All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 211 - Chapter 220

4917 Chapters

Kabanata 211

Walang pakeng ngumiti si Harvey, tapos kumuha siya ng bote ng alak sa lamesa at ipinukpok ito sa ulo ng gangster. Napahinto ang gangster at bumagsak sa sahig at di na makatayo. "Itong mokong na ito…" "Oh shit! Mukhang walang-awa ang gag*ng ito!" "Paano nangyari yun? Diba basura siya?" "Di kayo dapat matakot sa kanya! Siguro natutunan niya yan sa mga palabas. Sineswerte lang siya…" Lahat ng mga tauhan ni Covey at nagmumura pero walang naglakas-loob na lumapit. Sa tingin nila, ang live-in son-in-law na ito ay walang kwenta, at hindi mangangahas na labanan sila. Ibang-iba ito sa pagkakaalam nila. Nabigla din si Mandy. Kahit na natalo na ni Harvey si Don ng Zimmer family noon, hindi niya ito gaanong pinansin noon. Atsaka, nagwork-out lang si Don sa loob ng ilang taon. Pero iba ang mga gangster na ito. Matagal na silang nakikipagsapalaran sa lipunan at mahuhusay na sa pakikipaglaban. Hindi niya inakala na madaling mapapatumba ni Harvey ang isa sa kanila. Nabahala si Mandy. H
Read more

Kabanata 212

"Pinadala ito sa akin ng kaibigan ko," paliwanag ni Harvey tapos nagpatuloy siya, "Oo nga pala, pwede nating malaman kung sinong nagpakana nito at makakaalis na tayo nang maayos. Di na mahalaga ang ibang bagay okay?" Tinikom ni Mandy ang kanyang bibig at hindi nagsalita. Kahit na naguluhan siya sa video, gusto lang niyang umalis kasi natatakot siya sa lugar na ito. Nagbago ang mukha ni Covey at sinabi niya makalipas ang isang sandali, "Makikipagkasundo ako sa'yo, pero kailangan ko munang maisguro ang katotohanan sa bagay na ito bago kita pakawalan." Umiling si Harvey at snabi, "Hindi, mananatili ako pero kailangan mo munang pakawalan ang asawa ko. Sasabihin ko sa'yo kapag nakauwi na siya nang ligtas. Mukhang hindi natuwa si Covey at tinitigan si Harvey nang hindi nagsasalita. Walang pakeng sinabi ni Harvey, "Mr. Chad, mananatili ako dito. Nag-aalala ka pa rin ba na di ko sasabihin sa'yo? Atsaka, pwede kang maghintay na sabihin ko sa'yo ang totoo bago mo sabihin sa akin kung
Read more

Kabanata 213

Magalang na naglakad palapit di Tyson kay Harvey, yumuko at sinabi. "Sir, anong gagawin ko sa taong ito?" Tumawa si Covey sa nangyayari. "Nababaliw ka ba Tyson? Tinatawag mo ba siya, isang live-in son-in-law, na Sir? Pareho ang katayuan natin sa Niumhi, di ka ba nahihiya? Alam mo ba na walang kwenta ang taong ito?" Bahagyang tumingin sa taas si Tyson nang hindi ibinababa ang kanyang kamay at ngumisi, "Covey, di no ba naiintindihan? Mukhang medyo tanga siya." Naningkit ang mga mata ni Covey. Kahit na pumunta dito si Tyson kasama ang maraming mga tauhan niya, maglalakas-loob ba siya na kumilos? Kung oo, ginawa na niya sana yun noon pa. Bakit ngayon lang siya kikilos? "Tyson Woods, di mo ako matatakot. May backer ako, at alam mo naman yun! Kapag may nangyari sa akin ngayon, masama din ang kahihinatnan mo. Gusto mo bang mangialam sa mga ginagawa ko?" Nagbanta si Covey. Tunawa si Tyson at di niya ipinaliwanag. May dahilan kung bakit di siya nangangahas na galawin si Covey noon. Da
Read more

Kabanata 214

"Komedyante siya ano? Nakakatawa siya sobra!" "Madali ko siyang mapapatumba sa isang sipa. Ang kapal ng mukha niya na magtapang-tapangan sa harapan ko?!" Walang masabi si Harvey. Dahan-dahang tumingala si Tyson, malamig ang mga mata niya. Seryoso siyang nagtanong, "Sir, kailangan mo bang…" Umiling si Harvey at mahinang sinabi, "Naglakas-loob siya na guluhin ang asawa ko kaya ako na mismo gagawa. Kung hindi, anong klaseng lalaki naman ako?" Naglakad si Harvey palapit kay Covey nang matapos siyang magsalita. Kusang napaatras si Covey at galit na nagmura. "Anong sinusubukan mong gawin?" Ilang mga tauhan ang may hawak ng bakal na tubo at tumayo sa harapan ni Covey, handang lumaban. Nagpatuloy lang sa paglalakad si Harvey. Sumigaw ang mga tauhan ni Covey at inatake siya. Madaling naiwasan ni Harvey ang mga bakal na tubo at pinagulong niya ang ashtray na hawak niya. Bam! Bam! Bam! Lahat sila ay nakahawak sa kanilang ulo o nanghina abg kanilang mga kamay. Mukhang matatangk
Read more

Kabanata 215

Tinakpan ni Covey ang kanyang mukha at kakawa siyang humagulgol habang sumisirit ang dugo mula sa kanyang ilong. Kapag nakita ito ni Zack, manginginig siya dahil tinamaan din siya ni Harvey ng ashtray. Pero hindi niya inakalang babatuhin ni Harvey ng ashtray sa mukha ang isang taong gaya ni Covey. Wala talaga siyang pake sa pagkatao nito. Nagtataka na si Covey kung ang taong nasa harapan niya ay talaga bang ang live-in son-in-law na tumulong sa asawa nitong linisin ang paa nito at tinulungan ang kanyang biyenan na linisin ang inidoro, gaya ng sabi sa usap-usapan. Ang reputasyon ng maalamat na live-in son-in-law na yun ng Zimmer family ay masahol pa sa isang aso, pero paanong ganito siya kalakas? "Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?" Seryosong nag-utos si Harvey. Binato niya ang ashtray at hinawakan sa lalamunan si Covey gamit ng kanyang kaliwang kamay. Namutla ang mukha ni Covey, pero sinabi pa din niya nang paos, "Harvey, may patakaran kami sa aming samahan. Mas mabuting pa
Read more

Kabanata 216

Hindi namalayan ni Covey na nanginginig siya. Hindi siya natatakot kay Tyson, ngunit naramdaman niya na hindi niya dapat bastusin si Harvey. Meron siyang pakiramdam na si Harvey ay isang daang beses na mas nakakatakot kaysa kay Tyson.Sandali siyang nangilabot bago niya sinabi nang seryoso, “Ideya ito ni Zack. Binigyan niya ako ng tatlong daang libong dolyar para gawin ito…”Zack!Siya pala!Napakatahimik ni Harvey. Bagaman nahulaan niya na malamang ay may kinalaman si Zack sa bagay na ito, hindi niya akalain na siya ang pakana sa likod nito. Ang mayamang lalaking iyon ay hindi magaling sa anumang bagay, ngunit siya ay sobrang talino sa paggawa ng mga iskema minsan.Binuksan ni Harvey ang kanyang phone at itinapon ito kay Covey, pagkatapos ay malamig na sinabi, “Sabihin mo nang malinaw at huwag palampasin ni kahit isang salita.”Walang malay na ibinaba ni Covey ang kanyang ulo dahil hindi siya naglakas-loob na tumingin nang diretso kay Harvey. Kung sabagay, siya ang may balak na
Read more

Kabanata 217

Sa bahay ng Zimmer, hindi mapakali si Mandy.Malamig na ngisi ni Lilian, “Anong ikinakabahala mo? Isa lamang siyang walang kwentang manugang. Kahit na siya ay patay na ngayon, ayos lang basta naisiguro niya ang iyong kaligtasan. Sa totoo lang, mas mabuti pang mamatay siya, para hindi mo na kailangang dumaan sa proseso ng pakikipag-divorce.”"Mom, kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakabalik ngayon..." takot na takot si Mandy sa sandaling ito. Kung hindi pa nakaisip si Harvey ng paraan upang makaalis siya, hindi niya maisip kung ano ang mangyayari sa kanya ngayon."E ano ngayon? Bagaman nailigtas ka niya ngayon, ang bagay tungkol sa commerical center ay hindi pa nalulutas. Kung hindi mo malulutas ang pangunahing isyu, ang iyong kaligtasan ay pansamantala lamang! " Si Lilian ay masama, ngunit hindi bobo. Agad niyang itinuro ang pinakabuod ng isyu.Sumang-ayon si Xynthia at sinabi, "Ate, huwag kang mag-alala. Sa tingin ko gawa-gawa lag ni Harvey ang buong sitwasyon. Natatakot siya
Read more

Kabanata 218

Bago pa makapagsalita si Mandy Zimmer, sumabat na si Lilian Yates."Harvey York, maaari ka bang maging makatuwiran man lang kapag sinisisi mo ang iba? Si Covey Chad ay naghahabol sa proyekto ng aming pamilya, ano ang makukuha ni Zack Zimmer kung masisira ang proyekto?" Kinutya ni Lilian si Harvey."Ang kanyang layunin ay palayasin si Mandy sa mga Zimmer." Nakasimangot na sagot ni Harvey.“Nagbibiro ka ba! Kung tinanggal niya si Mandy, sino ang hahawak sa proyekto, hindi ganon kabobo si Zack, bakit niya gagawin iyon sa pinsan niya?""Tumigil ka na sa paninisi, malamang na pakana mo ito upang maiwasan ang hiwalayan, kasuklam-suklam ka!""Pagod na ako sa kagaguhan mo, umalis ka na!"Tumanggi si Lilian na maniwala sa anumang sinabi ni Harvey at sinubukan pa ring sisihin si Harvey sa nangyari."Ang mga Zimmer ay hindi pagbibigyan ang taong may kasuklam-suklam na mga saloobin, kaya umalis ka na. Nagtataka pa rin ako kung bakit ka dinala dito papasok ni Lola Zimmer." Sumali si Xynthia
Read more

Kabanata 219

“Tigilan mo ang pananalita ng kalokohan!”"Narito pa rin ang lolo, mag-ingat ka sa iyong mga salita!""Isipin mo ang iyong mga salita!"Ang karamihan ng mga kamag-anak na sumang-ayon sa plano ni Zack Zimmer ay nagsimulang itaas ang kanilang mga boses, pinapalabas na ang bagay na tulad nito ay hindi dapat mailahad.Alam na alam ni Zack ang ugali ni Senior Zimmer, sineseryoso ni Senior Zimmer ang reputasyon ng mga Zimmers at samakatuwid ay sadya niyang kinausap ang ilan sa mga kamag-anak upang gatungan ang paksa.Malakas ang loob ni Zack sapagkat naisip niya na si Covey Chad ay talagang nakasama si Mandy Zimmer sa kanyang kama."Anong meron? Mukha ba akong nagbibiro? " Sumagot si Quinn Zimmer na may malamig na tono at seryosong mukha.Matapos marinig ang pagtanggi ni Quinn, kahit na ang mga walang kamalayan sa mga plano ni Zack ay nagulat.'Kung hindi siya nagbibiro, nangangahulugan ba itong totoo?'‘Si Mandy Zimmer ay talagang may karelasyon? Nakakahiya naman!'"Quinn, ano ang
Read more

Kabanata 220

"Lolo, kahit na hindi ko makumpirma kung anong nangyari kahapon, ngunit totoo na hindi umuwi si Mandy kagabi." Sinabi ni Zack Zimmer habang nagpapanggap na nag-aalala."Lolo, anuman ang katotohanan, dahil si Mandy ay nagpunta upang makipag-ayos para sa ating proyekto, sa palagay ko hindi namin dapat sisihin..." Patuloy na siniraan ni Zack si Mandy Zimmer.Bam!Itinapon ni Senior Zimmer ang kanyang salamin sa sahig."Wala akong pakialam kung tungkol ito sa ating proyekto o hindi, kung talagang pinahamak niya ang ating pamilya, hindi ko siya papatawarin!" Banta ni Senior Zimmer."Huwag mong sabihin ‘yan, Lo, kahit na may ginawa siyang ganoon, ginawa niya ito para sa atin!""Oo, lolo, dapat nating subukang unawain siya, dahil nahihirapan na siya sa kanyang walang silbing asawa.”“Ptooey! Nagagalit ako kahit pag-usapan lang si Harvey York, nakakahiya na ang mga ganitong uri ng mga bagay na patuloy na nangyayari, marahil ang malas ay dinala ng walang kwentang basurang iyon!”"Sinabi
Read more
PREV
1
...
2021222324
...
492
DMCA.com Protection Status