sabi ni Axel sa malalim at tuyo na tono."Sinabi mo na ang Country H ay walang makakalaban sa atin, at maaaring durugin ng India ang kanilang nakababatang henerasyon ng walang ginagawa ang ating mga nangungunang talento.""Ano? Sumusuko ka na ngayon?"Nagkatinginan ang lahat ng mga Indian bago sila tumayo ng nakayuko ang kanilang mga ulo."Masyado kaming mahina, Master!"Malamig na napangiti si Axel."Hindi ko kailangan na sabihin niyo sa akin iyan.""Hindi niyo ba narinig ang tinanong ko?""Gaano ka kumpiyansa sa pagkuha ng tatlong batang talento?!""Hindi talaga!" sagot ng isang lalaki na madili