Tinakpan ni Covey ang kanyang mukha at kakawa siyang humagulgol habang sumisirit ang dugo mula sa kanyang ilong. Kapag nakita ito ni Zack, manginginig siya dahil tinamaan din siya ni Harvey ng ashtray. Pero hindi niya inakalang babatuhin ni Harvey ng ashtray sa mukha ang isang taong gaya ni Covey. Wala talaga siyang pake sa pagkatao nito. Nagtataka na si Covey kung ang taong nasa harapan niya ay talaga bang ang live-in son-in-law na tumulong sa asawa nitong linisin ang paa nito at tinulungan ang kanyang biyenan na linisin ang inidoro, gaya ng sabi sa usap-usapan. Ang reputasyon ng maalamat na live-in son-in-law na yun ng Zimmer family ay masahol pa sa isang aso, pero paanong ganito siya kalakas? "Sino ang nasa likod ng lahat ng ito?" Seryosong nag-utos si Harvey. Binato niya ang ashtray at hinawakan sa lalamunan si Covey gamit ng kanyang kaliwang kamay. Namutla ang mukha ni Covey, pero sinabi pa din niya nang paos, "Harvey, may patakaran kami sa aming samahan. Mas mabuting pa
Hindi namalayan ni Covey na nanginginig siya. Hindi siya natatakot kay Tyson, ngunit naramdaman niya na hindi niya dapat bastusin si Harvey. Meron siyang pakiramdam na si Harvey ay isang daang beses na mas nakakatakot kaysa kay Tyson.Sandali siyang nangilabot bago niya sinabi nang seryoso, “Ideya ito ni Zack. Binigyan niya ako ng tatlong daang libong dolyar para gawin ito…”Zack!Siya pala!Napakatahimik ni Harvey. Bagaman nahulaan niya na malamang ay may kinalaman si Zack sa bagay na ito, hindi niya akalain na siya ang pakana sa likod nito. Ang mayamang lalaking iyon ay hindi magaling sa anumang bagay, ngunit siya ay sobrang talino sa paggawa ng mga iskema minsan.Binuksan ni Harvey ang kanyang phone at itinapon ito kay Covey, pagkatapos ay malamig na sinabi, “Sabihin mo nang malinaw at huwag palampasin ni kahit isang salita.”Walang malay na ibinaba ni Covey ang kanyang ulo dahil hindi siya naglakas-loob na tumingin nang diretso kay Harvey. Kung sabagay, siya ang may balak na
Sa bahay ng Zimmer, hindi mapakali si Mandy.Malamig na ngisi ni Lilian, “Anong ikinakabahala mo? Isa lamang siyang walang kwentang manugang. Kahit na siya ay patay na ngayon, ayos lang basta naisiguro niya ang iyong kaligtasan. Sa totoo lang, mas mabuti pang mamatay siya, para hindi mo na kailangang dumaan sa proseso ng pakikipag-divorce.”"Mom, kung hindi dahil sa kanya, hindi ako makakabalik ngayon..." takot na takot si Mandy sa sandaling ito. Kung hindi pa nakaisip si Harvey ng paraan upang makaalis siya, hindi niya maisip kung ano ang mangyayari sa kanya ngayon."E ano ngayon? Bagaman nailigtas ka niya ngayon, ang bagay tungkol sa commerical center ay hindi pa nalulutas. Kung hindi mo malulutas ang pangunahing isyu, ang iyong kaligtasan ay pansamantala lamang! " Si Lilian ay masama, ngunit hindi bobo. Agad niyang itinuro ang pinakabuod ng isyu.Sumang-ayon si Xynthia at sinabi, "Ate, huwag kang mag-alala. Sa tingin ko gawa-gawa lag ni Harvey ang buong sitwasyon. Natatakot siya
Bago pa makapagsalita si Mandy Zimmer, sumabat na si Lilian Yates."Harvey York, maaari ka bang maging makatuwiran man lang kapag sinisisi mo ang iba? Si Covey Chad ay naghahabol sa proyekto ng aming pamilya, ano ang makukuha ni Zack Zimmer kung masisira ang proyekto?" Kinutya ni Lilian si Harvey."Ang kanyang layunin ay palayasin si Mandy sa mga Zimmer." Nakasimangot na sagot ni Harvey.“Nagbibiro ka ba! Kung tinanggal niya si Mandy, sino ang hahawak sa proyekto, hindi ganon kabobo si Zack, bakit niya gagawin iyon sa pinsan niya?""Tumigil ka na sa paninisi, malamang na pakana mo ito upang maiwasan ang hiwalayan, kasuklam-suklam ka!""Pagod na ako sa kagaguhan mo, umalis ka na!"Tumanggi si Lilian na maniwala sa anumang sinabi ni Harvey at sinubukan pa ring sisihin si Harvey sa nangyari."Ang mga Zimmer ay hindi pagbibigyan ang taong may kasuklam-suklam na mga saloobin, kaya umalis ka na. Nagtataka pa rin ako kung bakit ka dinala dito papasok ni Lola Zimmer." Sumali si Xynthia
“Tigilan mo ang pananalita ng kalokohan!”"Narito pa rin ang lolo, mag-ingat ka sa iyong mga salita!""Isipin mo ang iyong mga salita!"Ang karamihan ng mga kamag-anak na sumang-ayon sa plano ni Zack Zimmer ay nagsimulang itaas ang kanilang mga boses, pinapalabas na ang bagay na tulad nito ay hindi dapat mailahad.Alam na alam ni Zack ang ugali ni Senior Zimmer, sineseryoso ni Senior Zimmer ang reputasyon ng mga Zimmers at samakatuwid ay sadya niyang kinausap ang ilan sa mga kamag-anak upang gatungan ang paksa.Malakas ang loob ni Zack sapagkat naisip niya na si Covey Chad ay talagang nakasama si Mandy Zimmer sa kanyang kama."Anong meron? Mukha ba akong nagbibiro? " Sumagot si Quinn Zimmer na may malamig na tono at seryosong mukha.Matapos marinig ang pagtanggi ni Quinn, kahit na ang mga walang kamalayan sa mga plano ni Zack ay nagulat.'Kung hindi siya nagbibiro, nangangahulugan ba itong totoo?'‘Si Mandy Zimmer ay talagang may karelasyon? Nakakahiya naman!'"Quinn, ano ang
"Lolo, kahit na hindi ko makumpirma kung anong nangyari kahapon, ngunit totoo na hindi umuwi si Mandy kagabi." Sinabi ni Zack Zimmer habang nagpapanggap na nag-aalala."Lolo, anuman ang katotohanan, dahil si Mandy ay nagpunta upang makipag-ayos para sa ating proyekto, sa palagay ko hindi namin dapat sisihin..." Patuloy na siniraan ni Zack si Mandy Zimmer.Bam!Itinapon ni Senior Zimmer ang kanyang salamin sa sahig."Wala akong pakialam kung tungkol ito sa ating proyekto o hindi, kung talagang pinahamak niya ang ating pamilya, hindi ko siya papatawarin!" Banta ni Senior Zimmer."Huwag mong sabihin ‘yan, Lo, kahit na may ginawa siyang ganoon, ginawa niya ito para sa atin!""Oo, lolo, dapat nating subukang unawain siya, dahil nahihirapan na siya sa kanyang walang silbing asawa.”“Ptooey! Nagagalit ako kahit pag-usapan lang si Harvey York, nakakahiya na ang mga ganitong uri ng mga bagay na patuloy na nangyayari, marahil ang malas ay dinala ng walang kwentang basurang iyon!”"Sinabi
"Anong sinusubukan mong sabihin, Quinn Zimmer." Saway ni Mandy Zimmer na kadadanas lang ng paghihirap. Tumingin si Mandy kay Quinn."Sa palagay ko alam mo kung ano ang sinusubukan kong sabihin, hindi ba?" Sagot ni Quinn na nakangisi."Naawa ako sa sa’yo dahil sa walang silbi mong asawa, ngunit sino ang mag-aakala na ikaw ang ganyang klaseng babae.""Narinig kong hindi man lang nahawakan ng iyong asawa ang iyong kamay sa nakaraang tatlong taon, duda ko ito sa una, ngunit ngayon ay medyo kumbinsido ako, dahil meron kang ibang karelasyon!" Kinutya ni Quinn.s‘Karelasyon?'Labis na nagalit si Mandy nang marinig niya ito habang naisip niyang iniinsulto ni Quinn ang kanyang pagiging inosente."Quinn Zimmer, nagsipilyo ka ba kaninang umaga? Ang baho ng mga salita mo! Hindi mo ba alam na ang paninirang puri ay isang krimen? " Galit na sumbat ni Mandy."Wow may isang taong walang sapat na lakas ng loob upang aminin kung ano ang ginawa niya! Sabihin mo sa akin, nalutas mo ba ang isyu ng p
"Mandy Zimmer, mas mabuting sabihin mo sa’kin ang lahat kaagad!" Utos ni Senior Zimmer habang hinahampas ang lamesa.Sa sandaling iyon, sumulyap si Mandy kina Quinn Zimmer at Zack Zimmer, sigurado siyang may nangyari bago siya dumating, malamang na dahil sa ginawa ni Zack, dahil kung hindi ay hindi siya bibigyan malamig na pag-uugali ni Senior Zimmer.Orihinal na pinaghihinalaan niya si Harvey York sa halip na si Zack, ngunit sa paghusga mula sa sitwasyon, tila malamang na si Zack ang nagnanais na i-frame siya."Lolo, nalutas ko na ang problema." Sagot ni Mandy habang naghahabol siya ng hangin, sinusubukang pakalmahin ang sarili."Alam namin na nalutas mo ito, ang nais naming malaman ay paano mo ito nalutas!" Putol ni Quinn."Hindi ka umalis sa bahay ni Covey Chad kagabi ‘di ba? Mandy Zimmer, sasabihin ko sa iyo ito, ayos lang na ayaw mo nang makasama ang iyong walang silbing asawa, ayos lang din kung nais mong makahanap ng iba, ngunit maaari bang huwag mo man lang dungisan ang at