Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Kabanata 1831 - Kabanata 1840

Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1831 - Kabanata 1840

2513 Kabanata

Kabanata 1831

Hiss!Biglang sumirit ang higanteng sawa kay Gerald.Pagkatapos nito ay sumugod ang sawa papunta kay Gerald.Mabilis na tumabi si Gerald para makaiwas sa atake."Maghanap kayo ng ibang lugar at magtago kaagad!"Sinamantala ni Gerald ang pagkakataon para sigawan ang kanyang mga kasama.Mabilis na nag-react ang tatlo matapos marinig ang sinabi ni Gerald at nakahanap sila ng puno para magtago sa likod nito.Pagkatapos ng lahat, ang higanteng sawa ay kayang makipaglaban lamang sa isang tao. So, ipaubaya na lang nila ito kay Gerald.Nabigo ang sawa sa unang atake nito, pero hindi ibig sabihin ay susuko na siya sa pag-atake. Tumalikod ito at muling sumugod kay Gerald.Habang gumagalaw ang malaking katawan nito sa lupa, naramdaman nila na parang nagsimulang yumanig ang lupa.Sumugod ang higanteng sawa kay Gerald at itinaas ang ulo nito, sinusubukan niyang saktan ito.Kapag natamaan siya ng sawa, malamang ay mawawalan siya ng malay kahit na hindi siya mamatay ng direkta.Gayunpaman
Magbasa pa

Kabanata 1832

Bilin ni Gerald kay Ray.Nang marinig ni Ray ang kanyang sinabi, tuwang-tuwa siyang naglakad papunta sa higanteng sawa at nag-squat siya para kunin ito.Maya-maya pa, sinimulan na ni Gerald ang apoy at nagsimula na siyang mag-ihaw ng karne ng ahas sa apoy.“Kuya Gerald, sinabi ko naman sayo na hindi simple ang kweba na ito. Napakabaho nito at hindi ko inaasahan na ito ay isang kweba ng ahas!"Napatingin si Ray kay Gerald habang sinasabi niya ito. Pakiramdam niya ay medyo kakaiba ang kweba kanina dahil sa mabahong amoy at tama siya dahil may hayop talaga na nakatira dito.Malamang ay lumabas sa kweba ang natutulog na higanteng sawa para makita sila dahil hindi nila namamalayang ginulo nila ito.Sa huli, namatay pa rin ang higanteng sawa sa kamay ni Gerald at naging pagkain pa nila ito.Ganito talaga ang food chain. Ang kanilang buhay at kamatayan ay itinakda ng Diyos.Malas lang ang higanteng sawa na nakilala niya si Gerald at ang tatlo.Makalipas ang kalahating oras o higit pa
Magbasa pa

Kabanata 1833

Hindi masyadong mahaba ang ilang kilometrong biyahe at dalawang oras lang ang inabot ni Gerald at ng iba pa para matapos ang kanilang paglalakbay.Nang makalabas na sa kagubatan si Gerald at ang kanyang mga kaibigan, lumingon sila at tumingin sa likuran nila.Alam nila sa kanilang mga sarili na nakaalis na sila sa phosphorite area.Mayroong isang malaking bundok na mayaman sa red phosphorite sa likuran nila. Nangangahulugan ito na sila ay lumabas sa phosphorite area."Sa wakas nakalabas na tayo sa phosphorite area!"Napasigaw sa tuwa si Ray nang makita niya ito.Swish! Swish! Swish!Gayunpaman, pagkatapos magsalita ni Ray ay lumabas ang dose-dosenang itim na anino na bumaba mula sa pader na bato sa kanilang paligid.Pinalibutan agad ng maiitim na anino ang apat.Ang mga ito ay walang iba kundi ang mga soul hunters.Nagbago ang mga emosyon sa mukha nina Gerald at Juno nang makita nila ito. Hindi nila inaasahan na mangyayari ang sitwasyong pinakakinatatakutan nila.Totoo pala
Magbasa pa

Kabanata 1834

Nagulat ang lalaking nakabalabal nang maramdaman niya ang aura ni Gerald. Hindi niya inaasahan na gagamitin ni Gerald ang kanyang aura para labanan ang sarili niyang aura. At saka, malakas ang aura niya na nagpapakitang hindi isang ordinaryong tao si Gerald.Gayunpaman, ang ibang mga tao sa paligid ay muntikan nang malagutan ng hininga dahil sa kanilang malalakas na aura.Masyadong malakas ang aura ng dalawang lalaking ito.“Napaka-espesyal mo!”Sa wakas, binawi ng lalaking nakabalabal ang kanyang aura at interesado niyang tiningnan si Gerald.“Heh. Wala ito.”Kalmadong sinabi ni Gerald habang pinapakita niya ang kanyang walang pakialam sa mukha."Ano ang rason mo sa pagpunta dito?"Patuloy na tanong ng lalaking nakabalabal kay Gerald."Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo na nandito lang kami para magbakasyon?"Sinagot ni Gerald ang tanong ng lalaking nakabalabal nang hindi nagpapakita ng kababaang loob.“Ha! Ha! Ha!”Tumawa ang lalaking nakabalabal nang marinig niya an
Magbasa pa

Kabanata 1835

“Huwag kang mag-alala. Makikita natin kung anong kalalabasan nito. Subukan niyo munang humanap ng pagkakataon para makatakas. Ako nang bahala sa kanila!”Napatingin si Gerald kay Juno at sa dalawa pa para paalalahanan sila.Tumango sila sa kanilang suggestion.“Gerald, hindi mahina ang pinuno ng mga soul hunters. Kailangan mong mag-ingat.”Paalala ulit ni Juno kay Gerald.Alam rin ito ni Gerald. Base sa naunang laban nila ng lalaki, alam ni Gerald na makapangyarihan ang lalaking iyon. Isa siyang problema pero hindi ibig sabihin siya kayang labanan ni Gerald.“Oo. Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako!"Tumingin si Gerald kay Juno at tumango.Ang lalaking nakabalabal ay pupunta sa Phangrottom Clan. Kaya naman hindi hahayaan ni Gerald na makuha niya ang gusto niya nang napakadali, lalo na't hindi sila papayag na magkaroon ng kakayahang kontrolin ang mga multo.Hindi nagtagal, nakarating sila sa gilid ng isang canyon.Mayroon lamang isang tulay na gawa sa kahoy para tumawid dito
Magbasa pa

Kabanata 1836

Napansin ni Juno ang ekspresyon ni Gerald at nag-aalala siyang nagtanong.“Nag-aalala lang ako na baka hindi magiging madali na tumawid sa tulay. Masama talaga ang kutob ko!"Seryoso ang mukha ni Gerald nang sabihin niya ito.Tumingin sa paligid si Juno ngunit wala siyang nakitang kakaiba."Hindi kaya masyado ka lang nag-iingat?"Naghihinalang tinanong ni Juno.Napailing si Gerald.“Hindi maaari. Hindi ako masyadong nag-iingat. Malakas lang talaga ang kutob ko!"Boom!Pagkasabi pa lang ni Gerald ay isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong canyon.Mabilis na napatingin ang mga tao sa kaliwang bahagi ng canyon, mula sa direksyon na pinanggalingan ng tunog.Madilim ang buong canyon kaya hindi malinaw sa kanila ang sitwasyon. Bukod pa dito, madilim na rin ang langit na may namumuong itim na ulap sa kalangitan. Hindi ito isang magandang senyales.Sa sumunod na segundo, may nangyari na ikinagulat ng lahat.Naparaming mga insekto ang lumipad mula sa kaliwang bahagi ng
Magbasa pa

Kabanata 1837

Snap!Isang malutong nabasag na tunog ang narinig at ang kahoy na tulay ay walang awang nasira!Sa isang iglap, nahulog ang lahat sa malalim na bangin ng canyon.Napakaraming hiyawan ang narinig mula sa hiyawan. Matagal na umalingawngaw ang tunog na ito bago ito tuluyang nawala.Sa pagkakataong iyon, nahulog si Gerald at ang kanyang mga kaibigan sa ilog ng canyon.Sa kabutihang palad, hindi lupa ang ilalim ng lupa ngunit isa itong ilog. Kung hindi, sila ay nahulog hanggang sa kanilang kamatayan.Gayunpaman, ang tubig ng ilog na ito ay napakalamig.Mabilis na hinanap ni Gerald si Juno at ang iba pa at dinala niya ang bawat isa sa tabing ilog.Tuluyan na nawalan ng malay si Ray, siguro dahil sa sobrang takot.Matapos ang isang mahirap na paglalangoy, sa wakas ay kinaladkad nina Gerald, Juno, at Yrsa si Ray sa tabing ilog.Kasalukuyang nakahiga ang apat sa tabing ilog.Mabilis na nag-react si Gerald matapos niyang mahabol ang kanyang hininga.“Bilisan niyo! Hindi tayo dapat na
Magbasa pa

Kabanata 1838

“Hindi ko alam. Ang mga insektong iyon ay hindi simple tulad ng inaakala ng iba. Kumakain sila ng tao. Nakita niyo naman na naging buto na lang ang mga soul hunters matapos silang salakayin ng mga iyon!"Sabi ni Gerald habang iniisip niya ang nangyari kanina.Kinilabutan si Juno at ang dalawa pa nang sabihin ito ni Gerald.Hindi maikakaila na talagang nakakatakot ang kanilang nakita kanina.Ang isang buhay na tao ay naging isang tumpok ng mga puting buto matapos itong salakayin ng mga insekto.Sa kabutihang palad, nakaalis na sila sa panganib na iyon.Sa sandaling iyon ay nagkamalay na rin si Ray."Ray, gising ka na pala."Tumingin si Gerald kay Ray nang makita niyang gising na ito."Kuya Gerald, Miss Zorn, patay… patay na ba tayo?"Naguguluhang tinanong ni Ray habang nakatingin kina Gerald at Juno.Smack!Hinampas ni Gerald si Ray sa kanyang batok nang marinig niya ang kalokohang pinagsasabi nito.“Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?! Buhay tayong lahat! Ayusin mo nga ang
Magbasa pa

Kabanata 1839

Umalis ulit silang apat. Ang daan na tinahak nila ay itinuturing na madali dahil ito ay patag na lupa, kaya wala silang makakasalubong na panganib.Malayo-layo na pala ang nilakad nilang apat nang hindi nila ito namamalayan. Dumaan sila sa dalawang burol at nakarating pa sila sa isa pang burol.Nang makitang dumidilim na ang langit, naghanap si Gerald at ang kanyang mga kaibigan ng lugar kung saan pwede silnag magpahinga.Sa sandaling iyon, isang liwanag ang nakakuha ng atensyon nila.“Kuya Gerald, tingnan mo! May bahay!"Matalim ang mga mata ni Ray kaya nakita niya ito kaagad at mabilis niyang pinaalam ito kay Gerald.Napatingin si Gerald at ang mga babae sa direksyon kung saan siya nakaturo. Tama ang kanyang sinabi nang makita niya ang isang bahay na may usok na lumalabas sa chimney.Nagulat silang lahat nang makita ito. Hindi nila akalain na may nakatira sa malalim na kagubatan. Ito ay medyo hindi kapani-paniwala.Walang pag-aalinlangan na naglakad sila patungo sa bahay, na
Magbasa pa

Kabanata 1840

"Bates."Sinabi lang ng matanda sa kanila ang kanyang apelyido.“Nice to meet you, Mr. Bates. Ako si Gerald Crawford. Salamat sa pagpapatira sa amin sa iyong bahay ngayong gabi!”Mabilis na binati at nagpasalamat si Gerald sa matanda.“Anong ginagawa niyo dito?”Napatingin si Mr. Bates sa kanilang apat habang nagtatanong.Nagulat si Gerald at ang tatlo pa sa tanong niya.“Hehe. Mr. Bates, pumunta kami dito para lang libangin ang sarili namin, pero naligaw kami ng landas."Nakangiting pinaliwanag ni Gerald kay Mr. Bates.“Nililibang? Binata, mukhang ginagawa mo akong tanga.”Nag-alinlangan si Mr. Bates at pinayuhan niya si Gerald.Mas nagulat si Gerald at ang tatlo nang marnig ito. Hindi nila inaasahan na malalaman talaga ni Mr. Bates na may tinatago sila."Mr. Bates, bakit ka…”Tanong ni Gerald na kunwaring nakatingin kay Mr. Bates na may pagdududa."Binata, nabuhay ako sa kalahati ng aking buhay. Hindi ka pwedeng magsinungaling sa akin. Hindi ka nandito bilang isang turi
Magbasa pa
PREV
1
...
182183184185186
...
252
DMCA.com Protection Status