Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Kabanata 1851 - Kabanata 1860

Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1851 - Kabanata 1860

2513 Kabanata

Kabanata 1851

Nang makabalik siya sa totoong mundo, nakaramdam si Gerald ng kapahingahan nang makakuha siya ng bagong karunungan. Ang panunumbalik mula sa puting dimension na iyon ang huling hakbang para makakuha siya ng panibagong knowledge. Nakatingin siya ngayon sa soul bamboo na nasa kanyang harapan, itinaas ni Gerald ang kanyang kamay... at sa isang mabilis na hampas gamit ang gilid ng kanyang kamay, hiniwa niya sa kalahati soul bamboo! Masaya siya na naputol niya ang kanyang unang soul stone at sigurado na si Gerald ngayon kung ano ang ibig sabihin ng unang soul bamboo. Hindi pwedeng umasa ang isang tao sa mabilisang milagro. Ang mga bagay ay kailangang gawin sa wastong pagkakasunud-sunod nito at saka lamang darating ang tagumpay... Dalawang beses na natalo si Gerald sa larong Go, pagkatapos na matutunan ang mga patakaran nang mas mabuti at matapos niyang obserbahan kung paano nangyari ang mga bagay sa board, sunud-sunod, sa huli ay nanalo siya laban sa matandang iyon. Napangiti si Tor
Magbasa pa

Kabanata 1852

Gaya ng inaasahan, mabilis na nawasak ang bamboo at naunawaan na ngayon ni Gerald ang kahulugan ng buhay. Sa madaling salita, ang buhay ng isang tao ay tulad ng apat na panahon dahil ang lahat ay nakaranas ng kapanganakan, pagkakasakit, at sa huli ay kamatayan. Naaayon ito sa seasonal cycle. Marami pang ibang bagay ang mararanasan ng isang tao, ngunit walang sinuman ang tunay na makakapagbago ng kanilang kapalaran sa kanilang life cycle. Si Torme naman ay nakangiti ng malawak matapos mapanood na matagumpay na nabasag ni Gerald ang pangalawang soul bamboo. Hindi siya binigo ng binatang ito! Hindi na hinintay pa ni Gerald na magsalita ng kahit ano si Torme bago niya hinawakan ang pangatlong soul bamboo. Nakasanayan na ni Gerald ang paglilipat ng kanyang kamalayan sa puntong ito, pero siya ay natulala pa rin nang mapagtantong nakatayo sa kanyang harapan ang isang doppelganger! "…Sino ka?" tanong ni Gerald. “Heh! Ako ay ikaw!" sagot ng isa pang Gerald habang pinapakita niya ang
Magbasa pa

Kabanata 1853

Pagkatapos sabihin iyon, ang kanyang inner demon ay nagsimulang sumugod kay Gerald! Eksaktong replika ni Gerald ang inner demon, kaya kapareho niya ang lakas at kakayahan ng totoong Gerald. Napansin rin ito ni Gerald at agad siyang nagsimulang umatras habang iniiwas niya ang mabangis na atake! Sa kasamaang palad, dahil pareho ang kanilang skills at ability, ang leeg ni Gerald ay nahiwa ng kaunti sa pamamagitan ng matalim na talim. Ang dulo ng Astrabyss Sword ay dumampi na lamang sa balat ni Gerald, ngunit dumudugo na ito... Ayaw isipin ni Gerald kung ano ang mangyayari kung natamaan talaga siya ng espada... Ngunit hindi niya hahayaan na patayin siya ng inner demon. Kapag natalo siya sa laban na ito, mawawalan siya ng kontrol sa kanyang katawan magpakailanman! Kaya nang makarating siya sa isang ligtas na distansya, inilabas ni Gerald ang kanyang sariling Astrabyss Sword. “Hah! Susubukan mong mag-counterattack?" ngumisi agad ang inner demon. "Hindi! Ibabaon kita sa kaibutur
Magbasa pa

Kabanata 1854

Dahil doon, matagumpay na nalampasan ni Gerald ang kanyang pangatlong soul bamboo at sa isang mabilis na pag-atake, agad niyang hinati ito sa kalahati! Lumakad palapit si Torme kay Gerald habang nakangiti siya, "Congratulations sa pagpatay sa iyong inner demon, Gerald!" Nagulat si Gerald na alam ni Torme ang tungkol sa laban at naudyukan siyang sabihin, “Sir… Alam mo?” “Oo. Nakita ko ang lahat ng nangyari sa bawat soul bamboo. Alam ko rin kung ano ang ibig sabihin ng bawat soul bamboo dito. Kung nabigo kang patayin ang iyong inner demon, lalamunin ka niya ng buong-buo. Kung mangyayari iyon, sigurado akong alam mo na hindi lamang ang iyong kamalayan ay maitatago sa kaibuturan ng iyong puso, pero ang inner demon mo na rin ang papalit sayo! Mabuti na lang at natalo mo siya! Talagang hindi mo ako binigo!" deklara ni Torme habang nakatingin kay Gerald nang may sattisfied na itsura sa kanyang mukha. Tumango si Gerald at pagkatapos nito ay seryoso ang boses ni Torme habang nagpapatulo
Magbasa pa

Kabanata 1855

Pagkatapos nito ay tumango lang si Gerald bago siya lumabas ng tore... Paglabas niya, nakita niyang umiidlip si Ray habang nakasandal ang kanyang likod sa dingding ng tore! Nag-squat si Gerald sa harapan ni Ray at tinapik niya ang mukha nito habang sinasabi, “Uy, hindi naman ako masyadong matagal doon... Natutulog ka ba talaga doon?” Mabilis na nagising ang gulat na gulat na si Rey at bigla siyang sumigaw, "A-ah! Mr. Crawford! Nakalabas ka na? Matagal na akong naghihintay para sayo!" “... Matagal? Parang kalahating oras lang ako na nandoon,” sagot ni Gerald habang nakataas ang isang kilay. Hindi nagsisinungaling si Ray. Hindi kaya iba ang oras sa tore kumpara sa oras sa totoong mundo...? Kung tutuusin, sabi nga nila, ‘ang isang araw sa langit ay katumbas ng isang taon sa mundo ng mga tao’. Sinong makakapagsabi na hindi rin ganoon ang takbo ng oras sa tore? Malamang ay totoo ito at naramdaman ni Gerald na talagang napakahiwaga nito. “…Nakuha ko na ang passing permit, kaya ta
Magbasa pa

Kabanata 1856

Nagpalitan na lamang ng tingin ang dalawa nang marinig nila iyon. Alam nilang walang maidudulot na maayos sa kanila ang isang eksena, kaya pareho silang sumunod sa pangunguna ng mga ghost soldiers... Sa kalaunan, nakarating sila sa isang space sa loob ng city… Nang makapasok sila, nakita ng dalawa ang isang multong nakasuot ng sandata na nakaupo sa ibabaw ng isang trono, mukha siyag mappagmataas at makapangyarihan... Hindi nila alam na ang multo na iyon ay nagngangalang Yohr God, at siya ang pinuno ng Phantom City. "Your highness! Nahuli namin ang dalawang dayuhang ito sa isang bayan ng ating city!” sabi ng isa sa mga multo na sundalo habang pinapangunahan ng dalawa pa sina Gerald at Ray papunta kay Yohr. Nang marinig iyon, tumayo si Yohr bago niya ipinikit ang kanyang mga mata kay Gerald... Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita si Yohr, “...Napaka-espesyal mo!” “Salamat, pero… sino ka ba…?” kalmadong tinanong ni Gerald. Tumawa ng malakas si Yohr bago niya sinabi, “Hi
Magbasa pa

Kabanata 1857

“…Iwan niyo kami! Kayong lahat!" utos ni Yohr sa kanyang mga sundalo at mabilis naman silang umalis sa kwarto... Nang wala na sila, sinenyasan agad ni Yohr sina Gerald at Ray na maupo bago tumingin kay Gerald at nagtanong, “Ngayon… anong itatawag ko sayo, good sir?” "Ang pangalan ko ay Gerald Crawford!" Tumango si Yohr bago siya tumingin kay Ray at dito naman naudyukan na sumagot si Ray sa kanya, "Ang pangalan ko ay Ray!" “Okay, sige... Masaya akong makilala kayo, Gerald and Ray. Inaamin ko na medyo bastos ako kanina... Pero umaasa ako na huwag niyong isapuso ang mga sinabi ko!" magalang na sinabi ni Yohr habang nakangiti sa kanila.. Nagtaka sila Gerald at Ray nang marinig nila iyon. Napakalaki ng pagbabago ng ugali ni Yohr sa kanila! “…Hindi naman ito minamasama. Gusto lang naming dumaan sa Phantom City dahil may importanteng bagay kaming kailangang asikasuhin sa ibang lugar! Sana ay hayaan mo kaming makadaan!" sagot ni Gerald, ayaw niyang mag-aksaya pa ng oras kaysa sa ki
Magbasa pa

Kabanata 1858

“…Sigurado akong may ibang daanan! Nakatago lang ito!" sabi ni Gerald habang nagsisimula siyang maghanap ng mga paraan upang makatawid sa malawak na karagatan. Ginawa rin ni Ray ang kanyang ginagawa nang makita siya nito. Gayunpaman, kahit na lumipas na ang ilang sandali, hindi pa rin sila nakakahanap ng transportation. Dahil dito ay umupo sila sa tabing-dagat habang umaasa sila na may darating na milagro... “…Mr. Crawford...? Sa tingin mo ba may darating na barko kung maghihintay lang tayo dito…?” sabi ni Ray habang nakatingin sa langit. “Naniniwala ako sa milagro, kaya oo. Sa tingin ko ay may darating na barko,” confident na sinabi ni Gerald. Sa pagtatapos ng kanyang pangungusap, isang mahinang dagundong ang biglang narinig mula sa karagatan... Pagtayo nila, nanlaki ang mata ng dalawa nang makita nilang bumubula ang karagatan at nagsimulang maghiwalay ang mga alon...! Sa loob ng ilang segundo, lumitaw ang isang solido at basang daanan sa ibabaw mismo ng karagatan! Nagt
Magbasa pa

Kabanata 1859

Maraming mga patibong ang nakakalat sa buong lugar dito upang maiwasan na makapasok ang ibang tao… Ilang minuto lang ang lumipas bago tuluyang huminto ang mga arrow... Nang masiguro nilang ligtas na ang lahat, maingat na sumilip ang dalawa sa labas ng pinto... Nakita ni Ray na napakaraming arrows ang nakakalat sa lupa at hindi napigilan ni Ray na mapalunok habang bumubulong, "...Salamat sa Diyos at napakabilis mong nag-react, Mr. Crawford... Kung hindi, paniguradong napakaraming arrows na ang nakatusok sa atin!" “Oo nga… Malakas ang kutob ko na mas maraming patibong pa ang makikita sa loob. Kaya mag-ingat ka at dumikit ka lang sa akin! Huwag kang maglakad kung saan-saan, naiintindihan mo ba ‘yon?" sagot ni Gerald. "Hindi mo ito kailangang sabihin sa akin ng dalawang beses, Mr. Crawford...!" nanginginig na sinabi ni Ray. Magiging maingat pa rin si Ray kahit hindi niya ito sabihin. Hindi niya susubukang lumayo kay Gerald pagkatapos ng nangyari! Ang dalawa ay maingat na nags
Magbasa pa

Kabanata 1860

Makikita ang matinding pagnanasang pumatay sa mga mata ni Leandro nang marinig niya iyon! Sa loob ng ilang segundo, ilang pulgada na ang layo ng palad ni Leandro sa dibdib ni Mr. Bate! Gayunpaman, inasahan na ni Mr. Bates ang atake na ito! Dahil doon, nagsalubong ang kanilang dalawang palad at nagpadala ito ng malalakas na shockwaves na bumalot sa buong lugar! Napakalakas...! Hindi doon tumigil ang dalawa at nagpatuloy lamang sila sa pananakit sa bawat isa! Nagulat sila Juno ay Yrsa nang makita nila ito. Si Mr. Bates ay napakahusay pala sa martial arts! Kung tutuusin, nakapantay niya ang lakas ni Leandro! Gayunpaman, sa totoo lang ay medyo mahirap makita kung sino ang mas makapangyarihan base sa kanilang kasalukuyang laban... Hindi nagtagal pagkatapos maisip iyon ni Juno, nabigo si Mr. Bates na makapag-react sa tamang oras sa isa sa mga atake ni Leandro, kaya nanlaki ang kanyang mga mata nang tumama ang palad ni Leandro sa kanyang dibdib! Mapanlait na nakangiti si Leandro hab
Magbasa pa
PREV
1
...
184185186187188
...
252
DMCA.com Protection Status