Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 1871 - Chapter 1880

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1871 - Chapter 1880

2513 Chapters

Kabanata 1871

Tumango si Harold nang ibaba niya ang tawag bago niya itinapakan ang gas habang mabilis silang pumunta sa pinangyarihan ng krimen. Gaya ng sinabi kanina ni Gerald kay Ray, hindi si Lord Van Tage ang pumatay, sa halip siya ay isa pang biktima. Base sa kanyang nakuhang impormasyon, si Lord Van Tage ay may nakaharap na nakakakilabot na bagay kasama si Fay at iyon ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay... Noong una pa lang ay alam na ni Gerald na si Lord Van Tage ang susunod na mamamatay, ngunit sa kasamaang-palad ay medyo huli na siya para pigilan ang kanyang kamatayan... Hindi nagtagal ay dumating ang tatlo sa tahanan ni Lord Van Tage... na kilala bilang Elysian Labyrinth. Alam ng mga lokal na ito ang tahanan ni Lord Van Tage at mayroon siyang nakasunod na kulto sa kanya, kaya hindi nakakagulat na maraming tao ang nandoon na mukhang gulat na gulat. Pagkatapos ng lahat, makikita sa ilalim ng isa sa mga beam ng bahay ang walang buhay na katawan ni Lord Van Tage! Para sa kauntin
Read more

Kabanata 1872

"Mula sa natipon kong impormasyon hanggang sa puntong ito, ang pumatay sa kanila ay hindi isang tao, pero siya ay isang galot na multo!" “…Ano? Isang masungit na multo? Sigurado ka ba talaga, Mr. Crawford? Hindi ito isang minor case,” nagdududang sinabi ni Harold. Sa totoo lang, hindi talaga naniniwala si Harold sa mga multo. Gayunpaman, dahil maraming supernatural na mga pangyayaring nagaganap sa harapan ng kanyang mga mata, ano pa ba ang kanyang pagpipilian kundi ang maniwala? “Dahil kinuha mo ako para lutasin ang kaso, magtiwala ka lang sa akin, Mr. Lee. Ipinapangako ko sayo na ako, si Gerald Crawford, ay hindi kailanman nagsisinungaling tungkol sa mga ganitong bagay! Kung hindi ka pa rin naniniwala sa akin, huwag na nating sayangin ang oras ng bawat isa,” sagot ni Gerald nang mabilis siyang tumalikod para umalis. Kung wala silang tiwala sa kanyang judgement, wala na siyang ibang gagawin kung hindi umalis. Agad siyang pinigilan ni Harold na umalis saka siya bumuntong-hinin
Read more

Kabanata 1873

“…Ano… ang ginagawa mo, kuya Gerald…?” naguguluhang tanong ni Ray. “Nililipat ko ang kapangyarihan ko sayo para makakita ka na ng mga multong tulad ko mula ngayon. Pero maging maingat ka sa masasamang espiritu dahil sila ay nakakatakot at mas mabangis kaysa sa inaakala mo. Ngayon pa lang ay ipinapayo ko sayo na patibayin ang iyong kalooban!" paliwanag ni Gerald. Dahil ito ang unang pagkakataon na makakakita si Ray ng isang tunay na masamang espiritu, alam ni Gerald na magiging nakakatakot ang experience na ito para sa kanya. Dahil doon, siniguro niya si Ray na ihanda ang kanyang sarili para hindi matakot ang kanyang disciple at mahihimatay kaagad... “Okay, kuya Gerald! Iingatan ko ang sarili ko!" sagot ni Ray na may determinasyon sa kanyang mga mata. Tumango si Gerald at pinangunahan ang daan papunta sa Elysian Labyrinth... Pagpasok nila doon, mabilis na tinawag ni Gerald ang Astrabyss Sword bago niya sinabing, "Spirit Summoning Spell!" Pagkatapos nito, nagsimula siyang mag
Read more

Kabanata 1874

Sumagot si Gerald nang makita niyang nakatingin si Ray sa masamang espiritu, "Papatayin ko ito para hindi na ito makapagdulot ng anumang pinsala!" Pagkatapos nito ay inilabas ni Gerald ang Phangrottom Talisman... at nang iwinagayway ito sa harap ng masamang espiritu hanggang umungol ito ng malakas! Gayunpaman, habang tumatagal ay humihina ang tunog nito hanggang sa kalaunan ay naging abo na lang ito… Sa sandaling iyon, natalo na ni Gerald ang masamang espiritu! Salamat sa Phangrottom Talisman, hindi na mahirap para kay Gerald na patayin ang espiritu. Napatulala na lamang si Ray dahil sa napakadali para kay Gerald na patayin ang masamang espiritu. Hindi niya inasahan na ang Phangrottom Talisman ay ganoon kalakas! “Hindi kapani-paniwala ang talisman, kuya Gerald!" sigaw ni Ray. “Oo nga. Sa tingin mo, bakit ito tinuturing ng Phangrottom Clan bilang isang bukod-tanging kayamanan?" sagot ni Gerald. Kung kahit ang Phangrottom Clan ay pinahahalagahan nila, walang alinlangan na i
Read more

Kabanata 1875

Ngayong tapos na ang kaso at gising pa rin sila, umuwi sina Gerald at Ray para ilabas sina Juno at Yrsa sa dinner. Dumiretso sila sa isang lokal na night market, nakahanap ang apat ng magandang stall at doon sila umupo. Pagkaupo nila, biglang sumigaw ng malakas si Ray, “Wow! May ganitong lugar pala sa city!" Ngayon lang nakarating si Ray sa ganitong lugar kaya halos wala siyang ideya na may mga ganintong lugar pala sa lungsod. "…Ano? Hindi ka ba nag-aral dito? Anong ginagawa mo sa mga taon na nag-aaral ka sa university kung hindi mo alam ang lugar na ito? Walang kwenta naman ang university life mo!" biro ni Gerald bago siya tumawa. Tumawa si Ray saka napakamot sa likod ng kanyang ulo sa sobrang hiya bago siya sumagot, "Dito mo malalaman na abala ako sa mga tungkulin ko at hindi ako naglalaro!" Bagama't walang kamalay-malay na pinuri ni Ray ang kanyang sarili, napaikot na lang ang mga mata ng tatlo bilang sagot sa kanya. Wala sa kanila ang mananalo laban kay Ray pagdating sa
Read more

Kabanata 1876

Ngayong wala nang mga distractions at halos tapos na sila sa kanilang pagkain, oras na para makapag-usap sila ng seryoso. "Naisip ko na magsimula ng panibagong opisina sa ibang lugar. Kapag naayos na ang mga bagay-bagay, magkakaroon tayo ng sarili nating itinatag na kumpanya na humaharap sa mga psychic matters. Sa ganoong paraan, malalaman ng mga tao kung saan tayo hahanapin kung mayroon silang mga problema tungkol sa mga ganoong bagay,” sagot ni Gerald. Matapos malutas ang misteryo ngayon, napaisip si Gerald kung paano hinarap ng Great Council ang mga usapin sa pagitan ng mga tao sa puntong ito. Kung siya ay nagtatag ng isang kumpanya na expert pagdating paranormal activities, ang mga naghahanap ng tulong ay makakakuha ng mga aktwal na resulta sa halip na manghingi ng tulong sa mga walang kaalam-alam na investigator. Ngayong bukas na ang mga pintuan sa mundo ng mga multo, paniguradong mas maraming insidente ang mangyayari at ito ang nagtulak kay Gerald na gawin ang magandang id
Read more

Kabanata 1877

Maya-maya pa, isang lalaking may peklat na mukha ang lumapit sa babae bago siya ngumisi, "Balak mo bang tumakas, boss?" “…Kuya, maliit lang ang negosyo namin…! Wala kaming pera na maibibigay sayo…!” sagot ng may-ari ng stall na parang nawawalan na siya ng pag-asa. “Manahimik ka!” galit na sinabi ng lalaking may peklat bago siya sinampal sa pisngi! Dahil sa lakas ng pagkakatama nito sa kanya, ang babae ay napaatras ng dalawang hakbang bago siya sumandal sa kanyang kariton para suportahan ang kanyang sarili... “Ma!” sigaw ng anak ng babae habang mabilis itong tumakbo papunta sa kanya para tulungan siyang makatayo. Dahil dito ay tinitigan siya ng masama ng lalaking may peklat bago siya sumigaw, “G*go ka…! Ang lakas ng loob mong manakit ng babae!" “Hmm? Anak mo ba ito, boss? Mukhang maganda siya!" ngumisi ang lalaking may peklat na may malisyosong ngiti sa kanyang mukha habang naglalakad siya papunta sa anak ng may-ari ng stall bago niya ito hinila papunta sa kanyang tagiliran!
Read more

Kabanata 1878

“Gusto mo bang mamatay? Talaga bang gusto mong mangialam sa ginagawa ko? Kilala mo pa ba kung sino ako?!" sabi ng lalaking may peklat habang nakatingin ng masama kay Ray. “Wala akong pakialam! Pakawalan mo sila o dadalhin ko ang Great Council dito!" sabi ni Ray bago niya inilabas ang kanyang celllphone para pagbabantaan ang gangster. Nang marinig iyon, ang lalaking may peklat at ang kanyang mga grupo ay mapanuksong tumawa. Pagkatapos niyang tumawa, ang lalaking may peklat ay biglang nagbiro, "Sa tingin mo ba ay lalapit sila kapag nalaman nilang kami ang kinakalaban mo! Subukan mo silang tawagin! Tingnan natin kung anong mangyayari!" Napahinto si Ray nang marinig niya iyon. Ang mga gangster na ito ay hindi natatakot sa kapangyarihan ng Great Council! Umiling ang lalaking may peklat bago siya sumenyas sa kanyang mga tauhan na habulin si Ray at ito ang nag-udyok kay Ray na umatras... Gayunpaman, bago pa man siya makahakbang paatras at bigla siyang nakaramdam ng mahigpit na tap
Read more

Kabanata 1879

“Hindi pa tayo busog, boss! Bakit hindi natin ipagpatuloy kumain?" sabi ni Gerald. “Oh! Bigyan mo lang ako ng isang minuto at gagawa ako ng maraming pagkain para sa inyong lahat!" mabilis na sinabi ng may-ari ng stall na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Dahil sila ang nagligtas sa kanya, natural lang na kailangan niyang suklian ng kabutihan ang kanilang kabutihan. Dahil doon ay mabilis niyang binuksan muli ang kanyang stall bago siya pumasok sa trabaho... at hindi nagtagal, isang napakalaking plato ng pagkain ang nakahain sa mesa ni Gerald. "Malaki ang pinapasalamat ko tulong niyo, kaya ang lahat ng ito ay treat ko na!" deklara ng may-ari ng stall. Bago pa man makasagot si Gerald o ang mga babae, biglang sumagot si Ray, “Masyado kang mabait, boss! Maliit na bagay lang ito sa amin!" Nang marinig iyon, biglang tumitig ang tatlo kay Ray nang nakataas ang kanilang mga kilay, iniisip na masyadong makapal ang kanyang mukha. “Maliit man o hindi, malaking tulong ito pa rin sa
Read more

Kabanata 1880

Ngayong gabi, may ilang mga tao na misteryosong nawala sa balat ng planeta... Hindi nagtagal, si Gerald ay kasalukuyang umaaligid sa headquarters ng Hoklux Gang... Tulad ng nakita niya kanina, ang Hoklux Gang ay isang grupo ng mga gangsters at ang pinuno ng grupo ay isang masamang tao na kilala sa pangalang Roger. Mula sa mga impormasyon na nakuha ni Gerald, madalas siyang tinatawag sa Great Council para sa ‘coffee talks.’ Habang umiikot siya sa kisame ng headquarters, nakita ni Gerald ang lalaking may peklat na nakaluhod sa harap ng isang nakaupong tao, na parang si Roger, habang sinasabi niya, “Sorry, master...! Mga wala kaming kwenta para matalo ng iba…!” “Mga basura! Basura! Talagang napatumba kayo ng iisang lalaki! Pinahiya mo ang Hoklux Gang sa pagkakataong ito!" ganti ni Roger habang tinititigan ang taong may peklat. Yumuko lamang ang lalaking may peklat nang marinig niya iyon at gayundin ang kanyang mga kasamahan, wala silang lakas ng loob na tumingala sa kanilang pin
Read more
PREV
1
...
186187188189190
...
252
DMCA.com Protection Status