All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 231 - Chapter 240

4917 Chapters

Kabanata 231

Ang iba sa kanila ay nakatitig kay Mandy. Sa sandaling iyon, galit na galit siya.Sa loob-loob niya, napabuntong hininga na lang si Harvey. Sa wakas ay naintindihan na niya ito. Sa kabila ng insidenteng may kinalaman sa shopping center, si Senior Zimmer ay hindi kailanman magagawa ang kahit ano kay Zack.Para kay Senior Zimmer, napakalaki ang kaibahan ng mga lalaki sa mga babae.Ngayon, napakalaking gulo and idinulot nito. Alam ni Harvey na hahayaan na lang niya ito. Kung hindi, baka lumala pa ang sitwasyon ng kanyang asawa.Matapos isipin ito sandali, nagtext si Harvey kay Mandy.Sumulyap si Mandy sa kanyang cellphone, pagkatapos siya ay medyo nanginig. Ito ay dahil hiniling siya ni Harvey na pumayag malutas ang isyung ito. Nais din niya na humiling siya.Tumingin si Mandy kay Harvey, na mahinang ngumiti at sinabing, "Magtiwala ka sa akin."Naalala ni Mandy ang nangyari noong isang araw. Pinili niyang maniwala sa kanya. Sa sandaling iyon, huminga siya ng malalim at tumayo. Sina
Read more

Kabanata 232

Sa totoo lang, ayaw ni Senior Zimmer na payagan si Mandy na pangasiwaan ang finances ng kumpanya. Kung hahayaan niya siya ay nangangahulugang magkakaroon siya ng makapangayarihang katauyuan sa mga Zimmer, na posible niyang maimpluwensyahan ang posisyon ni Zack sa pamilya.Ngunit sa sandaling ito, tila naubusan na sila ng mga pagpipilian. Kung tatanggi si Mandy kusang lutasin ang gulong ito, hindi na malayo ang mga Zimmer sa pagkalugi."Lolo, huwag kang magtiwala sa kanya! Paano niya malulutas ang ganito kalaking problema? Nag-isyu pa ng legal letter sa atin ang York Enterprise! Natatakot akong baka nakipagsabwatan siya sa York Enterprise muna. Gusto lamang niyang gamitin ang pagkakataong ito para lokohin tayo at ma-kontrol ang mga Zimmer!"Nababahala si Zack. Dati, gustong gusto niyang ibaling ang sisi kay Mandy at gawin siyang responsable para sa kaguluhan. Ngayon, natatakot siya kung talagang sasang-ayon si Senior Zimmer sa kahilingan ni Mandy.Kung sakaling bibigyan si Mandy ng
Read more

Kabanata 233

"Lagot talaga si Mandy sa pagkakataong ito. Paano niya magagawang amuhin ang York Enterprise sa kanyang kakaunting kasanayan? Nagtanong na ako tungkol dito dati. Ang bagong CEO ng York Enterprise ay medyo misteryoso at pinapanatili ang mababang profile. Wala pang nakakita sa kanya."Malamig na banggit ni Quinn. Matapos ang miting ng pamilya, lahat ay nagkalat. Sabay na silang umalis ni Zack."Karaniwan, hindi talaga makakayanan ni Mandy. Ang problema, nasolusyunan niya ang mga problema sa investment dati. Natatakot akong baka may mangyaring hindi inaasahan." Hindi mapigilan ni Zack na mag-alala. "Kung papayagan natin siyang pamahalaan ang company finances, magdudusa tayo sa hinaharap.""Ano ang dapat alalahanin? Maliban kung siya ay natutulog kasama ang CEO ng York Enterprise, hindi ito mangyayari. Tingnan mo siya! Walang kwentang basura ang asawa niya." Masungit na sinabi ni Quinn. "Bakit ang taong mayaman na iyon ay papayag na gumawa ng ganoong bagay? Kahit na hawakan lang siya ay ma
Read more

Kabanata 234

Matapos ang maikling paghinto, huminga nang malalim si Mandy. “Miss Xavier, naiintindihan ko ang mga kundisyon na nabanggit mo, ngunit mangyaring magtiwala ka sa akin. Tiyak na hindi namin ginawa ng mga Zimmers ang alinman sa mga bagay na iyon nang sadya. Ang proyekto sa shopping center na ito ay totoong mahalaga para sa amin.”Sumunod ang panandaliang katahimikan. Biglang ngumiti si Yvonne. “Kung may ibang dumating at humiling nito, tiyak na ilalabas ko ang seguridad sa taong iyon ngayon.”“Ngunit bago ako dumating, espesyal na sinabi sa akin ng CEO na nagustuhan niya ang painting ng 'The Rocky Mountains, Lander's Peak'. Dahil doon, pumayag siyang gawan ka ng ibang pabor. Inaasahan namin na matutunan ng mga Zimmers ang kanilang aralin at hindi na gagawa ng anumang mga problema sa proyektong ito muli.“Kung may isa pang katulad na insidente na magaganap sa hinaharap, natatakot ako na hindi na tutuparin ng CEO ang iyong mga kahilingan.”‘Iyon na ba? Nakakagulat, ang CEO ay talagang nagb
Read more

Kabanata 235

Biglang pumasok si Quinn sa opisina ni Zack, ang mukha nito ang sagisag ng pagkabalisa. Nasira ang makeup niya.“Zack, nasa delikadong sitwasyon tayo! Narinig mo ba?”“Ano ang problema mo?” Kaswal na tanong ni Zack. “Bakit ka nagmamadali?”“Napadaan ako sa legal department ngayon lang. Narinig kong binawi lang ng York Enterprise ang ligal na liham!“ Napatulala si Quinn. ‘Isang gabi lang! Paano nangyari ang isang bagay na ganito kabilis? 'Dito, sumimangot si Zack. “Baka mali ang narinig mo? Ang York Enterprise ay malaking kumpanya. Paano posible na baguhin nila ang kanilang desisyon sa loob ng maikling panahon? Binawi nila ang ligal na liham na inilabas nila noong isang araw lamang? Biro ba ‘to?““Totoo iyon! Ang buong kumpanya ay tinatalakay ito ngayon. Narinig ko rin na ang abugado ay medyo magalang at magiliw sa oras na ito. Siya ay ganap na naiiba mula sa kung gaano siya kaarogante noong dumating siya dati.“ Mukhang takot si Quinn.“Ano?” Naguluhan si Zack at nahulog sa kanyang inu
Read more

Kabanata 236

Bahagyang ngumiti si Senior Zimmer, ngunit tiningnan kahit konti si Zack. Patuloy niya, "Bukod-tangi si Mandy sa mga Zimmer. Dalawang post ang pinagsasabay niya, bilang project manager ng shopping center at finance manager. Mahirap ito para sa kanya. Dahil mabibigat ang mga responsibilidad niya, napagpasyahan kong may dapat tumulong sa kanya.”“Zack. Matapos kong pag-isipan ito, sa palagay ko ay ikaw ang pinakabagay para sa posisyong ito. Mula ngayon, ikaw na ang vice chairman ng mga Zimmer. Dapat kang magsumikap at tulungan si Mandy na ayusin ang lahat ng mga isyu, at magbigay ng kontribusyon sa ating mga Zimmer. Naiintindihan mo ba yun?"Lahat ng mga taong naroroon ay walang magawang nagpalitan ng mga tingin sa isa't isa, at nagulat. Hindi nila naisip na ipo-promote ni Senior Zimmer si Zack sa isang kritikal na sitwasyon.Ang problema, kamakailan lamang ay ilang beses pumalpak si Zack. Idagdag mo pa ang paulit-ulit niyang pagiging pasanin sa mga Zimmer. Dahil sa kanya, maraming be
Read more

Kabanata 237

"Sinabi ni Senior Zimmer na gusto niyang i-share ang mga responsibilidad ko sa isa pang tao, kaya't ginawa niya si Zack na vice chairman ng Zimmer Enterprise." Galit na sinabi ni Mandy. "Sinabi pa niya sa akin na mag-usap kaming dalawa ni Zack kung may mangyari man.""I see." Sumimangot si Harvey. "Hindi ko akalaing ganito kawalang hiya si Senior Zimmer, para pigilan ang kapangyarihan mo sa loob ng pamilya.""Malinaw niyang sinabi na kung magagawa kong ayusin ang mga problema namin, ibibigay niya sakin ng nag-iisang responsibilidad para sa shopping center project at company finances." Tuliro si Mandy, hindi maintindihan kung paano lumala ang sitwasyon sa puntong ito."Simple lang naman." Sabi ni Harvey. "Ayaw niyang magkaroon ka ng masyadong malaking authority sa Zimmer Enterprise. Maaapektuhan nito ang status ni Zack. Pagkatapos ng lahat, para sa kanya, si Zack ang tagapagmana ng mga Zimmer!""Bakit? Hindi ba siya natatakot na baka tumanggi akong tumulong?" Hindi ito matanggap ni
Read more

Kabanata 238

Pagtatapos ng lahat, outsider lamang ang secretary. Kaya lamang niyang magbigay ng ilang mga paalala kay Senior Zimmer sa mga kritikal na sandali. Gayunpaman, kapag nakapagpasya na si Senior Zimmer, walang ordinaryong tao ang kayang baguhin ito.At saka, inisip ni Senior Zimmer na malamang ay hindi gagawa si Mandy anumang kahangalan.Kailangan ni Mandy ng proteksyon mula sa isang pamilyang tulad ng mga Zimmer. Kung malugi ang mga Zimmer, hindi rin siya magkakaroon ng mabuting buhay.Umiling si Senior Zimmer at huminga nang malalim. "Ang pinag-aalala ko talaga ay kung may mga kontribusyon pang maiaambag si Mandy sa paglipas ng panahon.""Isa lang siyang walang silbing babae. Paano kung lumaki nang lumaki ang mga achievements niya, at simulan niyang impluwensyahan ang status ko? Direkta siyang magiging chairman. Kapag nangyari iyon, dapat na ba naming talikuran ang pangalan ng Zimmer at gagamitin na ang apelyido ng mga York?”"Totoo yan. Hindi natin hahayaang isang outsider ang mag-
Read more

Kabanata 239

"Siyempre, asawa ko siya." Sagot ni Mandy."Pero hindi mo pa siya sinama dati?" Nagtatakang tanong ni Angel."Huwag mong masyadong isipin iyon. Handa ka bang dalhin ang boyfriend mo?"Tsk! Mapang-asar na sinabi ni Angel, "Mandy, hindi sa nakikipagtalo ako sa iyo. Kung isasama mo si Harvey, iyang walang kwentang basurang iyan, papahiyain mo lang ang iyong sarili. Baka may matuwa doon sa gathering dahil sa kanya.”"Sino?" Mukhang awkward at cute si Mandy.“Si Nia Howell! Nakalimutan mo na ba siya? Noon sa university, bawat lalaking gusto niya ay may secret crush sa iyo. Lagi siyang nabigo tuwing magtatapat siya sa isang lalaki. Gustong gusto ka niyang sakalin hanggang sa mamatay ka.""Narinig kong maganda ang buhay niya sa South Korea sa mga nakalipas na taon. Para na siyang isang anghel sa ganda pagkatapos ng kanyang plastic surgery. Bumalik siya sa bansa natin dahil sa gathering na ito." Matiyagang pinayuhan ni Angel si Mandy. "Marahil ay pupunta siya para sa iyo! Mandy, mag-inga
Read more

Kabanata 240

"Regalo ito mula sa pinsan mo." Kaswal na sinabi ni Harvey.“Si Kevin? Paano ito naging posible? Hindi bababa sa three hundred thousand dollars ang halaga ng kotseng ito. Bakit niya ito ibibigay sa iyo?" Puno ng paghamak si Angel. 'Gusto ni Harvey na magyabang at magpakitang-gilas. Hindi ko alam kung saan niya nirenta ang kotseng ito. Paanong napaka-walang hiya niya at sinabing regalo ito mula sa iba?''Normal ang pagrenta ng isang mamahaling kotse para magpakitang-gilas sa mga gathering. Ngunit hindi rin siya aware na kailangan niyang umarte nang maayos kung talagang magpapakitang-gilas siya. Bakit siya nakabihis na parang pulubi? Kung sasabihin niya sa mga tao kotse niya ito, walang maniniwala sa kanya.'Ayaw nang magpaliwanag ni Harvey at nagmaneho na lamang. Nagsasabi lamang siya ng totoo, pero walang naniwala sa kanyang mga sinabi.Mabilis niyang minaneho ang Porsche papunta sa Hot Spring Villa sa mga suburb.Sikat ang Hot Spring Villa sa Niumhi. Kilala ang mga bukal doon sa
Read more
PREV
1
...
2223242526
...
492
DMCA.com Protection Status