“Wow! Isang Porsche!”Napasigaw sa gulat ang isa sa mga kaklase. Hindi kasing high-end ng isang Porsche ang isang Ferrari, pero napakasikat nito sa masa. Sa iba pa, nasa parehong antas ang Porsche at ang Ferrari.Kumibot si Nia sa inis. Sinabi niya, “Kalunos-lunos na second hand na kotse lang yan. Halos nasa one hundred fifty thousand dollars lamang iyan. Kung ikukumpara sa Ferrari ko, wala iyan. Ang isang Ferrari ay nagkakahalaga ng halos eight hundred thousand dollars!”"Ano? Paanong napakalaki ng pagkakaiba ng dalawa sa presyo?”"Nia, sobrang yaman pala ng asawa mo!"Lalong lumaki ang inggit ng mga kaklase ni Nia sa kanya. Talagang hindi kapani-paniwala ang pagkakaiba ng dalawang kotse. Habang maituring na isang magandang kotse isang Porsche, wala itong sinabi sa isang Ferrari.Ngayong bumalik sa kanya ang atensyon ng lahat, naging kasuklam-suklam si Nia. "Sa totoo lang, hindi ganon kahusay at kagaling ang asawa ko tulad ng iniisip niyo. Noong nililigawan pa lang niya ako, mah
“Sweetheart, klasmeyts mo sila. Para na kayong pamilya. Bakit kailangan mong lubhang makipagtalo sa kanila? Nagmumukha kang makasarili.” Si Jamie na tahimik na nakatayo sa likod ay humakbang upang yakapin si Nia.Kasabay nito ay ang kaniyang paghusga kay Mandy at siya nabalot ng pagtataka. Hindi naman magkalayo ang kagandahan at katawan ni Nia kay Mandy. Ang pinakamahalagang bagay ay marami nang naging karelasyon si Nia, ngunit ang kanyang ugali ay hindi ganoon kaganda.Si Mandy ay pambihira sa usaping kagandahan at disposisyon. Sa kasamaang palad, siya ay naikasal sa isang walang kwentang basura at nagkaroon siya ng asawang naka-live-in sa kanila. Para sa isang namumukod-tanging babaeng katulad niya, isa lamang itong basura.Maayos na nag-park si Harvey at lumakad patungo sa kanila.Ngumiti si Mandy at hinawakan ang kaniyang kamay at ipinakilala sa kanila. “Ito ang aking asawa. Sigurado ako na lahat ay alam na ang kaniyang pangalan, kaya hindi ko na siya kailangang ipakilala pa.
Si Mandy ay natuliro. Kanina ay wala siyang intensyong tingnan si Jamie. Ngayon ay hindi niya mapigilan ang sarili na mapatingin nang ilang beses.Para sa kaniya, lagi niyang inaasam na magkaroon ng asawang pambihira sa itsura at sa mga angking abilidad.Sumulyap si Cecilia kay Harvey at napasinghal.Dati ay sinabi ko kay Mandy na huwag na isama si Harvey. Ngayon, anong nangyari? Siya ay napahiya.’ Ngumiti si Nia at tumayo. “Ladies and gentlemen, patawarin niyo ako. Ang aking asawa ay natutunang tumugtog ng piano noong bata pa lamang siya. Ang kaniyang abilidad ay talagang napakagaling. Nang makita niya ang piano ay hindi niya mapigilan ang sariling hindi tumugtog. Wala siyang intensyong magpakitang-gilas. Sana ay hindi niyo ito mamasamain.”Sinabi ni Nia na wala siyang intensyong magpakitang-gilas at pinakiusapan niya pa ang iba na huwag ito pansinin. Ngunit halata naman na ‘yun mismo ang kaniyang ginagawa ngayon, ang magpakitang-gilas. Halatang nasisiyahan siya sa mga inggit at
“Walang hiya ka, Nia! Kung gusto mo magpasikat, sige magpasikat ka. Walang pipigil sa’yo. Pero bakit kailangan mong magsalita ng ganiyan tungkol kay Mandy? Natutuwa ka ba?” Nagalit si Angel. “Isa itong pagtitipon, hindi isang lugar para magpakitang-gilas ng iyong acting skills!”“Huy! Bakit galit na galit ka? Siguro ay may gusto ka na rin sa Jamie ko? Hindi mo ba matanggap na mayroon akong pambihirang asawa, kaya naman ay naiinggit ka sa akin, hindi ba? Kaya ba hindi mo mapigilan ang iyong sarili at sinubukan akong pigilan?” Nakangising sabi ni Nia. Sinadya niya ring sumandal kay Jamie habang sinasabi ito.“Ikaw…” Nanginginig sa galit si Angel. Halos hindi na siya makahinga nang maayos.Nang makita niya na binubully ang kaniyang best friend, hindi na rin napigilan ni Mandy ang kaniyang sarili. Siya ay humakbang at mabagal na sinabi, “Nia, magklasmeyts tayo. Bukod rito, ang araw na ito ay isang pagtitipon. Bakit kailangang magsalita ka ng mga ganyan?”Tumingin si Nia kay Mandy nang
Nang makita niya na ang kanyang mga klasmeyts ay nagsasalita para sa kaniya, si Nia ay nakaramdam ng kaginhawaan. Kung ang kanyang kasinungalingan ay mabubunyag, talagang siya ay mapapahiya. Mabuti na lamang at walang sinuman ang gustong maniwala sa live-in son-in-law na si Harvey.“Walang kwentang basura, bakit kailangan mong umarte nang ganito? Kung gustong mong tumayo para sa asawa mo, kailangan alam mo rin ang lugar mo. Isa ka lamang na live-in son-in-law. Sinong maniniwala sa iyo?” Seryosong sinambit ni Nia. “Narinig ko na tatlong taon ka nang live-in son-in-law. Lagi mong hinahanda ang tubig para sa iyong mother-in-law upang hugasan ang kanyang mga paa. Ni-paglinis ng kubeta ay kailangan mong gawin. Wala ka ring tyansang mahawakan ang kamay ng iyong asawa. Bakit kailangan mong maging ganyan? Lalaki ka, pero nakakaawa ka. Isang kang kahihiyan sa mga kalalakihan!”“Nia, kailangan mong humingi ng tawad sa aking asawa at sa kaniyang best friend. Kaya namin itong palampasin nang gan
Hinawakan ni Harvey ang piano gamit ang kanyang mga kamay. Binuksan niya ang takip ng piano na may mahinang bang. Pagkatapos nito, iniunat niya ang kanyang mga kamay mahinang pindutin ang mga keys.Kaswal lang siyang nakatayo roon, tinutugtog ang piano gamit ng isang kamay, pero ang kaaya-ayang himig ay nagsimulang umalingawngaw sa paligid ng large hall. Sa bawat paggalaw ng kanyang mga daliri, nagbago ang himig sa pagitan ng mga tono ng kagalakan, kalungkutan, at malalim na tunog...Nagsama ang smooth na music sa isang perpektong ritmo at ang kaswal na paraan ng pagtugtog nito. Habang marami sa mga taong naroroon ay konti lang ang alam sa musika, medyo naramdaman nilang mas mahusay ang paraan ng pagtugtog ni Harvey ng piano kaysa kay Jamie.Lalong naging nakakapangilabot ang facial expression ni Nia. Pakiramdam niya ay labis siyang napahiya. Sa una, nais niyang gamitin ang kanyang balak para maipakita kung gaano kagaling si Jamie. Hindi niya naisip na marunong ding tumugtog ng pian
Ngumiti si Jamie at lumabas ng hall. Hindi nagtagal, nakarating siya sa opisina ni Kane.Si Kane ang tagapagmana ng mga Brooke sa Niumhi, at siya rin ang biological son ng master ng mga Brooke.Isang binata sa kanyang thirties. Medyo gwapo siya, pero mukha ding maputla siya at sakitin. Parehong may mabuti at masamang impluwensya ang mga Brooke. Bagaman wala silang gaanong impluwensya sa mga gangster, walang nangahas na masaktan sila dahil kay Liam.Subalit, wala silang kaalam-alam. Sa mga nagdaang araw, naging subordinate ni Tyson si Liam. Walang alam ang mga Brooke tungkol doon."Tito." Pumasok si Jamie sa opisina at magalang na sinabi iyon."Naparito ka." Pinaglalaruan ni Kane ang magandang mukha ng kanyang babaeng secretary sa oras na iyon. Ngumiti siya.Mabait siya sa kanyang pamangkin. Dahil alam ng pamangkin niya kung paano siya pasiyahin.Mataas ang pagpapahalaga ni Kane sa isang taong tulad ni Jamie, dahil maaaring maging malupit si Jamie sarili niyang mga tao.Sa sanda
Habang kumakain, nagdahilan si Harvey na nais niyang pumunta sa washroom. Pagkatapos ay lumabas siya para tumawag.Kilalang kilala niya ang isang taong tulad ni Nia. Hindi niya tahimik na titiisin ang ganoong uri ng kahihiyan. Kusa pa siyang lumapit sa kanila at pinagbantaan sila. Mamaya, baka may kung anong mangyari.Hindi natatakot sa anumang bagay si Harvey. Pero hindi niya ito teritoryo. Kung may nangyari man kay Mandy, pagsisisihan niya iyon.Hindi siya pamilyar sa mga tao mula sa mga Brooke, pero merong isang tao na kayang pigilan ang mga Brooke, at iyon ay si Liam.Subordinate na ngayon ni Tyson si Liam. Kung hahayaan niyang harapin ni Liam ang isyung iyon, pwede itong i-konsiderang isang pagkakataon para sa kanya na mabayaran ang mga pagkakamaling nagawa niya.Nagkataon lang iyon. Nang umalis na si Harvey sa hall pra tumawag, ilang mga gangster ang pumasok sa hall, habang may sigarilyong nakalawit sa kanilang mga labi.Pagkakita sa kanila, naging mukhang napakasama ni Nia
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor
”Wala nang kwenta ang Foster family ngayon?" “Pabalik na sa Shaddol si Amora Foster?" Hindi makapaniwala si Blaine John.“Natalo si Cedric Lopez, at ngayon hinihiling din niya na magpaliwanag ang John family?" Tinakpan ni Kensley Quinlan ang namumulang bakat ng kamay sa maganda niyang mukha gamit ng kanyang mga kamay at huminga siya ng malalim.“Tama ‘yun.“At kung hindi ako nagkakamali, malaki rin ang kinalaman ni Harvey York sa pag-angat ni Amora sa kapangyarihan.“Malamang nakikipagtulungan siya ngayon sa kanya.“Mahihirapan tayong galawin siya pagkatapos nito…“Young Master John, ikinalulungkot ko na kailangan nating ipagpaliban ang mga plano natin sa kanya pansamantala…“Dapat ba natin itong ipaalam sa mga nakakataas at humingi ng backup?”Nagpakita ng malungkot na ekspresyon si Blaine.“Ipaalam? Paano natin ipapaalam sa kanila ang tungkol dito?“Sasabihin natin sa kanila na dinala natin ang buong pwersa natin dito para lang bugbugin ng live-in son-in-law na ‘yun?
Dumilim ang mukha ni Amora Foster.“At paano kung hindi?”"Hindi siya mamamatay," sagot ni Harvey York.“Pero muling papasok ang sumpa sa kanyang katawan.”“Magiging gulay siya sa buong buhay niya kung ganun ang mangyayari.”"Huwag kang mag-alala. Papalagayin kong bumisita si Castiel Foster tuwing taon.”"Libre ang serbisyo, siyempre. Baka pakainin mo si Castiel para may dahilan kayong magkasama.”"Medyo mapagbigay naman ako."Nagpakita si Amora ng naguguluhang ekspresyon.“Salamat, Master York,” sabi niya nang tahimik.Siya ay isang matalinong tao. Alam niya kung bakit ginagawa lahat ito ni Harvey.Wala nang pagkakataon ang pamilya Foster na labanan si Harvey.Sa huli, si Brayan Foster ay maaari lamang umasa sa kanya kung nais niyang mamuhay ng magandang buhay.Sinasabi nga, hindi naman pinabayaan ni Amora ito.Ang kanyang pag-angat ay masyadong biglaan. Ang natitirang bahagi ng pamilya ay hindi magdadalawang-isip na labanan siya.Ang simpleng galaw ni Harvey ay sapat n