Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 1811 - Chapter 1820

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1811 - Chapter 1820

2513 Chapters

Kabanata 1811

Gabi na nang nag-desisyon silang tatlo na bumalik sa kani-kanilang tent para matulog. Dahil sa kaninang insidente tungkol sa baboy-ramo, silang tatlo ay natulog sa iisang tent. Madadagdagan ang posibilidad na maramdaman nila ang panganib at matutulungan nila ang isa't isa kung sila ay inaatake. Sa kabutihang palad, tahimik ang lahat nang gabing iyon at maagang nagising ang tatlo pagsapit ng umaga. Umalis si Gerald sa tent at tumayo siya, napagtanto niya na marami nang mga ibon na nagpipista sa bangkay ng baboy-ramo at karamihan sa kanila ay mga agila at vultures. Hindi sila pinansin ni Gerald, at sa halip ay sinimulan niyang mag-impake. Bandang nine na ng umaga nang tumayo silang tatlo at handa nang magpatuloy sa kanilang paglalakbay sa kailaliman ng kagubatan… Ayon sa mapa ni Old Flint, ang paglalakad sa phosphorite mountain area ay makakatulong sa kanila na magawa ang kanilang pangalawang hakbang. Ang bagay na iyon ay mas madaling sabihin kaysa gawin. Ang phosphorite moun
Read more

Kabanata 1812

Parehong nagulat sina Gerald at Juno tulad ng naging reaksyon ni Ray. Kung tutuusin, sinong nasa tamang pag-iisip ang mabubuhay sa gitna ng kagubatan? Nakakapagtaka talaga ito. Huminto ng saglit si Gerald bago niya sinabi, “…Dahil may nakatira rito, tanungin na lang natin sila kung alam nila kung gaano pa katagal ang lalakarin natin!” Tumango ang dalawa at nagsimula silang sumunod sa pangunguna ni Gerald habang naglalakad sila patungo sa bahay... Gayunpaman, mabilis silang napaatras papunta sa mga bushes nang mapagtanto nilang may ilang Soul Hunter na naglalakad din papunta sa bahay na iyon! Pagkatapos kumatok sa pinto, binuksan ito ng mukhang may-ari ng bahay... at bago pa man siya makapag-react, agad na pumasok ang Soul Hunters! Naging nakakatakot ang pakiramdam sa paligid pagkatapos nito! Maririnig ang nakakatakot na hiyawan sa lugar na iyon, mabilis na nagpalitan ng tingin si Gerald at ang iba pa. Pumunta ang Soul Hunters doon para patayin ang pamilyang iyon... Napakasa
Read more

Kabanata 1813

Ang mga iyak niya ay lalong nagpasakit sa puso ni Juno. Napailing na lang si Gerald habang dahan-dahang lumabas ng kwarto... Paglabas niya, sumenyas si Gerald na lumapit si Ray na kasalukuyang nagtatago. Nang makita iyon, mabilis na pumunta sa bahay si Ray... Ngunit nang makita niya mga bangkay at dugo sa loob, agad siyang tumakbo palabas para isuka ang laman ng kanyang kalamnan! Nagulat talaga siya dahil ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng mga sariwang bangkay... Hindi masisisi ni Gerald si Ray sa kanyang reaksyon. Kung tutuusin, wala na siyang pakialam sa mga patay dahil sanay na siyang makakita ng mga bangkay sa puntong ito. Kaya ito ay magsasadyang ‘awakening moment’ para kay Ray dahil marami pa siyang makikitang bangkay sa hinaharap. Lumipas ang ilang sandali nang sa wakas ay nag-ipon ng lakas ng loob si Rey na muling tingnan ang mga bangkay. Nang masiguro ni Gerald na maayos na siya, ang dalawa ay nagsimulang magtrabaho sa paglibing ng mga bangkay. Hiwalay nilan
Read more

Kabanata 1814

Nakita ni Gerald ang pagiging seryoso sa mga mata ni Juno at alam niya na gusto niyang tulungan ang dalagang ito. Dahil dito ay sinabi niya, “…Okay sige!” Hindi maintindihan ni Ray kung ano ang nangyayari sa dalawa, kaya ang magagawa niya lang ay ipagpatuloy ang pagtingin sa kanila sa kakaibang paraan... Si Gerald ay nagsimulang maglakad patungo sa dalaga... bago niya maingat na inilagay ang isang daliri sa kanyang noo. Nang dumapo ang kanyang daliri, isang maliit na globo ng liwanag ang lumabas mula sa noo ng dalaga... Pagkatapos ay nagsimulang umikot ang orb sa ulo ng babae... Dahan-dahan ito sa simula hanggang naging mabilis... ng pabilis ito... hanggang sa kalaunan ay tuluyan na itong nawala. Nalito si Ray sa pangyayari kaya hindi niya maiwasang magtanong, “…Anong ginawa mo, master…?” "Inalis niya lang ang memory niya… Maraming memory rin ang nawala sa kanya... Mas mabuti ito para sa kanya sa katagalan hangga't makakalimutan niya ang lahat ng nangyari ngayon..." paliwanag
Read more

Kabanata 1815

Iba talaga ang pamamaraan ng memory erasure... Tumingin si Gerald kay Ray bago siya nag-utos, "...Tingnan mo kung may makikita kang anumang mga libro o ID card na pag-aari niya." "Roger that!" sagot ni Ray habang sinisimulan niyang maghanap sa paligid ng bahay. Hindi nagtagal ay nakahanap si Ray ng librong may nakasulat na pangalan... Ibinigay niya ang libro kay Gerald bago sinabi ni Ray, "Master, mukhang ito ang kanyang pangalan! Yrsa ang kanyang pangalan!" Kinuha niya ang libro mula kay Ray, tiningnan niya ito bago ibinigay sa babae at sinabing, “...Mukhang Yrsa ang pangalan mo!” Hawak ng babae ang libro at hindi napigilan ng dalaga na kumunot ang kanyang mga kilay, isang malinaw na indikasyon na hindi pamilyar sa kanya ang librong ito. Naiinis na si Yrsa nang bigla siyang umiling at sumagot, "...Hindi ko talaga matandaan kung iyon ang pangalan ko..." “Huwag kang mag-alala, sigurado akong babalik ang memory mo balang araw…” pag-aaliw ni Juno. "Sana nga... Pero sino
Read more

Kabanata 1816

Sumagot ang Soul Hunter nang marinig niya ang katanungan ng kanilang lider, “Anim sila, sir! Wala ni isa sa kanila ang kaya naming kontakin!" Pumangit ang itsura ng lalaking nakabalabal nang marinig niya iyon. May nakakakilabot na nangyari para mawalan sila ng kontak sa anim na kalalakihan...! "Kailan sila huling nakontak?" tanong ng lalaking nakabalabal. "Base sa impormasyong nakuha namin, huli silang narinig noong malapit sila sa daanan ng bundok!" "Naiintindihan ko. Utusan niyo ang ilang kalalakihan na pumunta kaagad doon. Kailangang matagpuan ang seventh squad, kahit pa patay o buhay pa sila!" bilin ng lalaking nakabalabal. "Masusunod!" sigaw ng Soul Hunter habang naglalakad siya para gawin ang inutos sa kanya. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalam na pinatay na pala nila Gerald at Juno ang anim na lalaking iyon... Paniguradong sasabog sa sobrang galit ang lalaking nakabalabal kapag nalaman niya ito... Karapatdapat lamang ang nangyari sa anim na Soul Hunters dahil sa k
Read more

Kabanata 1817

“Makinig kang mabuti at ipasa mo sa iba ang aking utos! Kailangang maging armado ang lahat ng mga tauhan sa lahat ng pagkakataon! Magtipon kayo ng ilang purple Soul Hunters para tugisin ang tatlong iyon! Gusto ko silang patayin!" sigaw ng lalaking nakabalabal makalipas ang ilang sandali. "Masusunod, pinuno!" sigaw ng iba pang Soul Hunters habang nakataas ang kanilang mga kamao. Walang kaalam-alam si Gerald at ang iba pa kung gaano kalaki ang panganib na paparatingin nila sa lalong madaling panahon... Hindi nagtagal bago binalot ng dilim ng gabi ang kalangitan... Sa puntong iyon, si Gerald at ang kanyang grupo ay nagtayo ng camp sa ilalim ng isang malaking puno at iniihaw na ang natitirang karne sa apoy na sinimulan nila. Abala si Ray kay Yrsa, mas pinili ni Juno na manatili sa tabi ni Gerald. Nanahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali nang biglang huminga ng malalim si Gerald bago niya sinabing, “...Pakinggan mo ako, Juno, may idea ako!” Nakataas ang isang kilay ni Ju
Read more

Kabanata 1818

“Sige, makinig kang mabuti... Hindi lang mga tao ang naninirahan sa planetang ito... Mayroon ding mga kaluluwa at multo! Bilang mga cultivator, kami ni Miss Zorn ang may tungkuling panatilihin ang justice at balance sa pagitan ng dalawang mundo!" paliwanag ni Gerald at talagang ikinagulat ito ni Yrsa. May mga hindi kapani-paniwalang tao na kayang harapin ang mga multo... Matapos mag-isip ng ilang sandali, lumingon siya kay Ray bago siya nagtanong, "... Ganoon rin ba si Ray...?" Tumawa si Gerald bago siya sumagot, “Kakasali lang ni Ray sa team namin, at siya ang aking disciple! Speaking of disciple, sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito para sa isang dahilan. Yrsa, gusto mo bang maging disciple ni Miss Zorn para maging isang cultivator? Desisyon mo ito at hindi ka namin pipilitin kung ayaw mong sumama! So, anong masasabi mo, Yrsa?” “Paano ako tatanggi, kuya Gerald? Kayong tatlo ang nagligtas sa buhay ko! Kaya sobra akong sumasang-ayon sa pagiging alagad ni Miss Zorn! Magiging mah
Read more

Kabanata 1819

"Kayong mga Soul Hunter ay hindi marunong kung kailan kayo dapat sumuko, hindi ba?" galit na sinabi ni Gerald habang nakatitig sa kanila. "Tumahimik ka! Marami ka nang pinatay sa aming organization, hindi ba! Kailangan mong magbayad para dito kung ito ang huling bagay na dapat kong gawin!" sigaw ng leader ng grupo habang galit na nakaturo kay Gerald. Isang segundo lang pagkatapos niyang magsalita nang magsimulang sumugod kay Gerald ang apat pang Soul Hunters! Sa sobrang bilis ng mga purple Soul Hunters, nalaman agad ni Gerald na ibang level sila kumpara sa black Soul Hunters. Bukod sa kanilang bilis, makikita na napakalakas rin nila. Siguradong galit na galit ang leader ng organization para ipadala niya ang napakaraming pinakamagaling niyang tauhan para patayin si Gerald. Hindi nagtagal bago singugod ng limang Soul Hunter si Gerald mula sa lahat ng direksyon gamit ang iba’t ibang mga techniques. Kahit papaano ay natutuwa siya na pinili ng lahat na atakihin siya imbes na sundan
Read more

Kabanata 1820

Sumagot si Gerald matapos marinig ang suggestion ni Juno, “Sige. Gawin natin iyon!" Kapag sinimulan nilang itago ang kanilang mga tracks, mababawasan ang pagkakataong mahanap sila muli ng Soul Hunters. Ayaw rin ni Gerald na mahuli siya sa bawat araw na lumilipas... Habang iniisip niya kung paano nila pagkakatakpan ang kanilang mga tracks, may biglang pumasok sa isip ni Gerald. Inilabas ang mapa na ibinigay sa kanya ni Old Flint, tinitigan niya ito ng saglit bago itinuro ang isang bayan sa mapa at sinabing, “...Pumunta tayo dito. Medyo matatagalan ang byahe natin, pero kahit papaano ay ma-bypass natin ang phosphorite area. Makakakuha din tayo ng supply doon dahil ito ay isang bayan!" "Masusunod!" sagot ni Juno nang walang pag-aalinlangan. Dahil ito na ang kanilang desisyon, binago ng grupo ng apat ang kanilang ruta at nagsimulang pumunta sa bayan na makikita sa mapa... Ang bayan ay kilala bilang Town of Five Elements at pinangalanan ito sa ganoong paraan dahil sa geographica
Read more
PREV
1
...
180181182183184
...
252
DMCA.com Protection Status