Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 1801 - Chapter 1810

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1801 - Chapter 1810

2513 Chapters

Kabanata 1801

“…Manatili kayong dalawa dito. Pupunta ako doon para tingnan ito!" bilin ni Gerald habang bumabangon siya at kinuha ang kanyang baso na walang laman bago siya naglakad patungo sa direksyon kung saan nakaupo ang apat na lalaki. Dahil self-service ang pag-refill ng inumin ng mga customer sa lugar na ito, normal lang para kay Gerald na kumuha ng mas maraming tubig para sa kanyang sarili. Gayunpaman, habang naglalakad siya ay siniguro niyang ‘aksidenteng’ malaglag ang kanyang baso sa tabi mismo ng mesa ng apat na lalaki! Nakita niyang hindi niya sinasadyang tumalsik ang ilang tubig sa ilan sa mga pantalon ng mga lalaki, kaya mabilis niyang kinuha ang baso habang nanghihingi ng paumanhin na sinabi, "I-I'm sorry!" Kinuha lang ng isa sa mga lalaki ang baso ni Gerald bago niya ito ibinalik sa kanya sabay sabing, “Okay lang, maging maingat ka sa susunod!" “O-Oo!” sagot ni Gerald nang mapansin ang tattoo sa pulso ng lalaki habang binabawi ang kanyang baso. Pagkatapos nito ay nagmamadal
Read more

Kabanata 1802

Nakatago si Gerald at lihim na sinusubaybayan ang lahat ng ito, ngunit nagulat siya nang makita niya ito. Ang lalaking nakabalabal ang pinuno ng Soul Hunter... Dahil nandoon ang kanilang pinuno, masasabi na ito ay isang malaking misyon. Sa madaling salita, posibleng marami pang Soul Hunter ang nakapalibot sa paligid... Naputol ang pag-iisip ni Gerald nang tanungin ng nakabalabal na lalaki ang kanyang mga nasasakupan sa malamig na pamamaraan, "Wala pang nakakaalam sa inyong tunay na pagkatao, tama?" "Huwag kang mag-alala, leader, itinago namin ng mabuti ang aming pagkatao!" sagot ng isa sa mga Soul Hunter. “Mabuti naman. Kailangan niyong pumunta sa phosphorite mountain area sa madaling araw. Pupunta ako doon mamayang gabi. Isa pa, huwag niyong hayaan na madiskubre kayo ng ibang tao!" bilin ng lalaking nakabalabal. "Naiintindihan, leader!" sabay-sabay na sumagot ang apat na Soul Hunters. Pagkatapos nilang sabihin ito, ang lalaking nakabalabal ay tumalon ng mataas at naglaho s
Read more

Kabanata 1803

“...Anong kapangyarihan... Anong klaseng halimaw ka?! Wala kaming ginawang masama sayo! Anong dahilan mo para patayin kami?!" tanong ng isa sa mga Soul Hunter. Tama siya kung tutuusin. Bigla na lang silang inatake ni Gerald! Nagtataka sila sa pangyayaring ito. “Hah! Wala akong kailangang ipaliwanag!" sagot ni Gerald habang isinasaalang-alang pa nila ang posibilidad na sabihin niya sa kanila ang kanyang motibo o ang kanyang pagkatao. Imposible na mangyari iyon! Dahil dito ay gumawa ng move si Gerald... at sa isang kisap-mata, ang tatlong natitirang Soul Hunters ay tuluyan nang nawalan ng buhay. Hindi man lang nila nalaman kung sino talaga si Gerald bago sila mamatay... Ngayong patay na silang apat, sinimulan ni Gerald ang paghahanap sa kanilang mga katawan... Sa kalaunan ay nakakita siya ng apat na Soul Hunter token. Tulad ng sinasabi ng pangalan nito, ang mga token na ito ay kumakatawan sa kanilang katayuan bilang Soul Hunters at ang sinumang tatanggapin sa organisasyon ay ma
Read more

Kabanata 1804

Matapos umorder ng kanilang pagkain, hindi napigilan ni Ray na bumulong, “Nakita ba ninyong dalawa ang lahat ng phosphorite na iyon sa labas? Napakamahal!” “Base sa narinig ko, binebenta sila ng mga lokal para kumita ng extra. Ang isa pang nakakatuwang bagay na nakita ko ay ang phosphorite ay walang limitasyon. Kapag hinukay ang isang lugar, mas maraming phosphorite ang lilitaw pagkaraan ng ilang oras! Napaka-magical nito,” paliwanag ni Gerald. “Tama! Walang alinlangan na yayaman tayo kung aasa tayo sa walang hanggan na phosporite!” sabi ni Ray. Napailing na lamang sina Gerald at Juno nang marinig nila iyon. Mukhang pera lang ang nasa isip ni Ray. “Hayaan mong ipaalala ko sayo na isa kang outsider, Ray. Kung kukunin mo ang phosphorite, malamang bubugbugin ka ng mga lokal sa lalong madaling panahon!" sagot ni Gerald. Ang mga lokal ang may-ari ng phosphorite at ginamit nila ito para makakuha sila ng kayamanan, malamang ay hindi nila hahayaan na kunin iyon sa kanila ng libre!
Read more

Kabanata 1805

"Nandito lang kami para sa maliit na bagay, mister!" nakangiting sinabi ni Gerald habang tumatayo nang makita niya si Juno na sumenyas at tulungan siya. Tiningnan lang ng Soul Hunter si Gerald habang nakasimangot siya bago siya mayabang na sumagot, “Sino ka? Hindi mo ba nakikita na kausap ko siya? Sa tingin mo ba ay may kinalaman sayo ang lahat ng ito?" Sumimangot si Gerald nang makita niya ito... at huli na nang makita ng Soul Hunter na lumilipad na siya pabalik mula sa palm attack force ni Gerald! Nang makita iyon, agad na bumangon ang iba pang Soul Hunters at nilabas nila ang kanilang mga dagger habang nakatingin sila ng masama kay Gerald. Hindi nila inasahan na aatake si Gerald sa kanila. Hindi nila inasahan na magiging ganito rin siya kalakas. "Hindi sila mga ordinaryong tao! Malamang ay may dahilan sila kung bakit sila nandito! Kunin niyo sila!" sabi ng isa sa mga Soul Hunter. Nang marinig iyon, ang iba pang Soul Hunters ay mabilis na tumakbo patungo kay Gerald at sa
Read more

Kabanata 1806

Nang marinig iyon, ang lalaking nakabalabal ay tumayo rin bago siya nagtanong, "Anong impormasyon ang nakuha niyo tungkol sa kanila?" Ang mga Soul Hunter na naroon sa kaninang eksena ay sumagot, "Wala kami masyadong nakuhang impormasyon tungkol sa kanila, pero may kutob kami na nandito sila para sa token ng Demonic Blood!" “Hmm... Maging mapagmasid kayo sa kanila mula ngayon. Mag-report agad kayo kung nakita niyo muli sila! Kung susubukan nila tayong pigilan, patayin niyo sila!" utos ng lalaking nakabalabal. "Masusunod, pinuno!" sabay-sabay na sumigaw ang mga soul hunters bago sila umalis ng tent... Pagsapit ng gabi, si Gerald at ang kanyang grupo ay makikita na nag-aayos ng kanilang mga tent pagkatapos makahanap ng patag na lupa. Pagkatapos nito ay nagsindi sila ng campfire at umupo sa paligid nito. Pagkaraan ng ilang sandali, napatingin si Ray kay Gerald habang nagtatanong, “…Ahm… may rason ba kung bakit tayo nandito…? Bakit hindi na lang tayo mag-book ng hotel room…?” Hu
Read more

Kabanata 1807

Bumalik ang atensyon nila kay Ray nang marinig nila ang nanginginig nitong boses na sinasabi “Nakakatakot, Mr. Crawford…!” Sumimangot si Gerald nang makita niya ang takot na takot na itsura ni Ray, bago niya sinabi, “Anong nakita mo?" "Oo nga, parang wala namang kahit ano sa paligid..." sabi ni Juno nang makaramdam din siya ng pagkataranta gaya ni Gerald. Gayunpaman, sigurado silang dalawa na ang nakita ni Ray ay hindi isang multo. Pagkatapos ng lahat, hindi nila naramdam ang kahit anong presensya ng multo. “Hin-Hindi rin ako sigurado... pero noong tumayo ako pagkatapos kong gumamit ng CR, bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin na dumaan sa akin... Pero… pagkatapos nito…” nanginginig na sinabi ni Ray at hindi na niya kayang tapusin ang kanyang pangungusap. "…Tapos ano?" tanong ni Gerald. “…A-Ano… Noong lumingon ako at tumingala… nakita ko ang isang pares ng mga duguang mata na nakatingin sa akin…! N-Nakakatakot…!” nauutal na sinabi ni Rey habang inaalala niya
Read more

Kabanata 1808

Tumango si Ray bago siya sumagot, "Kahit papaano..." Nakahinga ng maluwag si Gerald nang marinig niya iyon. Gayunpaman, nang humarap si Gerald kay Ray dahil may sasabihin pa sana siya, napagtanto nilang dalawa ni Juno na nakatitig si Ray sa isang bagay sa likuran nila... Sa sandaling iyon, naramdaman nila na may isang nilalang na malapit sa kanila... May mali talaga...! “Sa-Sa likod niyong dalawa…!” sigaw ni Ray nang sinenyasan niya sina Gerald at Juno na umiwas sa gilid at mabilis rin nilang hinila palayo si Ray. Nang makalayo sila sa tent, silang tatlo ay nanonood habang ang isang itim na figure ang tumalon ng mataas sa hangin... bago ito lumapag sa ibabaw ng kanilang campfire at pinatay nito ang apoy! Dahil sa kadiliman, takot na takot na sumigaw si Ray, “Siya-siya ang nakita ko kanina! Sigurado ako…!" Lalo lang naging makatotohanan ang sinabi ni Ray nang makita nilang kumikinang sa dilim ang isang pares kumikinang na kulay dugo na mga mata sa kadiliman... at nakatingi
Read more

Kabanata 1809

"Lumayo ka at hayaan mo akong harapin ito!" dagdag ni Gerald nang mabilis siyang humarap sa baboy-ramo na sumusugod sa kanyang direksyon dahil pinatay ni Juno ang kanyang torchlight. Habang pinagmamasdan ang matalas tusk mula sa nakabukang bibig nito—malinaw na plano nitong umatake kay Gerald at niya na ang isang kagat mula dito ay kayang pumatay ng isang tao o makapinsala sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito hahayaang mangyari ni Gerald. Umiwas si Gerald papunta sa gilid para ilabas ang kanyang Astrabyss Sword. Ang basic use ng espada ay upang harapin ang mga multo, pero naniniwala si Gerald na makakapinsala pa rin ito tulad ng isang regular na weapon. Kahit na mukhang mabangis ang baboy-ramo, ang napakalaking katawan nito ay masyadong mabagal at hindi ito flexible. Dahil dito, hindi na ito nakahinto matapos makaiwas si Gerald sa atake nito at dumiretso ito sa malaking puno! Habang nahuhulog ang napakaraming mga dahon sa lupa dahil sa impact ng baboy-ramo, alam n
Read more

Kabanata 1810

Umikot ang kanyang mga mata bago siya sumagot kay Gerald, "Hindi ito isang bagay… Ang mga cultivators ay mga taong nakikipag-ugnayan at pinapanatili ang kontrol sa mga multo at spirits..." “…Huh? Tulad sila ng mga... Ghost hunters? Yung parang nasa tv?" tanong ni Ray. "Parang ganoon na nga. Kung hindi mo pa alam, kami ni Miss Zorn ay mga cultivators!" sagot ni Gerald sabay tango. Dahil matagal na silang kasama ni Ray, naisip ni Gerald na mas maganda kung alam niya ang mga ganitong bagay. Naisip na rin ni Gerald na gawing cultivator si Ray pagdating ng panahon. Kung tutuusin, kapag naging cultivator si Ray, makakayanan niyang makipaglaban kaysa magtago kapag may malalakas silang kalaban. Alam ni Gerald na hindi mananatili si Juno sa tabi niya para protektahan siya sa buong buhay niya. Masyadong hindi makatotohanan ito! “…H-huh? Pareho kayong… mga cultivators?” dilat ang mga mata ni Ray nang tanungin niya ito. Nagpalitan sila ng tingin ni Juno bago sila ngumiti ni Gerald at t
Read more
PREV
1
...
179180181182183
...
252
DMCA.com Protection Status